Hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang ay may nagbago. Hindi ko alam kung ano. Hindi ko alam kung kailan at kung paano. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Agad kong nahanap si Casi sa gitna ng kumpol ng mga taong interesado sa painting. Abala siya sa pakikipag-usap pero agad niya akong binalingan nang nakalapit ako.
"Sorry, I got busy." Tinignan niya ako at nang nakitang sumulyap ako sa painting ay agad siyang kumapit sa braso ko.
Alam ko na agad na may gusto siyang sabihin.
"Uhm..about the painting.."
Umiling ako. "Ayos lang, Casi. Ibinigay ko naman 'yan sayo."
"I'm sorry.." Hindi maitago ang guilt sa mukha niya. "Rivers noticed it right away. Sa lahat ng paintings sa art room ko, ito lang ang tinignan niya nang matagal. He likes it and I wanted to impress him."
Tumango ako at ngumiti para gumaan ang pakiramdam niya. "Ayos lang talaga, Casi."
Wala naman talagang problema sa akin dahil ibinigay ko sa kaniya ang painting. Sa kaniya na iyon kaya may karapatan siyang gawin ang kahit anong gusto niya roon.
"Thank you so much, A." Niyakap niya ako.
Nang humiwalay ay tinignan niya ang mga paa ko na parang alam niyang pagod na rin ako dahil sa heels. "Are you okay? Saan ka galing?"
"Naghanap lang ako ng mauupuan."
Huminga siya nang malalim, at mula sa akin ay lumipat ang mga mata niya sa likuran ko. Hindi ko na kinailangang lumingon para malaman kung sino ang tinitignan niya. Alam kong susunod si Rivers sa akin dahil pupunta ako kay Casi.
"She looks tired. You should go home. The exhibit won't be over in the next couple of hours."
Napakurap ako at agad napailing. "Ayos lang ako."
Dalawang oras palang yata kami rito at ayaw kong umuwi kami dahil lang masakit na ang mga paa ko.
"But Rivers is right, you look tired. Wala rin naman talaga akong balak magtagal tayo rito."
"Kaya ko pa naman, Casi. Marami pang tumitingin sa painting at gustong makipag-usap sayo."
Nag-aalala niya akong tinitigan. "Are you sure?"
Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Rivers. Lumapit siya nang tuluyan at ngayon ay kita ko nanaman ang iritasyon sa mukha niya.
"Don't push it. Paano kung mabalian ka pa riyan?"
Kumunot ang noo ko dahil pinapakialaman niya ako. At bakit nanaman siya iritado? Dahil nanaman sa akin? Kanina lang ay okay kami, ah?
"Rivers is right, A. Kapag nabalian ka, hindi ka makakapag-training."
"Maghahanap nalang muna ako ng mauupuan habang busy ka."
Huminga siya nang malalim pero naunahan ulit ni Rivers.
"I'll call someone to bring over a pair of slippers. You can sit at the lounge and wait."
Napakurap ako. "H-Huh?"
Sumulyap ako kay Casi pero agad nitong sinang-ayunan ang sinabi ni Rivers.
"Magpapaalam lang ako rito, A, at kina Tita Glacier na rin. Sumama ka muna kay Rivers. Susunod ako."
Gusto ko sanang tumanggi, lalo nang nakita ang mga tingin ni Rivers, pero alam kong masakit na talaga ang mga paa ko at hindi ko na kayang maglakad nang maayos. Ayokong mapahiya si Casi kung iika-ika akong maglakad sa tabi niya kaya sa huli ay pumayag ako.
"Let's go," bulong ni Rivers sa tabi ko.
Hinayaan ko siyang alalayan ako sa paglalakad pero nang nakalayo na kami kay Casi at alam kong hindi na siya nakatingin ay umatras ako.
"Kaya ko na.."
Mukhang nagulat siya sa inasal ko pero agad din namang nakabawi.
"Do you know you quite have the temper?" Tumawa siya at sumabay sa paglalakad ko kahit mabagal ako dahil sa pag-iingat na huwag matapilok.
"Kaya ko na ang sarili ko. Si Casi ang dapat na samahan mo. Hahanapin ka ng mommy mo."
"What makes you think that there is a rule like that?"
Huminga ako nang malalim at tinignan siya. Tumigil naman siya, nagpipigil ng ngiti.
Tama siya..ang bilis ko ngang mairita, pero tuwing nariyan lang naman siya. At hindi ko alam kung bakit ganoon ang epekto niya sa akin. Kung walang tensyon sa pagitan namin ay puro iritasyon naman ang nararamdaman ko.
Sa halip na magsalita pa ay nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Narinig kong may kausap na siya sa cellphone sa likuran ko, inuutusan ang kung sino na magdala ng tsinelas. Pero hindi ko na masyadong napakinggan iyon nang may lumaking bumangga sa balikat ko kaya muntik na akong tuluyang matapilok.
"Goddammit," rinig kong bulong ni Rivers nang mabilis niya akong nahawakan sa baywang.
Gulat na gulat naman ang lalaki nang nakitang si Rivers iyon.
"Where the f**k are you looking at?" galit at iritado niyang singhal sa lalaki.
"S-Sorry, I didn't mean to. She wasn't looking—"
"Shut up," putol sa kaniya ni Rivers.
Agad naman akong naalarma dahil pinagtitinginan na kami ng mga taong nasa malapit at nakakita sa nangyari.
"R-Rivers ayos lang ako.." Sinubukan kong tumayo nang maayos pero nagulat ako nang sinikop niya ako sa mga braso niya.
Nanlaki ang mga mata ko at agad na sumubok na gumalaw.
"Stop it. Ang tigas kasi ng ulo mo. Why did you even wear this f*****g heels? Ipinasuot ni Casidy at hindi ka nanaman tumanggi?" dire-diretsong tanong niya na parang alam niya ang nangyari kanina.
Hindi ako nakapagsalita sa gulat dahil sa iritasyon niya.
Pinagtitinginan kami ng mga tao at hindi ko alam ang gagawin ko. Malakas ang t***k ng puso ko at hindi ko na rin alam ang dahilan. Natauhan lang yata ako nang natanaw si Ice na nakangisi habang nanonood sa amin mula sa malayo.
"Ibaba mo na ako. Maraming nakatingin, Rivers.."
"Sa lounge kita ibababa. Naroon na ang tsinelas."
"Hindi na kailangan ng tsinelas. Uuwi na rin naman kami—"
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? You need the slippers. Mababalian ka sa katigasan ng ulo mo."
Nagkakasalubong na ang mga kilay ko habang pinapanood siyang nagagalit sa harapan ko. "Bakit ba galit na galit ka? Ano bang pakialam mo sa akin?"
Huminga siya nang malalim. "Naroon na ang tsinelas.." sabi niya kahit wala namang nagtatanong.
"Hindi na kailangan. Uuwi na rin kami. Hihintayin ko lang si Casi." Pagmamatigas ko.
Hindi makapaniwala niya akong tinignan at ibinaba sa couch. Ni hindi ko napansing nasa lounge na kami. Katulad ng sinabi niya, may tsinelas na nga roon kahit wala namang tao.
Tinitigan ko ang pink na tsinelas na sakto pa yata ang sukat sa mga paa ko. Naningkit ang mga mata ko. Kanino ito? Sa babae niya? At ipapasuot niya sa akin?
"Wear this.." Lumuhod siya sa harapan ko at inilapag ang tsinelas.
Nang umamba siyang tatanggalin ang suot kong heels ay inipit ko ang mga paa ko. "Sabing ayoko."
Magkasalubong na rin ang mga kilay niya nang nag-angat ng tingin sa akin.
"Hindi 'yan sakin. Baka magalit ang may-ari niyan kung isusuot ko."
Tumawa siya. "No one owns the goddamn slippers, Amethyst."
"Ano 'yon? May pambabaeng tsinelas ka pero walang may-ari?"
Matagal niya akong tinitigan at hindi ko alam kung paano ko siyang natitigan pabalik. Siguro dahil pareho na kaming iritado.
"Are you insinuating that I have a woman and she owns this slippers?"
"Ewan ko! Babaero ka kaya hindi iyon imposible."
Matagal siyang natulala sa akin, nag-iisip, o siguro ay wala ng masabi dahil tama naman ako.
Dinilaan niya ang pang-ibabang labi. Tumagilid ang ulo niya habang nakatitig sa akin na parang pilit akong iniintindi. Bumagsak ang mga mata niya sa mga paa ko at pagkatapos ay bigla nalang siyang tumawa, tumango-tango na parang may na-realize siya. Habang nakakunot naman ang noo ko't pinapanood siya.
"Anong nakakatawa? Totoo naman, hindi ba? Kahit saan ay may babae ka. Sa cheering squad, taekwondo—"
"Kristel from the cheering squad isn't my woman. She was just giving me gifts, babae ko na agad? Riri, yes, I fvcked her once—" Natigil siya dahil nanlaki ang mga mata ko sa pagiging bulgar niya.
Tumawa siya at napailing. "Casidy isn't even my woman. She's the woman my family chose for me. At.." Itinukod niya ang braso sa gilid ng couch na inuupuan ko. "Sino pa? Sino pang babae ko?"
Hindi ako nakapagsalita dahil masyado siyang malapit. Hindi ako makahinga.
Ngumisi siya nang nakita ang reaksyon ko. "You're partly right though, about me being a playboy. But trust me, s*x won't make me say someone is my woman. If I have one, everyone will know."
Napaigtad ako nang maramdaman ang kamay niya sa paa ko. Wala na akong nagawa nang umatras siya para tanggalin ang strap ng suot kong heels at pinalitan iyon ng tsinelas.
"Don't worry, no one owns this. I have a spare on my car for my sister, not for anyone else."
Natigilan ako at nakaramdam agad ng hiya para sa mga pinagsasabi ko kanina. Kinagat ko nang mariin ang labi ko. Sa halip na mag-sorry ay itinikom ko nalang ang bibig ko.
Sabi ko na nga ba..hindi magandang magsalita kung siya ang kasama ko. Kung anu-ano ang nasasabi ko na parang nawawalan ako ng kontrol sa sarili. Hindi ito tama. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaasal ko.
"I'm done here, A. Umuwi na tayo."
Nakahinga ako nang maluwag nang nakasunod agad si Casi sa amin.
Nilingon ko siya. Tumayo naman si Rivers mula sa pagkakaluhod sa harapan ko.
"Thank you, Rivers."
"Sure, no problem."
Kinuha ko ang heels bago awkward na tumayo, hindi makatingin sa kaniya. Saka ko palang naramdaman ang ginhawa ng suot na tsinelas.
Gusto kong magpasalamat pero sa dami ng sinabi ko kanina, pakiramdam ko ay hindi ko na kayang magsalita ulit. At hindi ko na siya kayang tignan ulit. Para akong natauhan at gusto ko nalang makaalis.
Mabuti nalang at hindi kami naghintay nang matagal sa van dahil hindi naman iyon umuwi at naghintay lang sa parking lot.
Inihatid kami ni Rivers hanggang sa basement ng building at kahit nang paalis na ay hindi ko na nagawang tumingin ulit sa kaniya.
Kailangan ko siyang iwasan. Hindi ko alam kung paano, lalo kung palagi kaming nagkikita sa school at dahil kay Casidy. Ang alam ko lang ay kailangan kong umiwas dahil pakiramdam ko ay may maling nangyayari sa akin at hindi ko iyon mapangalanan.
Kaya naman nang nag-aya ulit si Casidy na sumabay akong mag-lunch sa kanila sa araw ng Lunes ay agad akong tumanggi at nagdahilan.
Sinabi ko nalang na may tatapusin akong homework sa library at kakain nalang sa breaks sa pagitan ng mga subjects. Mabuti nalang din at hindi naman siya naging mapilit.
Ni hindi rin ako tumambay sa headquarters o sa gym at napilitan lang na pumunta roon ng Tuesday dahil mayroon ng training simula Monday ang mga White Belt at nag-aya si Vira at Guile na manood. Si Riri ang nagtuturo sa kanila at dahil napaaga ang dismissal ng last subject ko ay pumayag na rin ako sa dalawa.
Maaga pa naman at sigurado akong mamaya pa pupunta ang basketball team dahil nag-jojogging pa ang mga iyon sa oval bago nagsisimula sa training. Aalis din ako agad sa oras na makita silang parating.
"You're being delusional! Are you really thinking that he's gonna take you seriously?!"
Nagulat ako sa mga ingay na narinig habang papasok sa gym.
Noong una ay wala naman akong balak pansinin ang mga iyon. Tahimik akong nakiraan sa kumpol ng mga estudyanteng nakikitsismis sa nangyayari.
"You're the one who's being delusional here! Rivers is my fiancee and you keep on flirting with him! Sa ating dalawa, ikaw ang mas hindi niya papatulan!"
Nanlaki ang mga mata ko sa nabanggit na pangalan, at lalo nang nakilala ang boses na iyon.
Saktong nakalagpas ako sa kumpol ng mga estudyante nang nakita ang taekwondo team, sinusubukang awatin si Riri, at si Casidy.
Agad akong napatakbo sa kanila dahil sa gulat. Sumusugod si Casi kahit mag-isa lang siya, habang si Riri ay hawak ng mga White Belt. Wala pa sila Guile at Vira, o kahit ang mga coaches namin.
"Casi, anong nangyayari?" tanong ko, sinusubukan siyang hilain.
Galit na galit siyang bumaling sa akin. Nagulat ako nang nakitang nangingilid ang mga luha niya sa galit.
"This b***h is flirting with Rivers!" sigaw niya at itinuro si Riri.
Mukhang ikinagalit iyon ni Riri dahil isang hawi niya lang sa mga humahawak sa kaniya ay agad na siyang nakawala.
Natakot ako na baka masaktan niya si Casidy. Mas malaki siya sa amin, at taekwondo player kaya ayokong masaktan niya si Casi. Agad akong humarang, nagbabaka-sakaling mapipigilan siya.
"Riri, please, hindi ito pwede.." pakiusap ko.
Pero agad niya akong hinawi. "Huwag kang makialam!"
Napaatras ako pero sa takot na masaktan niya si Casi na walang kalaban-laban ay buong lakas ko siyang hinila palayo sa kaniya.
"Riri! Hindi tayo pwedeng manakit!"
Siguro ay galit na galit din siya. Hindi ko naabutan kung ano ang pinagmulan ng away nila kaya hindi ko alam kung bakit ganito siya kagalit. Agad niya akong ibinagsak nang muli ko siyang hilain. At dahil sa gulat ay hindi ko nagawang makalaban. Tinamaan niya ang gilid ng labi ko bago ako ibinagsak sa malamig na sahig ng gym.
Iyon ang naabutan nila Coach Joy at Coach Ray na sumigaw agad nang nakita ang nangyari.
"Riri!"
"What the hell, Riri?!" Hindi ako sigurado kung si Rivers din ang narinig ko.
Hindi ko alam na sabay-sabay silang dumating dahil ininda ko ang sakit na natamo ko sa ginawa ni Riri.
"Oh my God, A!" Agad nila akong dinaluhan.
Umiyak agad si Casidy. Si Shaun ang unang nakalapit sa akin, kasunod sila Vira at Guile.
"What the hell are you doing?!" dumagundong ang sigaw ni Rivers kay Riri na hindi pa rin nagpapaawat.
"Is she the reason, Rivers?!" galit at frustrated nitong sigaw.
Hinawakan ko agad ang braso ni Casi. Nakita iyon ni Shaun kaya hinila niya si Casi sa tabi niya.
"Are you okay?" tanong niya sa akin.
Tinulungan nila akong makatayo at mabuti nalang ay hindi ako nabalian o kung ano.
Agad kong tinignan si Casi. "Ayos ka lang ba?"
Kung kay Casi niya ginawa iyon, hindi ko na alam kung anong gulo ang mangyayari. Mabuti nalang at hindi sila nagkasakitan kahit paano.
"Riri, stop it! I told you we're done! What the hell are you doing?!"
"What?! Because of this girl? Are you crazy, Rivers?!"
"Has she gone mad?" bulong ni Vira habang inaalalayan din akong makatayo nang maayos.
"Riri, stop it!" Ngayon ay si Coach Joy at Coach Ray na ang umaawat sa kaniya.
"Do you realize what you just did?! You hurt a student! Are you out of your mind?!"
Sumigaw si Riri sa sobrang frustration, at pagkatapos ay nag-walk out.
Agad naman akong dinaluhan nila Coach.
"Are you okay, Amethyst?" nag-aalala nilang tanong.
Tumango ako. "Pasensya na po."
Bumaling sila kay Casi at agad itong tinignan. "Ikaw? Sinaktan ka ba niya?"
Umiling si Casi habang nakakapit sa braso ni Shaun. "I'm fine, but Amethyst is bleeding."
Pinunasan ko ang gilid ng labi ko at nakita agad na may dugo nga roon. "Ayos lang ako."
"We'll talk to Riri once she calms down. We won't be able to talk to her at this rate. Let's bring you both to the office first. Gamutin natin ang sugat mo, Amethyst."
Tumango ako at sumunod naman. Sumama sila Shaun at Casi sa amin, habang naiwan sila Vira at Guile para sa training.
Ginamot ni Coach Joy ang sugat sa gilid ng labi ko gamit ang first aid kit sa headquarters, naiwan naman sa lounge sila Casi at Shaun.
"Anong nangyari, Amethyst? Alam mong bawal ito sa inyo, hindi ba?"
Umiling ako. "Hindi ko po alam kung anong nangyari. Dumating ako sa gym na nagkakagulo na sila. Natakot akong masaktan ni Riri ang kaibigan ko kaya po ako umawat."
Huminga ito nang malalim at tumango. "This might disqualify Riri for an upcoming tournament."
"Pasensya na po.."
Tumango ito. "Tapos na ang klase mo, hindi ba? Umuwi ka muna at magpahinga. Kakausapin ko si Riri bukas at aalamin ko ang nangyari."
May hinala na ako kung ano ang nangyari pero ayaw kong sa akin iyon manggaling. At kailangan ko rin munang tanungin si Casi.
Pagkatapos naming mag-usap ni Coach Joy ay hinayaan niya na akong umalis. Paglabas ko ng headquarters ay tumayo agad si Shaun at Casidy mula sa pagkakaupo sa couch sa lobby. At nagulat ako nang nakitang naroon din si Rivers, nakatayo sa pintuan ng kanilang headquarters.
"Are you okay?" tanong ni Shaun nang lumapit ako sa kanila.
Tumango ako at bumaling kay Casi. "Kakausapin ni Coach si Riri bukas at baka ipatawag ka rin, Casi."
Tumango ito. "I'm sorry, A, kung nadamay ka.."
Huminga ako nang malalim at umiling. "Ayos lang ako. Mas mahirap ang sitwasyon kung ikaw ang nasaktan niya, Casi.."
"But still.."
Tinignan ko si Shaun. "Bumalik na kayo sa klase niyo. Babalik ako sa gym."
Alam kong naiintindihan niya na palusot lang ang pagbalik ko sa gym dahil kailangan ko nang pumunta sa coffeeshop ngayon.
"Let's just go home so you can rest, A.."
Nagkatinginan kami ni Shaun. Umiling siya sa akin kaya napabuntong-hininga ako.
Alam kong natakot si Casi sa nangyari, halata iyon dahil hindi siya bumibitiw sa braso ni Shaun. Tumigil na siya sa pag-iyak pero namumula pa rin ang mga mata niya.
"Hihintayin ko nang matapos ang klase niyo. Sabay-sabay na tayong umuwi."
Siguro ay pwede namang huwag muna akong pumasok ngayon. Pakiramdam ko kasi ay mag-aalala lang si Casi kung gagabihin ako sa pag-uwi. Tatawag ako sa manager mamaya at magpapaliwanag.
"What if bumalik iyon at saktan ka nanaman? She looks violent, A!"
Nilingon niya si Rivers kaya napatingin kami rito. Nakasandal pa rin siya sa pintuan ng headquarters nila, nakakunot ang noo at seryosong nakikinig lang sa amin.
"Can you accompany her? Hindi ba sa gym ka lang din?"
Huminga ako nang malalim. Bago pa ako makatanggi ay naunahan na akong sumagot ni Rivers.
"I'll look after her. Go to your classes. We'll talk later."
Tumango si Casi at muling bumaling sa akin. Inakbayan siya ni Shaun at inakay na paalis doon. Habang nanatili naman akong nakatayo, naghihintay na mawala sila sa paningin ko nang sa ganon ay matanggihan ko si Rivers.
"Kaya ko na ang sarili ko," sabi ko bago umambang aalis na rin.
Iyon nga lang ay mabilis niya akong nahigit pabalik.
Hinarap niya ako agad nang nahila pabalik. Nakita ko kung paano niya tinitigan ang gilid ng labi ko.
"You should put a cold compress. Magpapasa 'yan."
"Okay lang ako."
Pinipilit ko siyang iwasan pero heto siya at nandito sa harap ko.
"Next time, don't get involved."
Huminga ako nang malalim at binawi ang braso kong hawak niya. "Natakot ako. Baka masaktan niya si Casi. Alam mong taekwondo player siya."
Hindi naman dapat ako involved dito. Alam kong siya ang pinag-awayan nila Riri at Casi, narinig iyon ng lahat ng tao sa gym kanina. Kung hindi lang masasaktan si Casi ay hindi naman dapat ako makikialam.
"You should have called me."
"Galit na galit si Riri. Uunahin pa kitang tawagin? Paano kung sinaktan niya si Casi? Alam mong malaking problema iyon. Sana inayos mo nalang ang problema niyo ni Riri."
Huminga siya nang malalim. Pabalik-balik ang mga mata niya sa gilid ng labi ko na parang problemado siya roon.
"I stopped going out with Riri. She heard about Casidy so she thought it was because of her. They fought at the cafeteria this lunch, naawat ko lang. I didn't know it will happen again."
Tinitigan ko siya, hindi alam kung ano ang unang iisipin sa mga sinabi niya.
Tinapos niya na ang kung ano mang mayroon sila ni Riri? Bakit? Mayroon siyang bago? Kasi imposibleng dahil iyon kay Casidy.
"I asked Kristel from the cheering squad not to bother me again. I stopped replying to those girls trying to flirt with me."
Napakurap ako, hindi naiintindihan ang mga sinasabi niya. Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko.
Bakit? Anong nangyari? At bakit niya ito sinasabi sa akin ngayon?
"We have a cold compress inside. Let's put it on your wound, please."
"A-Ayos lang ako.."
"Amethyst, please, let's treat that properly."
Umatras ako, hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Naguguluhan ako sa nangyayari at mas naguguluhan ako sa emosyong nakikita sa mga mata niya.
Please..hindi totoo itong nakikita ko, hindi ba? Hindi totoo itong naiisip ko. Hindi ito pwede.
**