GWEN’S POV Pagkatapos ng aming pag-uusap ni Daniel ay naging mas maayos ang aming samahan bilang magkaibigan. Nagkita na rin silang muli ni Professor at nagkausap. Sa palagay ko ay wala ng naging maganda rin ang naging resulta ng kanilang pag-uusap dahil hindi niya na ako pinapagbawalan na makipag-usap kay Dan. “Jas,” tawag ko kay Professor habang inaayos ko ang kanyang kurbata. Nakasanayan ko na rin kasi na ayusin ang mga damit niya pampasok kahit na sinabihan niya na ako na hindi ko kailangang gawin iyon. “Hmm.” “Anong pinag-usapan ninyo ni Dan?” “Why are you asking?” “Wala naman. Dati kasi ayaw na ayaw mo na nakikipag-usap ako sa kanya,” sabi ko rito. “Do I still need to be jealous? Dinadala mo na ang magiging anak natin, I'm sure he won't get you away from me. Besides, you

