KABANATA XIV

2421 Words
Jillian's POV "Jillian?" Kalabit sa balikat ko ni Mrs. Fernandez, kaya dali-dali akong humarap sa kaniya. "Ano bang nangyayari kay Miss Kore? Bakit nag-iba yata ang ihip ng hangin?" tanong nito. Mukhang naninibago rin siya, dahil isa rin si Mr. Hernandez sa sinusungitan ni Ms. Kore noon. "Hindi ko rin alam. Tinawagan na lang niya ako kanina tapos inilibre sa coffee shop," nahihiya kong sagot. "Coffee shop?" namulagat ang mata ni Mrs. Fernandez pati na ang mga nakikiusyoso. "Huwag naman kayong maingay." Nahihiya kong tugon. "Baka magbago ulit ang mood niyan. Mas okay na siyang ganyan ano?" bulong ko sa kanila. "Siya nga pala. Pinapatawag tayong lahat ni Ms. Kore sa conference room, sumunod na lang kayo at tatawagin ko na rin ang mga nasa production." Lingon ko sa kanila na naglulupong-lupong sa office. "Nasa production? Bakit?" tanong ni Ms. Irene, ang supervisor ng linya. "Basta, hindi ko rin alam. Mauna na kayo doon sa conference room," wika ko habang takang-taka pa rin ang mga ito na naglalakad papunta roon. "Jillian?" Sulpot ni Jenny sa likuran ko. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na ito napansin kaya sobra na lamang ang pagkagulat ko. "Ikaw talaga! Kung saan-saan ka na lang kamo sumusulpot," wika ko rito habang isa-isang tinatawag ang mga empleyado. "Kasi naman. Nakakapagtaka lang si Ma'am Kore ano? Pati damit niya tignan mo, first time ko lang nakita na nagsuot siya ng gano'n na damit na hindi labas ang pwet," pagbibiro nito kaya nahampas ko ng hawak kong papel ang ulo niya. "Aray ko ha? Pero seryoso. Parang hinipan siya ng mabait na hangin, parang nagkatotoo lahat ng wish natin sa kanya." "Sana nga tuloy-tuloy na," saad ko, habang inaalala ang magandang ginawa sa akin ni Miss Kore ngayong araw. Kahit papaano ay may mabait din pa lang parte sa pagkatao niya. --- Nyx's POV Nang pansin kong nasa conference room na ang lahat. Naglakad na ako papunta roon habang takang-taka pa rin si Jillian sa akin na hindi mawala-wala ang ngiti sa labi. Pagkabukas ng pinto, mabilis niya akong hinanap at lumapit sa akin nang dumako ang mata ko rito. "Nandito na ba ang lahat?" bulong ko. "Yes Ma'am. Pero si Mr. Velasquez, tatlong araw po nag-leave," wika ni Jillian. Lumapit naman ako sa kanya. "Sino 'yon?" bulong ko. "Siya po 'yung Marketing Manager natin Ma'am," paliwanag naman nito. Habang tinitignan ko isa-isa ang mga empleyado ni Kore, yumuyuko naman ang mga ito at hindi makatingin ng direkta sa mata ko. Sa dinami- rami ng empleyado na ipinatawag ko ay punong-puno na ang conference room habang ang iba naman ay nakatayo sa labas. "Jillian, sino 'yung babae na naka-skirt katabi no'n o." Turo ko sa babaeng petite na napakahaba ang buhok. "Siya po si Amira. Iyong HR Staff po natin," paliwanag naman nito. "Hindi ko rin po kayo masisisi Ma'am, kung nakalimutan na ninyo ang pangalan nila." Napatingin naman ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. "Bakit naman?" takang tanong ko. "Ilang buwan na rin po kasi kayong hindi nagpapakita dito, at saka kadalasan po kasi Ma'am hindi niyo naman po inaalam ang pangalan namin," paliwanag niya. Mayroon din palang advantage para sakin ang pagiging masungit at antipatika ni Kore. "Eh siya?" Nakanguso kong tanong sa mataba na isa rin sa mukhang gulat sa biglaang transformation ko. "Si Mrs. Fernandez po Ma'am. Siya naman po ang Accounting Head natin." Nagkunwari naman akong masungit sa kanila habang may naglalaro na naman sa isip ko. "Andito na ba ang lahat?" maldita kong tanong, habang nakataas pa rin ang isa kong kilay. "Yes po," saad ni Mrs. Fernandez na hindi direktang makatingin sa akin. "For now..." Putol ko sa sasabihin, at tiningnan silang lahat. "Let's have a lunch together," masayang sabi ko. Nagsitaasan naman ang ulo ng karamihan, habang ay iba ay sumiksik sa pintuan para lamang masiguro ang sinabi ko. "P-po?" takang sabi ng karamihan. "Ang sabi ko mag-lunch na tayo, at magpakabusog na kayo dahil libre ko," pag-uulit ko pa. "Ma'am? Hindi po kaya nabibigla lang kayo sa sinasabi niyo?" bulong naman ni Jillian habang nag aalalang nakatingin sa akin. Umiling lamang ako. "Sige na. Halina kayo, at kung sino man ang di sumunod, tanggal na sa trabaho," wika ko sabay labas ng conference room. Dali-dali namang tumakbo ang iba palabas, habang ang iba naman ay nag-chi-chismisan at tulala sa sinabi ko. "Totoo ba 'yon?" bulong ng mga empleyado habang masaya silang tumatakbo papuntang canteen. "Oo nga, kaya kumain tayo ng marami!" saad naman ng kasamahan niya. Napangiti na lamang ako sa naririnig ko sa bawat isa sa kanila. Hayaan ninyong makabawi si Kore,habang gamit ko ang katawan niya. Hayaan ninyong maging mabait muna ako kahit saglit lang. Habang kumakain ang lahat sa canteen, pansin ko namang pati ang tindera dito ay nagtataka sa inaasta ko. Nginitian ko lamang sila, ngunit lalo namang nanlaki ang kanina pa nakamulagat na mata niya. "Ma'am eto na po 'yung pina-order ninyo." Lapag ni Jillian ng paborito kong kare-kare. "Salamat." Pagkalapag nito ng pinamili niyang pagkain, humarap naman ito sa akin at hinila ang puting monoblock. "Ma'am, alam niyo hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa kinikilos ninyo," panimula nito. Ako naman ay sinasalin na sa plato ang kanin. "Lalo na ngayon, nilibre mo lahat ng empleyado, pati na kami. Tapos nakasabay ka pa naming kumain dito na kahit kailan ay hindi namin naisip sa tanan ng buhay namin." Tumigil naman ako sa pagsandok, at nginitian ko siya. "Alam mo, nagbabago naman lahat ng tao e. At saka alam ko marami rin akong pagkukulang sa pagiging boss sa inyo. Madalas nasisigawan ko kayo at ang iba tinatanggal ko ng walang kamalay-malay, gusto lang bumawi," saad ko. Habang tinitignan ang lahat ng empleyado na kumakain, tila nabubusog na rin ang mata ko sa bawat tawa at halakhak na ginagawa nila. Iyong iba ay parang unang beses pa lamang nakakain dito dahil hikahos din sila sa buhay. Iyong iba naman ay parang lutang pa rin sa lahat ng nangyayari. "Ang saya nilang tingnan no?" Namumutawi aang ngiti sa aking labi, habang masaya kong pinagmamasdan ang mga tao. "Ay opo Ma'am. Karamihan kasi sa kanila wala palaging kinakain, kaya dinadaan na lang sa pagtatrabaho 'yong gutom. Malaking pasasalamat nga po nila sa inyo dahil inilibre ninyo sila. Lalo na 'yung may-ari ng canteen, gulat na gulat sa inyo dahil ubos lahat ng ulam sa canteen niya," masayang kwento nito. Nang matapos na kaming kumain, sunod-sunod naman silang nagpasalamat sa akin. Iyong iba naiyak pa dahil sakto at wala raw ang mga itong pambili ng pagkain. Iyong iba naman ay nagpasalamat at pagkatapos noon ay balik naman ang chismis sa akin. "Hayaan mo na sila Ma'am." Sulpot ni Jillian sa likuran ko. Pagkalabas ko kasi ng canteen, pinagtitinginan ako ngtatlong babae tapos nagbubulungan sila. Ngunit imbis na gantihan ay nginitian ko lamang ang mga ito. Hindi ko rin sila masisi kung bakit ganon na lamang sila sa kanilang boss. Siguro palagi 'silang pinapagalitan ni Kore kaya ganyan na lamang ang pakikisama nila ngayon. Nang pumasok na ako sa opisina ni Kore, kaagad kong dinampot ang mga papeles na nakapatong sa mesa. Habang abala ako sa pagbabasa ng report, bigla naman akong may naalala. "Oo nga pala. May pupuntahan pa ako," bigla kong sabi kay Jillian na abala din sa pag-xe-xerox ng mga reports. "Jillian. Naalala ko may gagawin pa pala ako, pwede bang ikaw muna rito?" saad ko, kaya bumaling ang atensyon niya sa akin. "Sige po Ma'am," wika niya at dali-dali ko namang sinukbit ang bag sa balikat ko. Mabilis kong tinunton ang parking area at binuksan ang kotse. Pagkapihit ng manibela, kaagad ko itong inandar dahil balak kong puntahan iyong sa pinangyarihan ng insidente kahapon. Tingin ko naman ay aabutin ng treinta minutos bago ako makabalik sa highway na iyon. Lalo na ngayon ay heavy ang traffic sa Monea Highway. Pagkalampas sa traffic, mabilis kong minaneho ang sasakyan patungo doon. Sakto naman at mukhang pinagpala ako ngayon, dahil nakita ko na naman ang mag lola na naglalakad sa gilid ng kalsada. Naalala ko na naman tuloy iyon, dahil sa sama ng ugali ni Kore ay muntik na naman siyang makapatay ng isang inosenteng matanda na nagbabalak lamang tumawid sa daan. Nang lalapitan ko na sila, bigla na lamang akong napaurong. Hindi pala sila iyon. Itinabi ko ang kotse sa isang bakanteng pwesto at bumaba rito. Magbabakasakali akong may nakakita man lang sa kanila sa mga nakatambay rito. Kaagad kong hinarang ang isang babae na hanggang balikat ang buhok. "May nakita po ba kayo dito na isang lola, tapos inaalalayan siya ng apo niya na ganiyan siguro kataas,"pag eexplika ko sa kaniya na mukhang naguguluhan din sa sinasabi ko. "Wala e," sagot nito at diretsong umalis. Nilapitan ko naman ang isang matandang ginang na nakakunot ang noo na naglalakad. "Ate. May nakita ba kayo dito na mag lolang palagi na lang tumatawid sa pedestrian na 'to?" tanong ko sa kanya. "Alam mo Miss. Kung magtatanong ka tungkol sa mag lola na tumatawid, maraming tumatawid diyan. Ano sa tingin mo gagawin ko? Magbabantay ako ng maghapon para masagot ko 'yang tinatanong mo?" inis na sabi nito, habang init na init ito sa kanyang suot na jacket. Tirik na tirik na kasi ang araw, bakit naka-jacket pa 'to. "Salamat po," sagot ko na lang. Ilang minuto na rin akong naghihintay dito ngunit hindi ko pa rin makita 'yung mag-lola. Sana naman kahit papaano ,bago ako umalis ay makabawi man lang ako sa kanila. "Bakit?" tanong ng isang boses sa aking likuran. Napalingon naman ako sa isang lalaking may dalang supot habang seryoso itong nakatingin sa akin. "Bakit mo kami hinahanap?" wika nito habang blangko pa rin ang mukha niya. Siya ba yung lalaki na kasama nung matanda? "I-ikaw yung..." "Oo ako at ang lola ko na muntik mo ng mapatay." Hindi ko alam kung saan nito hinuhugot ang malalim niyang boses. Basta ang alak ko lang sa ngayon, kinakabahan ako sa kaniya. "Teka lang naman. Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa inyo, sa mga nagawa ko," saad ko. "Sumunod ka at siguraduhin mong hihingi ka ng tawad sa lola ko," ani nito sabay lakad. Pumasok naman ito makitid na daan papunta sa squatter area, ako naman ay pinarada na lamang ang sasakyan sa labas. Buti na lang at sapatos lang ang suot ko ngayon, kung hindi baka kanina pa ako natapikok sa sobrang dami ng basura na nandito. "Nasaan ang lola mo?" tanong ko sa kanya. Nakarakaramdam kasi ako ng hiya sa mga matang kanina pa ako sinusundan ng tingin. "Nasa bahay. Huwag mo lang pansinin lahat ng nakatingin sayo at baka mapahamak ka." aniya. Ilang minuto naman kaming naglalakad nang tumigil kami sa harap ng sira-sirang bahay. Gawa lamang ang bahay nila sa isang tagpi-tagping plywood, habang ang kanilang bubong ay napakalumang mga yero lamang at tinagpian ng mga plastik. "Halika. Nandito si lola,"pag-aaya niya. Pumasok kami sa kanilang bahay at kaagad na tumambad sa akin ang mismong hinihigaan ni lola. Sa isang maliit na bahay, napagkasya nila ang kanilang kusina higaan pati na ang palikuran. Hindi ko alam, pero bigla na lamang nanlambot ang tuhod ko. "Apo. Sino iyang kasama mo?" tanong ni lola habang kinakapa ang kanyang tungkod na nakasandal sa may dingding. Bulag pala si lola. "Lola, may gusto pong humingi ng tawad sa inyo," ani nito sabay pinaupo si lola. "Sino iyan apo?" Umupo naman ako sa tabi ni lola habang tinatabi ang nakakalat na damit na kanyang sapin sa higaan. "Ako po ito si Kore, lola." Hinawakan naman nito ang mukha ko at kinikilala. Hindi ko naman mapigilang maluha sa ginagawa nito. "Bakit ka umiiyak apo? Wala akong natatandaan na may anak akong Kore e. Pero sige anak na rin kita kaya 'wag ka ng umiyak ha?" Punas nito sa kanina ko pa tumutulong luha. "Sorry po lola." Yakap ko sa kanya habang humahagulgol. Wala na akong pakealam sa nakatingin sa akin, basta gusto kong makabawi sa kanya. Pagkatapos naming mag usap ni lola, inihiga naman ito muli ng lalaki sa maliit na papag. Inaya ako nito sa labas para hindi namin maabala si lola habang nagpapahinga. Gwapo rin ang kanyang apo dahil sa kaniyang matangos na ilong, mapulang labi, makapal na kilay at bilugang mata, pero lagi na lamang siyang nakasimangot. "Kamusta naman siya?"tanong ko. "Ayos naman. Pero ang sabi sa center mahina na rin ang pandinig niya gawa ng pagkatanda niya." Napayuko na lamang ako sa awa sa narinig ko. "Sobra akong nagsisisi sa ginawa ko, pasensya ka na talaga. Wala akong karapatan kumuha ng buhay. Sana mapatawad mo 'ko," pagpapaumanhin ko. Nakatingin lamang ito sa malayo habang pilit na ngumingiti. "Ayos lang. Akala ko nga katapusan na namin ni lola e, akala ko tapos na rin ang pag hihirap namin." wika nito habang kita ko sa mukha niya ang pagpigil ng luha. "Gusto ko sanang makatulong sa inyo," pag-iiba ko ng usapan. "Gusto ko sanang ilipat kayo sa mas maayos na bahay. Habang ikaw naman ay ipapasok ko sa kumpanya," paliwanag ko. Lumingon naman ito sa'kin sa wakas. "Hindi pwede. Paano na si lola? May maayos nga kaming tirahan, wala naman siyang kasama!" Alam ko at napag-isipan ko na ang lahat ng ito. "Ikukuha ko kayo ng bahay. Ako na ang sasagot sa lahat, pati na ang makakasama niya sa bahay. Ikaw naman, mag-tatrabaho ka sa kumpanya ko para maibigay mo ang mga kailangan ng lola mo," paliwanag ko. Nagulat naman ako sa biglang nag-iba reaksiyon nito. Bigla na lamang tumulo ang luha niya ng dire-diretso habang masayang nakangiti. "Talaga?" hindi pa rin makapaniwalang sabi nito. Tumango naman ako atsaka ako nito niyakap. "Salamat! Salamat dahil tutulungan mo kami. Akala ko mamamatay na lang ang lola ko na hindi makakahiga sa malambot na higaan. Hindi makakatikim ng masarap na pagkain at hindi mararanasang matulog sa bubong na wala ni isang tumutulo, salamat," dire-diretsong sabi nito. Tinanggal naman nito ang pagkakayakap sa akin habang hindi ko rin namalayan na may luha na rin pala sa mata ko. "Sana sa maliit na bagay na 'to makatulong ako, patawad." wika ko. Pinunasan ko naman ang nakatenggang luha sa pisnge ko, kaya sabay kaming nagtaaanan. Pagkatapos nito ay nagpaalam muna siya sa akin ng saglit at mabilis itong pumasok sa kanilang bahay habang niyakap ng mahigpit ang kanyang lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD