KABANATA X

2748 Words
Medyo napasarap ata ang tulog ko nang namalayang mag gagabi na pala. Uuna pa sana ako, ngunit bigla akong napabalikwas nang marinig ko ang boses na tumatawag sa labas ng kwarto. "Ma'am?" mahinang sabi nito. "Ma'am Adelle? Kakain na raw po." Katok ng kasambahay nila, kaya naghumerantada ang katawan kong magtago, ngunit natigil na lamang ako nang may maalala ako. Oo nga pala. Kahit humilata ako rito, hindi naman ako mapapansin. "Ma'am?" pag uulit pa nito kaya napagdesisyonan ko ng lumabas ng kwarto. Napadaan naman ako sa gilid niya, at hindi kataka-takang niyakap nito ang kanyang katawan. "Mukhang ang lakas ng aircon sa kwarto ni ma'am Adelle," ani nito kaya hindi ko mapigilang hindi matawa. Pumunta naman ako sa kanilang dining kung saan nagtipon-tipon silang lahat. Nakakapanibago lang na mas marami pa pala ang mga kasambahay nila kaysa sa may ari ng mansyon. Eh halos apat lang sila dito kasama na si Adelle. "Where's Adelle?" tanong ng isang matandang lalaki na nakasuot ng office attire, habang nakakunot ang kanyang noo. "Eh sir, hindi po sumasagot si mam e. Baka po nakatulog na," wika ng kasambahay na natakot ko kanina. Sumulpot naman ang isa pang kasambahay na mukhang sumisipsip sa kanilang boss. "Sir. Nakita ko po kanina si mam umalis po, mukhang may lakad ata," sagot nito. Tumingin ang matandang lalaki sa ina ni Adelle. "Ang anak mo talagang 'yan. Wala ng ginawang maganda sa pamilya natin kung hindi pasakitin ang ulo natin!" galit na sabi nito. "Noong una, pinayagan ko siyang umalis sa kumpanya at lumipat sa kumpanya ng mga Cruz para maging assistant! Ngayon naman kung kailan tumanda doon nagrerebelde!" dagdag pa nito. Habang nagsasalita ang matandang lalaki, taimtim namang nakayuko ang mga katiwala nila. Pati ang matandang babae ay walang magawa kung hindi sumunod na rin sa mga kasambahay at yumuko. "Daddy, baka po hindi ako bati ni ate kaya siya umalis," sabat naman ni Andrei kaya nabaling ang atensyon niya rito. Biglang nag-iba ang awra ng mag-asawa tsaka tumingin kay Andrei. "Hindi mo kasalanan anak. Masyadong matigas lang ang ulp ni ate." Niyapos naman ng matandang lalaki ang ulo ni Andrei at saka ginulo ang buhok. "Mas matanda siya sayo pero parang matured ka pang mag-isip sa kanya," ani nito. Umangat naman ang ulo ng matandang babae at tipid itong ngumiti. "Sige na tama na 'yan. Kumain na tayo," pag-iiba niya ng usapan. Tumingin naman ito sa mga kasambahay, kaya todo ang yuko nila. "Ano pang tinatayo-tayo niyo diyan? Halina at kumain na," saad nito kaya napataas na lang ng noo ang mga driver at kasambahay. "P-po?" pag-uulit ng kanilang mayordoma. "Hindi mo ba ako narinig?" mataray nitong sabi. "Hali na kayo. Umupo na kayo at yung iba kumuha na lang ng upuan, magsalo-salo na tayo rito," ani nito habang tahimik na nagsandok ng kanin. Dali-dali namang tumakbo ang mga tauhan nila upang maghanap ng upuan, habang ang ibang kasambahay naman ay nahihiya pang tumabi sa kanilang amo. "Huwag po kayong mahiya. Binigay po ni God ang pagkain kaya pagsaluhan natin," wika ni Andrei. Napangiti na lang ako ng tipid habang tinitignan silang masayang kumakain. Kung ano man ang problema ni Adelle sa mga pamilya niya, siguro hindi lang nito maintindihan ang mga nais nilang iparating. Sa pinapakita ngayon ng pamilya niya, isang busilak na puso ang meron sila at hindi puot. Pagkatapos nilang kumain dumiretso na ako sa kwarto ni Adelle. Napaka bilis ng oras ngayon dahil hindi ko namalayan na ilang minuto na lang at madaling araw na. "Grabe naman pala 'yang si Adelle, kanina pa umalis, pero hanggang ngayon wala pa rin siya dito sa bahay. Hindi na ako nagtataka kung bakit galit ang mga magulang niya sa kanya." bulong ko sa sarili ng simula na akong makaramdam ng inip. Kanina pa ako nandito sa kwarto niya at naghihintay, pero para lamang akong naghihintay sa wala. Sayang lang ang oras ko. Napabaling na lang ako sa harapan ng pinto nang marinig ko ang pamilyar na boses. "Let me go! Hindi pa nga ako lasing sabi e," rinig kong pagpupumiglas ng isang babae. Teka, si Adelle na 'yon! Sawakas naman at nakauwi na rin siya. "Mabuti naman at nakauwi ka na anak. Kanina pa kami nag-aalala sa'yo," wika ng mama niya habang inaalalayan itong pumasok sa kanyang kwarto. Napaupo naman ako habang pinapanuod ang eksena na nangyayari sa harapan ko. "As if you cared," sagot nito ng bigla na lamang siyang bumagsak sa sahig. "Can you please, shut up Adelle? Buti na lang pala at naisipan kong ipasundo ka kay Robert, kung hindi baka ginahasa ka na ng mga kalalakihan doon sa bar!" sigaw ng kanyang ama. "Come on dad, as if namang may pakealam kayo sa akin. Kailan pa?" pabalang na sagot nito. Hindi naman napigilan ng kanyang ama na ambain ito ng sampal ngunit pinigilan lamang siya ng kanyang asawa, habang si Adelle naman ay pinaupo na sa kanyang kama at pilit na pinapakalma. "Alam niyo dad? Dahil din sa inyo kaya ako ganito e." Upo nito ng maayos. Halatang tipsy na rin siya dahil sa dami ng alak na kaniyang nainom. "Simula bata ako ni hindi niyo man lang ako mabilhan ng laruan o maigala sa mall dahil sa business niyo. Ni hindi kayo uma-attend kapag may program o graduation ko sa school. Then you are expecting me na magiging isang masunurin at mapagmahal akong anak sa inyo? Pathethic!" "Anak, tama na. Magpahinga kana, bukas ka nalang namin kakausapin ng daddy mo," sabat naman ng kanyang mama na halata ang pagkaalala. Tumawa naman ng peke si Adelle. "Tama na? Pwede bang sabihin mo 'yan sa sarili mo mommy?" saad nito habang paunti-unting tumutulo ang luha niya. "Tama na. Tama na, na gawin niyo lang akong utos-utusan para kay Andrei. Tama na, na kapag may kailangan lang kayo ay saka niyo lamang ako papansinin o kakausapin.Tama na mom, pagod na ako. Anak niyo rin naman ako ah?" Tuloy-tuloy na sabi nito, habang dire diretsong bumubuhos ang kanyang luha. "Anong klaseng drama 'yan Adelle? Paano ka namin susuportahan sa gusto mo kung palagi na lang lihis ang landas mo sa amin?" sabat ng kanyang ama. "Napakawala mo talagang kwentang anak!" sigaw nito saka tuluyang lumabas ng kwarto. Naiwan naman ang kanyang ina habang pinapatahan nito si Adelle. Medyo nadadala na ako sa mga naging eksena kanina, pero sa tingin ko, pareho lamang silang may mali at pagkukulang sa bawat isa kaya hindi sila mabuo-buo. Tumigil naman ito sa pag-iyak at walang emosyong humarap sa kanyang mama. "Pwede po bang umalis muna kayo?" ani nito. Nagulat naman ang kanyang mama sa inasta nito ngunit hindi siya nagpatinag. "Pwede bang umalis muna kayo?!" Medyo napalakas na ang sigaw nito kaya wala ng nagawa ang kanyang ina kung hindi sundin ang sinasabi nito. Kahit sa huling pagkakataon ay inaalala pa rin siya ng kanyang ina, sa simpleng pagsilip nito bago isarado ang pinto. Umupo naman ako sa malambot nitong sofa habang pinag mamasdan siyang umiiyak pa rin. "Diba ang sabi ko umalis kayo?" mahinang sabi nito kaya napalingon ako sa paligid. "Hindi ka ba nakakaintindi?" pag uulit muli nito, kaya naguguluhan na ako nang wala akong makitang tao sa loob ng kanyang kwarto. "Ang sabi ko, umalis ka rito! Hindi ko papayagan na sumanib ka sa katawan ko. At kung gagawin mo iyon, mas nanaisin ko pang magpakamatay na lang kaysa kontrolin mo rin ang buhay ko!" Dire-diretsong sabi nito habang matalim na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. Nararamdaman at nakikita niya ako. Anong gagawin ko? Ngumiti naman ito ng nakakatakot sa akin bago muling tumayo. "Kapag hindi ka pa umalis pagtapos ng bilang na tatlo, magpapakamatay ako," pagbabanta niya. "Isa," panimula nito habang ako naman ay balisa kung paano umpisahang makatakas. "Dalawa... "Tatlo!" Bago pa nito maibigkas ang huling salita, kaagad akong tumalon sa bintana niya at tanging malakas na hangin na lamang ang naiwan doon. "Aray ko." Hawak ko sa pwet ko ng bumagsak ako sa bakuran nila. Grabe pala 'yong babae na yon. Mas nakakatakot pa pala siya kaysa sa mga multong katulad ko. Ni hindi man lang ako pinayagang magpaliwanag. Nakakatakot ang ngiti na ginawa niya kanina habang nakatingin sa akin. Hindi ko rin alam na may tao palang gano'n kalakas ang abilidad. Habang naglalakad naman ako palabas ng kanilang bakuran, bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot at takot. Bakit ganito? Pati sa kamatayan ko hinahabol pa rin ako ng kamalasan. Wala na nga akong matandaan sa pagkamatay ko, ang malas ko pang pumili ng target. Sa sobrang inis sa sarili, napahilamos na lang ako sa mukha ko. "Pinuno. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay e, pero bakit ganito pa ang ginawa ninyo sa akin?" Nakakainis na. Napatingin na lang ako sa langit habang kitang-kita ko ang napakaliwanag na buwan. "Lord! Gawin niyo na lang akong isang malaking hotdog kaysa ganito. Hindi pa ba kayo naaawa sa'kin? Madaling araw na pero nagpapalaboy-laboy pa rin ako sa daan,"saad ko. Hindi ko alam kung saan na ako dinadala ng mga paa ko. Pero okay lang naman kahit saan, basta makalayo lang sa Adelle na 'yon. Nakakatakot ang awra niya saka ang hirap niyang saniban. Baka magpakamatay pa 'yon, at isa pang dadalhin ng konsensya ko hanggang kabilang buhay. Habang naglalakad ako sa madilim na daan, papunta kung saan. Tila may nakita nanaman akong kakaiba sa paligid. Parang may...may "Multo!!!" sabay namin sigaw ng isang kaluluwa na nakasuot ng costume. Teka, bakit siya natatakot e multo na nga siya? "Multo! Waaaa!" Hindi pa rin ito tumigil sa kakahiyaw ng mapagtanto nito na multo din ang kaharap niya. "Bakit ka ba sumisigaw?" inis na sabi ko habang tinatakpan ko ang tenga ko. "Bakit ka kasi sumigaw?" ani nito. Oo nga, bakit ako natakot e pareho lang naman kaming multo? "Teka nga, bakit ba kasi ganyan ang suot mo? Tsaka gabing gabi na gumagala ka pa," panenermon ko, habang pinagmamasdan ang suot nitong pang-clown. Parang kakagaling lamang niya sa party kaya hindi na natanggal ang make up nito. "Dito ako nakatira e, bakit ikaw nandito ka?" takang tanong naman niya. "Pinaalis ako e, tsaka teka nga. Anong diyan? Hindi ka ba nila sinundo? Hindi ka ba dinala ni pinuno sa kabilang mundo?" sunod-sunod kong tanong. "Teka lang, isa lang muna ang sasagutin ko. Pagkatapos ay ikaw naman. Sinundo nila ako. Kaya ikaw bat ka napadpad dito?" "Sinundan ko yung sunod kong target, e hindi pala siya pwedeng saniban. Ikaw? Bakit wala ka pa sa Laciera?" tanong ko. "Tumakas ako e, ikaw bakit nasabi mong hindi pwedeng saniban ang target mo?" "Nakakakita siya ng multo, at pag sinaniban ko raw siya baka magpakamatay na lang. Pero teka nga, pwede bang tumatabi-tabi naman tayo sa daanan?" wika ko ng mapansin kong nasa gitna kami ng kalsada nag-uusap. Isinama naman niya ako sa likod ng malaking puno na nasa gilid lamang ng daan. Marahan itong umupo sa malaki at tuyong kahoy tsaka ito tumingin sa akin. "Ano pang hinihintay mo?Umupo ka na," paanyaya niya habang hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi niya. Ngumingiti siya pero bakit ganito? Ibang lungkot ang nararamdaman ko. "Ako nga pala si Arnel." Lahad nito ng kanyang kamay. "Ikaw?" "Ako nga pala si Nyx, bakit ka nandito?" kaagad kong tanong. "Dito kasi ako pinatay," ani nito sabay tumingin sa inaapakan namin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "D-dito mismo?" Turo ko. Tumango naman ito at pilit na ngumiti. "Dalawang taon na rin ang nakakalipas simula ng patayin nila ako dito sa lugar na ito."Umayos siya ng upo at tumingin sa kawalan. "Kakagaling ko lamang no'n sa isang party. Ang saya saya ko pa dahil may maiuuwi akong pera sa asawa ko, dahil buntis siya," ani nito sabay ngiti ng napaka-pait. "Ang akala ko masaya ako hanggang sa pag-uwi. Pero tumawag ang kapatid ko sa'kin, ang sabi niya may kabit raw ang misis ko, at magkasama raw sila sa bahay. "Ayun. Dali-dali akong umuwi ng bahay at nahuli ko nga sila. Umamin ang asawa ko na...na," hindi naman nito mapigilang tumulo ang luha niya, kaya hinayaan ko na lang itong maglabas ng sama ng loob. "Na hindi sa akin ang dinadala niya. Tinanggap ko naman ang dinadala niya kahit hindi sa'kin, wala e mahal ko. Tapos ayun, hindi ko man lang naisip na pinagtatangkaan na pala nila ang buhay ko, kasama ang asawa ko. "Dinala ako dito ng kabit niya,kasama ang mga barkada niya tapos ayun. Pinagtataga nila ako. Nakakatawa hindi ba?" pilit na tawa nito habang pinupunasan ang luha sa kanyang mata. Hindi naman ako makapagsalita sa kaniyang kwento. Ngayon, ramdam ko na talaga ang awa at inis. "Tapos ilang minuto lang, may sundo nang dumating. Kinausap ako ng sinasabi mong pinuno at pinapapili kung nais kong gawin ang misyon para mapagbayad ang may gawa nito sa akin. Kaso mas nauna ang bugso ng damdamin ko, galit na galit ako sa taong 'yon kaya pinili ko na lang tumakas." "Teka lang, hindi ba andaming mga asong lobo doon na kumakain ng mga ligaw na kaluluwa?" tanong ko, dahil iyon naman ang sinabi ni pinuno. "Hindi. Taktika lamang niya iyon para hindi ka maligaw ng landas katulad ko. Nang mga oras na 'yon, wala akong ibang iniisip kung hindi ang makaganti sa pumatay sa'kin, pero nang makalampas na ako sa lagusan, doon ko lang nalaman na maling-mali pala ang ginawa ko." "Bakit naman?" "Pagkalabas ko ng lagusan, doon lang sinabi sa akin na hindi ako maaaring sumanib sa iba. Magiging masamang kaluluwa rin daw ako paglipas ng limang taon. At saka wala na rin akong pag-asang makaakyat sa langit dahil sa ginawa ko. Kaya tignan mo ngayon, nandito lang ako at walang magawa." Buti na lang pala hindi ko naisipang tumakas doon,kung hindi baka doble doble na ang stress ko. "Ikaw naman, bakit ka napunta dito?" baling naman niya ng tingin sa akin. Humugot naman ako ng malalim na hininga at ngumiti. "Pinatay rin ako. Pero nakalimutan ko na ang dahilan e. Pinili ko ang misyon, pero ang kapalit no'n para makuha ko ang hustisya, kailangang burahin ang alaala ko. Kaya ayun." Tipid akong ngumiti. "Nangangapa ako ngayon. Pati paghahanap ng sasaniban ko hirap na hirap na ako," wika ko. "Buti ka pa, may pag-asa ka pang makatawid sa kabilang buhay, ako eto. Dito na lang habang buhay, tapos magiging masamang espirito pa ako balang araw," saad nito habang tumatawa ng mapait. "Ganyan ba talaga ang mukha mo?" tanong ko sa kanya habang pinag mamasdan ang kalat kalat nitong make up. "Payaso nga hindi ba? Ano pa bang ine-expect mo?" sabay tawa nito ng malakas. Oo nga pala, bakit hindi ko naisip iyon. "Oo nga pala, saan ka magpupunta niyan pagsikat ng araw?" tanong ko rito. Ilang minuto rin itong nag-isip bago tumingin sa akin. "Naalala ko pa lang sabihin sayo. Naglalaho ako tuwing araw, lumilitaw lang ako kapag gabi na," ani nito. May ganoong multo ba? Parang niloloko lang ata ako nito e. "Parang niloloko mo naman ako e," pabiro kong sabi. Umiling naman ito kaya napatahimik na lang ako. "Ilang minuto na lang at sisikat na ang araw, sana mahanap mo na ang target mo," ani nito tsaka binigyan ako ng tipid at totoong ngiti. Tumango naman ako. "Huwag kang mag-alala, pagkatapos ng misyon kong 'to, tutulungan naman kita na makamtan mo ang hustisya para sa pagkamatay mo," saad ko na ikinaliwanag ng mata niya. "Totoo ba?" hindi pa rin makapaniwalang sabi nito. "Ay hindi. Hindi totoo. Mukha pa ba akong nagbibiro?" sarkastiko kong sagot, at nagtawanan naman kami. "Oh paano, hanggang sa muli Nyx. Mag-iingat ka, sana ito na ang huling target mo," wika niya. Ngumiti naman ako sa kanya at sabay kaming tumayo upang hintayin ang pasikat na araw. "Paalam Nyx! Hihintayin kita dito. Mag ingat ka!" sigaw niya ng unti-unti na siyang kainin ng liwanag. Sayang lamang dahil may mga taong katulad ni Arnel, na pinapatay nang walang kamalay-malay. Sayang din dahil inuna niya ang bugso ng kanyang damdamin, kaya sa huli ay dito pa rin ang bagsak niya. Napangiti na lang ako ng mapait habang hinihintay na tumama sa mukha ko ang liwang ng araw. "Pangako Arnel. Pagkatapos ng misyon ko, tutulungan kitang makuha ang nais mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD