"Tulongan niyo po ako Manang, Oo, nais ko pong lumayas dito." Ang sabi ni Dinnah sa matanda. Natigilan si Manang Sonia at nanlaki ang mga mata sa sinabi ni Dinnah. "Ano? Pero hindi puwede, Dinnah! Baka lalo pang magalit si Sir John kapag mahuli ka sa pag-alis nang walang pahintulot. Baka kakasuhan pa ang pamilya niyo dahil sa panloloko niyo sa kanya," Nag-alalang wika ni Manang Sonia. "Ano!?" Gulat niyang sambit. "Oo, Dinnah, kilala ko si Sir John kapag nagagalit. Huwag mo siyang takasan baka mas lumala pa ang problema niyo. Ang mabuting gawin mo ay ifollow-up ang pamilya mo para mahanap ang kapatid mo at mapuntahan ka niya dito. Sa oras na yun ay pwedi kanang umalis kapag nandito na ang kambal mo. Promise, iha, mas delikado pa ang gagawin mo kapag tatakas ka."Mahina ngunit mariing

