KABANATA XI

2352 Words
Pagkatapos naming magpaalam sa isa't- isa, napatingin na lang ako sa kawalan. "Nako Nyx! Saan na naman kaya ang sunod mong pupuntahan?" bulong ko sa sarili habang binabagtas ang daan na hindi ko alam kung saan papunta. "Kainis! Bakit kasi lagi na lang akong napupunta sa maling tao e." Nakakainis din 'tong si supladong sundo, pagkatapos akong paglaruan sa mall, iniwan na naman ako. Ganito ba talaga ka-stress ang maging kaluluwa? Habang naglalakad ako sa kahabaan ng highway, may nakita akong iilang sasakyan na nakatigil sa gilid nito. Syempre, hindi lamang ako simpleng kaluluwa, kailangan nalalaman ko rin ang nangyayari sa paligid ko. "Woah!" sigaw ko ng malula ako sa napakalalim na bangin na aming tinatapakan. Nasa limang katao ang narito ngayon. Siguro kakatapos lang ng jogging nila kaya naisipan nilang mag tambay muna rito. "Paano kaya kung tumalon ako rito?" pabirong sabi ng babae na maiksi ang buhok. "Ay nako te, wasak 'yang kepyas mo kahit hindi pa napapasukan ng batuta!" wika naman ng bakla na kaniyang katabi. Napasinghal na lang ako. Sayang ang gwapo pa naman. Nagtawanan naman silang magkakaibigan, habang ang iilan ay abala sa pagkuha ng larawan sa tapat ng sinag ng araw. "Tara na girls! Pasikat na 'yung araw oh, ang sakit na sa skin niyan!" sigaw ng isang bakla na kakatapos lang mag selfie sa initan. Habang papasok na ang iba sa kotse, ang dalawang babae naman ay nagpaiwan muna para kumuha ng litrato. Tinignan ko naman ang sasakyan nila at mukhang ito ang magdadala sa akin sa sunod kong target. "Hali na kayo!" sigaw ko ng sumakay ako sa likod ng kanilang pick-up. Nang pinaandar na nila ang sasakyan, hindi ko pa rin maiwasnag hindi isipin kung saan na naman ako mapupunta nito. "Saan na naman kaya ako dadalhin ng sasakyan na 'to? Sana naman huling target na 'to kasi pagod na pagod na rin ako." bulong ko sa sarili habang sinisiksik ko ang katawan ko na nasa gitna ng kanilang gamit. Habang nagba-byahe, hindi ko namang maiwasan na hindi mapansin ang kalangitan. Napaka tahimik nito at totoo ngang nakakapagkalma ng isipan. Ang masamyong hangin na sumasalubong sa akin at tumama sa mukha ko.Ang sarap sa pakiramdam. Ang mga puno at mga ibon na sumasabay sa bawat kantang ginagawa ng hangin. Ang asul na kalangitan ang nagbubuklod-buklod sa mga ulap. Ang sarap sa pakiramdam. Pagkalampas namin ng highway, tumigil naman ang kanilang sasakyan sa isang coffee shop. Nagpasya na lang ako na hintayin sila dito sa labas kaysa naman tititigan ko sila doon hanggang matapos. "Girl halika. Ililibre na kita," paanyaya ng babaeng maiksi ang buhok sa kaibigan nilang poging bakla na nagpatawa kanina. Habang pinagmamasdan ko ang mga ito sa salamin na masayang nagkukwentuhan, tumalon muna ako sa sasakyan at naisipang mag muni-muni sa gilid. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa 'tong paghahanap ko pero sana, sana mahanap ko na siya. Hindi ko alam at wala rin akong ka ide-ideya kailan ako kukuhanin ni pinuno rito pero sana bago mangyari ang mga bagay na iyon, sana mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay namin ni Arnel. Nalibang naman ako sa pag mumuni-muni at hindi ko namalayan na palabas na rin pala ng coffee shop ang magbabarkadang sinusundan ko. Pero bago ako makasakay sa likod ng kotse, bigla naman akong nakakita ng malaki at puting paruparo. Nanlaki ang mata ko, kasabay ng biglang pagsilay ng bagong pag-asa sa akin. "Ito na ba ang sinasabi sa akin ni pinuno? Pero bakit napakaaga namang magpakita, e hindi pa nga ako nakasanib sa katawan ng iba." Naguguluhan naman ako sa nakikita ko ngayon. Pero parang may gustong ipahiwatig ang paruparo na ito kaya wala akong choice kung hindi ang sundan siya. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pag sunod sa kanya. Parang may magnet itong nagkokonekta sa aming dalawa na kahit anong gawin ko ay hindi ako makaalis. Tinignan ko naman ang mga magbabarkada na paalis nang coffe shop. "Hoy hintayin niyo ako!" sigaw ko kahit alam ko namang hindi ako nito naririnig. Bakit ganito? Hindi ako matakbo. Bakit patuloy lang ako sa pagsunod sa paruparong ito. Anong meron? Kabadong-kabado naman akong sumusunod sa paruparo habang papasok kami sa kakahuyan. Kung tatanungin kung bakit napunta ako rito, hindi ko rin alam. Nang tumigil ang paru-paro sa isang matandang puno ng acacia, tila tumigil din ang katawan ko. Habang pinagmamasdan ko ito, bigla namang sumulpot ang isang sundo. "Isang sundo?" takang tanong ko, habang tinitignan kong nakapataong ang paruparo sa kanyang hintuturo. Pero bakit ganoon? Bakit parang may mali sa kanyang pananamit. "Binibini," ani nito. Namulagat ang mata ko at dali-dali akong sumagot. "Anong kailangan mo? Hindi pa ako tapos sa misyon ko," saad ko sa kanya habang pinagmamasdan ang kabuuang suot nito. Parang may mali talaga e. "Pasensya ka na sa abala, ngunit pinapabalik ka na ni pinuno sa La Ciera," ani nito. Takang-taka ko naman siyang tinignan habang tumalikod naman ito. "Bakit? Sabihin mo hindi pa ako tapos sa misyon ko. Ang gulo naman ni pinuno," inis na sabi ko. Ngunit imbis na sagutin ako nito ay naglakad siya papunta sa likuran ko. "Pasensya na binibini, ngunit ito ang utos ni pinuno," saad niya habang tinatali patalikod ang magkabila kong kamay. "Teka, bakit kailangan mo pang itali ang kamay ko?" Pagpupumiglas ko. "Hindi naman ako tatakas ah!" "Patawad binibini. Halika na at sumunod sakin," aniya. Habang naglalakad kami, hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng takot. Ang bawat ugong ng mga puno, ang ihip ng hangin, parang iba ang pinaparating. "Sigurado matutuwa nito si pinuno," bulong niya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa ngayon. Bakit ganito? Bakit kahit gusto kong tumakbo ay hindi ko magawa at patuloy lang sa pagnginig ang buong kalamnan ko. "S-saan mo ba talaga ako dadalhin?" pautal-utal kong sabi habang patuloy lamang ito sa paglalakad. Nang sa tingin ko ay nasa kalagitnaan na kami ng gubat. Bigla na lamang itong tumigil at humarap sa akin. "Eh kung huwag na lang kaya kitang dalhin doon?" ani nito sabay tanggal ng takip sa kanyang ulo. Hindi maaari. Ganito ba talaga ang mukha ng mga sundo? Nakakatakot! "Mukhang ilang buwan ka pa lang namatay," takam na sabi nito habang pinapaikot ang napakatalim at mahaba niyang dila sa kanyang bibig. "Anong gagawin mo? At saka matagal na 'kong patay no! Hindi ako masarap!" sigaw habang pinipilit kong tanggalin ang tali sa kamay ko. Tumawa naman ito ng nakakatakot. "Ayos lang, siguro naman ay malalampasan ko na ang gutom nito sa loob ng tatlong araw," wika niya sabay labas ng napakahaba niyang dila. Napapikit na lang ako ng hinihintay kong tuklawin ako ng matalim nitong dila. Ngunit nakakailang minuto na rin at wala pa akong maramdamanng sakit sa aking katawan. "P-p@$no n@ngyari," hindi nito maituwid ang kanyang sasabihin, ng biglang pinutol ng tunay na sundo ang kanyang dila. "Hindi maaari. Walang hiya ka!" Sugod nito sa sundo ngunit bigla na lang winasiwas nito ang kanyang maliit na kutsilyo dahilan para maging isang abo ang kalaban. Kasabay naman nito ang pagkawala ng tali sa aking kamay at naging magaan na rin ang aking pakiramdam. Hindi ako pwedeng magkamali, siya 'to. "Supladong sundo!" sigaw ko sa kanya habang patakbong yayakapin sana siya ngunit bigla na lamang itong umiwas, kaya nadapa ako. "Sa mundong ito, hindi natin maiiwasan ang mga mapanlinlang. Kilalanin mong mabuti ang sumusundo sa'yo. Ang mga iyan ay tinatawag na hudyo, mga masasamang kaluluwa. Dinadala nila ang kanilang mga nahuli sa kanilang lungga at pinapakain sa kanilang hari. Pero sa sitwasyong ito, ang mga mismong hudyo na ang kumakain sa mga kaluluwa kaysa dalhin pa ito sa kanilang hari," paliwanag nito. "Kaya palagi mong tatandaan na kapag nasa misyon ka na, hindi ka na maaring tawagin o pabalikin ng pinuno sa La Ciera," dagdag pa niya. Kaya pala ganoon na lamang ang pagkatakam sa akin no'ng hudyo na 'yon. Buti na lang at dumating na si supladong sundo. Feeling ko tuloy safe ako lagi. "Bakit ba kasi iniiwan mo ako ha?" inis na sabi ko. Pero sa kaloob-looban ko kinikilig na pati talampakan ko. "Hindi kita maaaring samahan sa paghahanap mo ng tiyong sasapian. May sari-sarili tayong misyon. Saka hindi ka naman espesyal para bantayan ko sa oras-oras." Aray ko ha. "Eh pero bakit nandito ka ngayon? Siguro sinusundan mo ko ano?" pagbibiro ko pa, ngunit bigla naman itong tumalikod at akmang aalis nanaman. Dali-dali naman akong tumayo at humarang sa harapan niya. "Teka lang. Aalis ka na naman?" tanong ko habang ginawa kong pangsangga ang kamay ko. "Nakakatawa ka talaga. Sa tingin mo ba hindi ako makakaalis diyan sa ginagawa mo?" Tingin nito sa paligid na napaka-aliwalas. "Paalam," saad nito bago tuluyang mawala sa kanyang kinatatayuan. Malungkot naman akong naglakad palabas ng gubat. Nakakainis naman kasi si supladong sundo. Pwede naman niya akong samahan muna kahit ilang oras lang o kaya naman ituro na lang sa akin yung susunod kong target para hindi na ako mahirapan ng ganito. Nakakapagod na. Bumalik naman ako sa coffee shop na pinuntahan kanina ng magba-barkada. Gusto ko rin mag pahinga. Gusto ko ng humiga sa malambot at malaking kama. Habang nagmu-muni-muni, naalala ko naman ang pagligtas sa'kin kanina ni supladong sundo. "Kung hindi pa siya dumating kanina, baka hindi ko na matulungan si Arnel." Napabuntong hininga na lang ako. Bahala na kung saan ako dalhin ulit ng mga paa ko. Nagpalipas muna ako ng oras sa isang library, na tatlong dipa lamang ang layo sa coffee shop. Hindi ko naman kasi kailangang magpalaboy-laboy sa daan, at baka matuluyan na ako. Tama nga si supladong sundo. Dapat hindi ako kaagad nagtitiwala sa mga nakikita ko. Nakaisip naman ako ng kalokohan habang abala sa pagbabasa ang mga tao. Tamang-tama lang ito dahil hindi pwedeng mag ingay sa loob ng library lalo na mukhang masungit 'yung nagbabantay. "Jane, naramdaman mo ba 'yon?" bulong ng isang estudyante sa kanyang kabigan habang abala naman ang isa na nagbabasa ng comiks. "Alin ba?" tanong nito. "May umihip sa tenga ko, napaka lamig," ani nito habang balisang hinahawakan ang kanyang tenga. Hindi ko naman mapigilan hindi matawa habang nag-uumpisa ng makaramdam ng takot ang babae. "Ano bang pinag sasabi mo? Katanghaliang tapat oh. Walang multo kapag tanghali," pagpapalakas ng loob ng isa. Diyan ka nagkakamali. Natulala naman ang isa habang tumigil ito sa kanyang pag babasa. "Aira?" tawag nito sa kaibigan. "H-hinipan mo ba ang tenga ko?" ani nito. Pareho naman silang napahawak sa kanilang tenga habang takot na nagtitinginan. Lalo namang lumakas ang tawa ko habang ang dalawa ay inilapag na ang kanilang binabasang magazine at nagbabalak ng umalis. "Bilisan mo! Baka sundin pa tayo," bulong nito sa kaibigan ng dali-daling lumabas ng library. Hay Nyx! Ganito na lang ba palagi ang gagawin mo? Ang pag-trip-an ang mga tao. Nakakainip naman. Hindi ko naman napansin na mag-gagabi na pala. Sa kakanuod ko ng ginagawa ng mga tao dito sa loob ng library. Nakakatawa lang panuorin ang mga mag jowa na nagtatago sa likod ng bookshelves habang naghahalikan. Ang iba naman nanunuod ng porn, habang mayroong iba na weirdo at inuubos ang oras sa pagbabasa ng kung ano-ano. Ang mga tao talaga, hindi mo maintindihan kung ano talaga ang gustong gawin. Mainam lang 'yan, dahil baka pag patay na rin sila hindi na nila magagawa ang lahat ng 'yan. Nang amramdaman ko na ang boring sa library, lumabas na ako roon. Naglalakad lakad ako dsa daan at namumuni-muni nang bigla akong makarinig ng malakas na hiyawan ng mga kabataan. Napaka-ingay ng mga ito kasabay ng malakas na tugtugan. Pagtapat ko sa isang bar, medyo malayo ito sa una kong napuntahan. Mayroong dalawang babae akong kasabay na nakasuot ng sexy short habang ang isa naman ay naka-backles. Kulang na lang hubaran sila para kita na talaga ang kaluluwa niya. "Girl, andoon na raw siya sa loob," saad ng isang babae na shorthair. Putok ang kanyang lipstick habang naka dress ng napaka ikli. Mabilis namang nagbayad ang dalawa at dire-diretso na itong pumasok. "Grabe, ilang taon na ba kayo ha? Ang bata pa lamang ninyo nilalantad niyo na mga bilat niyo," panenermon ko sa kanila kahit alam kong hindi naman nila ito naririnig. Pagpakasok namin sa pinakabungad ng bar, dumadagundong naman ang mga nag-gi-gitnaang mga speaker habang rinig ko ang hiyawan ng mga nagsasayaw sa gitna. Ganito ba talaga dito? Habang tinatamaan sila ng ilaw ng malaking disco ball, kita ko ang iba't ibang posisyon na ginagawa ng mga tao rito. Habang abala ang iba sa pagsasayaw, ang iba naman ay hindi na mapigilan ang init sa kanilang katawan. Ang iba nagpapakalunod sa alak, tapos ang iba naman isinasama ang kanilang partner sa cr, siguro para doon sila mag-usap? At ang iba naman ay nasa bar counter at nagsasarili. Nilapitan ko naman ang babaeng nakapukaw ng atensyon ko. Nakasuot pa ito ng office attire; Isang puting longsleeve at black na skirt. Sigurado akong kakagaling lamang niya sa trabaho. Nakailang bote na ito sa kanyang harapan ngunit parang hindi pa siya nalalasing. "Isa pa ngang order ng Silver spin," sigaw nito sa barista. Kaagad naman niya itong binigyan ng kulay itim na klase ng alak habang may nakaipit na piraso ng pinya sa gilid ng baso. Malakas ba ang tama ng wine na yan? Habang binabantayan ko ito, nakaramdam naman ako na may nagbabantay rin sa kanya at hinihintay siyang malasing. Mukhang gusto pa ata siyang bastusin. Pagkatapos nito sa kanyang iniinom, dire-diretso naman itong lumabas ng bar habang ang dalawang lalaki ay ali-aligid pa rin sa kanya. "Ako ang mauuna diyan mamaya ah!" bulong ng isang lalaki na nakapolo. Ang gugwapo panaman, kaso ang bastos. "Basta mamaya pag-pasakay na siya sa kotse, ilagay mo na sa bibig niya yan." Abot naman ng panyo ng isa. Sigurado ako may inilagay sila dito na pampatulog. Habang pinagmamasdan ko sila. Ang babae naman ay hilong-hilo ng binubuksan ang pinto ng kaniyang kotse. Ito na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD