"I'm really sorry, A, kung nadamay ka.."
Hanggang sa pag-uwi namin ay hindi matigil si Casi sa pag-aalala.
Hinintay kong matapos ang klase nila para sabay-sabay kaming makauwi. Naisip kong mag-aaya siyang kumain sa labas katulad ng palagi naming ginagawa kapag may pagkakataong magkakasabay kami, pero buong byahe pauwi ay wala siya sa sarili. Kaya tuloy hindi rin nakauwi si Shaun, at sa halip ay sinamahan pa kami hanggang dito sa bahay.
"Casi, ayos lang ako. Sanay ang katawan ko sa mga ganoong bagay."
Huminga siya nang malalim at tumitig sa mukha ko. "But look at you.."
"If you're really sorry, then you better be mindful of your actions next time." Tumigil si Shaun sa paglalapat ng cold compress sa gilid ng labi ko at hinarap siya. "You let your anger get into your head, nakalimutan mo kung sino ang taong sinugod mo, Casi."
"I'm sorry.." Napayuko ito, maiiyak na.
Lalapit sana ako para amuhin siya pero umiling si Shaun sa akin.
Huminga ako nang malalim at nanatiling nakaupo.
"Can you imagine what would have happened if Amethyst wasn't there? That girl is a black belter, and she would have broken your bones."
"I know, alright? That's why I'm sorry!" Pumatak ang mga luha niya nang nag-angat ng tingin sa amin. "Sinugod niya ako sa cafeteria kanina. She was so mad at me and I was clueless. Nalaman ko nalang na tinapos na ni Rivers ang kung ano mang relasyon nila at ako ang sinisisi niya. I got mad because in the first place, she knew that I'm his fiancee, and she still wants him?"
Tumawa si Shaun at natahimik nalang ako.
"Casi, you know that Rivers isn't your fiancé yet."
"We will soon be engaged."
"You think that will stop him from seeing other girls? And what will you do to all the girls he's flirting with? Susugurin mo at aawayin? Do you think that doesn't make you one of them? Desperately wanting a man who can't even be loyal to one girl?"
Alam kong mangyayari naman talaga ang confrontation na ito. Hindi ko kayang pagsabihan nang ganito si Casi kaya inaasahan kong si Shaun ang magsasalita tungkol dito. Hindi ko lang inaasahan na sa harap ko ito mangyayari.
"He's gonna stop seeing girls once we're engaged, Shaun!"
"And that makes you feel better?"
Huminga ako nang malalim at hinawakan sa braso si Shaun para pakalmahin. "Shaun tama na 'yan.."
"Seriously? What's your problem with Rivers, Shaun? Kakampi ba kita o kaaway?"
"That's not the point here, Casidy. You're crazy for him that you can't see the truth! He's a playboy and he will only break your heart! He's not gonna change for you because if he will, he would have done it."
"He's just trying to enjoy his life while we're still free. But in the end, he will come to me. We're promised! Hindi ba binalikan niya ako?"
"He left you, he can do that again, trust me. If he finds the girl he truly likes, he can leave you again."
"That won't happen. I'll make sure he won't like anyone."
"You're crazy. Pati si A nadadamay sa kabaliwan mo sa lalaking 'yon!"
Frustrated niyang sinuklay ang buhok niya bago tumingin sa akin. "That's why I'm sorry!" She cried. "Hindi niyo ako naiintindihan."
Hindi na ako nakatiis. Tumayo ako at lumapit na kay Casidy para yakapin ito.
Umiling ako kay Shaun para tumigil na siya.
"I'm really sorry, A.." iyak niya habang yakap ko. "I got mad, it won't happen again."
Huminga nang malalim si Shaun at sumandal sa sofa habang pinapanood kami.
"Huwag mo na akong isipin, Casi. Ayos lang talaga ako."
"I just really like him.."
Paulit-ulit niya iyong sinabi hanggang sa nakatulog nalang siya habang yakap ko.
Tumayo si Shaun at maingat na kinuha siya sa akin. Hinatid namin siya sa kwarto niya at inihiga sa kama, at pagkatapos ay inihatid ko na rin si Shaun sa labas.
"I'm sorry. I didn't mean to make her cry. I was just worried for the both of you." Halatang guilty rin siya dahil sa mga nasabi.
Huminga ako nang malalim at tumango. "Naiintindihan ko.."
"I'll talk to her again tomorrow."
Ngumiti ako. "Maiintindihan niya rin tayo, Shaun."
Hindi na rin siya nagtagal at nagpaalam nang uuwi. Hinintay kong makaalis siya bago ako bumalik sa loob ng bahay para i-check ulit si Casi. Nang nakitang tulog pa rin naman siya ay pumunta na ako sa kwarto ko para maligo at magbihis.
Pakiramdam ko ay makakatulog na rin ako agad dahil sa pagod. Hindi naman ako nag-training pero medyo masakit ang katawan ko dahil sa nangyari.
Nang napaharap sa salamin ay napabuntong-hininga nalang ako nang nakita ang pasa sa gilid ng labi ko.
Sanay naman akong masaktan dahil normal iyon sa sports. Pero kahit sa mga tournament ay hindi pa naman ako nasaktan nang ganoon. Normal na siguro ang pananakit ng katawan, pero kakaiba pa rin talaga kapag ang intensyon ng tao ay manakit ng kapwa.
Nagsusuklay ako nang tumunog ang cellphone kong nasa ibabaw ng lamesa. Buong akala ko ay si Shaun iyon kaya agad akong lumapit para tignan. Natigilan nga lang ako nang nakita ang pangalan ni Rivers sa notification bar palang ng screen.
From: Rivers Altamirano
Are you okay? I hope you put cold compress on your wound
Huminga ako nang malalim at napapikit. Nanghihina akong napaupo sa kama. Tumatambol nanaman ang puso ko.
Naalala ko ang itsura sa mukha niya habang pinipilit akong gamutin sa headquarters. Halos magmakaawa siya sa akin at hindi ko mapaniwalaan iyon. Iniwan ko siya roon sa takot na malaman ko ang dahilan, sa takot na malaman ko kung bakit.
Hindi ganito ang Rivers na nakilala ko. Hindi ko kailan man nakita ang itsurang iyon sa mga nakalipas na buwan. Kailan man ay hindi ko naramdaman ang mga nararamdaman kong ito para sa isang tao. At hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagbago ang lahat.
Napasabunot ako sa sarili habang inaalala ang mga sinabi ni Casidy kanina. Pilit kong inilagay ang mga iyon sa utak ko.
Hindi ito tama. Kung ano man ang nararamdaman ko, kailangan ko itong patayin at kalimutan. Hindi ko ito pwedeng kilalanin dahil una sa lahat, sino ba naman ako para maramdaman ito sa isang taong katulad ni Rivers? Sino ba ako sa mundong ginagalawan niya? Wala akong maihaharap na mukha sa kanilang lahat sa oras na kilalanin ko ang mga emosyong ito. Wala akong karapatang maramdaman ito.
Hindi ko na binuksan ang message niya. Itinabi ko ang cellphone ko at hindi na ulit iyon tinignan. Sa gabing iyon ay naging mas desidido akong iwasan siya.
"Naku, sinira ng pasang 'yan ang maganda mong mukha," sabi ni Ate Janeth habang pinapanood akong gumawa ng order.
Ngumiti naman ako. Pagpasok ko kaninang alas-tres ay naabutan ko si Mrs. Tiffany at alalang-alala sila sa pagpapaalam ko ng emergency kahapon. Hindi ko tuloy napigilang ikwento sa kanila ang nangyari, kaya heto at mula pa kanina ay pinapanood ako ni Ate Janeth.
"Ayos lang ako, Ate Ja. Mawawala rin naman 'to."
"Kakaiba talaga ang nagagawa ng pagmamahal, 'no? Binabaliw ang mga tao," napapailing nitong sinabi.
Hindi naman ako nakasagot doon.
Wala akong alam sa pagmamahal. Maliban sa mga taong nakasama ko sa bahay-ampunan, at sa iilan kong kaibigan, wala akong ideya sa pagmamahal ng ibang tao. Wala akong ideya kung totoo ba iyon at kung paano iyon nangyayari. Wala akong ideya kung kaya ba talaga nating magmahal nang katulad sa mga nababasa ko sa libro o di kaya'y napapanood sa TV.
Ni hindi ko alam kung pagmamahal nga ba ang nararamdaman ni Casidy kay Rivers, at bakit na-oobsess siya nang ganoon. Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao, lalo na ang tulad ni Rivers na walang binibigay na kasiguraduhan sayo?
At higit sa lahat..hindi ko alam kung sa edad ba naming ito ay posible ngang kaya na naming magmahal ng ibang tao bukod sa sarili namin. Bata pa kami, kaya hindi ko alam kung pagmamahal ang maitatawag sa nararamdaman ni Casidy o infatuation, paghanga o kung ano pa man.
"Here's your order, Ma'am! Thank you for coming!" Ngumiti ako sa babae at ibinigay na ang order nito.
Ngumiti rin naman ito sa akin at nagpasalamat.
Tumunog ang wind chime at nakangiti akong bumaling doon para sana i-welcome ang bagong dating na customer, kaya lang ay nawala ang ngiti sa mga labi ko nang nakitang si Rivers iyon, kasama ang ilang miyembro ng basketball team.
Huminga ako nang malalim nang nagkasalubong ang mga mata namin. Kinailangan ko pa munang alalahanin na nasa trabaho ako at hindi ko siya pwedeng iwasan sa lugar na ito.
"Oh, hi Amethyst!" bati sa akin ng mga kasama niya.
Tipid akong ngumiti sa kanila. "Hello, welcome!"
"So you work part-time here?"
Tumango naman ako. "Uhm..anong order niyo?"
Sinubukan kong maging pormal kahit na tumatagos ang mga titig ni Rivers.
Nagsabi ng kani-kanilang order ang mga kasama niya at isa-isa ko namang inilagay ang mga iyon sa computer. Nang natapos silang lahat ay bumaling ako kay Rivers dahil siya nalang ang hindi nagsasabi ng order niya.
"Uhm..anong sayo?" tanong ko, pinipilit ang sariling wag tumingin sa mga mata niya.
Nakita ko ang paninitig niya sa pasa sa gilid ng labi ko.
"Captain, uupo na kami.." paalam ng isa na tinanguan niya lang naman.
Hanggang sa siya nalang ang naiwan sa counter dahil hindi niya pa rin sinasabi ang order niya.
"Anong order mo?"
"How are you feeling? Are you okay?"
Huminga ako nang malalim. Sumulyap ako kay Ate Janeth at nakita ang kuryosidad niya habang nanonood sa amin mula sa gilid.
"Ayos lang ako. Sabihin mo na ang order—"
"Can we talk for a while?"
Kumabog nang malakas ang dibdib ko. "Nag-uusap na tayo." Nag-iwas ako ng tingin at bumaling nalang sa computer. "Iced Americano ang order mo noong nakaraan, hindi ba? Iyon nalang din ang ilalagay kong order mo ngayon."
"Okay.."
Pakiramdam ko ay kailangan kong mag-break pagkatapos gawin ang order nila. Hindi na ako makahinga nang maayos.
"And then can we talk?"
Umiling ako, hindi pa rin tumitingin sa kaniya. "One thousand, four hundred lahat.."
Ibinigay niya ang card niya. Kinuha ko iyon at agad ni-scan sa PDQ machine. Pagkatapos ay ibinalik ko sa kaniya kasama ang resibo. Bago pa siya makapagsalita ulit ay tumalikod na ako para gawin ang mga order, at doon palang yata ako ulit nakahinga.
Lumapit si Ate Janeth para tulungan ako sa mga order pero alam kong magkukumento rin siya.
"Siya yung lalaki noong nakaraan, hindi ba?"
Tumango lang naman ako.
"Napansin ko lang din noon at maging ngayon, kakaiba siya tumitig sayo.."
Umiling ako. "Guni-guni mo lang 'yon, Ate.."
Mabuti nalang at hindi niya na dinugtungan ang sinabi. Hindi ko na rin kasi alam ang isasagot. Pinipilit kong huwag pansinin ang mga bagay at ang pagtuunan iyon ng pansin ng iba ay hindi nakakatulong.
Nang natapos ang order ay inilagay ko ang mga iyon sa tray at ibinigay kay Rivers.
"You'll be done by seven, right? It's six thirty now, I'll wait—"
Huminga ako nang malalim at napilitan nang mag-angat ng tingin. "Wala akong oras, Rivers, at wala naman tayong pag-uusapan."
"I have things to say—"
"Susunduin ako ni Shaun ng seven. Wala akong oras."
Umigting ang kaniyang panga. "Then I'll wait for you tomorrow, after your training—"
Hindi niya na natapos ang sasabihin dahil sabay kaming napalingon sa pintuan nang tumunog ang wind chime. Pumasok si Shaun sa shop at nakita agad kami.
Lumapit siya, nakatingin kay Rivers, at bumaling sa akin.
"Hi, almost done?"
Ngumiti naman ako at tumango, kahit paano ay nakahinga nang maluwag na matatakasan ko si Rivers.
"Hindi ako nag-break kanina para makapag-terminal break ngayon. Magpapaalam na ako at mag-aayos ng gamit. May gusto kang inumin?"
Umiling siya. "I'm fine. Go ahead and get ready, I'll wait for you."
Tumango ako. Kahit ayaw ko na ulit tignan si Rivers ay napilitan akong magpaalam pa rin sa kaniya dahil ayaw kong isipin ni Shaun na hindi kami okay.
"Heto na ang order niyo. Salamat!"
Hindi ko na alam kung anong nangyari, kung nag-usap ba ang dalawa o hindi. Iniwan ko sila roon at nagpaalam na ako kay Ate Janeth na magliligpit na ng gamit.
Nang lumabas ako ay nagulat ako dahil wala na rin sila Rivers doon kahit na dine-in naman ang order nila.
"Let's go?" salubong sa akin ni Shaun.
Tumango naman ako.
Hindi ko na natanong si Shaun dahil may pakiramdam akong hindi sila okay ni Rivers. Hindi nila gusto ang isa't-isa, malinaw naman iyon simula nang nagkainitan sila sa basketball noong nakaraan. At siguro dahil iyon sa reputasyon ni Rivers bilang playboy. Ayaw sa kaniya ni Shaun para kay Casidy, pero obsessed ang kaibigan namin sa kaniya kaya hindi siya nakikinig sa amin.
Sa totoo lang, alam kong hindi naman kasalanan ni Rivers na obsessed sa kaniya si Casi. Pakiramdam ko ay naiipit lang siya sa kanilang pamilya. Sa tindig at tikas niya ay iisipin ng lahat na walang makababali sa kaniya, pero pakiramdam ko ay may kung ano sa kanilang pamilya na mahigpit niyang sinusunod kahit labag sa kalooban niya.
Bumili kami ng regalo para kay Casi, kaya ako sinundo ni Shaun. Sa darating na Sabado na kasi ang debut niya at pareho kaming wala pang regalo. Gusto niyang makabawi kaya nagpatulong din siya sa akin sa pagpili. Pagkatapos mamili ay kumain kami at inihatid niya rin ako agad pauwi.
Kinabukasan ay maagang natapos ang training dahil ipinatawag sa office sila Coach at Riri. Tungkol iyon sa nangyari noong Tuesday at mabuti nalang ay hindi rin kami ipinatawag ni Casi.
Alas-singko palang at balak ko sanang magsabay na kami nila Shaun sa pag-uwi, kaya lang ay biglang tumawag si Ate Janeth. Nagkaroon daw ng emergency si Allen, ang isa pang part-timer sa coffeeshop na pumapasok tuwing Thursday hanggang Saturday.
Nakiusap sila kung pwede raw ba akong pumasok kahit dalawang oras lang at dahil maaga namang natapos ang training at para na rin makabawi sa pagliban ko noong Tuesday ay pumayag ako.
Iyon nga lang ay halos pagsisihan ko rin ang desisyon ko. Halos ayaw ko nang matapos ang break ko nang nakitang nakaupo si Rivers sa dulong lamesa at nakatingin sa akin.
Nag-break lang ako saglit at pagkatapos ay nandito na siya?
At anong ginagawa niya rito? Hindi ba dapat nasa school pa siya para sa training? Paano niya nalamang nandito ako ngayon?
Buong oras yata ay wala ako sa sarili. Nasa malayo siyang table pero dahil nakaharap sa akin ay laging nagtatama ang mga mata namin.
Iba't-ibang paraan na ang naisip ko para takasan siya pero hindi ko alam kung magagawa ko nga ba. Kung tatakbo ako, mahahabol niya pa rin naman ako dahil titigil pa rin ako at papara ng taxi. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako, lalo nang ilang minuto nalang bago mag-alas-syete ay tumayo siya at lumapit sa counter.
"I'll order taro milktea for takeout."
Napalunok ako at napatango agad.
"I heard that your training ended early. I couldn't find you in your headquarters so I went here even when I know that you don't work during Thursdays and Fridays."
Hindi ako nagsalita, kahit na nakakapagtaka para sa akin kung paanong alam niya ang schedule ko rito sa coffeeshop. Bumaling ako sa computer at nilagay ang order niya para makaiwas.
"Can we talk now? Pa-out kana, hindi ba?"
Hindi pa rin ako sumagot.
"You know that ignoring me is useless, right?" aniya habang inaabala ko ang sarili sa computer.
Huminga ako nang malalim at sinabi kung magkano ang order. Ibinigay niya ang itim niyang card. Pagkatapos kong i-scan iyon ay ibinalik ko rin agad para magawa ko na ang order niya.
Gusto ko sanang tagalan ang paggawa ng order dahil hindi ko alam kung kaya ko pa ba itong nangyayari. Pero dahil isa lang naman ang order niya ay mabilis ko lang din iyong natapos.
"Hindi ako pwede. Final fitting ng gowns ni Casi at maraming kailangang gawin."
"Just a few minutes. Ihahatid—"
Inilapag ko ang order sa harapan niya. "Susunduin ako ni Shaun."
Pinanood ko kung paano napalitan ng iritasyon ang itsura niya.
"Who is he? Your boyfriend?"
"Kaibigan ko siya."
Sarkastikong umangat ang kilay niya. "Uh huh? At ako? Kaibigan mo rin ako, hindi ba? Bakit hindi kita pwedeng kausapin?"
Napalunok ako. "H-Hindi tayo magkaibigan. Fiancé ka ni Casidy, si Casidy ang kaibigan ko."
Tumawa siya. "f**k that fiancé thing. I'm tired of hearing that."
"A-Ano bang gusto mong pag-usapan? Bakit hindi mo nalang sabihin ngayon?"
Tinitigan niya ako. At halos umatras ako at magtakip ng tainga nang nakita nanaman ang emosyong iyon sa mga mata niya.
"Riri and I are over. I'm not meeting any other girl ever since that day that you saw me with Kristel."
Tinitigan ko siya dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. At hindi ko inaasahang dito nga niya sasabihin ang gusto niyang sabihin.
"I'm f*****g trying, Amethyst."
Umiling ako. Natatakot sa mga sinasabi niya. "Hindi ko alam kung bakit sa akin mo sinasabi 'yan. Hindi ba dapat kay Casidy mo sabihin ang mga 'yan? Kailangan mo siyang panatagin—"
Natigil ako nang tumawa siya. Para siyang baliw na napapailing. Ginulo niya ang kaniyang buhok at nakakalokong bumaling ulit sa akin.
"Sinasabi ko sayo kasi ikaw ang gusto ko."
Napakurap ako. "H-Huh?"
"I like you and that's why I'm trying because I know you don't like—"
Nanlamig ang mukha at maging ang mga kamay ko. "Rivers, anong sinasabi mo.." Itinulak ko ang order niya sa kaniya para kunin niya na iyon at umalis na pero sa panginginig ng mga kamay ko at pagkakataranta ay natapon iyon sa kaniya.
Lalong nagulo ang isip ko. Nataranta ako at agad na napalabas ng counter para tulungan siyang magpunas. Pinagtinginan kami agad ng iba pang customer at maging si Ate Janeth ay napalapit.
"I-I'm sorry.. Nagulat ako, I'm sorry.." Natataranta kong pinunasan ng tissue ang damit niyang nabasa pero hinuli niya ang kamay ko.
"Hey, calm down, Amethyst.."
Umiling ako at kumuha ulit ng tissue kaya pati ang isang kamay ko ay hinawakan niya na rin.
"Look at me.."
Wala akong nagawa kundi ang matulala sa kaniyang mukha. "Bawiin mo ang sinabi mo.."
Nangingilid ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay may nagawa akong malaking kasalanan. "Magpapanggap akong wala kang sinabi kaya please..umalis ka muna.."
"Goddammit.. I've never confessed to anyone. You think this is easy too?"
Umiling ako. Tuluyang pumatak ang mga luha ko. Nanlalamig ang buong mukha ko at mga kamay ko. Hindi ako makahinga sa sari-saring emosyong nararamdaman ngayon.
"Please.. Rivers umalis ka muna. Pag-isipan mo ang sinabi mo. Hindi 'yan totoo. Nagkakamali ka.."
Tumawa siya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa magkabilang mga braso ko. "Palagay mo ba hindi ko pa ginawa 'yan?"
Umiling ako, paulit-ulit, para kumbinsihin ang sarili ko. "Hindi pwede, hindi pwede. Please, umalis ka muna.."
Tumunog ang wind chime at nang nakita si Shaun ay mabilis akong kumalas kay Rivers.
Nakita ko kung paano nag-igting ang kaniyang panga na parang punong-puno na siya.
"What's happening?" Agad nakalapit sa akin si Shaun.
Hinila niya ako palayo at bago ko pa mapunasan ang mga luha ko ay nakita niya na ang mga iyon.
"Why are you crying?"
Humakbang si Rivers palapit pero natigilan nang tinignan ko siya. Halos magmakaawa ako sa pagtingin sa kaniya para lang huwag muna siyang lumapit.
"N-Natapon ko yung order niya. Hindi ko sinasadya.." pagdadahilan ko.
"Why are you pale? Are you okay?" Bumaling siya kay Rivers. "Did you scold her? Sinigawan mo ba?"
Nataranta ako lalo nang narinig na ang galit sa boses niya.
"H-Hindi, Shaun.."
Sumulyap ako sa mga tao at mabuti nalang ay kaunti nalang sila at nasa mga dulong tables.
"What's the matter? What are you doing here everyday?" tanong ni Shaun kay Rivers.
Napalunok ako at agad na pumagitna sa kanilang dalawa.
"Why? Ikaw lang ang pwede rito?"
Agad akong kumapit sa braso ni Shaun nang umamba siyang hahakbang palapit. "Shaun, please calm down. Wala siyang ginagawang masama.."
Bumaling ako kay Rivers at bahagya siyang itinulak dahil lumalapit na rin siya. "Rivers.." awat ko.
Bumaba ang mga mata niya sa akin.
"Please, I beg you.." bulong ko, naiiyak nanaman ulit.
Paulit-ulit na nag-igting ang kaniyang panga na parang sinusubok siyang lalo pang magalit. Pero sa huli ay umatras siya at hindi nagtagal ay tumalikod para umalis.
**