Hindi pa man kami nakakalabas ng safe house ay tumunog ang phone ko. Ang tawag na ‘yon, kahit hindi ko pa tingnan, alam kong sa isang tao lang nanggagaling.
Siya.
Ang ama ni Icey.
At ang taong nagbibigay ng mga utos na hindi ko pwedeng tanggihan—hindi dahil sa pera, hindi dahil sa kapangyarihan, kundi dahil sa lihim kong misyon sa pamilya nila.
Huminto ako sa harap ng pinto ng safe house. Pinatuloy ko si Icey at ang assassin sa likod, habang ako mismo ay nanigas na parang tinamaan ng malamig na bala. Ang loob ko ay kumulo, pero hindi ko pwedeng ipakita. Hindi kay Icey. Hindi ngayon.
“Who is it? ” tanong ni Icey, lumapit sa akin, ang boses ay halong galit at kaba.
Hindi ako sumagot.
Nararamdaman kong sumusukat sa akin ang tingin niya, sinusuri kung bakit biglang nag-iba ang timpla ko. Kahit ang assassin, napatingin at kumunot ang noo.
“Ismael,” sabi ng assassin, “answer it. Alam mong mas delikado kapag hindi mo sinagot.”
Tama siya.
Dahil ang pagsagot ay parang paglagda ng kaluluwa ko sa panibagong kautusan.
Huminga ako nang malalim at sinagot ang tawag.
“Sir,” sabi ko, pagpipigil ng emosyon.
“Where are you? ” Malamig, diretso, walang introduction. Kahit kailan, gano’n siya—hindi nagsasayang ng salita lalo na kapag galit.
“Safe house 3,” sagot ko. “Kasama ko si I—”
“Good.” Pumutol siya bago ko pa mabanggit ang pangalan ng anak niya. “Stay there. I’m sending a transport. You move in ten minutes.”
Napalunok ako.
“Pero, sir—”
“No objections.”
Hindi iyon pakiusap. Hindi pwedeng kwestyunin. “May makakahabol sa inyo diyan. Hindi ligtas ang lugar na ‘yan. And Ismael…”
Nanlamig ang batok ko.
Hindi maganda kapag binabanggit niya ang pangalan ko sa ganitong tono.
Napatingin ako kay Icey. Nag-aabang siya. Hindi niya alam na bawat salitang naririnig ko ngayon ay parang patalim na dahan-dahan akong hinihiwa.
"Ingatan mo siya at wag mo siya pababayaan."
Huminto siya sandali.
“…you know the consequences.”
Bago pa ako makapagsalita, pinutol niya ang tawag.
Putang ina.
“Ismael? ” lumapit si Icey, bahagyang nakakunot ang noo. “Si Papa ba ‘yon? Ano bang—”
“Let’s move,” putol ko, mas mabilis pa sa hangin. “Pack anything you see. We leave in nine minutes.”
“Ismael! ” Hinila niya ang braso ko para harapin ko siya. Matapang siya, palaban—pero may bakas ng pagkalito sa mga mata niya. “Ano bang nangyayari? Bakit ang weird mo bigla? Ano’ng sinabi ni Papa? ”
Muntik ko nang masabi.
Muntik na.
Pero hindi pwede.
Hindi pa.
“Sinabi niyang hindi tayo ligtas dito,” sagot ko. “Yun lang.”
Napailing siya. “Hindi ka nagli-lie, pero hindi ka rin nagsasabi ng buong totoo.”
Tangina, pati instinct niya, kalaban ko ba ngayon?
“Wala na tayong oras,” sagot ko. “Please, Icey. Makinig ka muna.”
Nagtagal ang tingin niya sa akin. Para bang sinusubukan niyang basahin hindi lang ang mukha ko, kundi pati kaluluwa. At kahit hindi niya sabihin, alam kong ramdam niya:
May tinatago ako.
At iyon ang pinakaayaw ko.
Dahil kahit gusto kong maging transparent, ang buhay na kinalakihan ko ay punong-puno ng lihim at utos.
“Fine,” sabi niya sa dulo, pero halatang napipilitan. “Pero hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinabi kung saan mo ako dadalhin.”
Paglabas namin sa likod na pinto, sinalubong kami ng malamig na hangin at mas malamig pang presensya ng panganib. Tahimik ang paligid, pero masyadong tahimik. Hindi ito katahimikan ng kapayapaan—kundi katahimikan bago ang putok.
Tumigil ang assassin sa tabi ko. “They’re close,” sabi niya. “Nasa perimeters sila.”
“Tangina,” bulong ko.
Icey looked around. “So ano ngayon ang gagawin natin? ”
“We go to the transport,” sagot ko. “And then—”
“And then what? ”
Matalim ang tanong niya, para bang ayaw niyang tanggapin ang kontrol na tangan ko.
“At saan ka ba dadalhin ni Papa? Bakit kailangan niya akong itago? Pakiramdam ko parang—”
“Because you are not getting married yet,” putol ko, halos pabulong pero malinaw.
Tumigil siya.
Literal.
Tumigil sa paghinga, sa paggalaw, sa pag-iisip.
“Anong… sinabi mo? ”
Nasa pagitan kami ng dalawang pader, pero pakiramdam ko nasa loob ako ng bitag. At mismong si Icey ang may hawak ng tali.
Huminga ako nang malalim. Walang point ang magsinungaling. Hindi na papasa. Hindi na dapat.
“Your father,” simula ko, mabigat, “ordered me to keep you hidden. Until the wedding.”
Nagulat siya—pero hindi lang basta gulat.
Naghalo ang sakit at galit sa mga mata niya na parang pinipilit niyang huwag iluwa.
“So alam mo.”
Mahina, pero may bagsik.
“I know.”
“At hindi mo sinabi.”
Hindi tanong. Reklamo. Akusasyon.
“I wasn’t allowed,” sagot ko.
“Allowed? ” Napatawa siya, malutong, mapait. “So may mga bagay pala tungkol sa buhay ko na hindi ko pwedeng malaman dahil mas may karapatan silang sabihin sa’yo kaysa sa akin? ”
Hinawakan ko ang balikat niya. Hindi ko alam kung dapat ba, pero ginawa ko pa rin.
“Icey, please. Hindi mo naiintindihan—”
“Ano’ng hindi ko naiintindihan, Ismael? ”
Lalo siyang lumapit.
“You know I have a fiancé. You know there’s a wedding. You know something is wrong. You know my father is hiding something. And you—YOU—are part of it.”
Ang sakit ng bawat salita niya.
Dahil tama siya.
At mas masakit dahil hindi ko pwedeng itama ang lahat… kahit gusto ko.
Isang putok ang umalingawngaw.
BANG!
“DOWN! ” sigaw ko at agad ko siyang itinulak pababa, tinakpan ang ulo niya. Narinig ko ang assassin na sumagot with another gunshot.
“Apat sila sa kaliwa! ” sigaw niya.
Putang ina. Ngayon pa talaga?
“Icey, stay low! ” sabi ko, pero umangat siya ng kaunti.
“Ismael, hindi pa ako tapos—”
“NOW IS NOT THE TIME! ” singhal ko.
Nakita ko kung paano siya napakurap sa lakas ng boses ko, pero wala akong oras para magsisi. Hindi ko hahayaan kahit sino—kahit si Icey mismo—na ilagay ang sarili niya sa putok habang nag-aaway pa kami.
Hinila ko siya patakbo, gamit ang katawan ko bilang panangga. Narinig ko ang mga putok sa likod namin, ang mga hakbang ng assassin, at ang pagsabog ng pader na tinamaan ng bala.
“Ismael—!”
“Trust me! ” sigaw ko.
“At paano ako magtitiwala kung ikaw mismo ang—”
Hindi niya natapos.
Dahil lumitaw sa harapan namin ang sasakyan—itim, tinted, armored—at alam ko na agad kung kanino galing.
Papa niya.
Pinuksuan niya ng galit ang tingin niya sa sasakyan, bago ako.
“Hindi ako sasakay diyan! ”
“Icey—”
“No! Hindi ako magpapadala sa kahit saan na hindi ko alam! Hindi ako itatago na parang—”
Tumigil ako.
Humawak ako sa magkabilang braso niya.
At sa unang pagkakataon, hindi ako nagalit. Hindi ako sumigaw. Hindi ako nag-utos.
“Icey… kung hindi mo ako kayang pagkatiwalaan ngayon… mamamatay tayo.”
Humina ang paghinga niya.
“At iyon,” dagdag ko, mahina, “ay isa sa iilang bagay na ayoko pang mangyari.”
Tahimik.
Tanging putok lang ng baril at sigaw ng assassin ang nasa paligid.
“Please…” bulong ko. “Sumakay ka.”
Tumingin siya sa akin.
Hindi bilang target.
Hindi bilang fiancée ng ibang lalaki.
Pero bilang taong alam niyang handang magpakamatay para sa kanya.
And slowly… dahan-dahan… tumango siya.
“Pero Ismael…” bulong niya habang binubuksan ko ang pinto ng sasakyan, “hindi pa tapos ‘to.”
Ngumiti ako nang mapait.
“I know.”
At habang isinara ko ang pinto at pinaputukan ng kalaban ang gilid ng sasakyan, isang bagay ang kumirot sa loob ko.
Dahil alam kong pagdating ng dulo—
Hindi lang bala ang tatama sa akin.
Pati siya.
At baka hindi ko kayanin iyon.