KABANATA XXVII

1170 Words
"Nanaginip ako kanina," panimula ko. Kumain muna siya ng sisig bago ako sagutin. "Tungkol saan naman?" "Sa isang lalaki. Nagtatampo raw ako sa kanya kasi ang laki daw ng ginawa niyang kasalanan sa akin," habang binibigkas ko ito, nanlaki naman ang mata niya at napatigil ito sa pag-inom. "Tapos?" "Tapos ayun, bigla na lang akong nagising." "Nakita mo ba 'yong mukha?" tanong nito habang bakas sa kanya ang pagkatakot. "Hindi e, napakalabo nga." Napasinghap naman ito ng malalim nang masagot ko ang tanong niya. "Bakit ba kabado ka diyan?" nagugulumihan kong tanong. "H-ha? Ah...ano, wala lang. Uminom na nga lang tayo." Subo nito ng sisig. Nakakapanibago talaga 'yong kinikilos nitong babaeng 'to. Habang abala kami sa kanya-kanya naming iniinom, bigla naman akong napatingin sa pintuan na tapat lamang sa pwesto ko. Nabigla ako nang makita na naman ang isang anino na nagmamasid sa amin dito. Minabuti ko na lang na hindi ito sabihin kay Nikki dahil baka matakot na naman siya. Upang hindi mahalata ni Nikki, sumusubo na lang ako ng sisig habang nakatingin pa rin sa labas ng bigla itong magsalita. "Nyx, alam mo mami-miss kita magkataon," wika niya. Bumaling naman ang tingin ko rito habang takang-taka siyang tinitingnan. "Matagal pa ako aalis. Dipa tapos misyon ko." Lagok ko ng alak. Tumingin naman muli ako sa labas ngunit wala na iyong anino na nagbabantay sa amin. Hindi naman ako kinakabahan sa aninong iyon, parang wala lamang siya sa'kin. Ngunit kailangan pa rin namin mag-ingat. Mamaya mga hudyo iyon na nagkatawang tao at sinundan ako rito. Pagkaubos namin ng dalawang bote, bumalik kaagad sa bar counter si Nikki, at pagbalik nito may dala na siyang tatlong bote ng whisky. "Bakit andami naman niyan? Sana hinakot mo lahat 'no?" Tingin ko sa dala nito na isinuksik niya sa kanyang braso at magkakuba-kuba na para lang madala niya lahat. "Kailangan ko 'to ngayon. Hindi ako nakatulog kanina, kaya gusto kong makatulog ng mabilis," wika niya. Halos wala mang tama ng margarita sa pagmumukha niya, habang ako gumuguhit na sa lalamunan ko ang pait ng alak, at nakakaramdam na rin ng hilo. "Ubusin mo 'yan ha?" saad ko sa kanya. Habang pinagmamasdan ko itong mabilis na iniinom ang alak na parang tubig lamang, hindi naman maalis sa isip ko iyong lalaki sa panaginip ko. Katulad din ito ng nangyari sa akin bago ko mapagtanto na si yayi Emma ang nasa panaginip ko. Hindi rin malabo na bukas o sa makalawa, makilala ko na iyon. Kailangan ko lang talaga ng oras at araw. Bigla naman akong nagulat nang biglang ibalibag ni Nikki ang bote sa harapan ko. "Ikaw," pautal-utal niyang sabi at tumingin sa akin na nahihilo na. "Huwag mo akong madaan-daan sa pagkatulala mo. Uminom ka diyan!" utos ni Nikki. Peke kong iniinom ang alak na binigay niya. Nasiguro ko namang lasing na siga dahil tumutumba na siya sa kanyang kinauupuan. Ayaw ko namang pareho kaming lasing dito at baka sa loob kami ng bar makatulog. "Nikki, uwi na tayo." Bitaw ko ng bote at saka ito nilapitan. "H-hinde...Kailangan kong malasheng para...para makalimutan 'yong sinabi ng damuhong 'yon." Subsob nito sa mesa. Mukhang lasing na nga, dahil kung ano-ano ng pinagsasabi niya. Pagkalapit sa kaniya ay inayos ko ang mahabang buhok nito na nakaharang sa kanyang mukha at akma itong aakayin palabas. Naalala ko tuloy noong unang breakup niya kay Carl. Halos sa bar na niya gustong matulog at nagwala pa siya doon. Buti na lang tinawagan ako ng manager at saktong kinuha ang cellphone ni Nikki para i-dial ang number ko. Kung hindi siguro ako nagpunta doon ay baka basag-basag na ang mukha niyang pauwi sa bahay. Paano ba naman kasi, pinagduduro niya ang mga love birds doon sa bar, habang binabanggit ang pangalan ng nanloko niyang ex. "Hay Nikki, buti na lang at walang katao-tao rito. Kung hindi, nakakahiya yang pagmumukha mo." Abot ko sa kamay niya habang inaakay na ito palabas. Tiningnan ko naman ang manager pati na ang crew at barista tsaka ito tumango sa akin. Buti na lang pala cashless ang pagbayad sa resort na pinuntahan namin, kung hindi isa pang abala 'yon. Habang umaakyat kami sa hagdan papuntang hallway, tila narinig kong tumunog ang tiyan ni Nikki, dahilan na malapit na itong magsuka. Kaagad ko siyang ibinaba sa balikat ko at ipinaupo sa harang ng hagdan, nasa gilid kasi nito ang malalabong na damo. "Susukahan mo pa ako," bigkas ko rito nang magsimula na itong dumuwal. "Inom pa Nikki." Nang mapagtanto ko nang naubos na ang laman ng kanyang tiyan, aakayin ko na sana ito papasok ng biglang may anino na namang nagmamasid sa amin. Ginigigil talaga ako nito! Kaagad akong bumaba sa hagdan para habulin kung sino mang ponchio pilato na iyon ngunit sadyang napakadilim nang paligid kaya hindi ko na alam kung saan ito nagpunta. "Isang sunod pa sa akin, lalagutan kita ng hininga," pagbabanta ko kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi ko magagawa iyon. Pero kasi nakakatakot rin ang ginagawa niya, malay ko bang may gustong magpapatay kay Kore, dahil sa masasamang pinaggagawa nito. Ilang minuto rin umiikot ang mata ko sa paligid, nang mapansing wala na talaga ito rito. Bumalik naman ang tingin ko sa itaas kung saan ko iniwan si Nikki nang bigla na lamang akong napahagalpak ng tawa. Mabilis akong tumakbo nang mapansin kong nakahiga na ito sa hagdan at lapat na lapat na ang kanyang katawan rito. Tila nasasarapan pa siya sa malamig na simento habang ginagalaw ang labi niya. "Dito na lang ako Nyx," wika niya. Napatawa na lang ako at saka inakay ito papasok ng hallway. Pagkalabas namin ng elevator, kaagad ko naman siyang ibinato sa kama namin. Napakabigat par in ng babaeng ito. At lalong bumigat, ilang buwan lang bago ako nawala. Inayos ko rin ang higa niya at kumuha ako ng isang palangganang may tubig at puting bimpo. Habang pinupunasan ko ang mukha niya, hindi ko tuloy maiwasang hindi titigan ito. Maganda rin si Nikki, napakahaba ng pilikmata niya na bagay sa makapal niyang kilay. Ang bilugan at abong kulay ng mata nito, ang labi niyang walang kasing lambot at pula. Ang ilong na maliit at matangos na bumagay sa kanyang bilugang mukha. Ang balingkinitan na katawan. Hindi ko lang alam kung kanino nagmana ito ng pagiging mapanlait, gayong wala naman mapanlait sa kanila. Pero kahit ganon, nagpapasalamat pa rin ako dahil napakabusilak ng puso niya. "Basa-basa naman!" reklamo nito nang nilamukos niya ang kanyang mukha. Natawa na lang ako sabay pitik ko ng noo niya. "Ang cute mo rin pala. Mukha kang teletubbies." Pagkatapos kong isarado ang pinto at bintana ng unit, dumiretso na rin ako sa aming higaan dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang alak na dumadaloy sa utak ko. Mainam lang ito dahil bukas ng maaga, igagala pa kami ng madaldal na Rocess na iyon dito sa Resort. "Goodnight bestfriend!" Halik ko sa noo niya bago tumabi sa kanya at matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD