"Huy, Nyx-este Kore?" Yugyog sa akin ni Nikki kaya bumalik ako sa wisyo.
"Bakit napakalamig ng kamay mo?" Idinikit niya ang kamay ko sa kanyang mukha. "Tsaka tingnan mo oh, napaka-putla mo, para kang multo diyan."
Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin ngayon. Pero sana...sana hindi ang taong 'to ang nasa-isip ko.
"Wala." Umiling-iling ako. "Siguro napagod lang ako. Ang dami kong iniisip e,"pagpapalusot ko tsaka tumalikod sa kanya.
Tumayo ako at hinanap ang dati kong pwesto sa opisina. Diretso akong umupo dahil ramdam ko ang panginginig ng paa ko. Tiniyak kong hindi ko na tanaw ang lalaki sa pwesto ko dahil parang hinihigop nito ang enerhiya ko, kahit kakakain lang namin. Hindi ko na inintindi kung nakatayo pa ito sa harapan namin. Pakiramdam ko kasi kung hindi ako aalis doon tiyak na malalagutan na ako ng hininga.
Habang pinagmamasdan ko silang nakakatitig pa rin sa bagong general manager, pansin kong kahit isang salita ay walang lumalabas sa bibig nito. Ni hindi man lang siya magpakilala.
"Sir?" wika ng isang babae na nakasalamin at lumapit ito sa lalaki.
"Itatanong ko lang po sana kung anong pangalan ninyo?" Kahit nahihiya ay ang empleyado na ang unang nagtanong, dahil sa mukha ng bagong general manager ay wala naman itong balak magpakilala
Habang ang karamihan ay naghihintay sa pagbuka ng bibig nito, ako naman ay tila napaparalisado sa kinauupuan ko. Anong nangyayari sa akin?
"I am Cole Cruz. The new general manager of AMM," ani nito.
Pagkabigkas pa lamang ng unang salita na kanyang pinakawalan ay parang gusto ko na lamang lumubog sa kinauupuan ko. Ang boses niya. Ang tindig. Ang pananamit. Hindi kaya ito si...Hindi...hindi pwede. Baka namali lang ako ng interpretasyon. Ang mga sundo ay mananatili lamang sundo habang buhay, hindi ito pwedeng sumanib sa kahit na sinong tao. Pero kasi.
"Eh sir, nasaan na po si Sir Nicollo?" tanong naman ni Jr.
Hindi ito sumagot, bagkus tinalikuran lamang niya ang mga empleyado at bumalik sa loob ng kanyang opisina.
Hindi Nyx, kumalma ka. Baka nagkapareho lang sila ng kinikilos. Baka...baka ganito lang din siya manamit. Pero bakit ganito? Bakit ako kinakabahan? Anong nangyayari.
Kapagkuwan ay bumulaga sa harapan ko si Nikki dala ang nakakalokong ngiti.
"Ayoko Nikki," masungit kong sabi kahit na hindi pa bumubuka ang bibig nito.
"Grabe ka naman! Hindi pa nga ako nagsasalita e," aniya sabay irap pa sa'kin.
"Nakamove on na ako kay sir Nicollo Nyx," bulong nito at tiningnan ko naman siya ng masama.
"Este Kore," pag-iiba nito. Umayos naman siya ng tayo at tumingin sa akin ng seryoso. "Nakita mo ba 'yong katawan niya? Walang-wala si Sir Nicollo doon, tapos 'yong boses pa niya na pangkama," ipit na sabi ni Nikki habang nag-i-imagine ng nakakadiring pangyayari.
Pinitik ko naman ang noo niya. "Ikaw ha? Nag-uumpisa kana naman!"
Seryoso naman itong tumingin sa akin. "Hindi. Kasi tingnan mo napakapogi niya. Ang perfect ng hugis ng mukha, 'yong labi ang pula, ang tangos din ng ilong tapos bilugan ang mata. Napakabango pa. 'Yong buhok niya mala Zayn Malik! Makalaglag panty," saad nito, habang kinikilig.
Kahit napaka raming positibo sa katuhann ng lallaking iyon, parang hindi pa rin ako kumbinsido. Iba ang kutob ko sa kanya. Parang may kakaiba sa at sisiguraduhin kong hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nakikita kung anong mali sa kanya.
"Kay Nicollo ka nalang ulit, nagluluksa pa 'yon e," saad ko. "Malay mo kapag pinuntahan mo 'yon sa bahay nila ma-inlove pa siya sayo. Tas dalhan mo na rin ng mga prutas."
Tumingin naman ito ng masama sa akin.
"Ano siya may sakit? Naka-confine?" sarkastiko nitong tugon. "Mas marami pa ngang pera kaysa sa'kin 'yon, tapos ako pa ang bibili para sa kanya? Huwag na lang. Kay sir Cole na ako simula ngayon," pagpapatansya niya. Wala na akong magawa kung hindi tumango na lang. Ano pa nga ba ang gagawin ko kung hindi suportahan si Nikki sa kagagahan niya.
"Mamaya tulungan mo ako, susundan natin siya!" masayang bulong nito. Nanlaki naman bigla ang mata ko at ilang beses akong umiling.
"Ayoko! Masama pakiramdam ko."
"Sige na. Ngayon na lang ulit kita nakasama e, tsaka malay mo siya na ang love of my life ko hindi ba? Dapat maging masaya ka!"
Pagka-out namin sa office, dumiretso kaagad kami sa storage room habang pauwi ang iba pa naming kasamahan. Nang masiguro na naming nakauwi na ang lahay, bumalik kami sa tapat ng office ni Cole hinihintay namin itong lumabas. Hindi ko alam kung paano ako napilit ni Nikki, basta ang alam ko lang ay maling-mali ito.
"Anong oras na pero nasa office pa rin si baby," wika ni Nikki habang pasikreto naming sinisilip ang misteryosong lalaki na si Cole sa glass window ng opisina.
Napadungaw na lang ako at idinikit ang katawan ko sa pader dahil ramdam ko na ang pagod.
"Alam mo, ilang oras na tayong nandito. Para tayong mga spy. Bukas na lang kaya?" saad ko ngunit sa pang-sampung beses ko itong inulit. Doble ang pag-iling niya.
"Hindi," pangungumbinsi niya sa sarili. "Magsasawa din 'yan kakatrabaho. Maghintay lang tayo," sagot ni Nikki.
Wala naman akong magawa kung hindi umupo sa lapag at hintaying lumabas ng office si Cole. Sana naman bukas hindi na ganito ang gagawin namin ni Nikki.
"Umuwi na lang kaya tayo?" pamimilit ko ngunit sadyang malakas talaga ang tama ng kaibigan ko sa lalaking 'yon.
Pagkaraan pa ng ilang minuto ay may naramdaman kaming kaluskos papalapit sa pinto ng office. Hudyat na siguro ito para mapagtanto ni Cole na kailangan na niyang umuwi. Sigurado akong palabas na rin ito.
Dahil malapit lang ang office ng General manager sa Conference room, mabilis kaming pumasok dito. Nakakahiya kasi kung makita kami dito na nakaupo sa lapag habang hinihintay siya. Nang maramdaman na naming ini-lock na nito ang seradura ng pinto, ilang segundo rin kaming nagpigil ng hininga at ang gagang si Nikki ay kinikilig pa rin kahit anong gawin nito sa sarili. Bigla naman akong kinabahan ng narinig kong tumigil ang kaluskos ng paa sa harapan ng pinto kung nasaan kami ngayon.
"Lumabas kana riyan,"malamig na tono ng boses nito.
Bigla-bigla ay lumabas naman si Nikki at mabilis nitong sinalubong si Cole. Ako naman ay naging estatwa sa aking kinatatayuan at naninigas na naman ang paa ko. Paano nangyari 'to?
"Sir Cole! Grabe. Ang galing niyo talaga!" impit na sabi nito habang kinikilig. Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Nikki ay alam kong pulang-pula na ito ngayon.
Hindi naman ako nagpadala sa ginagawa ni nito at nagpatuloy pa rin ako sa pagtatago. Susubukan ko kung mararamdam niya ako. Kung makikita niya ako rito, ibig sabihin tama nga ang hinala ko.
"Ikaw." Wika ni Sir Cole kaya dumoble ang laki ng mata ko. "Lumabas kana riyan at baka makakita ka pa ng multo."
Gulat na gulat naman akong lumabas at hinarap siya. Ngumingiti ito ng mala-demonyo.
"Umuwi na kayo. Anong oras na at baka mapano pa kayo sa daan. Lalo ka na 'President Kore', saad nito at tuluyan ng naglakad palabas ng office. Kahit ta-takang-taka pa rin ako sa nangyari, tila nagbibigay din siya ng kahulugan sa huling sinabi nito. Tulala lamang akong nakatingin sa kanya hanggang sa paglabas nito.
"Bes." Humarap sa akin si Nikki dala ang kumikinang na mata. "Grabe! Ang astig talaga ni sir Cole. Pa'no niya kaya tayo nakita no?"
Hindi siya astig Nikki, nakakatakot siya.
"Halika na, umuwi na lang tayo." Hila ko sa kanya kahit nanlalambot ang kamay ko sa nangyari.
Wala akong ganang sumakay sa kotse at pinaandar ito. Pagkatapos kong hinatid sa condo si Nikki ay unti-unti ko na ring naramdaman ang sobrang pagod. Halos tulala ako sa buong byahe ng biglang...Biglang may tumawid sa daan na itim na pusa, kaya bigla kong naipreno ng malakas ang sasakyan. Kaagad akong lumabas at kitang-kita ko ang pusa na nakayuko habang takot na takot.
"Sorry muning." Haplos ko sa kanyang ulo tsaka ito itinabi.
"Sa susunod mag-ingat ka ha?"
Medyo nahimasmasan ako sa pangyayari hanggang sa pag-uwi ko. Kaagad kong pinuntahan sa kusina si Gerald ngunit bakit wala ito rito? Umikot ako papunta sa labas, sa sala, pati na rin sa kanyang kwarto ngunit wala ito.
"Nasaan na naman kaya 'yung weird na 'yon?"bulong ko.
Nang hindi ko na ito mahanap sa buong bahay, napagpasyahan kong pumasok na lang sa kwarto ko dahil tinatawag na ako ng malambot na higaan ni Kore. Kahit hindi ko pa pinapalitan ang damit ko ay dumiretso na ako sa higaan. Pakiramdam ko kasiay ubos na ubos ang lakas ko ngayong araw. Dagdag pa sa palaisipan ko ang bagong general manager na 'yon. Hindi ko alam pero sa tuwing nagtatama ang mata namin, para akong sinusunog.
"Binibigyan mo na naman ako ng problema pinuno."
---
Napabangon na lamang ako sa aking kinahihigaan dahil sa pagsilip ng haring araw mula bintana. Mukhang napasarap ata ang tulog ko, dahil ramdam ko na ulit na mayroon ng lakas ang katawan ko.
Pagkatapos kong gawin ang araw-araw kong routine, kaagad akong lumabas ng kwarto. Masayang mukha naman ang isasalubong ko sana kay Gerald ngunit napansin kong wala ito pwesto niya.
"Hay nako. Bakit kaya wala pa siya?" tanong ko sa sarili. Kahit kasi ako ay nasanay na rin na araw-araw kong nakikita si Gerald. Siguro ganito talaga lalo na kung silang dalawa lang ang magkasama sa buhay.
Dumiretso kaagad ako sa AMM dahil balak ko ngayong araw ay sundan ang bawat kilos ni Cole. Malakas kasi ang hinala ko na siya talaga 'yon.
Habang abala ako sa pagmamaneho, may nakita akong isang matandang babaeng na nakaupo sa tabi ng daan, dala ang itim na supot habang nakalahad ang kamay.Itinabi ko naman ang sasakyan at binuksan ang windshield. Dinukot ko ang bag na nasa backseat at kumapa ako panandalian ng barya.
"Ale oh. " Abot ko rito ng barya, pati na ang natirang pagkain ko kanina na almusal ko sana.
Pagkaabot ko rito ng barya ay hinawakan naman nito ng mahigpit ang kamay ko kaya bigla na lamang akong nagulat.
"Magtiwala ka lang sa lahat ng kutob mo," ani nito habang hindi pa rin tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Hindi lahat ng nakakasalamuha mo ay totoo sa'yo. Mag-ingat ka sa taong kakaibigan mo. May isang taong darating, nakamaskara ito dahil bahid sa kanyang nakaraan a-"
Bigla naman bumusina ang kotse na nasa likuran ko, dahilan para mapatigil ito sa kanyang sinasabi. Hindi ko namalayan na nakaharang na pala ako sa dinaraanan. Kaagad akong bumaling sa ale at tinanggal ang pagkakahawak nito sa akin. Nginitian ko ito bago muling isarado ang windshield.
Nang makarating na ako sa parking area ng AMM, iniisip ko pa rin ang kaninang sinabi ng matanda sa akin.
"Magtiwala ka lang sa lahat ng kutob mo."
Kutob? Paano niya nalaman? Pero teka. Baka nagkataon lang. Pero bakit gano'n. Iyong susunod niyang sinabi parang may kahulugan.
"May isang taong darating, nakamaskara ito dahil bahid sa kanyang nakaraan a-"
Hindi kaya si Cole ang tinutukoy niya? Pero paano? anong nakaraan?
"Kore!!!" Bulaga sa likuran ko ni Nikki habang naglalakad papasok sa office, kaya sinamaan ko ito ng tingin.
Pagpasok namin sa office ay nilapag ko ang dalang bag saka seryosong tumingin sa kanya. "Ikaw, lagi ka na lang ganyan ha? Baka gusto mong sumbong kita kay Cole?" pagbabanta ko.
"Grabe ka naman." Upo nito sa mesa. "Ano? Buti tumuloy ka rito? Diba marami ka pang business meeting?" saad nito.
Oo nga pala, naalala ko na meeting pala ulit namin kasama ang mga shareholders. Nagtinginan muna kami ni Nikki bago ako dumiretso sa conference room. Maaga pa naman kaya wala pa ang iba roon. Paano kasi ay napag-usapan na namin na gagawin na nilang opisyal ang pag-elect sa akin. Sasabihin na rin sa mga empleyado na ako na ang papalit kay Mr. Cueva.
"Kaya mo na ba?" paninigurado ni Nikki na may tono ng pag-aalala, habang dinukot ko ang bag at isinukbit sa balikat. Tumango naman ako bilang pagkumbinsi. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
Mag tatanghali na ng dumating ang iilang mga shareholders, ngunit hindi pa rin kami buo dahil wala pa ang tatlo. Dagdag pa si Cole na unang araw pa lang ay late na. Naghintay muna kami ng ilang minuto bago tuluyang magpasa na mag-lunch muna nang biglang sabay-sabay silang nagsidatingan kasama si Cole.
Napaka-presko ng lakad nito at taas noo na nakatingin sa amin. Wala pa rin bago sa kanyang suot at tingin ko'y hindi naman ito nagpalit dahil kaparehong-kapareho nito ang sinuot niya kahapon. Dumaan naman ito sa gitna namin ni Nikki ng bigla itong tumigil panandalian.
"Huwag mo 'kong pagnasaan," bulong nito sa akin dahilan para tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Tumawa naman ito ng nakakaloko at dumiretso na sa paglalakad kasama ang iba pang shareholders na papasok sa conference room.
"Yuck ha?" bulong ko at inirapan ito.
Lumingon naman sa akin si Nikki, habang binigyan ako nito ng napakalagkit na tingin. "Ang bango talaga ni Sir Cole grabe! Ang sarap niyang amuy-amuyin,"saad niya, habang sinusundan pa rin ang tingin sa mahangin na si Cole.
Sumunod naman ako sa loob, habang si Nikki ay nagmumukha na namang aso dahil sa kakapilit nitong sumama sa meeting.
"Sige na nga, halika na." wika ko.
Nang makapasok na kami, nag-aayos pa lang ang iba. Ang mahangin na si Cole ay nasa kabisera na dating upuan ni Mr. Cueva.
"Miss Delos Santos, why did you bring Miss Trinidad here?"bossy na sabi nito habang tinitignan ako ng nakakaloko. Dahil dito ay napukaw ko ang atensyon ng iba pa ang animoy nanghihingi rin sila ng eksplanasyon.
Nilunok ko muna ang bumarang laway sa lalamunan ko. "Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko kaya ako nagpasama sa kanya," maldita kong sabi at may pag-diin ng boses sa dulo.
"Are you ready Miss Delos Santos?" wika ng mala san-gokung buhok ng isang matanda.
Lumapit naman sa akin si Nikki.
"Huy, ready kana raw ba sabi ni Mr. Vargas?" bulong nito.
"May choice pa ba ako?" Rolyo ko ng mata.
Ilang saglit lang ay lumabas na kami ng office kaya nagsitayuan na ang lahat ng empleyado ng AMM. Nang mapansin na naming kumpleto na lahat ng empleyado pati na ang mga guard at maintenance ay pinangunahan na ng matanda na laging may dala ng suitcase ang pag-bati.
"Iyan si sir Ong. Lagi niyang dinadala talaga 'yung suitcase niya, ewan ko pero feeling niya cool siya doon," bulong ni Nikki sa akin habang tinitingnan namin siya na nakatalikod na sa amin.
"Good day everyone," pangunguna nito.
"Good day Ma'am and sir!" bati naman pabalik ng mga empleyado.
"Siguro naman ay okay na kayo ngayon?" ani nito habang tumatawa.
"This past few days, our situation wasn't quite all right. Alam naman natin kung bakit."
"Yes sir," mahinang sagot nila.
"We are profoundly saddened about what happened to Mr.Cueva, but we know there won't be an end to what we continue to do." Kitang-kita ang kaba sa mata ng bawat empleyado, parang sa pinapakita nila ay nananalangin sila na sana huwag ako ang ipalit sa namayapa naming Head.
"And now, we have all talked here. And we have already decided that," sabay tingin ni Mr. Ong sa'kin. "Miss Delos Santos will be the new president of AMM," ani nito.
Nabigla naman ang lahat ng empleyado sa inanunsyo ni Mr. Ong. Ang iba ay nadismaya, ngunit wala namang magawa ang mga ito kung hindi sumabay na lang sa palakpakan ng karamihan.