Habang nagmamaneho si Nikki patungo sa sinasabing beach, hindi ko na maitago ang pagka-excite sa mukha ko habang iniisip kung ano ang posibleng mangyari doon. Noong pa lamang ako, palagi na akong dinadala ni yayi Emma sa dalampasigan sa tuwing araw ng linggo pagkatapos namin magsimba.
Pagkatapos noon ay makikita ko si lolo Nestor na nagbebenta ng malalaking lobo at syempre bata pa ako noon at sa kukulitin ko ay napapabili ng wala sa oras si yayi. Sa huli wala naman siyang magawa dahil ako pa rin ang magwawagi. Nakukuha ko kasi ang gusto ko sa paglulupasay ko.
Tatlong oras na rin ang aming byahe, pero hindi ko pa rin alam kung gaano kalayo ang pupuntahan namin. Paano, ayaw rin niyang sabihin sa akin. At sa pagkainis sa akin, ang ginawa pa nito ay isinuksok ang earpiece sa kanyang tainga, para raw hindi nito marinig ang paulit-ulit kong sinasabi.
"Matutulog muna ako ah?" Bulong ko kay Nikki, ngunit hindi naman niya ito narinig at patuloy lamang sa pagsabay ng kanta.
Pagkaraan ng ilang oras, namulat na lamang ako nang walang tigil sa pagyugyog ni Nikki sa balikat ko.
"Nyx? Huy!" wika nito. Nilingon ko naman siya nang papungay-pungay pa ang mata.
"Ano ba," inis kong sabi at saka sumandal muli sa sa upuan. "Gisingin mo na lang ako kapag nandoon na tayo."
"Andito na nga!" sigaw niya kaya napabalikwas ako.
Nang tingnan ko ang buong paligid, nakatigil ang aming sasakyan sa isang napakalaki at malawak na resort. Sa entrada palang, bubungad na sa iyo napakalawak na lupain habang tinatakpan ito ng maliliit na damo. Pati na ang mga halaman na masayang-masaya tinatamasa ang init at masamyong hangin. Mayroon din nakaukit na gamit ang itim na pintura sa mala-rainbow nitong pader na 'Mini Paradise.'
"Ito ang tinatawag nilang Boracay of the North." Taas ng kamay ni Nikki at nag-uunat, habang pinagmamalaki sa akin ang lugar.
"Ang ganda Niks," bulong ko at unti-unti kong nahinuha na bumababa na pala ako ng kotse habang nakatulala pa rin ako sa lugar. Sa labas pa lang nito nakikita ko na ang isang malawak na resort na pinagigitnaan ng naglalakihang bulubundukin sa lugar.
"Nasa paraiso na nga tayo," singhal ko pa.
Hinila ni Nikki ang kamay ko, habang pilit kong ibinababa ang suot kong damit. Pagpasok namin sa resort, bumungad kaagad sa amin ang malaking pasilidad na may tatlong palapag, habang napapalibutan sa labas ng mga naglalakihang puno ng niyog. Sa bawat gilid ng resort, nakatatak ang pangalang mini paraiso, at kaagad na nakapukaw ng atensyon namin ang isang ratounda kung saan narito rin ang mini fountain nila. Nakita naming paparating ang isang babae suot ang itim na slack, navy blue na blouse at itim na sapots. Napaka pormal ng babaeng iyon,pati ang ngiti niya ay tipid rin na bumabagay sa pinkish niyabg lipstick. Mukhang sa ayos nito ay siya ang Resort Manager ng Mini Paraiso.
"Welcome to Mini Paraiso, Ma'am Delos Reyes?" nag-aalangang tanong pa nito.
Tumango naman ako.
"And Miss, Trinidad. Thankyou for choosing our resort," ani nito.
Ngumiti ng bahagya si Nikki. "Syempre, magaling ako e," mayabang na sabi nito.
"I am the General Manager in Mini Paraiso. My name is Cynthia Roses, at ako na rin po ang mag-to-tour sa inyo. This way Ma'am." Lahad nito ng kanyang kamay sabay pumasok na kami sa loob ng pasilidad.
"Ipapakita ko po sa inyo ang pinagmamalaki ng aming resort."
"Good Morning Ma'am," bati naman sa amin ng isang front desk receptionist. Iba ang suot nito sa manager na naka pink na blouse at black na slack. Naka-ponitail din ito kaya kitang-kita ang maaliwalas niyang mukha. Malawak ang ngiti nito na iginagawad sa amin kaya nginitian din namin siya.
"If you have any questions, after this Ma'am, you may ask Amari," saad naman ng manager kahit nababasa naman namin ang template nito na nasa damit niya.
"We have 6 subdivision here, and every subdivision we do have 11 rooms."Turo niya sa ibat-ibang klase ng unit kahit na tingin ko'y pare-pareho lang naman ito dahil sa design.
"But I suggest, you may use the luxury unit. It is 4 kilometer from maingey and 1 kilometer to the Bean." Harap nito sa amin.
"Space located at the secondfloor and it has a balcony and rooftop. It is best for sunset and sunrise," paliwanag niya.
Dumating rin ang isang room attendant na pareho ng uniporme ng receptionist at sakto naman ay iniabot namin ang aming dalang gamit dahil kanina pa kami nangangalay.
"Let's go to outside, Ma'am?" saad nito at nanguna na. Nagtinginan lamang kaming dalawa ni Niks at sumunod na lang roon.
Paglabas namin, bumungad sa amin ang isa nanamang pasilidad. Sa gilid nito ay may napakalawak na swimming pool.
"This is Aqua Fun Park. It is located besides the waterpark, with 49 theme rooms. If you choose the infinity pool." Turo niya sa harapan namin na may nakatanim na puno ng niyog sa gilid. "Or the beach front, sa upper right." Turo naman nito sa itaas ng bulding kung nasaan ang isa pang swimming pool.
"Nyx, mamayang gabi doon tayo ha?" Bulong ni Nikki sa akin ngunit hindi ko ito inintindi ng magsimula nang kumulo ang tiyan ko.
"And lastly." Takbo nito sa tabi ng pool na mayroon palang nakatayong restaurant at nga stall.
"Mayroon po tayong iba't-ibang stall dito, like Max's." Turo nito, sabay yumuko naman ang naatasang magbantay ng stall.
"The pancake house, Army Navy, Figaro, Potato Corner, and Big Chill. But if you want to make chill naman po, meron din po tayong Sand Bar Area," pagpapatuloy nito, ngunit hindi ko na talaga matiis ang gutom.
"Can we take a break? Gutom na gutom na kasi ako e." Lukot ng mukha ko. Namula naman ang mukha nito at napakamot ng ulo dahil sa kadaldalang ginawa nito.
"Sorry Ma'am. First time po kasing may dumating dito na isang nagmamay-ari ng isang prestigious company, kaya hindi ko rin po alam ang gagawin ko," wika niya.
Nginitian ko naman ito. "It's okay. Pare-pareho lang naman tayong tao e. Pero kakain lang kami ha?" usad ko.
Nagpaalam naman ito sa amin, habang kaming dalawa ni Nikki ay dumiretso na sa Max's. Sa harapan ng kanilang stall, naroon ang mga itim na upuan na gawa sa mananinipis na kawayan. Ang aming lamesa naman ay isang pakwadrado na kulay itim. Sumisilip sa bawat dahon ng niyog ang sikat ng araw dahilan para umepekto ito sa aming mukha.
"Wow Nyx, picturan kita!" Kuha nito ng kanyang cellphone at saka mabilis nitong pinindot ang camera. Nagandahan naman ako sa kuha nito, kaya ipinaulit ko muli sa kanya.
"Tingnan mo, bagay na bagay sa'yo 'yang damit na pinili ko," ani nito at nasiyahan sa pagkuha ng litrato sa akin.
Sakto namang dating ang mga crew dala-dala ang limang tray ng pagkain na inorder namin. Pakiramdam ko kasi kailangan ko talaga ng lakas, lalo na kailangan ko rin mag-unwind sa mga nangyari sa akin. Nginitian ko naman ang mga ito bago tuluyang bumalik sa kani-kanilang trabaho.
"Thankyou," wika ko.
Habang tinatanggal ang mga pagkain sa tray, nakatulala namang nakatingin sa akin si Nikki.
"Tulungan mo kaya ako 'no? Para makakain na tayo," saad ko sa kanya habang tulala pa rin.
Dahan-dahan naman nitong kinuha ang tray habang nakatingin pa rin.
"Seryoso ka ba? Uubusin mo lahat 'to?" Turo niya sa isang buong grilled chiken, barbeque, salad, ice cream at halo-halo.
Napakunot naman ang noo kong tumingin sa kanya. "Anong ako? Tayo! Alam ko na kasi ang karakas mo, kaya ipinag-order na kita ng doble," saad ko.
Habang kumakain, pinagmamasdan ko ang buong paligid at wala akong makita ni isang tao na naliligo sa mga swimming pool o di kaya ay nagsasaya dito, o sumabay man lang na kumain sa amin.
"Nikki?" bulong ko sa kanya habang abala ito sa pagkain.
"Bakit parang wala ata akong nakikitang tao rito?" seryoso kong tanong.
Tinapos muna nito ang kanyang pagnguya bago ako hinarap. "Ano ang tingin mo sa'kin?" saad nito.
"Hindi. Ibig kong sabihin, bakit wala tayong mga kasama dito? Resort naman ito ah?"
"Kasi nang tinawagan ko yung manager ng resort, pagkasabi ko lang ng apelyido mo, ayun pinasarado na kaagad 'tong resort. Tsaka ni-reserve talaga ito para sa atin ano ka ba! Kaya huwag ka ng magtaka diyan. Alalahanin mo, mayaman ang may-ari ng katawang 'yan." Inom nito ng pipino juice.
Kaya pala ganoon na lamang ang pag salubong nila sa amin, pati na ang pag-alaga nila. Akala talaga nila si Kore ito, nakokonsensya tuloy ako sa mga ngiti nila na binigay sa amin bago pumasok dito.
"Lapitan mo na kasi!" bulong ng isang lalaki na narinig ko mula sa likuran.
"Ano ba! Chance na yan oh, magkaka-girlfriend ka na." Tulak naman sa kanya ng kanyang kaibigan dahilan para matabig nito ang braso ko.
"Ah sorry Ma'am. Ang gulo kasi ni Alvin e!" paliwanag ng isang lalaki na nakaipit ang pinaka gitna ng buhok. Tinignan ko naman ang name plate nito na crew pala sa potato house, katabi ng pinagkakainan namin.