Hindi maintindihan ni Dinnah ang sarili kung bakit para siyang nasaktan na makitang nandito si Miss Alexa—ang ex ni John. Hindi naman sana siya ang kasintahan nito—kundi ang kanyang kambal. Pero kahit na hindi siya ang kasintahan nito ay apektado parin siya dahil sa loob ng tatlong linggo ay kasama niya ito at nagiging pansamantalang asawa nito. Tila nahuhulog na kasi siya kay John. Ito ang lalaking nakauna lahat sa kanya, ito ang nagparandam sa kanya kung paano maging ganap na babae. Napapikit si Dinnah at kumawala ang munting luha mula sa kanyang mga mata. Mahal na niya si John, Pero iba ang minahal nito at hindi siya. Ito ang resulta ng kanyang pagpanggap rito bilang si Donnah. Siya ang napahamak at biktima sa paglayas ng kanyang kapatid. Alam niyang ang kanyang naramdaman ay wala n

