KABANATA XVIII

2719 Words
Habang sinusulit ko ang pagkakataon na magkasama kami ni yayi Emma, napabaling na lang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa harapang bulsa, kaya inalis nito ang pagkakayakap sa akin. "Kausapin mo muna 'yan at baka mahalaga," ani nito. Tumango naman ako at kinuha ang cellphone ng makitang si Jillian ang tumatawag. "Yes, Jillian?" bungad ko sa kabilang linya. "Ma'am sorry po, pero kailangan niyo raw pong magpunta ngayon sa AMM," saad nito na animoy kinakabahan. "Para saan?" takang tanong ko. "Eh, Ma'am, narinig ko po kasi na kayo raw po ang papalit sa namayapang president ng AMM. Pero huwag muna po kayong maniwala sa akin, narinig ko lang po 'yon." Bigla na lamang akong natulala sa sinabi ni Jillian. Baka nga iyon ang dahilan, dahil isa ang pamilya ni Kore sa mga shareholders ng AMM. Isa pa, si Kore ang dahilan kung bakit nangyari iyon kay Mr. Cueva. "Alright. Im on my way, pakisabi sa kanila." Kaagad akong bumangon sa aking kinahihigaan at lumabas ng kwarto. Nakita ko si yayi Emma na nasa kusina at naghahanda ng pagkain. "Ayos ka na ba?" saad nito, sabay lapag ng dalawang pinggan sa mesa. "Opo, aling Emma. Pero pasensya na po kayo ha? Pwede bang aalis lang ako saglit?" nahihiya kong sabi sa kanya. Tumingin naman ito sa dala kong bag. "Oh sige, mukhang nagmamadali ka at importante 'yan," ani nito. Hinatid naman ako nito hanggang sa harapan nang aming gate, at saka nagpaalam. Siniguro ko na maayos na ito bago ako tuluyang umalis. Pagkaalis ay dumiretso kaagad ako sa AMM. Walang paligoy-ligoy na pinapasok ako ng guard kahit na ganito lamang ang suot ko. Nang makasakay na ako sa elevator, hindi ako mapakali sa sarili ko at palagi na lamang nagpapawis ang kamay ko, kahit napakalamig ng paligid. Nang tumunog na ito hudyat sa aking destinasyon, dumiretso ako sa office at rinig na rinig ko na ang mga hiyawan ng mga empleyado. Takang-taka akong pumasok sa loob ng opisina, nang biglang tumahimik ang mga empleyado...kasama si "Nikki?" tawag ko, at saka ito nginitian. Masama ang tingin nito sa akin at hindi man lang tinugon ang ngiti ko. Hindi nito alam kung gaano ko siya gustong yakapin, ngunit hindi pa pwede. Pero bakit na lang kaya ganito na lang turing niya kay Kore? Napakarami talagang kaaway ng babaeng 'to at pati ang kaibigan ko ay galit din sa kanya. Pinag sawalang bahala ko na lamang ito at dumiretso na sa conference room kung saan naroon ang lahat ng mga shareholders. Papalapit pa lamang ako sa pinto ay tila napakabigat na ng katawan ko. Para akong lalagnatin sa sobrang init habang bumibigat naman ang paa ko. Buong tapang kong pinihit ang seradura ng pinto, kahit ramdam kong nanginginig ang katawan ko at nagpapawis ang kamay ko. Ano bang nangyayari sa akin? Pagkapasok ko sa conference room ay tanging blangkong ekspresyon lamang ang ibinigay nila sa akin. Mukhang ako na lang yata ang hinihintay ng lahat. "Sorry I'm late." Lapag ko ng dala kong bag sa oval na mesa habang tinitignan ng mga ito ang aking suot. "So, Ms. Delos Santos, I thought you'd heard the news about Mr. Cueva already? Wika ng isang matandang lalaki na nakaupo sa kabisera at mukhang sa suot nito ay napakalaki ng ambag niya sa AMM. Humugot naman ako ng malalim na hininga bago siya sinagot. "Yes," ipit na sagot ko tsaka umupo sa swivel chair at kinalma ang sarili ko. Tumayo ito at hinarap ang iba pa naming kasamahan. "Napag-usapan na naming lahat ito, and you." Turo niya sa akin, kaya tumingin silang lahat sa direksyon ko. "You're the one we wanted to substitute Mr. Cueva." Sa huling bigkas nito ay parang nag-e-echo ang huling katagang sinabi niya sa isip ko. No. Hindi pwede, huwag kang pumayag Nyx. "Bakit po ako? Napakarami namang mas magaling dito at sigurado akong mas kayang i-handle ang AMM." Tingin ako sa kanilang lahat. Medyo napapataas na rin ang boses ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko. "Tsaka bakit kayo lang ang nag-decide nito?" Tumayo ang isang matandang babae na napaka kapal ang postura. Mukhang siya ang may hawak ng marketing department. "Hindi ba't dapat maging masaya ka sa naging desisyon namin Ms. Delos Santos?" nanunudyo nitong tugon. "It's about all or nothing. Lahat kami dito matatanda na at kailangan naming i-prioritize ang health namin. Ikaw lang ang nakikita naming kayang hu-mandle nito." "Pero kasi--" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang biglang sumabat na naman ang isa sa kanila. Ganito ba talaga sa AMM? "No buts. Meeting dismissed," wika ng lalaki na may dalang suit case na parang San Goku ang kanyang buhok. Wala akong magawa kung hindi um-oo na lang sa kanila. Sabagay, tama nga naman iyong matalak na matandang babae. Kailangan na nilang magpahinga, at syempre ako ang aasahan nila para rito. Malungkot naman akong lumabas ng office, nang makita ko si Nikki na masama na naman ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung anong nakaraan ni Kore rito at mukhang galit na galit sa kanya ang mga tao, pero hindi ko na kasi mapigilan e. Tinitigan ko si Nikki habang diretso akong naglalakad papalapit sa kanila. Tila nag-slow-mo pa ang paligid ko. Akala ko sa mag jowa lang nangyayari ang ganitong bagay, pati rin pala sa magkaibigan. "Nikki!!!" sigaw ko at niyakap ito ng napakahigpit. Nagsigawan naman ang mga empleyadong nakapaligid sa amin habang ang iba ay tulala sa ginawa ko. Wala na akong pakealam sa sasabihin nila, basta na-miss ko ng sobra ang bestfriend ko. "Namiss kita," bulong ko rito,ngunit nagulat na lamang ako sa ginawa niya. Tinulak niya ako, dahilan para mapaupo ako sa sahig. "Namiss mo ako?" sarkastiko nitong saad. "Ang kapal naman ng mukha mo. Ang plastik mo!" sigaw nito tsaka inirapan ako. Hindi pa rin siya nagbabago. Ngumiti lamang ako at tumatayo habang pinapagpag ang lagylayan ng damit ko. Hindi ko alam kung anong kasalanan sa kanya ni Kore. Basta ang alam ko sa ngayon masaya ako dahil nagkita na kami ulit. "Huy, si Ma'am Kore tulungan ninyo," saad ng isang babaeng nakasalamin. "Bagay lang sa kanya 'yan, malandi siya," bulong naman ng isang maliit na babae. Tinapunan siya ng tingin ng iilan at saka umalis. "Payakap-yakap pa siya, plastik naman." Iilan lamang ito sa naririnig kong bulung-bulungan sa paligid. Hindi ko ito ininda at direkta pa rin ang tingin ko kay Nikki. "Anong tinitingin-tingin mo?" pagtataray nito. "Panget mo!" aniya sabay alis sa harapan ko. Hindi ako sumuko sa pagtataray niya at patulpy ko pa rin siyang sinundan sa kanyang pwesto. Inis naman itong tumingin sa akin habang nakangiti pa rin akong nakatayo sa harap niya. "Ano bang kailangan mo?" inis na sabi niya, kasabay ng pagtaas ng kanan niyang kilay. "Hindi ka pa rin nag babago Niks," saad ko. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito pagkasabi ko sa kanya no'n at seryosong tumitingin sa akin. Alam kasi naming dalawa na ako lang ang tumatawag ng Niks sa kanya simula bata pa lamang kami. "B-bakit Niks ang tawag mo sa akin? Wala kang karapatang tawagin ako ng ganyan," pautal-utal na sabi nito. Ngumiti lamang ako at umupo sa mesa niya na madalas niyang ginagawa nuon sa akin. "Syempre, ako to." Lapit ko sa tenga niya. "Si Nyx." Bigla naman niya akong tinulak at tinignan ako ng masama. Buti na lamang at naitungkod ko ang kanang kamay sa mesa, dahil baka mahulog na ako. "Wag mong madamay-damay ang kaibigan ko rito ha! Tahimik na ang buhay niya sa langit!" galit nitong sabi. Gusto kong sabihin sa kaniya lahat ngayon, gusto kong magpaliwanag pero nagdesisyon akong itikom muna ang bibig ko sa ngayon. "Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin ko sa'yo na palagi tayong magkasabay maligo noong bata pa lamang tayo?" Patawa -tawa kong bulong. Bigla naman siyang namula sa sinabi ko. "Lahat naman ng magkaibigan naliligo ng sabay ah! Tsaka hoy, akala mo ba nalilimutan ko na lahat ng ginawa mo sa'kin?" ani nito, dahilan ng pagbabago ng ekspresyon niya. "Ano bang ginawa ko sa'yo?" kuryos kong tanong. "Aba nagma-maang-maangan ka pa diyan. Hindi ba't nilandi mo ang nag-iisang crush ko!" Impit naman akong natawa. Oo nga pala. Kaya galit na galit ito kay Kore noon dahil laging nginingitian ni sir Nicollo si Kore, na kahit kailan hindi naranasan ni Nikki. "Ah, oo nga pala si sir Nicollo" bulong ko. "Tumigil ka nga! Baka may makarinig pa sayo." Tumayo naman ito habang namumula at H hinawakan nito ang kamay ko, kaya napababa ako sa mesa niya. "Halika nga sa canteen at mag-uusap tayo," usad nito habang namumula at agarang naglakad palabas. Kung kailangang ilabas ko lahat ng baho mo Niks, gagawin ko para lamang maniwala ka na ako 'to. Nang nasa canteen na kami, pinili ni Niks ang pinaka-dulong pwesto kung saan madalas naming pagtambayan. Pagkaupo ay ibignak niya ang kamay sa mesa at seryosong tumingin sa akin. "So ngayon, ilapag mo na ang lahat at sabihin mo sa'kin. Bakit alam mo ang gano'ng bagay?" "Dahil nga ako 'to, si Nyx," pagpupumilit ko. "Hindi ko maintindihan e, ginagago mo ba ako? Paanong magiging ikaw si Nyx e demonyo ka, tapos yung kaibigan ko mabait," seryosong sabi nito. Umayos naman siya ng upo at tumingin sa akin ng diretso. "Oh sige, ganito na lang. Para maniwala ako sayo, sabihin mo kung anong paborito kong kulay?" Sumilay naman ang ngiti sa labi ko, dahil natatandaan ko pa ang madalas niyang suotin na kulay ng panty kapag nagkikita sila ng jowa niya. "Red. Lalo na kapag nagkikita kayo ng boyfriend mo, red palagi ang suot mong panty," patawa-tawa kong sabi habang siya naman ay namumula. "Burahin mo na sa isip mo 'yun. Sige, sabihin mo pa sakin ang nalalaman mo na si Nyx lang ang may alam." "Si Kyle at Nina. Pati na rin si tita Lilian. Hindi ba sila ang pamilya mo? Si tito Danilo na nasa ibang bansa at may sarili ng pamilya." Oo naalala ko na lahat at kung bakit wala na ang papa nila sa bahay. "Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinasabi mo, pero malay ko bang may inupahan ka lang para i-spy ako?" Ang kapal talaga ng mukha ni Nikki. "Oh sige, eto na ang huli at sisiguraduhin kong maniniwala ka na." Humugot ako ng malalim na hininga at seryosong tumingin sa kanya. "May labing dalawa kang jowa. 'Yong dalawa doon pinerahan ka lang, iniwan ka pagkatapos mong bilhan ng motor. Iyong isa naman nakita mong may ka-holding hands sa mall, tapos itong nakaraan lang..." "Tama na. Oo na ikaw na si Nyx!!!" Tumayo siya at mabilis akong niyakap sa likuranaking likuran nang napakahigpit. "Pero teka. Bakit ka napunta sa katawan ng damuhong 'yan?" tanong nito. Hay nako, ikukwento ko pa ba kay Niks o siya na ang bahalang mag-isip? --- "Gano'n? Parang napakahirap naman yata ng misyon mong 'yan?" ani nito habang ngumunguya ng fries. Inaya kasi ako nito sa paborito naming restaurant. As usual, ako rin ang magbabayad nito dahil ni-request niya. "Oo. Kaya sana tulungan mo akong hanapin ang pumatay sa'kin," saad ko sa kanya. "Oo naman! Ako pa ba? Kahit inis na inis ako sa itsurang 'yan, bestfriend ko pa rin ang gumagamit niyan 'no. Pero teka, pano ba malalaman kung sino ang pumatay sa'yo? "Ang sabi ng pinuno, kapag daw nakakita ako ng isang malaki at puting paruparo na dumapo sa balikat ng isang tao, tiyak na iyon na raw ang pumatay sa akin." "Ang weird naman niyan." Nakakunot siya ng noo. "Pero baka hindi na paruparo 'yan ha? Baka ibon na 'yan. Mahirap na." saad niya habang seryoso pa rin ang mukha. Nagtawanan naman kaming dalawa ni Niks pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat. Pati siya ay marami rin ikinuwento sa'kin simula nang mawala ako. "Grabe ka talaga kay Jr! Di ka naawa sa tao." Hawak ko sa tiyan habang tawang-tawa sa kinukwento niya. "Ilang buwan na rin kasi ang lumipas. Nakapagbakasyon na ako lahat lahat, pero yung mukha niya gano'n pa rin," mapanlait na sabi nito. "Pero teka nga lang. Iyong kwento mo kanina, ikaw na ba ang papalit kay Mr. Cueva?" Nag-aalangan naman akong tumango. "Wow, iba na talaga ang level ng bestfriend ko," sigaw nito. "Sira. Si Kore pa rin 'to, kaya siya pa rin ang titingalaing president, hindi si Nyx." bulong ko. "Nagulat nga rin ako ng biglang binalita na pinatay si Mr. Cueva e," tigil nito sa pagkain. Sasabihin ko ba sa kanya na si Kore ang dahilan ng lahat ng 'to? "Alam mo. Nang binabantayan kita, akala ko pwede na kitang saniban noon. Kaso ilang tao pa bago ko matunton ang katawan ni Kore. Nang una ayaw ko talagang sumanib sa kanya dahil sa ginagawa niya." "Ginagawang ano?" usyoso nito. "Sa atin lang to ha?" Lingon ko sa magkabila namin. "Siya ang pumatay kay Mr. Cueva, at ang dahilan? hindi ko rin alam," saad ko sa kanya na mukhang hindi man lang nabigla sa sinabi ko. "Wala namang bago sa demonyong 'yan, siya nga ang dahilan ng ano e," wika nito. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya, habang tamad nitong pinupunasan ang kanyang bibig. "A-anong walang nagbago? Hindi ko maintindihan," saad ko habang pilit na iniintindi ang sinabi ni Nikki. "Wala." Kinuha nito ang baso na naglalaman ng tubig at saka ininom."Alam mo ubusin na lang natin 'to, at marami pa akong ikukwento sa'yo." Habang masaya kaming nagkukwentuhan, biglang tumunog ang bell sa labas ng canteen, hudyat na may mahalagang meeting sa AMM. Bago lumabas ay dinala lahat ni Nikki ang pagkain na in-order ko sa kanya, kaya habang naglalakad ay nilalantakan niya ito. "Bilisan natin! Gusto ko ng makita ang bagong General Manager natin." Hila ng babae sa kanyang kaibigan habang nagmamadaling pumasok ng opisina. "Balita ko pogi raw yun e," saad naman ng lalaki habang sinisipsip ang kanyang softdrinks na nakasilid sa plastick. "Mukhang yummy nga daw!" bulong ng kasama niya. Bakla pala ang mga ito. Biglang napatigil sa pagkain si Niks tsaka humarap sa akin. "Si Sir Nicollo!" sabay pa naming sabi tsaka tumakbo sa office. Tahimik ang lahat nang dinatnan namin sila. Hindi ko alam bakit, pero umulit na naman ang naramdaman ko kanina. Bumilis ang t***k ng puso ko,habang ang bawat hakbang na ginagawa ko ay pabigat nang pabigat. "Anong nangyayari?" saad ni Nikki habang nakatingin rin sa office ng General Manager. "Nasa loob na ang bagong General Manager natin. Nakakatakot daw siya pero napaka-hot," saad naman ng babae na kanina pa nakaabang sa pinto. "Asan na ba si sir Nicollo? Tsaka ayos naman siya bilang General Manager ah? Anong nangyayari sa AMM," bulong ni Niks. "Simula kasi ng mamatay ang papa niya, hindi na rin siya pumasok," sagot naman ng lalaking nakasalamin na nasa tabi ko. Ibig sabihin, tatay niya si Mr.Cueva? "Ang tagal. Nakaka-intense." bulong ng iba. "Ano ba yan, nagpapa-excite pa." inis na sabi naman ng kalalakihan. "Sana hindi na siya kasing sungit ni Sir Nicollo ano?" tanong ng lalaki na katabi ko. Bigla namang umikot ang mata ni Nikki at tumingin ito sa katabi ko. "Sorry." Ilang minuto rin kaming nakaantabay na bumukas ang pinto at sawakas! Napatayo ang lahat ng biglang bumukas ang pinto at inilabas nito ang isang lalaking nakadamit na itim. Suot nito ang itim na leather jacket habang puting t-shirt sa panloob Ang pang ibaba naman nito ay itim na slacks at tsolateng kulay ng sapatos. Napadako naman ako sa mukha nito dahilan para tumaas ang kaliwang kilay ko. Di hamak na mas makisig ito kaysa kay sir Nicollo. Pero ang mukha niya... Bakit may gintong maskara sa kanang bahagi? "Ang hot niya!" Yugyog ni Nikki sa akin habang ako ay tulala lamang na nakatitig sa kanya. Sumisikip rin ang dibdib ko sa tuwing magtatagpo ang mata namin at naninigas na lang bigla ang katawan ko. Anong mayroon sa lalaking ito at tila napakalakas ng awra na dinadala niya sa office. Tsaka anong tinatago niya sa kanyang mukha at may gintong maskara pa ito. Sino siya? At bakit kinakabahan ako sa kanya gayong wala pa naman siyang ginagawang kilos tungo sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD