KABANATA XXII

1433 Words
Nanginginig ang paa kong umatras sa aking kinatatayuan. "A-anong pinagsasabi mo?" pautal-utal kong sabi. "Napakatagal ko na rin hindi ginamit 'to, sinubukan ko lang naman." Lapit niya sa akin, habang tumitingin ng mala demonyo at hinihimas ang kanyang baril. Lalo akong natakot nang sumilay ang ang ngiti niya. Sobrang nakakatakot. Mabilis kong sinipat ang mga darili nito. Nakasiksik pa sa bawat sulok ang mga dugo ng kanyang pinaslang, habang may bahid din ang baril na kanyang hawak. "Mukhang gulat na gulat ka Kore? Hindi bat magkasama pa tayong pumatay no'n?" Tawa nito. "M-magkasama? Mukhang wala yata akong natatandaan na ganyan, kuya?" Atras ko, ngunit dahil sa pag-galaw ko ay natabig ko ang maliit na vase na nakapatong sa cabinet. Sabay kaming napatingin sa basag-basag na vase, at mabilis ding bumalik ang tingin niya sa akin. "Bakit ka kinakabahan Kore? Napakatagal mo na rin hindi nakakahawak nito o, baka namimiss mo?" Abot niya sa akin at isinisiksik sa tiyan ko. "Ah, hindi." Tabig ko. "Ano ka ba? Lasing ka na e, halika at ihahatid na kita sa kwarto mo." Pag-aya ko, ngunit nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Lumapit siya sa akin ngunit nang huling atras ko ay nakapa ko na ang pader sa likuran ko. "Alam mo bang napakasarap pumatay ng mga walang kalaban-laban?" Bulong nito sa tainga ko kaya lalong tumindig ang balahibo ko. "Tignan mo 'yong pinatay ko kanina. Hiniram ko lang naman ang asawa niya e, nagalit na. Kaya ayun, hindi ko napigilan ang sarili kong mabaril siya." sarkastiko nitong sabi. Bigla akong nanigas at nanlaki ng triple ang mata ko sa sinabi niya. Ibig bang sabihin nito... "I-ikaw ang pumatay sa kanya?" takang sabi ko, habang hindi pa rin makapaniwala. "Sa kanya?" Napataas ang kaliwanag kilay ni Gerald. " Sinong kaniya? Bakit mo siya kilala?" Hindi, mali. Bakit mo ba nasabi 'yon Nyx! "Ah, I mean, may nabalitaan kasi ako kanina, binaril daw. Pero hindi pa nakikita ang pumatay," pagpapalusot ko, ngunit mas lumala yata ang duda niya sa akin. Humagalpak ito ng tawa, ngunit ang tawa niya. Hindi pangkaraniwan. "Alam mo Kore, you're acting strange lately. Pero good thing ha? Pinapatawa mo'ko. Hindi ka na kasing seryoso noon." Nakakakilabot ang kinikilos nito ngayon ngunit umakto pa rin akong normal. "W-what do you mean kuya?" "Huwag ka ng magpanggap." Sabay kalabit ng gatilyo ng baril. "Matagal ko nang alam," ani nito at itinututok sa ulo ko ang baril. "Ano bang pinagsasabi mo? Ako 'to si Kore oh," pagkukunwari ko, kahit butil-butil na ang pawis sa mukha ko. Ngayon pa lang ako nakaramdam ng ganito. Parang si kamatayan na ang kaharap ko ngayon. "No. You're far from that b***h! Hindi ko alam kung anong nangyari, pero kailangan na rin kitang patahimikin," ani nito. Habang binibigkas niya ang salitang iyon, hindi ko na mapigilan ang pag-nginig ng buong kalamnan ko. Hindi maaari. Hindi pa ako pwedeng mamatay nang hindi pa nakakapaghiganti. Pero kung ano man ang gagawin niya ngayong oras na ito ay wala na akong magagawa kung hindi tanggapin na lang ang bala na igagawad niya sa akin. Upang maibsan ang takot ay hinarang ko ang dalawa kong kamay sa katawan sa aking mukha. Bigla naman akong natigilan at napatingin kay Gerald, habang nakikipagbuno siya ngayon kay... "Cole!!!" sigaw ko. Sakal-sakal nito si Gerald, habang ang baril na kaninang hawak nito ay napunta sa ilalim ng mesa. Kahit hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon ay naestatwa na lamang ako habang hawak ni Cole ang leeg ni Gerald at nakasubsob na sa lapag, nakuha pa rin nitong tumawa ng nakakakilabot. "Cole, buti naman at napadalaw ka?" bati nito. Magkakilala sila? "Namiss mo ba ako?" ani nito, kahit ramdam ko ang bigat ng pagkatulak sa kanya sa lapag. "Sinong nakaka-miss sa demonyong katulad mo?" galit na sabi ni Cole habang diniin nito ang pagkakasakal sa kanya. Ramdam ko anng sakit sa leeg ni Gerald dahil napakatalim ng kuko ni Cole. "Easy ka lang. Baka gusto mong mag-hang-out naman tayo?" pagbibiro pa nito kahit napakatensyon na ng nangyayari. Pagkatapos nito'y sinuntok naman bigla ni Cole si Gerald kaya napaubo ito habang may dugo nang sumisilay sa labi nito. "Umalis kana rito! Delikado ang taong 'to!" galit na sabi ni Cole at saka siya bumaling ng tingin sa akin, ngunit kahit ako ay hindi ko maintindihan bakit hindi ko magalaw ang paa ko. Habang sumisigaw si Cole, nagkaroon ng tyempo si Gerald kaya nasuntok niya ito ay hinila ang ulo, dahilan para magkapalit sila ng posisyon kung saan nasa baba si Cole at nakapatong sa kanya si Gerald. "Bakit mo siya pinapaalis? Ayaw mo bang panuorin ka niya sa pangalawang pagkakataon na papatayin kita?" ani nito at napalingon si Gerald sa ilalim ng mesa kung saan naroon ang baril. "A-anong pangalawang pagkakataon?" bulong ko habang nakatuon pa rin ang mata ko kay Gerald. Hindi ko alam na napalakas pala ang pagkasabi ko kaya naman ay napatingin ito sa akin. "Hindi ko nga alam kung bakit nabuhay ka pang demonyo ka e, sa dami ng pinaulan kong bala sa'yo no'n. Akalain mong nabuhay ka pa?" wika ni Gerald at tatawa-tawa pa. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, may kinapa sa bandang likuran si Cole at isinaksak niya sa tagiliran ni Gerald kaya nakawala ito rito. "Kasalanan ko bang pareho tayong demonyo, kaya hindi ako mamatay-matay?" sarkastikong sabi ni Cole. Tumingin si Gerald sa akin habang hawak nito ang dugong kumakawala sa bibig niya. "Kaya pala kakaiba ang kinikilos ng kapatid ko. Nag-aya kapa ng mahinang nilalang," saad ni Gerald at mabilis na gumapang patungo sa mesa na isang metro ang layo at dinakma ang baril ngunit bigla na naman siyang sinuntok ni Cole. Hinawakan naman nito ang leeg ni Gerald at isinandal sa pader. "Oo. Akala ko nga hindi mo mahahalata e, magaling ka pa rin hanggang ngayon," wika ni Cole. Padiin nang padiin ang pagkakasakal ni Cole kay Gerald na mukhang ilang minuto na lang at mawawalan na ito nang malay. Ngayon ko pa lamang nakita na ganito magalit ng husto si Cole. Ang mata niya naghahalo-halo na nang emosyon. Hindi ko maintindihan pero mas natakot ako sa kanya ngayon. Umaagos mula sa mata ni Gerald ang dugo sa pagkakasuntok sa kanya kaya nababahiran din ang kamay ni Cole. mula rito. "A-anong ibig sabihin ng mga sinabi niya Cole?" sabat ko kaya napatingin ito sa akin. "Kung ano mang narinig mo, siguraduhin mong hindi mo 'yon ipagkakalat hangga't diko natatapos 'tong demonyo na ito. Kung hindi ikaw ang tatapusin ko." Bigla akong napaatras sa sinabi ni Cole. Bumalik naman ang tingin ni Cole nang biglang umubo si Gerald, habang nakatingin ito sa akin. "Tapusin mo na ako. Hindi ako natatakot sayo, hunghang!" Sipa nito sa paa ni Cole kaya muli, nakawala ito. Kaagad niyang dinakma ang baril nito na nasa ngayon ay nasa paanan na lang nila tsaka itinutok sa akin. Hindi ko ma-explain pero biglang bumalik ang lakas ng paa ko dahilan para magkaroon na ako ng tyansa na makatakbo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bahala na. Sa aking pagtakbo ay hidni na ako muling lumingon sa aking likuran ngunit mariin akong napapikit at inalala si Cole. "Pangako, babalikan kita." Ilang minuto na akong tumatakbo. Hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng paa ko, ni tsinelas ay hindi ko na nasuot sa sobrang takot. Wala na rin akong pakealam kung may mga taong nakakita sa'kin na mukhang palaboy. Nang tiniyak kong nakalayo na nga ako sa bahay, bigla na lang akong napaluhod sa gilid ng kalsada habang dahan-dahang pumapasok sa isip ko ang mga nangyari kanina. "Hindi ko nga alam kung bakit nabuhay ka pang demonyo ka e, sa dami ng pinaulan kong bala sa'yo noon,akalain mong nabuhay ka pa?" "Kasalanan ko bang pareho tayong demonyo, kaya hindi ako mamatay-matay?" Bakit gano'n na lang sila kagalit sa isa't-isa? Nakakainis, pero hindi pa rin pumapasok sa isip ko kung anong ibig sabihin ni Gerald. Tsaka bakit bigla na lang sumulpot si Cole doon. Ano ng nangyari sa kanya? Anong patay? Hindi kaya siya ang dahilan ng pagmakamatay ni Cole? Pero paano? Bakit? At saka anong dahilan? Bigla na lamang akong nagising sa ulirat nang bumusina nang napakalakas ang sasakyang nasa harapan ko. "Ano ba! Gusto mo bang magpakamatay!" sigaw ng driver ng bigla itong pumreno sa harapan ko. Wala akong kamalay-malay na tumayo at aalis na sana sa pwesto nang makaramdam ako ng hilo at bigla na lamang nagdilim ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD