KABANATA XX

1600 Words
Habang hawak-hawak ang kanang kamay ni Nikki tiningnan ko muna siya bago pumunta ako sa harapan. Balak ko rin kasing i-anunsiyo na sa kanila ang pagbabago na magaganap sa AMM. Pagkakuha ko ng mikropono kay Mr. Vargas, tumindig muna ako at ngumiti sa harapaan ng mga empleyado. "Thank you so much for all the support and trust you have given me. Hindi ninyo alam kung gaano ako kasaya ngayon," panimula ko. "Kayo ang saksi kung paano ako nagsimula bilang isang empleyado at ngayon ay hihirangin naman maging presidente. Ngunit may bumabagabag lamang sa isip ko." Sabay tingin naman sa akin nila Mr. Ong na nasa gilid ko lang. "Oo, isa rin ako sa labing lima na nagpapatakbo ng publishing house na ito," tingin ko kay Nikki. "Ilang araw ko na rin pinag-isipan ang bagay na 'to kaya kailangan ko ng ilabas. May isang tao na kilala ko na mas deserve ang posisyon na ibinigay sa akin." Hindi mapigilan ng mga empleyado, share holders pati board of director na mapanganga. Kahit na mga kasama si Nikki ay hindi rin makapaniwala. "Nakikita ko yung dedication niya sa pagtatrabaho. Hindi rin siya nag-alinlangan sa mga ginagawa niya para sa kumpanya, napakapalad ko dahil may isang empleyado at kaibigan akong ganoon. "Miss Trinidad?" tawag ko kay Nikki na ngayon ay nakanganga na. "Please welcome. The new president of AMM. Miss Nikki Trinidad," anunsyo ko kaya naghiyawan anng mga empleyado at masigabong palakpakan ang bumalot sa opisina. Napasabay na lang din ang mga kasamahan ko kahit may malaking katanungan sa kanilang isip. Pagkatapos ng pagpupulong na naganap, mabilis na pumasok sa conference room ang mga share holders. Pabagsak pa nilang sinara ang pinto habang nanlilisik ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Iniwan ko muna sa labas si Nikki at mukhang hindi pa rin siya makapaniwala, ako naman ay hindi nagpatinag sa mga sindak nilang ginagawa ngayon. "What now, Miss Delos Santos?! " inis na sabi ni Mr. Ong sabay bagsak ng kanyang suitcase sa table. "Hindi ba't nag-usap-usap na tayo. And you agreed to be the new president!" May agdiin sa boses niya. "I can't imagine na ipapahiya mo lang ako ng gano'n sa harap ng mga empleyado natin." Tumingin akko sa kaniya pati na sa iba pa na nanghihingi rin ng kasagutan sa ginawa ko. "I'm so sorry. That's my final decision. Alam kong hindi kayo papayag, kaya hindi ko na sinabi." mahina kong wika. "Alam mo naman pala e. Ano pang gagawin natin ngayon? Gagawin nating presidente ang isang proofreader!" sigaw nito na pumuputok na ang mukha sa galit. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong magalit. Kahit pa napahiya siya ay wala siyang karapatan yurakan ang marangal na trabaho ng isang proofreader. "Don't you dare to insult my friend! Alam ko ang hardwork niya, nakikita ko ang dedikasyon niya sa pagta-trabaho kaya wala kang karapatan na maliitin siya!" Wala siyang magawa pagkasabi ko niyon, bagkus pabalagbag siyang umupo sa swivel chair. "Okay fine! So ngayon anong gagawin natin?" Tinignan ko naman ang iba pang mga shareholders na nakikinig lamang sa diskusyon naming dalawa, habang si mahanging general manager ay prenteng nakaupo pa rin sa kabisera at nakataas ang paa. Ilang minuto ang lumipas at kumalma rin ang mukha ni Mr. Ong at bumalik na sa dati ang nangagalaiti niyang mga ugat. "Ano sa tingin mo ang matutulong ni Miss Trinidad sa kumpanya natin ngayon?" ani nito. Taas noo ko naman siyang sinagot. "Marami. You should give her chance to prove to all of you that she deserve that position!" pagdidiin ko sa huling sinabi ko. Tumahimik lamang silang lahat. Nang bigla namang tumayo ang paepal na general manager kaya napalingon kaming lahat sa kaniya habang siya naman ay naakapamulsa. "Tama si Kore," sabi nito. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Marahan kong pinapanuod ang bawat hakbang na ginagawa nito palapit sa akin. "Bigyan natin ng chance ang iba. I think Ms. Trinidad is good. Batay sa pamamalakad niya sa kanyang department, I see nothing wrong," wika nito sabay kindat sa'kin. Napa-snob na lang ako sa inis. 'Okay ka na sanang hinayupak ka e. Kaso napaka kapal talaga ng mukha mo.' "Besides, baka hindi matutukan ng maige ni Miss Delos Santos ang AMM dahil kabi-kabila ang appointment niya." dagdag pa nito. Tama naman siya kaya sinang-ayunan ko na lang. Wala nang magawa ang karamihan sa amin, at kitang-kita rin sa mukha nila ang pagkatakot sa twing nagsasalita si Cole. Ano bang meron sa kanya? Pagkatapos ng aming meeting, nakasalubong ko sa labas si Nikki na mukhang balisa at nag-aalala. "It's okay," pangungumbinsi ko at saka siya nginitian. "Pero kasi baka hindi talaga para sa'kin 'tong posisyon na 'to," saad niya. Hinawakan ko naman ang kamay nito at binigyan siya ng isang tipid na ngiti. "Lahat kayo deserve ang posisyon na 'yan. Sadyang napansin ko lang talaga sa'yo na napakasipag mo, kahit minsan ang gaga mo." Pitik ko sa noo niya. Nagsimula namang mangilid ang luha nito tsaka ako niyakap. "Thank you, Nyx. Salamat kasi akala ko talaga walang nakakapansin ng ginagawa ko. Akala ko hanggang pag-proofread na lang ang magiging trabaho ko. Napakaswerte ko talaga na bestfriend kita, salamat." usad nito habang ramdam kong nababasa na ang balikat ko sa luha niya. Niyakap ko naman siya ng mahigpit. "Ano ka ba, matagal kong pinag-isipan 'yon. Kahit naman wala na ako, at sumanib lang ako sa katawan ni Kore, alam ko at kitang-kita ko kung gaano ka kabait na tao. Congrats Niks," wika ko sa kanya. Nang matapos na kami sa aming kadramahan, nag-aya namang kumain si Nikki, ngunit ang kaibahan lang. "Libre kita ngayon." Hila nito sa akin. "Wow, first time ko lang narinig sa'yo 'to ha? Pwede ba 'kong mag-order ng kahit ano?" tanong ko. "Oo, kuhanin mo kahit anong gusto mo. Libre ko!" Masayang sabi niya. Habang kumakain kami, unti-unting nagsisilapitan ang mga empleyado ng AMM sa amin. "Congrats pres!" saad ni Jane. Iyong babaeng laging nakasalamin. Kinalabit naman ito ni Melba. "Uy, manlibre ka naman." "Ang galing ni Miss Kore. Congrats Nikki, you deserve it!" Tapik naman sa kanya ni Angel, iyong maliit na babae. "Alam mo Miss Kore. Dati inis na inis ako sa'yo e, pero ngayon nagpapasalamat ako. Tinupad mo ang pangarap ni Nikki," saad ni Jr. Sinamaan naman ito ng tingin ni Nikki habang ngumunguya. "Pwede bang dito na lang ako kumain?" Lapag naman niya ng kanyang tray na may lamang kanin at pritong isda. Tumango na lang ako. "Alam mo, Jr. Isa lang naman pangarap ko e," panimula ni Nikki bago matapos sa pag-nguya. Ayan na naman siya. Bago pa nito itloy ang sasabihin ay tinapik ko na ang braso ni Nikki. "Ano 'yun babe Nikki? Bukod sa maging boyfriend ako?" mahangin na tanong nito ni Jr kaya muntik ko nang maibuga sa kanya ang iniinom kong tubig. "Alam mo kung ano? Ayon 'yung maglibag ka. Naliligo ka nga araw-araw, mukha ka pa rin maasim," seryosong sabi ni Nikki kaya napaimpit na lang ako ng tawa. "Grabe ka. Kung andito lang siguro si Nyx, sinermonan ka na no'n." Subo nito sa kanyang kinakain. "Hay, nakakamiss din 'yung chikababe ko na 'yon." "Lahat na lang chikababe mo, wala ngang gustong pumatol sa'yo," sagot naman ni Nikki. Natulala na lamang ako kay Jr habang dahan-dahan itong kumakain. Hindi ko alam na sa pagkawala ko, andami rin palang tao na naapektuhan. "Kumain na kayo, masaya na 'yun sa langit. Siguro tinatawanan ka na lang dahil ganyan pa rin itsura mo," pagbibiro ni Nikki. Napangiti na lang ako sa pagbabangayan ng dalawa ito. Isa din ito sa dadalhin kong memorya kapag natapos na ang misyon ko. Habang masaya kaming kumakain, tila may nag-uudyok sa akin para tumingin sa bukas na pinto ng canteen. Hindi ko alam kung nagkasabay lang ba o sinadya ni Cole na dumaan dito para makita ko siya. "Mag-c-cr lang ako ha?" palusot ko sa dalawa habang busy silang kumakain. Nang makita ko si Cole na papalayo, sinundan ko ito hanggang sa umakyat siya sa lumang hagdan papunta ng rooftop. "Ano na naman kayang gagawin nito sa itaas?" Napakatahimik lamang ng pag-akyat niya sa hagdan.Hindi mo nga namalalayan na may naglalakad dito e. Pero kakaiba ang nararamdaman ko, habang umaapak ito sa mga baitang ng hagdan, ang tunog ng kanyang sapatos, parang isang tanikala na napakasakit sa tainga. Nakakakaba at nakakatakot. Taimtim ang pagmamasid ko kay Cole. Pati pagtapak sa hagdan ay ingat na ingat ako dahil baka mabisto ako nitong sumusunod sa kanya. Ibang-iba talaga ang pakiramdam ko sa lalaking 'to. Nakakapagtaka lang kasi na sabay ang pagdating namin sa AMM. Tapos dagdag pa 'yung hula sa akin nang matanda. Lalo tuloy akong tinutulak ng kuryosidad ko para alamin kung sino siya. Nang makarating na kami sa rooftop. Kaagad sumalubong sa amin ang napakalakas na hangin. Wala namang bago rito ng huling punta ko. Marumi pa rin ang paligid, dahil sa kung anong pinagsusulat nila sa pader, habang nakatambak naman sa bawat gilid ang mga papeles. Dito rin dinadala ang mga sirang gamit, kaya bakit naisipan ni Cole na dito magpahangin. Tahimik lamang ang pagmamasid ko kay Cole nang bigla akong napatingin sa matambok nitong pwet. Bigla tuloy akong napahawak sa pwetan ko. Grabe. Mas malaki pa ang pwet niya kaysa sa'kin. Tapos iyong katawan niya napakaperpekto ng hubog. Dagdag pa ang black suit niya na kahit hindi nito palitan, nagmumukha pa rin mabango. Teka nga Nyx. Huwag mong sabihing na aatract ka sa napakahangin na iyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD