Chapter 5

1306 Words
Esther May Mapilit si Ma’am LJ na ihatid ako, kaya wala naman akong magagawa pa. Sumampa na ako sa kanyang motor nang paside dahil naka-skirt ako ng lampas tuhod. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay at ipinatong ito sa kanyang tiyan. "Dito na lang sa likod ng motor ako hahawak, Ma'am. I can balance naman," sabi ko, ngunit tila bingi ito at muling kinuha ang kamay ko, saka biglang pinaandar ang motor. Napayakap tuloy ako sa kanya. "Ayaw ko ng maarte," masungit nitong saad. Naamoy ko ang pabango niya na halatang mamahalin. Inilipat ko ang aking hawak sa kanyang balikat dahil naaasiwa ako sa paggalaw ng kanyang tiyan. "Huwag ka diyan humawak. Baka mahila mo braso ko. Gusto mo bang maaksidente tayo?" tanong nito nang mataray. "Hays, Lord, ang sungit naman. Nanggigigil na ako," sabi ko sa isip ko. Muli kong ibinaba ang aking kamay at humawak sa kanyang bewang. Ramdam ko ang pag-alon ng kanyang tiyan tuwing nagpepreno ito. Mga 20 minuto ang lumipas bago namin narating ang apartment. Alam niya ang tinitirhan ko dahil sinabi ni Ma’am Sandra na dati itong tinirhan ni Ma’am LJ noong hindi pa ito nakakabili ng sariling bahay. "Sige na, pumasok ka na sa loob. Huwag mong kalimutang dalhin ang helmet bukas," utos nito bago mabilis na umalis. "Tse, sungit!" sigaw ko nang makalayo na ito. "Ano ulit sabi niya? Dadalhin ko tong helmet bukas? Eh jeep ang sasakyan ko. Nakakahiya namang nakahawak ng helmet tapos magko-commute ako. Arrgh! Sana kinuha na lang niya." --- Pagpasok ko sa loob, napabuntong-hininga ako. "Feeling tired... Nakaka-stress ang ambiance sa loob ng opisina kapag may LJ Legson sa paligid. Hays." Sakto namang nag-ring ang cellphone ko. Calling Cess... "Hello, Cess! Napatawag ka?" tanong ko. "Emay, babalik ako diyan!" masayang balita ni Cess. Naulinigan ko kanina na nag-usap si Ma’am Sandra at ang tigre na yon na ibabalik si Cess para tapusin ang mga nasimulan niya. Madaming nakatambak na trabaho, lalo na sa inventory dahil siya ang naka-assign doon. "See you, Cess! Dapat pala madaming pasensya ang binaon ko sa company na ‘yon. Isang araw pa lang, ubos na agad sa boss pa lang," naiinis kong kwento. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Pfft! Sinabi mo pa. Nakaka-depress din minsan kapag nagagalit ‘yon. Akala mo nakagawa ka na ng krimen kung magalit." "Hays, sana nga makayanan ko kahit tatlong buwan lang talaga." "Basta, see you around na lang sa JRVCC. Puro ako sa inventory ngayon kaya baka hindi na ako magawi sa second floor kung nasaan ang office n’yo. Basta, more pasensya na lang kay Ma’am LJ. Dibale, maganda naman." "Hmmp! Maganda nga, pero ang pangit naman ng ugali!" sagot ko. Napatawa siya sa sinabi ko, at nagpatuloy pa kami sa mahabang kwentuhan bago kami nagpaalam sa isa’t isa. --- --- Kinaumagahan, maaga akong dumating sa opisina. Tila nanibago ako sa katahimikan sa paligid. Kadalasan, naririnig ko na ang halakhak at pagbibiruan nina Louisa at Adrian sa ganitong oras, pero ngayon ay parang may kakaiba. Pumasok ako sa opisina at nadatnan si Avon na inaayos ang kanyang mga gamit. "Hi, Emay! Magandang umaga!" masigla niyang bati sa akin. Maganda talaga si Avon. Bumagay sa kanya ang maikli niyang buhok, at halata ang alaga niya sa katawan. "Magandang umaga din sa’yo, Avon," sagot ko, sabay ngiti. "Ang ganda naman ng bagong empleyado na ‘yan!" biglang sabi ni Louisa, habang hinihimas ang baba at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Medyo nailang ako sa kanyang titig. Suot ko ang itim na dress na medyo humapit sa katawan, lampas tuhod ang haba, at manipis na puting blazer. May suot din akong sandal na may takong. "Naku, girl! Masanay ka na diyan kay Louisa. Ganyan na ‘yan makatingin," mahinang tawa ni Avon habang hinawakan ang braso ko. "Hindi ko kayo sinasahuran para pumasok dito na magtsismisan!" biglang singhal ni Ma’am LJ mula sa pintuan ng kanyang opisina. Agad nagsitakbuhan ang lahat sa kani-kanilang mesa para ituloy ang trabaho. Ako naman ay nanatili sa aking puwesto dahil nakaharang siya sa mesa ko. "Ikaw? Kabago-bago mo pa, pero ganyan na ang inaasal mo. Kung si Mama tuwang-tuwa sa’yo, ibahin mo ako, Emay," sabi niya, habang nakatitig nang masama. "Ba’t hindi ka pa kumikilos?" dagdag niya, sabay pandilat sa akin. "E-Eh, Ma’am, you're blocking my way," mahinang sagot ko, sabay ngiti nang kaunti. Lumingon siya sa mesa ko, saka tumalikod at pumasok muli sa opisina niya. --- Pagkalipas ng ilang oras, tinawag ako ni Avon. "Emay, pinapatawag ka ni Ma’am LJ. Pasok ka raw sa opisina niya," sabi nito na parang nag-aalala. "Good luck!" biro naman ni Adrian. "Kaya mo ‘yan. Kapag butcher mode na siya, isipin mo na lang na parang... seminar sa horror movies!" Napailing na lang ako bago pumasok sa opisina ni Ma’am LJ. Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay ng sagot bago pumasok. "Ma’am, anong ipag-uutos niyo?" tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili. "Maupo ka," malamig niyang tugon habang abala sa kanyang laptop. Iniabot niya sa akin ang isang papel. "I-add mo ako sa lahat ng account mo. Doon ako magse-send ng mga files na ipapagawa ko," utos niya. Hindi ko agad kinuha ang papel, kaya inilapag niya ito sa mesa. Dinampot ko na lang ito kaagad. "Okay, Ma’am. May iba pa po ba kayong ipag-uutos?" tanong ko. Sumenyas siyang lumabas na ako. Tumango ako at nagsabi ng, "Sige po, Ma’am," bago lumabas ng opisina. --- Pagdating ng lunch break, naisip kong magpahinga muna. Nagpunta ako sa canteen para kumain. Nakasalubong ko si Avon na mukhang may iniisip. "May space pa?" tanong ko nang makita kong puno na ang kanilang mesa. "Aww, wala na yata. Wait, ihanapan kita," sabi ni Adrian, pero napatigil siya nang mapansin ang bakanteng upuan sa mesa ni Ma’am LJ. "Come and sit here," sabi ni Ma’am LJ, malamig na nakatingin sa akin. "Makikipagsiksikan ka pa diyan?" Hindi ko alam kung paano magre-react, pero umupo na rin ako. "Sige na, Emay," kalabit ni Avon. "Ayaw ni Ma’am ang hinihindian." Habang kumakain, napansin kong burger lang at tubig ang nasa tray niya. Naiilang man ako, pero kailangan kong kumain dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko. Inisip ko na lang na kapwa ko empleyado ang kaharap ko sa mesa. Tumunog ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagchat. "Hi, Maytot, kumusta ang work mo diyan sa RJV? Balita ko magaganda mga CEO ng mga establishment na 'yan." — Kurt Napangiti ako sa chat nito, kaya bahagya kong ibinaba ang hawak kong kutsara at tinidor para replyan ang chat nito. Nakangiti ako habang nagta-type. "Oo, actually I met them yesterday pero kakaiba tong boss ko, ipinaglihi at sa sama ng loob." — sent Ibinaba ko ulit ang phone at saka ko itinuloy ang pagkain, nakalimutan kong kaharap ko pala ang boss ko. "Bakit masungit ba? Sabihan mo akong kapag sinusungitan ka ha, puputulin ko sungay niyan 😈😂✌" — Kurt Hinawakan ko ulit ang phone at muli ko itong nireplyan. Nakangiti ulit ako. "Sira ka talaga, keri ko pa naman eh." — sent Muli kong ibinaba ang phone ko at hinawakan ang kutsara. Nagulat ako nang bigla niyang dampotin ang cellphone ko na nakapatong sa mesa. "Boss, ang cellphone ko!" agad kong sabi, ngunit hindi siya sumagot. Ibinulsa niya ito sa kanyang coat at tumayo. Lumingon siya sandali, sabay sabing, "Tapusin mo na ‘yang pagkain mo." Tumalikod siya at tuluyang umalis. --- Pagkatapos ng lunch, naging abala ulit ang lahat. Dumating ang order ni Ma’am mula sa Thailand, at may meeting siya mamayang alas-kwatro kasama si Mr. Martinez. "Emay, sasama ka sa meeting ko," sabi niya nang tawagin niya ako sa opisina niya. Tumango ako at sinabing, "Okay po, Ma’am." Habang naghahanda, hindi ko mapigilang mapansin ang titig niya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin ngunit pinipigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD