Kaagad kong sinampal ang magkabila kong pisnge dahil kung ano-ano ng iniisip ko. Nakakainip dahil ilang oras na rin nakatayo si Cole doon ngunit wala naman itong ginagawa at nakatingin lamang sa malayo. Siguro kapag wala pang nangyari dito sa loob ng limang minuto, aalis na lang ako. Habang lumilipas ang oras, nadadagdagan ang inip ko. Pero pagtingin ko kay Cole, ni hindi man lang ito makaramdam ng ngawit sa katawan dahil kanina pa ito nakatayo habang nakalagay ang kamay niya sa magkabilang bulsa.
Pagtingin ko sa wrist watch ay sakto namang natapos na ang limang minutong palugi kay Cole. Akma akong aalis ng bigla itong tumawa. Tumatawa siya ng napakalakas. Para akong binubuhusan ng malamig na tubig sa ginagawa niyang ingay. Bago pa ako tumakbo paalis, bigla namang nagsalita ulit si Cole kaya parang napako na naman ang paa ko sa aking kinatatayuan.
"Sawakas." Tingin nito sa wrist eatch niya. "Nandito ka na rin," saad niya.
Sinong nandito?Lumingon-lingo pa ako sa paligid ngunit wala naman akong mapansin na kasama ko. At saka nandito ako sa tapat ng pinto pero wala naman akong nakita o narinig na pumasok.
"Pasensya na, hinanap ko pa kasi ang lugar na ito," sagot naman ng isang lalaki na biglamg sumulpot sa harapan niya. Mukhang hinukay pa sa ilalim ng lupa ang kanyang boses kaya hindi ko maiwasang matakot.
"Diba ang sabi ko naman sayo kahapon dito tayo magkita. Ikaw kasi e nagpahuli kapa doon, ayan tuloy napatay ka pa niya," wika ni Cole sa lalaki. Habang patagal nang patagal kong tinititigan ang lalaki, parang may kakaiba sa kanya. Parang may mali?
"Hindi ko nga rin alam sa taong 'yon. Siya na nga ang nang-agaw ng asawa, pinatay pa 'ko," patawa-tawang sabi ng lalaki na duguan ang mukha.
"Bakit mo pa kasi sila pinuntahan do'n. Ayan tuloy," paninisi naman ni Cole.
Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila, basta ang alam ko lang sa ngayon, isang sundo itong si Cole at sinusundo niya ngayon ang matandang lalaki na nasa harapan nito ngayon. At kung hindi pa rin ako nagkakamali, siya nga si supladong sundo.
"Huwag kang mag-alala, sasabihin ko na lang sa mga pulis 'to, para mahukay nila ang katawan mo."
Tumingin naman ito ng seryoso kay Cole. "Eh pano si Delos Santos?"
D-delos Santos?
"Ah, iyon ba? Ako na ang bahala doon. Sa ngayon, ipapasundo na kita sa isa kong kasamahan. Hindi kasi ako pwede ngayon e, dahil may iba akong tinatrabaho," sabay lingon nito sa akin dahilan para manigas ako sa aking kinatatayuan.
---
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayong araw. Si supladong sundo, hindi ako mapaniwala na kaharap ko na siya ngayon at kitang-kita ko na ang pagmumukha niya.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" tanong ko rito habang dahan-dahan kong binababa ang tasa sa babasaging mesa rito sa conference room.
"Na ano? Na isa akong sundo? Paulit-ulit ka," inis na sabi niya.
Tumango naman ako.
"Gusto mo bang pagtawanan tayo pareho? Ikaw isa kang espirito na sumanib sa katawan ng iba, tapos ako isang general manager/nangunguha ng patay?" Tumawa ito ng nakakaloko. Oo siya nga talaga si supladong sundo.
"Eh bakit may pa maskara ka pa diyan? Tanggalin mo nga yan! Ang tagal ko ng gustong makita 'yang mukha mo e." Tumayo naman ako para sana ay hablutin ko ang maskara niya ngunit sadyang mabilis ang kamay nito kaya buong pwersa niyang hinawakan ang kamay ko. Habang patagal nang patagal, tila dumidiin ang pagkakahawak nito kaya nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko dahil ramdam ko na ang sakit.
"Aray ha? Sige na bitawan mo na. Hindi na nga e," wika ko. Inayos ko muna ang upo ko at pinagpag ang kamay kong nangawit. Bumakat pa rito ang kuko ni Cole na sobrang talim.
"So bakit ka nga pala nandito? Para bantayan ako 'no?" wika ko, habang hinahawakan pa rin ang namumula kong braso. Tumawa naman ito ng nakakaloko.
"Asa ka. Nandito ako para manundo ng mga patay. Dagdag ko na rin na tinitingnan kita. Baka kasi may magawa kang kalokohan ar hindi ka na makatuloy sa kabilang buhay."
Nagliwanag naman ang mukha ko at sumilay ang nakakalokong ngiti. Kahit paano ay panatag akong nandito siya sa tabi ko.
"Oh diba? Umamin ka rin," pang-iinis ko sa kanya.
"Pero pwede bang magtanong? Ano 'yung pinag-uusapan niyo kanina nung lalaki sa rooftop? Tsaka anong ipapakuha 'yong katawan?" kuryos kong tanong.
Sa ilang minutong pananahimik nito, bubuka na sana ang bibig ni Cole at magsasalita, ang kaso lang may isang epal na naman ang dumatig.
"Hoy Kore, ano 'yan?" Usyoso ni Nikki habang tinitingnan kaming dalawa ni Cole ng nakakaloko.
"Kaya pala ang tagal-tagal mo." Umupo siya ss tabi ko at pabebeng tiningnan si Cole na kaharapan ko. "Hinintay ka namin doon. Inubos ko na nga 'yong sandamukal mong pinag-o-order, tapos makikita lang kita dito sa conference room na magkausap kayo?" saad ni Nikki, habang masama na itong nakatingin sa akin.
Lumingon naman kami kay Cole na inihahanda na ang kanyang mga gamit para umalis. Tiningnan lang ako nito at tumango. Pagkalabas ni Cole ay siya namang aligaga na tumingin sa akin si Nikki.
"May mahalaga lang kaming pinag-usapan tungkol kanina. Tsaka, bakit ba hindi ka muna kumakatok bago ka pumasok?" usad ko.
"Hoy. Baka nakakalimutan mo? Ako na ang bagong president dito kaya hindi ko na kailangan kumatok," maarte niyang sabi tsaka ito tumayo.
"Wow, iba na talaga ang alindog mo Miss Trindad," saad ko habang iwinawasiwas pa nito ang kanyang buhok.
"Huwag mong iligaw ang usapan Nyx. Bakit kayo magkasama ng bebe ko rito?" Tingin niya sa akin ng masama.
"Nag-usap nga lang kami tungkol sa bagong patakaran na isasagawa mo sa AMM."
Bigla namang namulagat ang mata nito at tumakbo papalapit sa akin.
"Hala totoo? Biglaan naman ata 'yan, hindi pa ako handa!"
Pinitik ko naman sa noo si Nikki dahil hindi ko na mapigilan ang sarili kong matawa.
"Kaya huwag kang tanong nang tanong diyan. Bukas lang ay sasabak ka na sa pagiging presidente. Ikaw na si "President, Nikki Trinidad," sabay kindat ko sa kanya.
Mabilis lamang dumaan ang oras ngayon, hidni ko nga pansin na mag-uuwian na, kung hindi ko lang nakita si Jr na nagmamadaling suuotin ang kanyang bag at nagkikipag-unahan na lumabas sa pinto.
Pagkahatid ko kay Nikki sa condo, dumiretso na ako pauwi ng bahay. Habang nagmamaneho, hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin ang napakaraming nangyari ngayong araw. Hindi pa rin ako makapaniwala sa inamin ni supladong sundo, tsaka hindi ko alam na Cole pala talaga ang pangalan niya.
Flashback
"Lumabas kana riyan Nyx," tawag ni Cole.
Unti-unti akong lumabas mula sa aking kinatataguan habang nakatingin sila pareho sa akin.
"S-sino siya? Bakit nakikita niya ako?" tanong ng lalaki.
"Isa siya sa binigyan ng misyon ni pinuno para makatawid sa kabilang buhay. Malalaman mo rin iyon kapag sinundo ka na nila," palliwang ni Cole.
Habang pinagmamasdan ko ang mga sundo na marahang hinahawakan ang kamay ng lalaki, bigla naman itong naging alabok. Napakadilim rin ng kalangitan pagkatapos nilang umalis.
"Alam ko matagal ka nang nagdududa sa akin," pag-umpisa ni Cole, habang humarap ito sa matataas na gusali na nasa harapan namin.
"Paano? Tsaka bakit ka napunta rito?"
"Kahit ako ay ayokong magpunta rito. Ayokong magsuot ng ganitong damit, at magpanggap na isang tao para lamang sa misyon na ito. Ang panget kayang maging tao 'no," masungit niyang sabi at sa wakas ay humarap na siya sa akin. Sumandal naman siya sa riles ng rooftop.
"Napakarami mong kailangang gawin, makikisama ka pa sa iba't-ibang nilalang na magkakaiba ang ugali. Napaka-walang kwenta lang ng mga 'yan kung balang araw mawawala ka rin naman."
Lumapit ako sa kanya at sumandal rin sa bakal na riles. "Pero bakit hindi ka nagpakilala sa akin simula pa lang sa una? Tsaka sino 'yung tao na 'yon? Iyon ba ang tinutukoy mong misyon mo?" sunod-sunod kong tanong.
Humarap naman ito sa akin, dala ang nanlilisik na tingin.
"Gusto kitang tulungan na malutas ang problema mo, iyon ang misyon ko. Hindi ako nagpakilala dahil baka malaman ng ibang tao. Nalalapit na ang pag-alis mo Nyx, kaya nababahala din ako bilang sundo mo."
Lalo akong lumapit sa kannya dahil hindi pa rin malinaw ang pagkasabi nito ng huling binitawan niya. "Anong nalalapit? Hindi ba pagbabayaran muna ng may gawa nito sa akin ang kasalanan niya bago pa ako makabalik sa La Ciera?"
"Ang tungkol sa taong 'yon," pag-iiba nito ng usapan. "Malalaman mo mamaya pagkauwi mo, sa ngayon ay bumalik muna tayo sa opisina at baka may makakita sa atin dito."
---
Pagkaparada ng sasakyan ay dumiretso ako sa kusina dahil umaasa ako na baka ngayong araw ay nandoon na si Gerald. Pagkatapak pa lang sa tapat ng pintuan ay hindi nga ako nagkakamali. Nasilayan ko ang anino ni Gerald sa kusina na nakaupo sa tabi ng mesa at umiinom ng alak.
"Andito ka na pala," saad niya habang hinihimas ang hawak nitong baril.
"Bakit mo hawak 'yan?" nanginginig kong sabi. Tumayo naman ito dahilan para tumama ang ilaw ng poste sa kanyang mukha. Hindi natatanggal ang mala-demonyo niyang ngiti sa labi.
"Eto ba?" Impit na tawa niya. "Na-miss ko lang kasing pumatay e."