KABANATA XV

2745 Words
NAGPAALAM muna ako sa mag-lola na bibili muna ako ng mga kakailanganin nila, bago sila makalipat sa kanilang bagong bahay. Sana kahit papaano ay makabawas ako sa kasalanan na ginawa ni Kore sa kanila. Habang nag-dadrive papunta sa pinakamalapit na palengke, sumagi naman sa isip ko ang barista na isa rin sa pinahiya ni Kore. Huminga ako ng malalim. "Isa na lang," masayang sabi ko habang nilakasan ang volume ng radyo. Nang nakarating na ako sa palengke. Kaagad akong pumunta sa prutasan, dahil sa lagay ni lola ay matagal na rin itong hindi nakakatikim ng iba't-ibang klase ng prutas. Binilhan ko na rin siya ng gamot pati nang masusuot habang inaayos ko pa ang kanilang bagong matutuluyan. Habang namimili ng prutas, napansin ko ang isang matandang babae na nakasuot ng bestidang puti habang nakaipit ang mahaba at puting buhok. Pilit niyang tinatawaran ang binibiling pakwan. "Sige na, suki mo naman ako e. Kahit otsienta na lang 'to." saad niya, habang tinitimbang sa kanyang palad ang bigat ng pakwan. "Nako ale, napaka mahal ngayon ng mga prutas. Kung ibebenta ko 'yan ng otsienta, parang binigay ko na lang din sa inyo," reklamo ng matabang tindera. "Sige na anak, malapit naman na ang kaarawan ko e. Regalo mo na sa'kin to." "Maluluge kami ale," pilit pa rin ng tindera. Tumaas ang kilay ko, at lumapit sa kanila. Kinuha ko ang pakwan na gustong bilhin ng matanda. "Magkano po ito?" tanong ko, ng lumingon naman sa akin ang tindera. "120 'yan, wala ng tawad," masungit nitong sabi. "Sige dalawa," saad ko na lang at tiningnan ang ale na nagtataka. Nang isinupot na ang pakwan, inabot ko ito sa matandang babae. "Para sa inyo po." Ngiti ko. "Happy birthday!" Habang nanlalaki ang mata ng matanda, mabilis naman itong uling-iling. "Ah, e huwag na anak. Nakakahiya naman, tatawaran ko na lang si ate baka ibigay pa," pagpupumilit nito. "Hindi po," pilit ko pa rin sa kaniya. "Binili ko talaga 'yan para sa inyo, kaya tanggapin niyo na." Kahit gulat na gulat nitong tinanggap ang prutas, hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya. "Salamat anak, nakakahiya naman sa iyo." wika niya habang marahang ngumingiti. "Wala po 'yon, tsaka mamimili din ako para kay lola," saad ko at kumuha rin ng dalawa. "Ang bait mo namang bata, katulad ka ng anak ko," ani nito. "Sino po ba ang anak ninyo?" Lingon ko sa kanya habang inaabot sa tindera ang napili ko. Sasagot na sana ito ngunit bigla namang dumating ang driver ng itim na sasakyan at mukhang tinatawag na siya. "Ay pasensya ka na anak ha? Tinatawag na ako e. Salamat ulit sa bigay mo," wika nito sabay naglakad papasok ng sasakyan. "Si nanay talaga, nakapang-uto pa," bulong naman ng tindera. "Kilala niyo po?" "Oo. Si aling Emma 'yan, madalas bumibili dito at tumatawad," inis na sabi niya. "Kilala niyo rin po ba yung anak niya?" saad ko bago kunin ang supot na may lamang pakwan. "N-niel ata e? Hindi ko alam. Pero ang alam ko hindi naman niya totoong anak iyon, inaalagaan lang niya kaso namatay na," paliwanag nito. Tumango na lamang ako at iniabot ang bayad. Dumiretso ako sa sasakyan bitbit ang mga pinamili ko, habang inaalala ko si aling Emma. "Kawawa naman siya," bulong ko. Habang minamaneho ang sasakyan, kaagad kong kinapa ang cellphone sa bag at tinawagan si Jillian para ipaasikaso sa kanya ang bagong tutuluyan nila lola. "Yes po Ma'am. Kailan po ba ninyo ito kailangan?" Kaagad nitong sinagot ang tawag. "Kung pwede bukas na. Gusto ko iyong simple lang pero kumpleto na ang gamit ha?" pakiusap ko. "Yes Ma'am. I will update you na lang po mamaya," ani nito, sabay ibinaba ko naman ang telepono. Pagkarating ko sa tapat ng squatter are, isa-isa kong binitbit ang mga supot ng prutas at masayang tinunton ang bahay nila lola. Pagkarating doon ay nakahapag na ang kanilang tanghalian at mukhang may hinihintay pa ang mga ito. "Nandito na po ang mga kakailanganin ninyo." Lapag ko sa mga pinamili ko sa kanilang papag. "Buti naman at nandito ka na anak. Halika at sabay-sabay na tayong kumain," saad ni lola at ngumingiti. "P-po? Hindi." Iling ko. "Busog pa ako, kayo na lang po muna ang kumain. Magpakabusog kayo, dahil bukas may sorpresa ako." Tiningnan lang ako ng kaniyang apo na mukhang pinipilit akong sumabay sa kanilang kumain. Sa totoo lang ay namiss ko rin kumain ng piniritong talong. Nakakatakam dahil toyo at kalamansi ang sawsawan, kaso pansin ko'y ilang piraso lang din ito at sakto lang sa kanila. Tumayo ang lalaki at pagbalik nito ay inilapag nito ang isang plato sa harapan ko. "Kain na," aniya habang sinasandukan ng kanin si lola. "Salamat," wika ko. Hindi ko na rin naurungan dahil takam na takam akong nakatingin sa kanilang ulam. "Pasensya ka na anak. Wala na kasing budget si Dave, kaya talong lamang ang ulam namin. Hayaan mo sa susunod ipaghahanda pa kita," wika ni lola habang sinusubuan siya ng kanyang apo. "Ano naman ang ihahanda mo sa kanya lola?" tanong naman ng lalaki. "Edi tortang talong," saad ni lola kaya napatawa ako. Napakamot naman ng ulo si Dave, habang natatawa na rin siya kay lola. "Pareho lang naman na talong iyon lola e," ani nito. "Atleast apo may itlog iyon," wika nito, saka kami nagtawanan. Pagkatapos naming kumain, nagpaalam naman ako kay lola na kailangan ko munang umuwi at may aasikasuhin kako alo. Nang una ay pinipilit pa niya akong mag-stay muna kahit ilang oras, pero sa huli ay napilit din ito ng kaniyang apo kaya hinalikan ako nito sa pisnge at sinabing bumalik daw ako ulit sa kanila. "Halika na at ihahatid na kita. Baka bastusin ka pa sa labas," pag-pe-presinta ng lalaki. Habang naglalakad ay tahimik lamang itong nakatingin sa kanyang dinaraan. "Pwede bang magtanong?" basag ko sa kanyang pagmumuni-muni. "Kanina pa kasi tayo nag-uusap, pero diko alam ang totoo mong pangalan mo." "Oo nga pala," saad nito at ngumiti. "Ako si Dave Castro, at ang pangalan naman ni lola ay Esmeralda." Abot niya ng kamay. Tinanggap ko naman ang alok nito at ngumiti. "Ako naman si Kore," masayang sabi ko. "Kore Delos Santos." "Salamat," ani nito. Tumaas ang kaliwang kilay ko. "Ha?" "Salamat dahil ngayon ko na lang ulit nakitang masaya si lola," wika nito. "Ano ka ba, wala iyon. May sasabihin nga ako sa'yo e,"masayang bungad ko. Tumaas naman ang ulo nito at nagtatakang nakatingin sa akin. "Bukas na bukas, makakalipat na kayo. Papupuntahin ko rito 'yung assistant ko para samahan at tulungan kayong mag ayos sa bago ninyong bahay!" Habang masaya ko itong binabalita sa kanya, bumalik naman sa blankong ekspresyon ang kanyang mukha. "Hindi ba sobra na 'yung tinulong mo sa amin? Ayos na sakin na humingi ka nang tawad kay lola. Hindi mo kailangan obligahin ang sarili mo para rito." Tinapik ko lamang siya sa balikat at direktang tumingin sa kanya. "Hindi ko ito obligasyon. Pero sa tuwing nakikita kong masaya si lola, lalo akong ginagahan para tumulong," paninigurado ko sa kanya. Nang makarating na kami sa tapat ng aking sasakyan, kaagad akong nagpaalam kay Dave at sinabi ko na rin sa kanya na dalhin na lahat ng mga kakailanganin nila para bukas sa kanilang paglipat. Ginabi na rin ang pagmamaneho ko patungo sa pangalawa ko pang destinasyon. Sakto lang siguro ito at sana maabutan ko pa siya. Pagka-park ng sasakyan sa parking area na likuran ng Bar, kaagad akong pumasok dito. Wala pa rin pagbabago sa bar, binigyan pa rin nila ako ng maaliwalas na daan, habang sinalubong ako ng mga nagbabanggang mga malalakas na tugtog. Sigurado, napaka rami na namang tao. Kaagad kong hinanap ang manager ng bar, bago ko pa tuluyang kausapin 'yong barista. Pagkatapos naming mag-usap, dumiretso ako sa bar counter nang makita siyang nagtitimpla ng alak para sa customer niya na naghihintay. Napalingon ito sa akin kaya nginitian ko ito. Ngunit masama pa rin ata ang loob niya, dahil yumuko lamang ito at hindi na muling tumingin sa akin. Pagkatapos niya sa kanyang tinimpla, nagpunta naman siya sa harapan ko habang nakayuko pa rin ito. "Ano bang masarap na alak ngayon?" pagpaparinig ko. "Margarita po," nahihiyang sabi nito. "Sige, magtimpla ka ng maraming gano'n, tapos dalhin mo sa pwesto na 'yon." Turo ko sa malaking upuan na hindi tinatamaan ng disco ball. Tumango naman ito kaagad at tumalikod, habang ako naman ay dumiretso na sa 'aming' magiging pwesto. Habang hinihintay ko ito, napalingon ako sa babaeng nakaitim na pinipigilan nng kaniyang kaibigan sa pag-sasayaw sa gitna ng entablado. Lasing na lasing na ito kaya tuwang-tuwa ang mga lalaking nanunuod sa kanya. Mayroon ding babae na hindi naman sumasayaw, pero labis naman ang pakikipaghalikan sa mga kano. Hindi kaya nandidiri ang mga hinahalikan nito? Bumalik ang tingin ko sa harapan nang mapansin ang barista na papunta na sa aming pwesto dala ang alak na inorder ko. Pagkalapag nito n ay kaagad naman itong tumalikod sa akin, ngunit pinigilan ko ito. "Let's drink," sigaw ko ngunit sa lakas ng tugtugan ay sigurado akong hindi niya ito narinig. Tiningnan lamang ako nito at binigyan ako ng malaking katanungan sa kanyang mukha. "P-po? May sinasabi ba kayo?" pag-uulit nito. Sabi ko na nga ba e. "Umupo ka rito," sigaw ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata nito at kaagad na umiling. "Pasensya na po Ma'am, may trabaho pa kasi ako e," sigaw niya. "Pero sinabi ko na sa manager mo na hihiramin kita." Biglang namula ang mukha nito. Mukhang nagkamali ata ako sa salita ko. "I mean, gusto lang kitang makausap. Kaya binayaran ko na ang isang araw mo," pag-uulit ko. Marahan naman itong umupo sa harapan ko habang tinitingnan ako nito. Tisoy pala siya, ang pilikmata nitong mahaba na nakakadagdag sa kagwapuhan niya. Ang kulot at mahaba nitong buhok, pati na ang mapulang labi nito. "Ano po ang pag-uusapan natin Ma'am?" magalang na sabi nito. Hindi pa rin maalis sa kanyang mukha ang pagkahiya kaya napagdesisyonan ko ng magseryoso. "Kapag hindi ka direktang humarap sa akin, tatawagan ko ang manager mo at ipapatanggal kita," pabiro kong sabi ngunit seryoso pa rin ang mukha ko. "Naku Ma'am, huwag po. Kailangan ko lang po ng pera ngayon." mabilis na sabi niya at humarap sa akin dala ang nangungusap na mata. "See? Mas maganda kapag magkaharap ang nag-uusap." Sabay lagay ko ng alak sa baso namin. Seryoso akong tumingin sa kanya pagkatapos kong lagyan ng alak ang baso namin. "Gusto ko lang sanang mag-sorry sayo," seryosong saad ko. "Naku Ma'am, wala na po iyon. Sanay na po ako kapag gano'n." Medyo nakaramdam ako ng hiyaa sa sarili at lumubig ang isang paa sa dahil sa konsensya. "No," mabilis kong sabi. "Sa sobrang inis ko sa opisina at sa bahay, pati ikaw nadamay ko. Pasensya ka na at humihingi rin ako ng sorry sa nagawa kong pamamahiya sa iyo," seryoso kong sabi, habang hindi pa rin ito makapaniwala sa sinasabi ko. "Seryoso po ba Ma'am?"Sabay lagok nito ng alak at tumingin ulit sa akin. Natawa naman ako sa ginawa nito kaya nilagyan ko ulit ng alak ang baso niya. "Oo," ngiti ko. "Kaya kita pinuntahan dito para kahit man lang sa ganitong bagay, makabawi ako." Nilagok niya muli ang alak."Wala naman po yun Ma'am, nakalimutan ko nanga e," pagkukunwari nito. Pero hindi ako nadala ng kanyang pagtawa dahil kakaiba ang sinasabi ng mata niya. "Kaya bilang pagbawi. Sabay nating uubusin iyan, at pwede ka pang kumuha ng alak mo ako na ang may sagot." "Pero Ma'am, wala po kasi akong kapalit doon." Turo niya sa counter. "Baka po hanapin nila ako." "Inutusan ko na ang manager na magpapasok ng isa pang barista. Sa ngayon, mag-chill ka muna at inumin mo lahat ng gusto mo pang inumin," saad ko. Ngumiti naman siya at mabilis nitong ininom ang alak na ginawa niya habang tuwang-tuwa itong nakatingin sa akin. "Salamat Ma'am ha? Ngayon na lang ulit ako nakainom ng ganito kamahal na alak," ani nito. "Pwede bang kumuha pa ako?" masayang sabi nito. "Basta sabi niyo sagot niyo ha?" hirit pa niya. Tumango lamang ako at dali-daling nagpunta sa dancefloor para doon mag saya. Napatawa na lang ang iilan sa kanya sa ginagawa niya. Hindi pa siya lasing, pero nagwawala na siya doon. Ilang minuto rin siyang nawala, at pagbalik nito ay may dala na naman siyang tatlong bote pa ng alak. Tuwang-tuwa nitong inilipag sa tabi niya. "Mauubos mo ba yan?" kuryos kong tanong. "Opo Ma'am!" Kuha niya sa isang bote ng whiskey. "Salamat mam, pero pwede ba akong magtanong?" Mabilis naman akong tumanggo at tinungga ang alak na sinalin niya. "Ano po pala ang pangalan ninyo?" Napatigil naman ako sa pag-inom ng alak at hinarap siya. "Kore... Kore Delos Santos. Ikaw?" "Ako naman po si Mark. Matagal na akong barista dito," seryosong sabi nito. "Mga limang taon na. "Pero alam ninho noong binuhusan ninyo ako ng alak sa mukha, nalungkot ako noon." Nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha."Tingin ko na lamamg sa mga ginagawa noon ko ay hindi masarap. At saka gusto ko na rin magpakamatay sa kahihiyan," ani nito habang mapait na tinatawanan ang masasakit niyang alaala. Umiling ako at tiningnan ko siya ng direkta sa mata. "Masarap lahat ng gawa mo. Sadyang wala lang ako sa wisyo kaya nagawa ko 'yun." paumanhin ko. "Pero ayos na Ma'am! Napakasaya ko na ngayon, nag-sorry na kayo at bonus pa ang mga nilibre ninyong alak sakin." Hinintay kong maubos muna ni Mark ang lahat ng alak na inorder niya, bago ko ito binayaran. Nagpaalam na rin ako sa manager, habang si Mark ay mahimbing ng natutulog sa table na pinag-gamitan namin. "Paki-alalayan na lang siya ha? Andami niya kasing nainom e," bilin ko sa mga bouncer. Buti na lang at hindi ako gaanong uminom. Baka pati ako ay hindi na rin makauwi sa sobrang lakas nang tama ng mga alak. Habang pauwi ng bahay, napansin ko ang cellphone ko na kanina pa umiilaw. Kinuha ko ito sa aking bag. Nanlaki na lamang ang mata ko sa nakita ko. "Fifty eight missed call? Gerald?!" Gulat kong sabi. Ano naman kaya ang kailangan nito at bakit umabot pa sa fifty eight missed call. Pagkauwi ko ng bahay, kaagad kong hinanap ang kapatid ni Kore. Pero dahil sa araw-araw na akong nandito, hindi na ako nagkakamali. Palagi na lamang siyang nasa kusina at umiinom ng alak tuwing ganitong oras. "What happened?" usad nito. "In what?" tanong ko. "You." Kinakabahan akong sumagot. Bigla naman siyang lumingon sa akin dala ang nanlilisik na mata. Nakakatakot ang tingin nito na animo'y makakapatay siya kahit anong oras niya gustuhin. "One of our employees told me na nanlibre ka sa kumpanya. For what?" "Ah iyon ba? Wala lang iyon," pagkukunwari ko at inayos ang aking suot dahil baka may mahalata itong kakaiba sa akin. "Mukhang nakalimutan mo na ata Kore? Wala kang karapatan na ituring ang mga empleyado natin bilang isang kaibigan. Nagta-trabaho sila para sa pera at wala ng iba pa. Huwag kang umasta na para kang anghel Kore." garalgal nitong saad. Habang dahan-dahan itong tumayo, marahan din akong umaatras sa aking kinauupuan. Hindi ko alam, ngunit iyong mga tingin niya... "Remember? You almost killed me." Halos nanlaki naman ang mata ko sa tinuran ni Gerald. Ganito na ba talaga kasama ang ugali ni Kore na kahit kapatid ay handa niyang patayin. "E-eh, ano naman? Tsaka nilibre ko lang naman sila ah, 'yun lang." pagpapalusot ko kahit nanginginig na ang tuhod ko na papalapit siya sa akin. "The f**k Kore! Nakalimutan mo na ba? Minsan na tayong naging mabait!" Titig niya sa akin ng seryoso. Kitang-kita ko sa kaniya ang puot sa bawat salitang binibitawan. Ang umiigting niyang panga na nakakadagdag sa pagiging halimaw nito. "Pero anong ginawa nila sa atin? Saka ano bang pumasok diyan sa kokote mo!" Tutuok niya ng hintuturo sa kokote ko. "Kahit ilang beses ka pang tumulong, hindi mo na maibabalik ang buhay na mga kinuha mo!" Teka. Ano? Mga buhay na kinuha? Atsaka anong nangyari sa kanila? Naguguluhan na rin ako! Pagkatapos noon ay,nilampasan lamang niya ako. Tiniggnan ko si Gerald na palabas ng bahay habang dala-dala ang kanyang matinding galit. Anong nangyayari? Bakit ganito? Bakit tumutulo na lamang bigla ang luha ko. Pati paa ko ay hindi ko na maihakbang sa sobrang bigat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD