Chapter 4

2278 Words
LJ LEGSON Sa sumunod na mga araw, naging mas aktibo si Esther May sa opisina. Mabilis siyang nakibagay sa trabaho, at tila hindi siya naapektuhan sa malamig kong trato. Sa bawat galit ko sa ibang empleyado, naroon siya, tahimik ngunit nagmamasid. Isang araw, habang abala akong nakatuon sa report ng kumpanya, bigla siyang pumasok sa opisina nang hindi kumakatok. "Ma’am, may nais po akong ipakita," sabi niya habang inilalapag ang isang folder sa mesa. "Ano ito? At bakit ka hindi kumatok?" malamig kong tanong. "Pasensya na po. Pero ito po ang nakita ko sa mga files. Mukhang may mali sa distribution records," aniya habang tinuturo ang isang column sa dokumento. Tiningnan ko ang papel at napansin ang isang error na maaaring naging dahilan ng pagkalugi namin sa ilang branches. "Sinong gumawa nito?" galit kong tanong. "Hindi po ako sigurado, Ma’am, pero iniisa-isa ko na ang lahat ng files. Baka po makatulong ito sa problema ng kumpanya," seryoso niyang sagot. Sa unang pagkakataon, napatigil ako. May kakaiba sa kanya. May gusto siyang patunayan. "Magaling. Pero siguraduhin mong tama ang lahat," sabi ko, ngunit sa loob ko, napahanga ako. Sa kabila ng lahat, tila may natutuklasan akong bagong pag-asa para sa kumpanya. Dalawang araw na simula nang dumating si Esther May, o mas kilala sa opisina bilang Emay. Ang daming nangyari sa maikling panahon, pero ang isang bagay na hindi nagbabago ay ang tigas ng ulo at kakapalan ng mukha niya. Hindi ko matandaan kung kailan huling may empleyado na hindi natatakot sa akin, pero itong babaeng ito, tila hindi marunong magpasindak. "Emay!" tawag ko habang pinupunit ang isang dokumento na mali ang pagkakagawa. Agad siyang pumasok sa opisina, dala ang notebook na parati niyang hawak-hawak. "Yes, Ma'am?" kalmado niyang tanong. Itinapon ko ang mga punit na papel sa mesa niya. "Ito ba ang klase ng trabaho na gusto mong ipakita sa akin? Napakababa ng kalidad! Sino'ng gumawa nito?" Tiningnan niya ang mga papel at binasa nang mabilis. Ilang segundo lang ang lumipas bago siya tumingin pabalik sa akin. "Ma’am, hindi po ako ang gumawa niyan. Kay Maureen po ‘yan, pero nagkataon lang na napunta sa akin matapos niya umalis," diretso niyang sagot. Wala ni katiting na kaba sa boses niya. "Excuses." Tumayo ako at dumiretso sa kanya. "Sa opisina ko, walang nagpapasa ng trabaho nang hindi muna sinisigurado ang bawat detalye. Hindi ko pakialam kung hindi ikaw ang orihinal na gumawa. Sa oras na mapunta ‘yan sa desk mo, responsibilidad mo na 'yan. Naiintindihan mo ba?" "Yes, Ma'am," mabilis niyang sagot, ngunit nakita ko ang liwanag sa kanyang mga mata—parang hindi siya nasindak. "Huwag kang ngumiti," madiin kong sabi. "Ayusin mo ‘yan bago matapos ang araw, o pareho kayo ni Maureen na lalabas dito." "Yes, Ma'am," muli niyang sagot. Tumalikod siya nang walang kahit anong pag-aalinlangan at lumabas ng opisina. Ano bang problema ng babaeng ito? --- Matapos ang isang oras, nagkaroon kami ng emergency meeting kasama ang ilang department heads. Gusto ko nang ibagsak ang buong sales report sa kanila dahil sa dami ng problema, pero nagulat ako nang si Emay ang nagboluntaryong mag-present. "Ma’am, pwede po bang ako na ang mag-discuss nito? May mga notes po ako sa mga discrepancies," sabi niya habang hawak ang laptop at isang folder. Tiningnan ko siya nang masama. "Bago ka makialam, siguraduhin mong tama lahat ng sasabihin mo. Kung may mali, ikaw ang papasan ng lahat ng problema. Naiintindihan mo?" Tumango siya. "Yes, Ma'am." Habang nagpe-present siya, hindi ko maiwasang mapansin ang linis ng pagkakagawa ng slides niya. Lahat ng detalye, maayos, at parang pinag-isipan. Habang nagtatagal ang meeting, napansin kong dahan-dahang tumatahimik ang mga department heads—lahat sila nakikinig sa bawat sinasabi niya. "Ma’am, based on my analysis, ang discrepancies po sa sales ay dahil sa over-ordering ng isang branch na hindi naman nakukuha ang projected demand. I propose na limitahan muna ang stocks na pinapadala sa mga underperforming stores habang nagpapalakas tayo ng marketing strategies sa mas malalakas na branches." Tahimik ang buong room. Ni hindi ako makapagsalita. She’s actually good. "Approve," sabi ko sa dulo ng presentation niya, pero hindi ko ipinakita sa kanya na impressed ako. Tumango lang ako at itinuro ang mga department heads. "Sumunod kayo sa plano niya. Gusto ko ng report sa akin by end of the week." Pagkalabas ko, narinig ko pa ang papuri ng ilang empleyado sa kanya. "Ang galing mo kanina, Emay," sabi ng isa. "Oo nga! Ang linaw ng mga sinabi mo." Hindi ko alam kung bakit, pero naiirita ako sa atensyong nakukuha niya. --- Kinabukasan, sinimulan ko na ang planong subukan siya nang husto. "Emay, gawin mo itong filing system. I-rearrange mo lahat ng files sa opisina mula noong 2020. Gusto ko alphabetical at chronological ang pagkakaayos. Deadline mo mamayang alas-singko." Tumango siya. "Yes, Ma'am." Pagbalik ko bago mag-alas-singko, nakita ko siyang kalmado pa rin habang nakatayo sa tabi ng filing cabinet. "Done, Ma'am," sabi niya. Sinilip ko ang mga drawer. Lahat maayos, walang kahit anong palpak. Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon sa loob lang ng isang araw. "May mali ka ba nakita?" seryoso niyang tanong. "Hindi pa ako tapos mag-check," malamig kong sagot. Pero sa totoo lang, wala akong mahanap na butas. --- Isang gabi, sinabi kong sasama siya sa isang dinner meeting para mag-take notes. Alam kong hindi niya alam na ang meeting na iyon ay kasama ang pinakamahirap kausap na kliyente ng kumpanya. Habang nasa meeting, sinadya kong siya ang ipa-explain sa isang proposal na hindi pa niya nababasa. "Emay, ikaw ang mag-explain sa kanila ng detalye," utos ko. Nagulat siya, pero hindi siya nagpakita ng takot. Tumayo siya, binasa ang mga papel na nasa harap niya, at nagsalita. Sa bawat sagot niya, halatang pinag-iisipan niya ang mga sagot kahit kulang ang impormasyon na nasa kanya. Sa dulo ng meeting, natahimik ang kliyente. "She’s good," sabi ng kliyente. "I think we’ll proceed with this." Habang pauwi, hindi siya nagsalita. Pero alam kong nararamdaman niyang sinusubukan ko siya. --- Noong isang araw, sinadya kong bigyan siya ng doble ng workload niya—mga trabahong hindi naman niya responsibilidad. Gusto ko siyang magkamali. Gusto kong makita kung hanggang saan ang pasensya niya. "Emay, gusto kong tapusin mo lahat ng ito ngayong araw," sabi ko habang tinatambakan siya ng mga folder. "Yes, Ma'am," kalmado niyang sagot. Pero noong hapon, napansin kong wala pa rin siyang tigil sa pagtatrabaho. Kahit haggard na ang mukha niya, hindi siya tumigil. Alas-sais na, pero nakita ko pa rin siyang nagta-type sa kanyang computer. Lumapit ako sa kanya. "Emay, bakit ka pa nandito? Wala ka bang buhay?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin. "Gusto ko lang po tapusin ang trabaho ko, Ma'am. Ayokong may maiwang problema para bukas." May kung anong kumirot sa loob ko. Pero agad kong binalewala iyon. --- Sa mga sumunod na araw, napansin ko ang malaking pagbabago sa takbo ng opisina. Mas naging maayos ang sistema, at tila lahat ng empleyado ay may bagong sigla sa pagtatrabaho. Hindi ko alam kung bakit, pero alam kong may kinalaman si Emay dito. Sa wakas, napilit niya akong tanggapin ang katotohanan. Kahit anong subok ko, kahit anong hirap ang ibigay ko, hindi siya natitinag. Hindi niya ako sinusubukang magustuhan, pero binibigyan niya ako ng rason para siya’y respetuhin. Minsan, habang tinitingnan ko siya mula sa bintana ng opisina ko, napaisip ako. Maybe she’s exactly what this company needs. Maybe she’s what I need. Pero hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong makita iyon. Hindi siya dapat magpahinga, hindi habang nandito ako. At hindi habang siya ang dahilan kung bakit unti-unti akong nagiging mas mabuting boss—kahit hindi ko pa siya sinasadyang gustuhin. Lj Legson "Hello bro, nasa coffee shop ba kayo?" tanong ko kay Vhiel sa telepono. "Oo bro, pupunta kami diyan ngayon para sa welcome party ng bago mong empleyado," sagot niya, may bahid ng pang-aasar sa tono. Nakagawian na naming i-welcome ang mga bagong empleyado sa kumpanya ko. Hindi ko man ito gustong gawin, pero mapilit sila. Sa aming tatlo—ako, si Vhiel, at ang pinsan kong si Rich—laging sa kumpanya ko nagkakaroon ng turnover ng empleyado. Siguro nga, dahil mas mataas ang expectations ko sa kanila. Masyadong mainit ang ambiance ng opisina kanina, pero hindi ko maalis ang atensyon ko sa bagong empleyado ko. Matibay ang loob niya—hindi man lang siya naluha o nataranta kanina. May gana pang ngumiti. Nakakainis. Nakasandal ako sa pader malapit sa elevator nang mapansin ako ni Frem, isa sa mga masipag kong empleyado. "Ma’am LJ, anong ginagawa mo dito?" tanong niya. "Nakita mo naman akong nakatayo, nagtatanong ka pa," mataray kong sagot. "Hehe, oo nga po, Ma’am. Gusto niyo po ba kuhanan kita ng upuan para hindi ka mangawit?" "Sa halip na mag-alok, pumunta ka sa taas at sabihin sa lahat na may lunch party para sa bagong empleyado. Tapusin ang trabaho bago magtanghali dahil siguradong may mga malalasing na naman." "O-opo, Ma’am!" agad niyang sagot at tumakbo palayo. Pagbalik niya sa department, narinig kong sumigaw si Frem, "Guys, announcement! Tapusin na ang mga dapat tapusin dahil may pa-lunch party mamaya!" "Wooh! Eto ang maganda, eh! Laging may pa-party!" sabi ni Louisa. "Ay, nako! Malalasing na naman kayo. Ayoko nang mag-alaga ng lasing," reklamo ni Elsa. Narinig kong binubuyo si Emay, ang bagong empleyado, na makikilala raw niya ang mga kapatid ko, sina Vhiel at Rich. Hindi na ako nakatiis. Lumapit ako at tinignan sila nang masama. "Ano? Tapos na ba kayong pag-usapan ako?" tanong ko, at nagbalik lahat sa kanilang cubicle. Lahat sila umiwas ng tingin maliban kay Emay. Chin-up pa itong tumitig sa akin. Kumunot ang noo ko. Ang tapang! Lumapit ako sa mesa niya. Yumuko ako, tinukod ang palad ko sa lamesa, at tinanong, "Ikaw? Na-organize mo na ba ang lahat ng pinapagawa ko?" "May konti pa po, Ma’am. Nagulo kasi ang mga petsa," sagot niya, saka nagbaba ng tingin. Lumampas ako sa kanya at pairap siyang tinignan. --- Pagdating ng lunch party, naging masaya ang lahat. Hindi ko napigilang mapansin si Emay—simple lang ang kilos, pero may dating. Tahimik siyang kumakain nang mapansin ko ang ginawa niya sa plato ko. Nilagyan niya ito ng pritong talong na may sawsawan. "Ma’am, kainin mo 'yan," sabi niya, nakangiti. Napatigil ang lahat, nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung nagulat sila o naintriga. Tumingin ako sa kanya, at sa halip na kumontra, kinain ko ang talong. Napangiti siya nang bahagya. Hindi ko maipaliwanag, pero ang ngiti niya ay parang nakakagaan ng araw. Habang abala ang lahat sa pagkain, si Rich ay mas lalong naging pasimuno ng tawanan. Nakapuwesto siya sa tabi ni Avon, at panay ang biro nito sa mga kasama. Si Vhiel naman ay nasa kabilang dulo, nakikipag-usap kay Aljed tungkol sa susunod nilang proyekto. "Guys, eto ang pinakamasarap na pagkain!" sigaw ni Louisa habang inaangat ang isang malaking hipon. "Para sa mga nagpapanggap na allergic, sayang kayo!" "Naku, Louisa, baka ikaw ang ma-allergic diyan. Huwag ka ngang greedy!" sagot ni Frem na ikinatawa ng lahat. Napansin kong tahimik pa rin si Emay. Bagamat ngumingiti siya paminsan-minsan, halatang nahihiya siya sa paligid. Nasa tabi ko siya, at hindi ko maiwasang mapansin ang paraan ng pagkain niya—mabagal, maayos, parang ini-enjoy ang bawat subo. "Emay, bakit tahimik ka lang?" tanong ni Avon. "Dapat masanay ka sa ingay ng marketing team. Baka sabihin mo masyado kaming wild!" Ngumiti lang si Emay at tumugon, "Hindi naman po. Natutuwa nga ako sa teamwork niyo." "Teamwork? Naku, ewan ko kung 'teamwork' ba ang tawag sa ginagawa namin. Siguro 'troublework'!" biro ni Louisa, na ikinatawa muli ng grupo. --- Nang malapit nang matapos ang kainan, nagsimula nang magbukas ng mga bote ng beer si Rich. "Inuman time na!" sigaw niya, hawak ang isang bote ng SanMig. Kumuha ako ng isang bote at iniabot kay Emay. Nagulat siya, pero tinanggap din ito. "Cheers para sa bagong kapamilya!" sigaw ni Rich, sabay taas ng bote. "Cheers!" halos sabay-sabay na tugon ng lahat. Si Vhiel naman, hawak ang soft drink niyang in-can. "Cheers din, kahit pambata lang 'to," biro niya. "Hay naku, pambata ka talaga, Vhiel!" kantyaw ni Rich. Tawanan ulit ang lahat, pero biglang nagsitahimik nang tumingin ako sa kanila. Seryoso kong tinitigan si Rich. "Ikaw, Rich, ayaw ko ng mukbangan ng labi habang lasing, ha." "Haha! Hindi na mauulit 'yun, promise!" sagot niya habang tumatawa. --- Nang tumagal, dumami ang mga lasing. Napansin kong si Emay ay umiiwas pa rin sa alak, dahan-dahan lang niyang iniinom ang bote niya. Nang matapos na ang party, nagsimula nang magligpit ang cleaners, at nagulat ako nang makita kong tumutulong pa si Emay. "Hayaan mo na sila diyan. Hindi mo na trabaho 'yan," sabi ko, mahigpit ang tono. "Okay lang po, Ma’am. Para mas mabilis matapos," sagot niya, may bahagyang ngiti sa labi. Hinila ko siya palabas ng function hall. "Masyado kang matigas ang ulo. Sino ba ang boss mo dito?" tanong ko, nakatingin nang diretso sa mata niya. "Pasensya na po, Ma’am. Kukunin ko lang ang gamit ko at uuwi na rin ako." --- Bago siya umalis, naisip kong ihatid siya. "Saan ka ba uuwi? Ihahatid kita." "Naku, hindi na po, Ma’am. Nakakahiya." "I insist. Ayaw kong inaayawan ako," sabi ko, matalim ang tingin sa kanya. Wala siyang nagawa kundi sumang-ayon. Habang nakaangkas siya sa motor ko, tahimik siya, pero ramdam ko ang pag-aalangan niya. Nang tumigil kami sa tapat ng kanyang bahay, nagpasalamat siya nang may maliit na ngiti sa labi. "Bye, Ma’am. See you tomorrow," sabi niya bago pumasok. Seryoso akong tumango, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaisip. Ano ba itong ginagawa ko? At bakit parang hindi ako naiinis sa kanya ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD