DALAWANG ARAW ko nang binabantayan si Kore pero wala pa rin akong nakikitang espesyal sa kanya. Ni hindi man lang siya marunong makipag-kapwa. Napabuntong hininga na lamang ako habang pinag mamasdan ko ang maamong nitong mukha.u Ang bait niyang tignan kapag tulog, pero kapag nagising ay mas masahol pa siyang humatol kay satanas. Baka habang binabantayan ko ang taong 'to, hinihintay na 'ko ng tunay kong target.
Pero hindi e.
Malapit naman na ang araw para malaman ko kung karapat-dapat talaga siya. Isa pa, siya lang ang nagtagal sa akin sa lahat ng naging target ko. Siguro kapag siya nga talaga, pagkasanib ko sa kanya babawi ako sa mga taong naargabyado niya. Lalo na doon sa matandang babae, pati na rin iyong bartender na pinahiya niya kanina.
Biglang nagkukumahos sa higaan si Kore at saka nakalukot ang mukha.
"It can't be!" sigaw niya.
"No, I'm not going to come with you." Bigla na lamang siyanng napabalikwas ng gising at bakas sa mukha nito ang pagkatakot.
Pagkatapos niyon, hindi na siya muling nakatulog kahit pa pasikat pa lamanng ang araw. Inayos niya ang mahaba at kulay abo niyang buhok, tsaka bumaba sa higaan. Lumabas naman siya ng kwarto at naabutan sa sala ang kuya na si Gerald.
Nang bumaling ang tingin ng lalaki sa kaniya, hinigop muna nito ang kape bago magsalita. "Kore, did you hear the news?" tanong nito, at saka dahan-dahang nilapag ang mug sa babasaging mesa.
"About what?" Nakataas na kilay niyang tanong.
"Just today, Mr Cueva died. Two offenders are wanted."
Teka, Mr. Cueva? Hindi ba ito 'yong...yung president kahapon sa publishing house?
"So?" tipid na tanong ni Kore.
"Nothing. I'm just curious what you've done to him," patawa-tawang sabi nito sabay lapag ng diyaryo sa lamesa.
Huwag mong sabihing may kasalanan na naman si Kore rito.
"He deserves that."
Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko.Tila nanlalambot din ang buong katawan ko sa narinig ko ngayon. Bakit? Bakit nakuha pa nilang tumawa ng ganito sa kabila ng sapilitan nilang pagkuha ng buhay.
Pagkatapos ng maikling usapan nila, pumaosok muli sa kwarto si Kore ngunit hidni ko na siya nagawang masundan dahil naestatwa pa rin ako sa aking narinig. Tila kinabog ang dibdib ko sa bawat halaklak na kanilang ginagawa, dagdag pa ang mukha ni Kore na walang bahid ng konsensya sa kaniya.
Bumalik naman sa pagkakape si Gerald at muling kinuha ang diyaryo at nilipat sa huling pahina. Ilang minuto akong nakatulala nang magbukas muli ang pinto ng kwarto.
"Aalis lang ako kuya," wika ni Kore na ngayon ay nakasuot ng medyo disenteng damit. Isang black longsleeve na dress at nakaputi itong sandals habang nakalugay ang mahaba at kulot na buhok. Natabig pa ako nito kaya bumalik ako sa ulirat.
"What ever." Tapon ni Gerald ng tingin sa kaniya.
Habang pinapanuod ko ang bawat hakbang na ginagawa ni Kore palabas ng bahay. Para itong tanikala na sumasayad sa lapag kaya napakasakit sa tainga ang ginagawa niyang ingay. Hindi ko alam pero, pero kahit ako ay natatakot na rin sa kanya. Paano niya nagagawa ang mga ganitong bagay?
Nang makaalis na si Kore, tulala akomg pumasok sa kwarto niya. Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung sasaniban ko pa siya o tatakbo na lang palayo sa impyernong bahay na 'to. Hindi kaya pagsubok lang 'to ni pinuno para malaman kung matatag ba talaga ako? Sa sobrang pag-iisip, hinayaan ko na lamang ang sarili kong bumagsak sa malambot nitong kama habang nakatingin sa puti nitong kisame.
Mamayang gabi na ang pangatlong araw.
Ang sabi ni pinuno, kung gusto mong malaman kung siya na nga talaga ang target mo, kailangan mo itong bigyan ng pagsubok. Pagsubok kung saan malalaman mo na yung taong pinili mo ay malakas ang loob at hindi takot sa mga multo. Nakaisip na ako ng paraan, pero hindi ko alam kung itutuloy ko pa ito dahil sa narinig ko kanina.
"Nyx, kailan ka ba makakapag pahinga ng matiwasay?" Napasinghal na lang ako.
Wala naman akong magagawa dito kung hindi hintayin ulit si Kore na makauwi. Tama. Hihintayin ko siya para masigurado ko kung siya na nga ang hinahanap ko. Kung hindi man siya, mas mainam. Baka mayroong mas mabait at hindi weirdong kagaya niya ang pwede ko pang saniban.
---
MADALING ARAW nang marinig kong bumusina ang sasakyan ni Kore. Sinilip ko naman kaagad ito sa may bintana at hindi nga ako nagkakamali. Lasing na naman siya.
Pagpasok niya sa kwarto, kaagad biyang tinanggal ang damit. Natulala na lamang ako. Ilang araw na rin kasi akong nandito, kaya sanay na sanay na ang mata kong makakita ang hubad na katawan ni Kore sa tuwing papasok siya sa loob ng kwarto. Sino nga ba naman ako para magreklamo?
Hinintay ko muna itong makahiga sa kama bago ko pa gawin ang plano ko. Nang bumagsak na siya sa higaan, ramdam ko ang malalim niyang tulog dahil humihilik pa ito.
"Ayos na siguro ito."
Tiningnan ko ang iilang vase na nakapalibot sa kwarto, pati na ang lamp shade na nakapatong sa maliit niyang cabinet. Sapat na siguro iyon para mapansin niya ako. Habang sinasagawa ko ang plano, bigla naman akong napabalikwas nang marahan itong tumawa. Kahig hirap siya sa pagdilat ay buong lakas siyang umupo sa higaan at nakatingin sa mga vase habang pupungay-pungay ang mata.
"Kung sino ka man. Kahit ilang beses mo pang pagalawin ang mga vase dito, kahit ilang beses mo pang hipan 'yang kurtina diyan, hindi ako natatakot sayo," garalgal niyang sabi kaya natigilan ako.
"Kung nakikita lang siguro kita, baka ako pa mismo ang lumapit sayo para sumanib ka sakin e."
Nilapitan ko naman siya. Bumibigat na ang talukap ng kaniyang mata ngunit pinili pa rin nitong umupo habang may nakakatakot na tawa sa labi.
"Seryoso ka ba diyan?" bulong ko.
"Sa mga tao nga hindi ako takot, sa'yo pa kayang walang kwentang multo?" wika nito.
Ang sabi sa akin ni pinuno, pagkatapos ko raw takutin ang target ko, at kung makita man na walang bakas ng takot sa mukha niya pwede ko na raw siyang saniban.
Ibig bang sabihin nito...
"Pinuno! Paanong ito ang napili mo para sakin? Napaka sama ng ugali nito! Mamamatay tao siya, bakit siya pa?" sigaw ko habang tinitignan siyang patuloy pa rin sa pagtawa.
Hindi pwede 'tong binabalak ni pinuno.
Gulong-gulo akong tumingin sa pabagsak ng katawan ni Kore. Sa dinami-dami ng mababait sa mundo, bakit siya pa? Si Nikki, matatakutin lang naman siya e pero napakabusilak ng puso niya. Doon sa holdaper, bakit hindi siya pwede e di hamak naman na mas mabait pa siya kay Kore. Tapos si Adelle, nakakatakot lang siya pero ramdam kong mabait siya.
"Pinuno, andami pa naman diyan e. Bakit itong babae na ito pa?"
Lumabas ako sa kwarto habang gulong-gulo pa rin ang isipan ko. Wala akong makausap at mapaglabasan ng sama ng loob kung bakit sa dinami-dami ng tao, si Kore pa. Minabuti ko na lang magpahangin muna sa labas ng kanilang bahay. Mabuti na lang at nakikiayon sa akin ang bilog na buwan. Napakalamig ngayon at walang mga bituin. Siguro dinadamayan nila ako sa mga problema ko. Sa aking paglalakad-lakad, may nakita akong maliit na playground sa tabing bahay nila. Tila may mga ligaw na kaluluwa rin ang nandito, at tingin ko sila ang mgga bata masayang nag tataguan sa malaking puno ng acacia.
"Sana naging bata na lang ulit ako, kaysa pinaparusahan ako ng ganito." Tingin ko sa mga batang kaluluwa na walang pinpoproblema.
"Bakit mo ako tinatawag?" wika ng isang lalaki na may malalim na boses. Nasa tabi ko ngayon, kaya tuminding ang balahibo ko sa katawan.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa lalaking kaharap ko ngayon. Muntik ko na naman tuloy siyang nayakap ngunit naalala ko na baka iwasan na naman niya ako ulit.
"Supladong sundo?"
"Bakit mo kako ako tinawag?"
Napakunot ang noo ko sa inaasta nito ngayon.
"Tinawag? Ni hindi ko nga binigkas pangalan mo dahil hindi ko alam e, tapos tatawagin pa kita?" nagtataka kong tanong.
"Sige. Kung hindi mo naman pala ako kailangan, aalis na lang ako," ani nito sabay talikod sa akin.
Kaagad ko namang hinawakan ang kamay niya. "Teka lang, pwede ba kitang kausapin kahit saglit?"
Unti-unti itong lumingon sa akin. At sa unang pagkakataon, ngayon ko pa lamang naramdaman ang napaka kalmang awra niya.
"Salamat," saad ko.
Umupo kami sa may de-bakal na upuan malapit. Tamang-tama lamang ang malaking puno na nasa likuram namin dahil malumanay na hangin ang siyang tumatama sa balat namin.
"Gusto ko lang kasing itanong sa pinuno kung bakit si Kore pa. Kung bakit siya pa ang napili niya para saniban ko. Napakaraming tao na mamabait diyan, mga busilak ang puso. Mga taong kaya namang gumawa ng mabuti kaysa sa taong 'yon na araw-araw gumagawa ng masama," paglalabas ko ng saloobin.
Kailangan kong ilabas lahat ng 'to. Baka lalong hindi matamihik ang kaluluwa ko kapag hindi ko nalaman ang sagot.
"Gusto mo bang malaman kung bakit?"
Tumango naman ako.
"Ikaw mismo ang makakasagot niyan Nyx," ani nito. Tumayo naman kaagad siya at akmang aalis na.
"Siya nga pala. Nagbago na ang patakaran ng misyon. Pinapasabi ni pinuno na kapag nasubukan mo na ang target mo, pwede mo na siyang saniban kahit wala pang tatlumpung araw."
Bigla naman nagliwanag ang mukha ko.
"Talaga ba?" masayang sabi ko, ngunit napalitan din ito ng lungkot. "Pero bakit?"
"Ayaw mo ba?" sarkastiko nitong tanong.
"Gusto," mabilis kong sagot.
"Gusto mo naman pala. Andami mo pang sinasabi nakakairita," saad niya.
Magtatanong pa sana ako, kaso katulad ng palagi niyang ginagawa, bigla na lang itong naglalaho. Habang tinitignan ko ang papalubog na buwan, inaalala ko naman ang sinabi ni supladong sundo. Ako mismo ang makakasagot ng sarili kong tanong? Pero paano? Tsaka bakit bigla na lang nagbago ang usapan namin ni pinuno? Sabagay, pabor na rin sa akin 'yon dahil sayang lang sa araw at oras kung araw-araw kong nakikita na nakahubad siya. Siguro naman mamaya pwede ko na siyang sapian, para bukas isang mabait na Kore na ang makikita nila.
Excited akong bumalik sa bahay, dahil nakaisip na ako ng plano kung ano ang gagawin ko para bukas.
Kinabukasan
"Goodmorning kuya!" bati ko kapatid ko este sa kapatid ni Kore.
Oo isang successfull operation ang ginawa ko kagabi. Pero napakahirap pala, akala ko ang dali-dali lang na pagkatapos kong pumasok sa katawan niya ay ayos na ang lahat.
Kumunot lang ang noo ni Gerald habang nagtataka itong nakatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo?"
"Nothing. I'm just thankful," natutuwa kong sabi sa kanya.
Inis naman itong lumingon sa akin at ibinalik ang tingin sa binabasang diyaryo.
Ang snob naman ni kuya.
Masaya akong lumabas ng bahay suot ang isang blouse at itim na pants.Nginingitian ko rin ang bawat tao na nakakasalubong ko. Nakakunot naman halos ang mga noo nila, hindi ko rin sila masisisi dahil demonyo nga naman ang may-ari ng katawan na 'to. Kinapa ko ang cellphone ni Kore sa bag na napili ko. Ayaw ko kasi iyong trip niya na pulang bag,kaya pilalitan ko ito ng kulay kayumanggi at may nakaukit pang 'Michael Kors' dito.Una kong hinanap ang numero ng assistant ni Kore. Alam kong masama ang loob nito dahil sa sinabi ni Kore ng mga nakaraang araw.
"Yes Ma'am?" mabilis nitong sagot sa kabilang linya.
Napangiti na lamanng ako habang binubuksan ang pinto ng kotse. Napakalambing kasi ng boses nito. "Pwede ba tayong magkita?"
"Ah,ma'am wala po tayong meeting ngayon," nagdadalawang-isip nitong sabi.
"Gusto mo bang kumain sa labas? Treat ko," mabilis na sabi ko naman sa kaniya. Ilang minutong tumahimik anng kabilang linya.
"Ma'am?" Pautal-utal niyang sabi. "Pwede niyo po bang hawakan ang noo niyo?" ani nito.
Sinunod ko naman ang sinabi nito. "Bakit, anong meron?"
Humugot naman ito ng malalim na hininga bago tuluyang sumagot.
"Eh mam, baka lang po kasi nilalagnat kayo kaya kung ano-ano pinagsasabi ninyo."
"Basta magkita tayo sa coffee shop, ingat ka!" saad ko bago tuluyang pinatay ang tawag.
Masaya ko namang pinihit ang susi sa manibela at pinaandar ito. Grabe ang tagal ko na rin hindi nakakahawak ng manibela, pero mabuti naman at marunong pa rin ako. Ang sarap pa rin talaga kapag may katawang lupa ka.
Tatlumpung minuto ang byahe pappunta sa usapan naming coffee shop. Pagkababa ko ng kotse, dali-dali akong tumingin sa glass door kung nandoon na ba ang assistant ni Kore. Gusto ko rin kasi siyang makilala tsaka malaman ang pangalan niya.
"Ayun!" Turo ko sa bandang dulo. May katabi itong halaman, kaya hindi siya mahirap hanapin.
Pagpasok ko ng coffee shop, tumayo kaagad ang kanyang assistant habang nakayuko. Nang lumapit na ako rito, pinandilatan naman niya ako ng mata.
"Hello. Bakit may problema ba sa mukha ko?" tanong ko habang tulala pa rin ito.
Nakailang lunok naman ito ng laway bago sumagot.
"M-maam. Parang nag iba po ata 'yung." Turo nito sa pormal kong damit.
Natawa naman ako sa naging reaksiyon niya. "Ito ba? Gusto ko lang ng bago sa paningin. Lagi na lang kasing hubad 'yung suot ko e."
Napayuko naman ang kanyang assistant habang tipid itong ngumingiti.
"Ano ka ba. Kung natatawa ka gawin mo," suhestiyon ko dahil parang hirap na hirap itong nilalabas ang ekspresyon niya.
"Kasi po mam baka tanggalin niyo ako sa trabaho kapag tinawanan ko kayo," aniya.
Natawa naman ako sa sinabi nito dahilan para magtinginan ang ibang tao sa amin.
"Ano ka ba. Biro ko lang yung sinabi ko noong nakaraan. May hang over pa kasi ako noon e, tsaka kaya kita pinapunta dito para bumawi sayo."
Hindi naman maipinta sa hiya ang kanyang mukha. Namumula pa ito dahilan para lalo akong magandahan sa kasimplehan niya.
"Huwag na po, ayos lang 'yon. Ito pa lang na kinausap ninyo ako masaya na ako."
Inaya ko naman siyang umupo. Inilapag ko rin ang bag sa malliit na mesa habbang may nakadikit doon na menu.
"Napaka pormal mo naman. Pero matanong ko nga, ano nga ulit ang pangalan mo?" singit ko.
Binigyan naman ako nito ng malaking katanungan sa kanyang mukha.
"Alam mo naman tumatanda na si Ma'am mo," pagpapalusot ko na lang.
"Jillian po," sagot nito.
Sakto naman at may dumating na isang crew. Ramdam ko na rin kasi ang pagkahiya sa kanya.
"Pumili ka na kung anong gusto mo. Sagot ko promise."
Nahihiya naman nitong sinasabi sa crew kung ano ang napili niya. Ako naman ay pinagmamasdan ang maamo nitong mukha.
"Jillian?"
"Yes Ma'am?" Lingon nito sa akin.
"Pwede mo bang tanggalin 'yang salamin mo?" saad ko, kaya mabilis itong napalingon sa akin.
Hindi naman ito nag alangan na tanggalin ang salamin niya, kaya natuwa ako.
"Simula ngayon, ganyan ang gagawin mo kapag makikita o uutusan kita ha?"
"Opo Ma'am," wika nito kahit takang-taka pa rin siya sa kinikilos ko.
Nang matapos na kaming mag miryenda, tinanong ko naman ito kung marunong siyang mag-drive papunta sa kumpanya nila Kore. Taktika ko lang ito para hindi tuluyang manghinala sa'kin si Jillian, lalo na ngayon nagtataka pa rin siya sa kinikilos ko.
Tahimik lamang kaming bumabyahe ng bigla itong magtanong.
"Ma'am wala po ba kayong lakad ngayon? Wala naman po kasing gagawin sa opisina ngayon," ani nito.
Ilang beses naman akong umiling habang nginingitian ito. Sapat na siguro 'to para tumigil na siya sa kakatanong. Pagkapasok namin s aparking are, nauna na akong bumaba kay Jillian. Ang kannilang opisina ay nasa first floor lamng kaya hindi na kammi mahihirapan sa pag-akyat baba. Pagpasok pa lamang namin sa kumpanya ni Kore, hindi ko mapigilan ang mata ng bawat empleyado na panuorin ang bawat yapak ko. Para silang sinasakal sa tuwing nakikita nila akong papalapit sa office, habang ang iba naman ay mukhang hindi handa sa bigla kong pag dating.
"Hello Ma'am."Bati ng isang nakasalamin na babae.
Lumapit naman sa akin ang isang babae na may dalang papeles at mukhang nagmamadali. "M-ma'am, mukhang napadalaw po tayo," wika nito.
Sa bawat taong aming nadaraanan, hindi naman nito maipinta ang kanilang mukha. Sa estado rin ng kanilang tingin ay ayaw na nila akong makita sa kumpanya.
"Namiss ko lang kayo," pag bibiro ko. Bigla namang namula ang karamihan sa kanila, habang ang iba naman ay hindi maiwasang pag chismisan ako.
Pansin kong lumapit kay Jillian anng babbaeng may katabaan. "Jillian, may sakit ba 'yang si Ma'am?" bulong nito. Nakablouse din ito ng black at skirt habang may ribbon na nasa kwelyo nito.
"Hindi ko rin alam e, pero huwag kang maingay," mahinang saad ni Jillian. Hindi ko na lang ito pinansin at dumire-diretso ako papasok sa opisina. Hindi na ako nabigla sa ikinikilos nila kung nagtataka pa rin sila na ang kanilang demonyong boss ay bigla na lamang nag dilang anghel.
"Ah, Jillian?" tanong ko ng matunton ko na ang office.
"Yes ma'am?"
Inilapag ko ang bag sa mesa tsaka umupo sa swivel chair.
"Pwede ka bang magpatawag ngayon ng meeting?"
Bahid ang pagtataka, mabilis na tumango sii Jillian. "Yes, Ma'am. Tatawagan ko lamang po ang mga head ng bawat department," ani nito at dali-daling lumabas.
"Teka, hindi pa ako tapos."Pigil ko sa kaniya. "Pati 'yung mga empleyado natin sa production, ipatawag mo silang lahat sa conference room."
"P-po?" tanong nito at bakas sa mukha niya ang pagkabigla.
"Ipatawag mo silang lahat," saad ko tsaka inikot ang upuan. Hay nako. Ang hirap talaga kapag dati kang demonyo, wala ng naniniwala sa'yo.