KABANATA XII

2919 Words
Tumakbo papalapit ang dalawang lalaki, habang ang kawawang babae ay hindi pa rin mabuksan ang pinto ng kanyang kotse. "Ah miss, kailangan mo ba ng tulong?" Paglilito ng isang lalaki na nakapolo at abot-tainga ang ngiti. Ang isa naman ay tumityempo na sa likuran ng kotse. "No need," malditang sabi nito. Tinawanan lamang siya ng lalaki. Ang isa ay ni-re-ready na ang kanyang panyo na dinukot sa likurang bulsa. Isang mabilis na pangyayari ang naganap at bigla na lamang may dinakot na baril ang babae mula sa kanyang pulang bag. "Subukan ninyong lumapit, kung ayaw ninyong pasabugin ko ang mga ulo ninyo," saad ng babae habang itinutok ang baril sa ulo ng lalaking manyak na lumapit sa kaniya. "Ang astig!" bulong ko sa sarili. Mukhang takot na takot ang dalawa, kaya sa halip na takpan ng isang lalaki ang bibig ng babae ay kumaripas na lang sa takbo ang dalawa at naiwan ang panyo sa sobrang takot. Pagkatapos ng insidenteng iyon, pumasok na sa loob ng kotse ang dalaga. Isinilid na rin niya muli ang baril sa kaniyang bag. Sa sobrang aligaga ko ay sumunod na rin ako sa kaniya at umupo sa backseat. Habang pinagmamasdan ko siyang nagmamaneho papunta kung saan, hindi ko mapigilang hindi isipin ang nangyari kanina sa bar. Grabe 'tong babae na ito. Kahit wala siyang kasama, kaya pa rin niyang ipagtanggol ang sarili niya. Parang gusto ko tuloy siyang sundan ng tatlumpung araw. Napakagaling niyang humawak ng baril. Pati ang pagkalabit sa gatilyo, kuhang-kuha niya. Walang paligoy-ligoy din nitong iniharap sa ulo ng lalaki 'yung baril kahit alam niyang isang putok lang no'n ay maaari na siyang makulong. Tumigil ang kanyang sasakyan sa isang puti at malaking bahay. Isa rin palang mayaman 'tong isa na to, katulad ni Adelle, pero mas mukhang mayaman siya. May kinuha itong maliit na remote sa bag niya at isang pindot lamang niya sa harapan ng gate ay kusa na lang itong bumukas. "Wow, instant tamad kapag tumira ka rito," mangha kong Nang makapasok na kami sa loob ng kanilang bahay, dumaan muna kami sa napaka lawak nilang garden. Tila walang katao-tao rito dahil napakatahimik ng buong paligid. Kahit kasambahay ay wala akong nakita na sumalubong sa kaniya, pati driver at security guard wala. Sabagay, kahit naman walang gano'n kaya naman nitong ipagtanggol ang sarili niya. Nang binuksan na niya ang pinto na gawa sa mahogany na binarnisan, naglakad kami papunta sa kusina. Manghang mangha ako habang nililibot ng mata ko ang paligid. Napakaraming furnitures, mga vase na naglalakihan at chandelier. Tingin ko'y apakalambot din ng kulay pulang sofa na nasa sala. Ang makintab na sahig. Parang tumatalon ang puso ko sa tuwa habang sumusunod sa kaniya. Sawakas. Makakapagpahinga na rin ako. Pagkalapag ng bag niya sa glass table malapit sa kusina, akmang kukuha naman siya ng tubig pagkabukas nito ng ref, ngunit sabay kaming nagulat sa aming nakita. May anino ng isang lalaking nakasandal sa lababo, habang may hawak itong mamahaling baso na may lamang alak na kanyang iniinom. Tumatama ang ilaw ng kanilang poste sa direksyon nito kaya madali lamang siyang maaninag. Sa kabilang banda ay kitang-kita ang usok na nanggagaling sa sigarilyong hawak nito habang pinipitpit ang upos sa ashtray. "Saan kana naman ba galing Kore?" Tanong ng lalaki. Napaka bilog ng boses nito. Nakakatakot. "Bar. Ano pa nga ba?" walang alinlangang sagot ng babae at kinuha na pitchel na naglalaman ng tubig. Kinuha niya sa mesa ang isang babasaging baso at saka lumagok nito. "Wala ka na ba talagang matinong gagawin sa buhay mo?" wika ng lalaki. Pagkatapos ubusin ng babae ang tubig, tahasan niyang ibinagsak ang baso sa mesa. "So what? Napapakinabangan niyo naman ako sa kumpanya hindi ba?" saad nito habang matalim na tinitignan ang lalaki. "May meeting bukas sa Meriam, ikaw na ang um-attend," pag- iiba ng lalaki sa usapan tsaka umalis sa pagkakasandal. Bago ito naglakad papalayo, tumingin muna siya ng matalim sa babae. Pero bakit gano'n? Imbis na masindak ito ay tinapatan rin niya ng mas matalim na tingin. Parang ako pa tuloy ang nasindak. Pagkatapos ng kaganapang iyon, mabilis ding naglakad ang babae at kinuha ang kaniyang bag.Tahimik ko lamang itong sinusundan habang papasok siya sa isang kwarto. Pagkapihit niya ng seradura ng pinto, mabilis niyang tinapon ang kaniyang bag sa malambot na higaan. Umupo naman ako roon habang pinagmamasdan siya. Nanlaki na lamang ako nang pagbukas niya sa cabinet ay siya namang tanggal niya ng damit. Mabilis pa sa segundo nang pumikit ako. "Mahabanging langit! Hindi ko sinasadya!" Takip ko sa aking mata. Pagkalipas ng ilang minuto, muli na namang nagsalita ang babae. "I'm so tired." Bagsak ng katawan nito sa malambot niyang kama habang wala pa rin sinusuot na saplot. Lumayo na ako ng kaunti sa kaniya dahil baka kung ano pa ang mahawakan ko. Hinayaan ko na lamang itong makatulog muna bago lumabas sa kanyang kwarto. Habang pinag mamasdan ko ang paligid ng malaking bahay, ramdam ko naman ang lungkot sa bawat sulok nito. Hindi ko alam pero kahit napakalaki ng bahay ay tila walang nakatirang tao rito. "Sino naman kaya 'to?" tanong ko sa sarili habang tinitignan ang isang malaking picture frame na nakasabit sa pader. Isang matandang babae na nakasuot ng pulang damit at mamahaling alahas, habang ang isang matandang lalaki naman ay nakatayo sa likuran nito at naka-akbay.Nakasuot ng itim na longsleeve at sumbrero sa kanoyang ulo, Napaka busilak ng ngiti nito sa litrato kaya hindi ko mapigilang mapangiti. Sa kabilang frame naman ay naroon ang litrato ng babaeng sunod kong target at ang lalaki kanina na kausap niya. Sino nga kasi ulit 'yon? K-kore? Pumunta naman ako sa labas nila at saktong bumungad sa akin ang isang malaking swimming pool na sa tingin ko ay matagal ng di nalilinisan dahil sa kulay lumot nitong tubig. Ang laki-laki ng bahay, pero bakit hindi man lang sila kumuha ng mga kasambahay o tagalinis lang ng swimming pool. Parang haunted mansion tuloy ang labas. Sa gilid ng swimming pool, nandoon ang dalawang pabilog na upuan na gawa sa puno ng narra. Naisipan ko munang magpahinga habang hinihintay na magising si Kore. Ayoko naman mag-stay doon sa kwarto niya 'no! Baka hindi pa ako makapagpahinga sa ginagawa niya. Napaka sarap sana ng tanawin ko rito pero napakadumi naman ng paligid. Kahit bilog ang buwan at masayang umiilaw ang mga bituin, hindi ko pa rin ramdam ang kapayapaan. Naalala ko tuloy ang bahay nila Nikki. Simple lang pero punong-puno ng pagmamahal at napakasaya nila kahit sa maliit lamang na bagay. Ilang oras pa bago sumikat ang araw, siguro kailangan ko rin munang magpahinga. --- Napabangon na lamang ako sa pagkakahiga nang may marinig akong sunod-sunod na nag do-doorbell. Paulit-ulit niya itong pinipindot, ngunit walang nagbubukas ng gate. Siguro sa sobrang inis na nito, kusa na lamang siyang pumasok, at dire-diretso sa loob ng bahay nina Kore. Nakasuot ito ng black na blouse at itim na skirt. Mayroong kulay puting ribbon sa kwelyo ng kaniyang longsleeve, habang nakaipit ng buo ang buhok. May dala-dala din itong papeles sa kabila niyang kamay. Kahit tamad na tamad akong tumayo ay inunat ko naman ang katawan ko at saka sinundan ang babae. Malay ko bang may masama pala siyang pakay hindi ba? Mas mabuti ng maging mapagmasid. Dumiretso ito sa tapat ng pinto ni Kore. "Madam?" Katok nito, ngunit walang sumasagot. Siguradong tulog pa iyon dahil ang dami niyang ininom na alak kagabi. "Madam?" pag-uulit niya. "What?" Sigaw ni Kore na mukhang pilit na nagising dahil sa babaeng 'to. "Pwede ba kayong makausap?" Ilang minuto naman naming hinintay si Kore, bago nito tuluyang buksan ang kanyang kwarto. "Ah, M-maam?" pabulong na sabi ng babae, habang nakayuko ito. Pati ako ay hindi makatingin ng direkta sa kanya, dahil kung kagabi ay binalot nito ng kumot ang kanyang katawan, ngayon ay lantaran niya itong ipinapakita sa amin. "Ano? Bilisan mo dahil inaantok pa ako!" sigaw niya habang ginugusot ang mata. Infairness, napaka puti niya pero...bakit ko ba tinitingnan! "Ma'am may schedule po ng meeting ngayon," nahihiya nitong sabi. Sabi ko na nga ba, heto 'yong secretary niya. Ibig sabihin, mayaman nga talaga ang babaeng ito. "Papuntahin mo si Gerald. Gisingin mo siya sa kabilang kwarto," wika nito at ibinalot muli ang katawan sa puting kumot. "Eh ma'am, sinabi niya po na--" wika nito ngunit naputol ang kaniyang sasabihin nang tumingin ng matalim sa kaniya si Kore. "Pupunta ka ba doon o ako ang pupunta sa kwarto niya para wala ka ng trabaho mamaya?" inis na sabi nito. Wala namang nagawa ang kanyang secretary at dahan-dahan itong umalis sa harapan niya. Grabe naman pala kasungit 'tong si Kore. Pagkaalis ng babae sa tapat ng kwarto ni Kore, Napakalammukos na lang siya ng mukha at dumiretso sa banyo na ilang hakbang lamang sa loob ng kwarto. Siguro kung ito na talaga ang huling target ko, masanay na dapat akong makakita ng hubad nitong katawan sa araw-araw. Lumabas muna ako sa kanyang kwarto habang nagbibihis ito. Umaasa naman akong may madadatnan kahit isang kasambahay na magluluto ng kanilang almusal, pero wala pa rin talaga. Pagkalabas ni Kore mula sa kanyang kwarto, namutawi naman ang suot nitong pulang dress, at 5-inches na high-heels na kulay pula rin. "Saan ba pupunta tong babae na to?" Takang tanong sa sarili. Ang kanyang buhok ay nakaipit ng buo paitaas, na bumagay sa damit niya habang itim ang kanyang lipstick. Ni wala man lang itong pasabi at mabilis na lumabas ng bahay. Syempre bilang sunod kong target, kailangan ay mayroon man lang akong alam tungkol sa kanya, bukod sa napaka-palaban niya. Pagkapasok namin sa loob ng sasakyan, sakto namang tumunog ang cellphone nito kaya dali-dali niyang kinuha. "Yes, Mr. Cueva? Im on my way, diyan mo na lang sabihin sa'kin lahat," ani nito, sabay pinatay ang earpiece na nagkokonekta sa kanyang cellphone. Pagkarating namin sa isang 'Publishing House' ay dire-diretso naman itong pumasok sa office ng president. Akala ko ba... "Miss Delos Santos. Buti naman at napaaga ka." wika ni Mr. Cueva na mukhang gulat din sa pagkarating ni Kore. "Have a seat." Lahad nito ng kanyang kamay sa bakanteng upuan na nasa harapan ng mesa. "Ano bang pag-uusapan natin?" malamig na tono ng boses nito. "Tungkol sa shares ng family mo sa AMM." Ah, kaya pala nandito siya dahil nag invest ang family niya sa publishing house na 'to. Akala ko pa naman ito na talaga yung company na sinasabi ng assistant niya. Habang nag didiskusyon sila sa loob, lumabas naman ako ng office at pinagmasdan ang mga tao na busy-ng- busy sa mga nakaatang sa kani-kanilang trabaho. Wala ni isa sa kanila ang gumagawa ng ingay o hakbang para mabasag ang katahimikan. Isa-isa kong tiningnan ang mga trabahador at nakatoka sa kanilang mga gawain. Siguro naman sa sobrang lamig dito sa office nila ay hindi na nila mapapansin na may kasama silang kaluluwa. Habang nagmamasid, pansin kong tumayo ang isang lalaki at pinuntahan ang kasamahan nito na nasa likuran niya ang desk, habang busy naman iyon sa tapat ng monitor. Kinalabit nito sa braso ang babae. "Lyn? Tingnan mo nga iyong gawa ko kung ayos na?" mahina nitong sabi. Lumingon naman muli ako sa desk nito at nabasa ang nakadikit na papel sa kaniyang desk na may printed name na 'Web designer'. Sa pagkakalikha ng gawa niya, parang tungkol sa pag-ibig ang paksa. Isang babae na nag-iisa sa kagubatan, habang napakaliwanag ng buwan. Tumayo ang babaeng tinanungan niya at bumalik naman ang lalaki sa kinauupuan. May kung anong kinalikot ito sa computer habang hawak ang mouse nang biglang lumipat ito sa panibagong slide. Sa kasunod na picture ay ang lalaking nakaupo naman sa tabi ng bintana. Malungkot ito, habang naroon ang pigura ng babae sa kaniyang isipan. "Oo ayos na 'yan," wika ng katabi niya kaya dali-dali na niya itong tinanggal sa screen. Sayang. Gusto ko pa naman makita 'yong iba. Nang malibang ako sa panunuod sa ibang empleyado, hindi ko namalayan na tapos na pala ang meeting ni Kore sa president. Dali-dali ko siyang hinabol palabas dahil baka maiwan ako nito. "Nonsense," bulong nito, habang sinasamaan ng tingin ang bawat empleyado na kanyang nakakasalubong. Kaagad nitong binuksan ang kotse at mabilis na sinundan ko ito. Umupo na lamang ako sa passenger seat shil gusto ko rin nang may makita ako sa aking harapan habang bumabyahe. Bigla naman akong nagulat nang binuksan nito nang napalakas ang kanyang radyo. Isang malumanay na kanta ng oldies ang sumalubong sa amin. Damang-dama ko pa ang kanta ng bigla na lamang niya itong patayin. "Kadramahan," bulong niya sa sarili. "Grabe ka naman. Paborito ko rin na kanta 'yon e, hindi mo man lang ba na-appreciate?" Ilang minuto lamang tumagal ang aming biyahe nang tumigil ang sasakyan sa isang parking lot. Humugot siya ng papel sa kanyang bag at saka kinuha ang pulang ballpen nito at mabilis na pinirmahan "Cheque?" Nang mapansin niyang ilang minuto na rin kaming naghihintay, inis nitong ang cellphone na nasa loob ng bag at galit na tinitipa ang kung ano man sa cellphone. "Nasaan ka na ba ha? Sinasayang mo lang ang oras ko," wika nito sa kabilang linya at kaagad na binaba ang cellphone. Ilang segundo pa lamang ang nakakalipas, bigla namang may tumigil na itim na motor sa gilid namin, sakay ang lalaking nakasuot ng bonet at itim na leather jacket. Nang maaninang ni Kore kung sino ito, binuksan niya ang windshield. Bumaba agad ang lalaki sa motor at lumapit sa sasakyan. "Sorry Ma'am, traffic e." "I don't care," antipatika nitong sabi. "Oh ayan, ayusin mo ang trabaho mo!" Abot sa lalaking Cheque. "Yes Ma'am." Pagkatapos nito ay kaagad namang niyang inarado muli ang windshiled at mabilis na umalis sa parking lot. Anong mayroon? Bakit may palitan ng pera sa kanila? Pagkaraan ng ilang minuto naming byahe, bumalik naman kami sa bahay at kaagad nitong hinanap ang kanyang kuya. Sa inis nito ay pinasok pa niya sa mismong kwarto ang lalaki para lamang makausap. Nang mapagtantong wala ito room, dali-daling bumalik ulit siya sa kotse at pinaandar ito. Ang gulo rin pala ng buhay nitong si Kore. Habang nagmamaneho si Kore, tahimik lamang akong nakamasid sa paligid. Huminto panandalian siya nang mapansin na mayroong isang binata na inaalalayang makatawid ang kanyang lola. Dating sa katandaan, maliit lamang ang hakbang na ginagawa niyon, kaya salubong na naman ang kilay ni Kore nang tingnan ko siya. Mariin niyang pinindot ang preno kahit nakita niyang nasa gitng kalsada pa ang mag lola. "You wanna die?" Bigla niyang pinihit ang manibela at pinarurot nito ang sasakyan. Sa sobrang taranta ko ay hinawakan ko ang kamay niya at hinihila papunta sa akin, dahil baka mabundol niya ang tumatawid. Nabigla si Kore sa nangyari, kaya itinigil niya ang sasakyan nang malampasan na namin sila. Galit na galit naman ang mga tao na nakatingin sa amin, habang ang iba ay nagbubulong-bulungan pa. "Wala ka bang puso!" sigaw ng isang babae na tumulong sa mag lola na halata rin ang pagkabigla. Pati mga driver ng taxi ay hindi rin maiwasang hindi magkomento. "Hindi mo manlang hinintay na makatawid ang matanda! "Demonyo," dagdag pa ng lalaki na umaalalay kay lola. Hindi naman ito pinansin ni Kore. Nang makahinga siya ng maluwag, nagpalinga-linga pa siya sa paligid bago tuluyang paandarin ang sasakyan. "Weird," bulong niya. Bumuga naman ako ng malalim na hininga ng sinilip ang mag lola.Buti naman at ligtas sila. Galit na galit kong hinarap si Kore. "Alam mo? Napakasama ng ugali mo! Pati mga walang kamuwang-wang na matanda dinadamay mo!" sigaw ko kahit hindi naman niya rinig ang sinasabi ko. Hay nako. Kung pwede lang talagang manakit ng tao, bibigwasan ko 'tong si Kore kahit isa lang sana. Paglampas namin doon, dumiretso ang sasakyan sa parking ng bar na pinuntahan niya kagabi. Tinaasan ko siya ng kilay. "Seryoso ka ba? Tanghaling tapat sa bar ka magpupunta?" inis kong sabi. Pagkakita pa lamang sa kanya ng mga bouncer at maintenance ng bar ay awtomaking nakayuko na ito at binigyan ng malawak na espasyo si Kore upang makadaan. "Silver spin," saad nito sa barista, pagkapag ng bag sa may counter table at saka umupo sa de-bakal na upuan. Minsan napapaisip ako. Ang boring pala ng buhay ng mga mayaman. Marami nga silang pera, kaunti naman sa kaibigan. Katulad nitong si Kore, napaka-weird ng personalidad niya. Isang araw ko pa lamang siyang sinusundan, pero nakikita ko na ang kulay ng budhi niya. Kawawa siguro ito pag napunta sa La Ciera, baka tuksuhin lang siya doon at pahirapan ni pinuno. Oo nga pala. Kamusta na kaya si supladong sundo? Nandito rin kaya siya sa bar? Binabantayan pa rin kaya niya ako? Sana nakikita nila 'yong paghihirap ko, at baka maawa pa si pinuno sa'kin at ibalik na lang ng kusa ang memorya ko. Bumalik ako sa aking ulirat ng marinig ko ang boses ni Kore "Bakit ganito ang lasa?" galit nitong sabi at saka ibinagsak ang baso sa babasaging table. "Ma'am sorry po, gagawan ko na lang po kayo ng bago," wika ng barista, na mukhang takot na takot. Nakauyo nitong kukuhanin sana ang baso, ngunit sadyang malas ang araw nito ngayon dahil walang alinlangang ibinuhos ni Kore sa mukha ng barista ang ginawa nitong alak. Nanginginig ito sa hiya at takot ang lalaki, kaya dali-dali itong tumakbo papasok ng kusina. "Pathetic."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD