Hindi ko alam kung paano ko naitago ang disappointment at sakit na naramdaman ko sa araw na iyon. Masaya ang lahat sa bahay-ampunan nang tinulungan ako sa pag-eempake sa gabing iyon. At lalo lang nadurog ang puso ko dahil hindi ko masabi ang totoo.
Sobrang bigat pala sa pakiramdam na wala kang mapagsabihan tungkol sa nararamdaman mo. Sobrang bigat pala at sobrang hirap magpanggap na ayos ka lang kahit hindi naman totoo.
"Mag-iingat ka palagi, anak.." Niyakap ako ni Nanay Rosario. "At tumawag ka kapag may oras ka."
Huminga ako nang malalim at yumakap din nang mahigpit.
Hindi madali ang desisyong ito para sa akin. Sa kanila ako lumaki at sila ang itinuturing kong pamilya, kaya mahirap sa akin na iwan sila.
Sa katunayan, nagdalawang-isip ako buong gabi kung itutuloy ko pa ba ang pag-alis ko. Siguro mas madali ang lahat ng ito kung alam kong masaya ako sa gagawin ko sa Maynila. Pero pagkatapos makiusap nila Mrs. Palma sa akin ay hindi na nawala ang bigat sa aking dibdib.
Pupunta ako sa Maynila dahil sa pangarap ko pero sa isang iglap ay hindi pala iyon pwede. Sa isang iglap ay kailangan kong baguhin ang mga desisyon ko at hindi iyon madali.
Kung hindi ko rin pala makukuha ang gusto kong kurso, sana ay nanatili nalang ako rito. Pero huli na ang lahat para bawiin ang desisyon ko. Masyado nang malaki ang nagastos nila para sa paglipat ko. At ang pinakamasakit ay wala akong magawa dahil sa malaki ang utang na loob ko.
"Bakit ka umiiyak?" Agad nitong pinunasan ang mga luha ko.
Nagulat din ako dahil umiiyak na pala ako.
"Tatawag po ako palagi. Maglalaan po ako ng oras," sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko.
"Amethyst, para sa mga pangarap mo ito. Kailangan mong magpakatatag, kailangan mong maging matapang. Sa ganoon ka matututo, anak.."
Kinagat ko nang mariin ang labi ko para pigilan ang pag-iyak. Tumango ako at pilit na pinakalma ang sarili.
Ngumiti si Nanay Rosario at muli akong niyakap bago ibinigay ang maleta ko. "Sige na, naghihintay sila Mrs. Palma sayo." Sumulyap ito sa likuran ko kaya napatingin na rin ako.
Ngumiti sa amin si Mrs. Palma na naghihintay sa akin.
Muli akong humarap kay Nanay Rosario at tuluyan nang nagpaalam. Baon ko sa aking pag-alis ang mga salitang binitiwan niya. Baon ko ang pag-asa na may magandang kinabukasan na nag-aabang para sa akin.
"Amethyst!" Sinalubong ako agad ng yakap ni Casi nang tumigil ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking bahay.
Halos hindi pa rumerehistro sa isip ko na dito ako titira. Doble ang laki nito sa bahay-bakasyunan nila sa Oriental Mindoro.
"You're finally here!" Puno ito ng excitement habang hinihila ako.
Pagod akong ngumiti sa kaniya. Hindi ko inasahan na kahit mabilis ang byahe dahil sa pagsakay ng eroplano ay nakakapagod pa rin pala. Puyat ako dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi at hindi rin ako nakatulog sa byahe dahil abala ako sa pagkakamangha sa mga bagay.
First time kong makasakay sa eroplano kaya hindi ko nakaligtaang kumuha ng mga litrato. First time ko rito sa Maynila kaya rin buong byahe ay nakatanaw ako sa labas ng bintana—sa mga naglalakihang gusali at billboards, at sa mga sasakyan.
"You must be tired! Let's go, I'll show you your room!" Excited niya akong hinila papasok sa malaking bahay.
Halos malula ako nang makapasok na kami. Doble nga ang laki nito sa bahay nila sa probinsya, doble rin sa ganda at sa mga mamahaling gamit. Pero dahil sa excitement ni Casi na madala ako sa kwarto ko ay hindi na rin ako masyadong nakapagtingin pa sa paligid.
Umakyat kami sa hagdanan at nakarating sa ikalawang palapag ng bahay na puno ng mga silid. Pare-pareho ang mga pintuan na pakiramdam ko ay malilito ako at maliligaw. Pero nang tumigil kami sa kwarto ko at nakita ko ang pangalan kong naka-engrave sa pintuan ay nakahinga ako nang maluwag. Binuksan iyon ni Casi at agad akong hinila papasok.
"This is your room!" Nakangiti nitong inilahad ang napakalaking kwarto sa akin.
Napakurap ako at halos hindi makapaniwala.
Malaki ang kwarto, kasing laki ng kwarto niya sa bahay nila sa Mindoro. Maganda at malinis..at pakiramdam ko ay panaginip.
"S-Sa akin ito?" hindi makapaniwala kong tanong.
Ngumiti ito at tumango. "How is it? Do you like it? Ako ang nag-design nito!"
Nanghina ako. Pakiramdam ko ay mali na sumakit ang loob ko dahil sa hiling ng mga magulang niya sa akin kahapon. Pakiramdam ko ay mali na naramdaman ko iyon.
Hindi ko deserve si Casi. Hindi ko deserve ang mga bagay na ito. Kahit anong gawin ko ay hindi ko maiintindihan kung bakit ganito niya ako itrato.
Ngayon ay mas naiintindihan ko na kung bakit mahal na mahal siya ng mga magulang niya. At mahal na mahal ko rin siya kaya ngayon ay mas madali nang tanggapin ang gusto nilang mangyari.
Huminga ako nang malalim at niyakap siya. "Thank you, Casi.."
Niyakap niya rin ako nang mahigpit. "Welcome to Manila, Amethyst."
Hinayaan niya akong magpahinga sa araw na 'yon. Maghapon yata akong tulog at gabi na nang ginising ng kasambahay para sa hapunan.
Matagal bago ako natapos maligo dahil hindi ko maiwasang mamangha sa paligid ko. Sobrang laki ng kwarto at pati ng bathroom kaya pakiramdam ko ay matatagalan akong mag-adjust doon. Nagtagal din ako sa pagbaba lang sa magarbong hagdanan kaya naman nang nakarating na sa dining area ay sinimangutan ako ni Casi.
Agad akong lumapit sa mahabang lamesa at bumati kina Mr. at Mrs. Palma, "Magandang gabi po."
Ngumiti si Mrs. Palma sa akin at itinuro ang upuan sa tabi ni Casi. "Good evening, Amethyst. You can sit beside Casidy."
Agad naman akong lumapit at nang nakaupo na ay maagap akong pinagsilbihan ng kasambahay na naka-uniporme. Nagsalin ito ng juice sa baso ko at nang maglalagay na ng kanin sa pinggan ko ay pinigilan ko na ito.
"Kaya ko na po." Nilingon ko siya at nginitian kaya tumango ito at umatras na.
"How's your sleep, hija? Do you like you room?"
"Uhh maayos po at maganda po ang kwarto. Thank you po."
Ngumiti ito at sumulyap kay Casi sa tabi ko. "Casidy designed your room but if you want some changes, you can tell the maids so they can help you."
Mabilis akong umiling. "Hindi na po, ayos na po iyon."
Ngumiti naman ito at tumango. Hindi nagtagal ay silang mag-asawa na ang nag-uusap habang tahimik naman akong nagsimulang kumain.
Sa kalagitnaan ng katahimikan ay sumulyap ako kay Casi. Nakapagtatakang tahimik siyang kumakain sa tabi ko dahil kadalasan ay nagkukwentuhan kami kapag sabay na kumakain sa probinsya. Pero bago ko pa siya matanong ay nag-vibrate na ang cellphone ko dahil sa mensaheng natanggap mula kay Shaun.
Uminom ako ng tubig bago iyon binuksan at nagulat ako nang mabasa ang message niya sa akin.
From: Shaun Yuzon
What happened, A? I heard from Casidy that you want to take a different course. Bakit nagbago ang isip mo?
Sa halip na mag-reply ay agad akong napabaling kay Casi.
"Casi—" naputol ang sasabihin ko nang tumayo na ito.
Napatingin sa amin ang mommy't daddy niya.
"I'm done eating, Mom, Dad, I'll go back to my room now." Agad itong umalis at hindi na ako ulit tinignan.
Nagkatinginan kami ni Mrs. Palma at napabuntong-hininga nalang ito. "I'm sorry, Amethyst. Nabanggit ko sa kaniyang nagbago ang isip mo. I think you two should talk."
Tumango ako at tumayo na rin agad para sumunod naman kay Casidy. Nagpa-excuse ako at halos tumakbo na para maabutan siya.
Kaya pala tahimik ito at hindi man lang ako binati. Ni hindi ko pa nga alam kung paano ako magdadahilan.
"Casi.." tawag ko sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin. Dumireto siya sa kwarto niya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod.
"Casi, sorry hindi ko nasabi agad.." habol ko.
Tumigil siya nang sa wakas ay nasa loob na kami ng kwarto niya. Huminga siya nang malalim at hinarap na ako. "We already planned things out, Amethyst, why did you change your mind?"
Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag. Ni hindi pa ako nakakaisip ng pwedeng dahilan, ni hindi pa ako nakakapag-sinungaling nang ganito sa buong buhay ko.
"And I thought it's your dream? What happened? Anong course ang kukunin mo kung hindi Fine Arts?"
Hindi ko din alam..
Gusto kong sabihin sa kaniya ang totoo pero anong mararamdaman niya kapag nalaman niya iyon? Baka magalit siya sa parents niya at ayokong mangyari 'yon..
Sobrang bigat ng dibdib ko ngayon. Kinagat ko nang mariin ang dila ko para lang hindi ako maiyak. Huminga ako nang malalim para pigilan ang pagiging emosyonal.
Umiling ako. "Hindi ko pa alam. Marami pa namang ibang course. Naisip ko kasi na mas praktikal kung related sa mga in demand na trabaho ang kursong kukunin ko."
"It's not about what's in demand, it's about what you want, A."
Malungkot akong ngumiti. "Hindi ako mayaman katulad mo, Casi. Hindi pwede kung ano ang gusto ko. Kailangan kong maka-graduate at makapagtrabaho para makatulong sa bahay-ampunan."
Huminga siya nang malalim. Nagbago ang ekspresyon sa mukha niya na parang na-realize niya na may punto ang sinabi ko.
"Wala akong pribilehiyo katulad mo.."
Lumapit siya sa akin at humawak sa kamay ko. "Sorry.."
Parang lalong nanikip ang dibdib ko, hindi dahil sa paghingi niya ng sorry, kundi dahil na-realize kong may punto nga ako.
Ang mga katulad kong mahirap at maraming obligasyon ay walang karapatang mangarap ng madaling buhay. Kailangan kong mag-aral at magtrabaho. Kailangan kong kumuha ng kurso na naaangkop sa buhay ko.
"I'm really sorry, ang babaw ko. I'll help you talk to Tita Glacier about it. And I'll ask for Mom's help to find you—"
Umiling ako. "Hindi na kailangan. Tatanggapin ko ang offer ni Mrs. Joann sa taekwondo team."
Nanlaki ang mga mata niya. "What do you mean? You'll be a part of the taekwondo team?"
Tumango ako.
"But that's tiring. I heard being a student athlete is hard!"
Ngumiti ako. "Kakayanin ko."
"Pero A.."
"Ayos lang, Casi. Sobra-sobra na ang tulong ng parents mo sa akin kaya okay na rin ang pagiging member ng varsity para sa scholarship at allowance. At black belter na ako kaya ayos lang."
Huminga siya nang malalim at niyakap ako. "This is why I love you, you're so dedicated!"
Tipid akong ngumiti at yumakap na rin. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil nakapagpaliwanag ako. Pero ang isip ko ay puno ng pangamba dahil hindi ko alam kung sapat ba ang dedikasyon para sa mga pangarap ko at kung tama ba ang direksyong tatahakin ko.
Sa gabing iyon ay nag-usap kami tungkol sa enrollment at sa mga gagawin namin sa mga susunod na araw. Nagplano kaming mamimili ng mga damit bukas dahil walang uniform sa Genesis University. At sa susunod na araw naman ay mga gamit ang bibilhin namin.
Akala ko ay maayos na ako pagkatapos naming magkwentuhan at magplano sa gabing iyon pero nang makabalik na ako sa kwarto ko at muling napag-isa ay hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng emosyon ko.
Sunod-sunod sa pagpatak ang mga luha ko kahit ilang beses kong sinubukang punasan ang mga iyon. Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Agad kong nabasa ang mga texts mula kay Nanay Rosario na nangagamusta sa pagdating ko dito sa Maynila at lalo akong naging emosyonal dahil sa mga iyon.
Umiiyak akong nagtipa ng reply para magkwento tungkol sa mga tanawin. Pumapatak ang mga luha sa screen ng cellphone habang sinasabi kong masaya ako at excited, kahit na ang totoo ay sobrang sakit ng dibdib ko.
From: Nanay
Magpahinga kana, hija. Magpakatatag ka dahil para sa kinabukasan mo ang lahat ng iyan. Mahal na mahal ka namin at palagi ka naming ipagdarasal.
Niyakap ko ang cellphone nang humiga ako sa gabing iyon. Iniyak ko ang lahat ng sakit hanggang sa pagtulog kaya naman naging magaan ang pakiramdam ko sa sumunod na araw.
Katulad ng napag-usapan namin ni Casi ay namili kami ng mga damit at gamit. Tatlong araw kaming pabalik-balik sa mall at hindi ko na halos mabilang kung ilang damit na ang napamili namin. Lahat ay binayaran niya kahit na ayaw ko. Dinala niya rin ako sa salon sa sumunod na araw para ipa-treatment ang buhok ko at para na rin magpa-manicure at pedicure bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.
Unang beses kong nasubukan ang mga bagay na iyon kaya naman masaya ako. Pero bumabagabag sa akin ang mga nagastos niya kaya naman sa sumunod na araw ng pag-aaya niya ay tumanggi na ako. Sa huli ay nanatili kami sa bahay at kahit paano ay nakapag-pahinga.
Nagkita-kita kami nila Shaun sa university sa araw ng enrollment sa sumunod na linggo. Niyakap niya ako agad at ang una niyang tanong ay ang kursong ipapalit ko sa Fine Arts.
Huminga ako nang malalim dahil simula noong araw na nalaman niya ay hindi na siya tumigil sa pangangamusta sa akin na para bang alam niyang may nangyari na nakapagpabago sa desisyon ko. Pero hindi ko nagawang sabihin sa kaniya ang totoo dahil alam kong hindi siya matutuwa at ayaw ko rin na magbago ang tingin niya sa mga magulang ni Casi.
"Architecture?" hindi makapaniwala nilang tanong nang mag-fill up ako ng form.
Tumango ako at ngumiti sa kanilang dalawa. "Malaki ang sahod ng mga architect at kahit paano ay related pa rin naman sa arts."
Nagtagal ang titig sa akin ni Shaun na parang binabasa ang nasa isip ko.
Idinaan ko nalang iyon sa tawa. "Ayaw mo ba? Architecture din ang kukunin mo, diba? Ibig sabihin pwede tayong maging magkaklase."
Huminga siya nang malalim at napailing.
"Ang daya niyo! Ibig sabihin mag-isa ako sa department ko?" maktol ni Casi.
Ngumiti ako sa kaniya. "Hindi ba Fine Arts din ang course ni Rivers?"
Nawala ang pagkakakunot ng noo niya. Malawak siyang ngumiti sa amin ni Shaun.
"Nasaan na siya? Akala ko sabay kayong mag-eenroll?" tanong ko dahil nabanggit niya iyon sa akin kagabi.
Lumingon siya sa paligid at sumulyap sa kaniyang cellphone. "I'll wait for him here. He said he's on his way."
"Then I'll take Amethyst with me. Sabay na kaming mag-eenroll."
Ngumiti ito sa amin at tumango. "Alright, take care of our girl, Shaun." Bumaling ito sa akin. "I'll call you later, A. Take your time looking around the school too, sasamahan ka ni Shaun."
Natawa ako dahil tunog excited siya at alam ko naman kung bakit.
"Let's go, A."
Tumango ako at nagpaalam na kay Casi. Sumunod ako kay Shaun dahil hindi ko alam kung saan ang Architecture building. Pero nagulat nalang din ako dahil mukhang alam niya kung saan iyon kahit hindi naman siya nag-highschool dito.
"Mukhang kabisado mo rito," sabi ko nang pumasok na kami sa double glass doors ng building.
"My cousins and friends are in this school. I come here occasionally."
Tumango ako at biglang naalala na dito dapat siya sa Maynila mag-aaral ng senior high pero ipinilit niyang manatili sa Oriental Mindoro noon. Hindi ko alam kung bakit hindi niya rin magawang iwan ang probinsya kahit na alam kong mas kumportable ang buhay niya rito sa Maynila.
Nang makapasok kami ay bumungad sa akin ang lamig sa loob ng building. Nakakapanibago iyon dahil nasanay ako sa maiinit na buildings sa mga paaralang pinasukan ko sa probinsya.
Bukod sa nakakapanibagong lamig ay bago rin sa mata ko ang kalinisan at disenyo ng paligid—malawak ang tanggapan sa unang palapag, may mga sofa at lamesa, may dalawang naglalakihang TV screen sa harapan kung saan may naka-play na video tungkol sa mga estudyante, may dalawang hagdanang magkaharap sa gitna, parehong patungo sa pangalawang palapag, at ang pinaka-nakamamangha ay ang naglalakihang chandeliers sa mataas na kisame.
Bilang isang simpleng tao na hindi lumaki sa karangyaan, hindi ko alam kung paano sasanayin ang sarili sa ganitong mga bagay. Pakiramdam ko ay hindi ako bagay dito, pakiramdam ko lahat ay masyadong makislap para sa akin.
"Are you done with the forms, Amethyst?"
Napakurap ako at agad napabaling kay Shaun. "Sorry, heto tapos na.." Ibinigay ko sa kaniya ang mga forms.
Bumaba ang tingin niya sa mga papel bago muling tumingin sa akin. Huminga siya nang malalim at hinarap ako. "Are you really sure about this?"
Ngumiti ako at tumango pero hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha niya.
"Kilala kita, Amethyst, hindi magbabago ang isip mo nang walang mabigat na dahilan."
Huminga ako nang malalim at nanatiling nakangiti sa kaniya. "May mas mabigat pa bang dahilan sa kahirapan, Shaun?" pabiro kong sinabi.
"What about your sponsors? Everything's settled before you came here—"
"Shaun," putol ko sa kaniya. "Buo na ang desisyon ko."
Tumigil siya at tumitig sa akin, siguro ay hindi niya pa rin maintindihan. Tama siya sa pagkakakilala sa akin—na hindi nagbabago ang isip ko tungkol sa isang bagay kung hindi mabigat ang dahilan—pero alam kong pipilitin niya akong intindihin, katulad ng palagi niyang ginagawa para sa akin.
Hindi niya na ako ulit tinanong tungkol doon, sa halip ay nagpatuloy kami sa pag-eenroll. Mabilis lang ang enrollment sa pribadong paaralan kumpara sa mga public school. Ipinasa lang namin ang mga forms sa department at pagkatapos ay enrolled na kami at binigyan na agad ng schedule.
Nakasimangot ako pagkatapos ipagkumpara ang schedule namin. Buong akala ko ay magkaklase kami pero dahil magiging miyembro ako ng taekwondo team ay puro maaga ang klase ko para makapag-training sa hapon, habang si Shaun naman ay puro afternoon classes.
"It's okay. Pwede akong pumasok nang maaga sa first day para masamahan ka."
Huminga ako nang malalim. "Huwag na, maaabala ka pa. Mukhang mga varsity players ang may morning classes. Ayos lang siguro, baka may makilala rin ako na member ng taekwondo team."
"I should have joined varsity, huh?"
Tumawa ako. "Para lang maging magkaklase tayo?"
Nagkibit-balikat siya. Pero bago pa nakapagsalita ay dumating na si Casidy.
"Hi guys!" Malawak ang pagkakangiti niya nang lumapit sa amin.
"Tapos na kayo?" Sumulyap ako sa likuran niya dahil ang alam ko ay magkasama sila ni Rivers na nag-enroll.
Tumango siya at ipinakita ang schedule niya. "Let me see your schedule!" Agad niyang kinuha ang sa akin.
Excited pa siya noong una pero natawa nalang ako nang makita ang pagkakakunot ng noo niya pagkatapos din ipagkumpara ang schedule namin.
"Hindi tayo magkaklase?" hindi makapaniwala niyang tanong.
Bumaling siya kay Shaun at tinignan na rin ang schedule nito. "Really?!"
"Amethyst is in the morning classes to give way for her training in the afternoon."
"Oh my God, I thought makakasama kita kasi morning classes din ang schedule ni Rivers." Parang bigla itong napagod nang umupo sa tabi ko. "I'm not sporty, how the hell can I get myself into the varsity."
Oo nga pala, captain ng basketball team si Rivers kaya pang-umaga rin ang mga klase niya.
"Nasaan siya ngayon? Akala ko ba magkasama kayo?"
"Ang sabi niya susunod siya. He went to their headquarters to check his team's forms. Ikaw, nagpasa kaba ng form?"
"Form?"
Napairap ito nang na-realize na hindi ko alam ang sinasabi niya. "Mrs. Joann gave you some papers, right? You need to pass them to the taekwondo team, sa headquarters."
Agad kong hinanap ang brown envelope na pinaglagyan ko noon. Oo nga pala, binigyan niya ako ng recommendation.
"Saan ba ang headquarters?" tanong ko at tumayo na.
Tumayo rin si Shaun. "Let's go, sasamahan kita."
"But I'm hungry. You should buy our food, Shaun. Ako na ang sasama kay A, since nandoon din naman si Rivers."
Tinitigan siya ni Shaun. "Bakit hindi ka magpabili sa manliligaw mo, Casidy?"
"I'm sure Amethyst is hungry too! We'll just waste our time if we all go with her. Bumili kana at sasamahan ko siya."
Huminga ako nang malalim at pumagitna na sa kanila dahil nagsisimula nanaman sila. "Ako na ang pupunta. Ituro mo nalang, Casi. Baka pabalik na rin dito si Rivers kaya hintayin mo na siya habang umo-order ng pagkain si Shaun."
"This place is huge, A, you'll get lost."
"My gosh, Shaun, Amethyst is a grown up woman, she knows what to do."
Huminga ako nang malalim at napahilot na sa sentido. "Tumigil na kayo, please? Ayaw kong nag-aaway kayo dahil sumasakit ang ulo ko."
"The varsity headquarters is on the main building, second floor, A." Tinuro niya ang building kung saan kami unang pumunta kanina, kung nasaan ang registrar.
"See? Ang lapit lang diba?" Sumulyap siya kay Shaun at umirap.
Natawa nalang ako sa kanilang dalawa. "Ako na ang pupunta, hindi naman ako mawawala."
Ngumiti ako kay Shaun at nagpaalam na. Nang tumalikod ako ay narinig ko pang nagsasalita nanaman si Casi kaya natawa nalang ako.
Sa totoo lang ay hindi ka naman mawawala dahil maraming signs sa paligid. Pero para makasiguro ay nagtanong pa ako sa guard na nasa entrance ng building.
Katulad ng sinabi ni Casi at ng guard ay dumiretso ako sa second floor. Nagulat pa ako dahil hindi katulad sa first floor ay walang katao-tao sa second floor. Napagtanto kong headquarters ang bawat kwartong naroon dahil sa bawat pintuan ay nakasulat ang mga sports.
Agad kong nahanap ang taekwondo office at kahit tahimik at mukhang walang tao ay kumatok pa rin ako. Nagulat ako nang may nagsalita mula sa loob at pinapasok ako.
"Good morning po, uhm, magpapasa po ako ng recommendation letter."
Tinignan ako ng babae. "Good morning! Galing po kanino ang recommendation?"
"Uhm..kay Mrs. Joann Perez po." Lumapit ako sa lamesa nito at inabot ang brown envelope.
"Oh, you must be Amethyst De Asis."
Ngumiti ako at agad na tumango.
"It's nice to finally meet you, Amethyst. I'm Joy Perez, the head coach of the taekwondo team." Tumayo ito at nakipagkamay sa akin.
"Anak po kayo ni Mrs. Joann?" mangha kong tanong.
Ngumiti naman ito at tumango.
"Nice to meet you po, Coach."
"I'm looking forward to working with you, Amethyst. See you at the training!"
Mas na-excite tuloy ako sa darating na pasukan. Pakiramdam ko ay hindi naman ako nagkamali na piliin ang taekwondo dahil mahal ko rin naman ang sports na iyon. At nakakatuwa dahil mukhang mabait ang coach.
Nagpaalam na ako kay Coach Joy at agad na lumabas ng office para sana makabalik na rin agad sa cafeteria kung saan naghihintay sila Shaun at Casi. Pero nang dumaan ako sa katabing office ay natigilan ako nang makarinig ng mga ingay mula roon.
Tumigil ako sa harap ng pintuan at nakita ang malaking pangalan ng basketball team doon.
Hindi nakasara ang pintuan kaya naman naririnig ko ang mga halinghing mula sa loob. Hindi ko na sana iyon papansinin pero nagulat ako nang makarinig pa ng mga ingay.
Mabilis ang t***k ng puso ko nang unti-unti akong sumilip sa siwang. Noong una ay hindi ko alam kung ano ang mga naririnig ko pero nang nakita ang hubad na likod ng isang babae, nakaupo at nagtataas-baba ang katawan sa ibabaw ng isang lalaki ay napatakip na lamang ako ng bibig.
"Oh God, I can do this all day, Rivers.."
Rivers?
Tumawa ang lalaki at sa isang galaw ay lumakas pang lalo ang mga boses ng babae.
Parang nablangko ang isip ko sa mga nakita at narinig. At..Rivers? Sinong Rivers?
Tila narinig ng lalaki ang mga tanong sa isip ko. Napasinghap ako nang nagtama ang mga mata namin. At halos hindi ako makahinga nang nakilala ang taong iyon.
**