Ilang minuto lang ay nakasakay na silang dalawa ng jeep na hindi gaanong kadaming pasahero. Mabilis silang dumating sa paaralan at wala pa ring imikan ang dalawa.
Tahimik silang sabay pumasok sa entrada ng mga paaralan. Kaagad pinagtitingnan silang dalawa dahil magkasabay silang pumasok at may tsismis na kumalat sa kanilang dalawa.
Hindi inisip ni Skipper ang mga tao sa paligid niya. Ang iniisip niya lamang ay ang sagot ni Knot sa kanya noong tinanong niya kung bakit sila hindi sumakay sa jeep habang binabalikan ang mga binasa noong nakaraang araw.
I read the whole english-tagalog dictionary book. I learn fast and that's important to me as a princess, but what the f**k did he says!? He don't want us to push ourselves to get in because he don't want to ruined my uniform and he don't want to? What the f**k?
Kay Knot naman. Pilit umiiwas sa mga tingin ng mga kabatch mate niya, gusto niyang suntukin o sapakin ang mga mukha nito dahil sa nuyang ngisi nito sa kanya at kay Skipper na walang pakialam.
Bakit nandito pa sila? Wala bang klase?
"Hoy, Knot Louise!" Tumigil sa paglalakad si Knot at nilingon ang tumawag sa kanya at tinignan si Skipper na wala sa sariling nagpatuloy sa paglalakad habang nasa ilalim ng kanyang isip.
"Bakit?" Tanong ni Knot habang salubong ang mga kilay niya sa mga kaklase niya sa ibang klase niya, si Vincent. Lumapit ito sa kanya at tinignan ang likuran ni Skipper at nilingon siya.
"Ganda naman ng chix mo, pre! Reto mo naman ako." Ngising kumento ni Vincent. Agad sumama ang tingin ni Knot kay Vincent na agad tinaas ang dalawang beaso nito sa ere. "Chill, 'pre. Hindi ko aagawin yan." Ngising dagdag ni Vincent.
"Aba," pahabang kumento ni Knot. "Ang bilis ng mga mata mo, ah. Kunin ko kaya yan para tumigil ka sa kakatingin sa crush ko." Dagdag ni Knot kay Vincent na nahuli niyang nakatingin sa direksyon ni Skipper na kinausap ng kaklase nila.
"Ang gwapo mo naman masyado, Vincent." Inangkla ni Knot ang braso niya sa leeg ni Vincent na agad ng reklamo sa ginawa niya. "Gusto mo pang magpareto sa magaganda. E, ang dami mong ka-m.u, lahat ata ng kandidata noong nakaraang foundation day, hindi mo pinalampas."
"Lumayo nga ka!" Sigaw ni Vincent sa kanya na ikinatawa niya lang, lumayo siya at inayos ang uniporme niya. "Malamang, gwapo ako." Agad niyang hinampas ng libro ang ulo ni Vincent.
"Gago. Kung gwapo ka, sinagot ka sana ng mga niligawan mo ngayong buwan. Hina ng diskarte mo." Kumento ni Knot kay Vincent na hinihimas ang ulong hinampas ni Knot sa kanya.
"E, kesa naman sayo. Susuotin lang ang uniporme kapag hulog na hulog ka na." Tumigil sa pag-aayos si Knot sa libro niya at tinignan si Vincent na ngumisi at inayos sa pagkakasabit sa balikat ang strap ng bag. "Diba. Huling-huli ka na, Kenot Lunes."
Masamang tinignan ni Knot si Vincent na lalong ngumisi sa kanya. "Tumahumik ka, Venice Anastasho De Reyes. At saka, ito naman talaga porma ko, ah." Bara niya kay Vincent na sumama rin ang tingin sa kanya.
"Putangina ka talaga, Kenot." Malutong mura ni Vincent sa kanya. "Ang gwapo ng pangalan ko tapos ginawa mong pambabae! Putangina mo po." Malutong mura ni Vincent ulit.
Tumawa siya kay Vincent. "Hindi bagay sayo ang magpapacute, Vincent, sa totoo lang." Lumagapak ang tawa ni Knot dahil sumama ang tingin ni Vincent sa kanya.
"Tumahimik ka, Knot. At saka," sumeryuso ang boses at mukha ni Vincent sa kanya. "Seryuso ka na talaga sa chix mo, dre? Prinsesa yan diba, kaga ganyan kaganda?" Tanong ni Vincent na ikinakunot ng noo ni Knot.
"Oh, ano naman ngayon?" Tanong niya kay Vincent na tinapik ang balikat niya at lalong sumeryuso ang mukha niya at ikinasama ng pakiramdam ni Knot.
"Dinig ko, hinahanap ng mga otoridad ng Netherlands ang prinsesa mo. May reward na sinabi pero hindi ko alam kung ano yun," tinapik ni Vincent ang balikat ni Knot. "Kung ako sayo, gagawa na ako ng paaran."
Ilang minutong na tahimik sa Knot sa sinabi ni Vincent na hindi niya namalayang nagpaalam sa kanya na papasok na sa unang klase nito ngayong araw.
Pumasok na wala sa sarili si Knot habang iniisip pa rin ang sinabi ni Vincent sa kanya. Sa kaligtnaan sa ikatlong klase niya ngayong araw, hinampas niya ang kanyang ulo gamit ang notebook niya.
Tumigil ka sa kakaisip ng sinabi ng gagong yun, Knot! Wala kang gagawin, gagawin mo lang ang kailangan mong gawin. Walang magbabago o ang nararamdaman ni Skipper ang magbabago sayo, Kenot! Tandaan mo yan.
Pagkatapos ng klase ay kaagad siyang lumabas ng room at nagmadaling pumunta sa room ni Skipper na naabutan niyang kakalabas lang ng room habang kausap ang kaklase nito.
"I'll go first, Skipper. See you tomorrow!" Dinig niya sa kaklase ni Skipper na nahuli niyang pilit ngiti lang ang sinagot nito sa kaklase na nagpaalam na at umalis.
Tumigil ang tingin ni Skipper kay Knot at ganon rin si Knot kay Skipper. Ilang segundo silang nagtinginan bago bumalik ang diwa ni Skipper at nagpasyang tumalikod kay Knot na kaagad siyang pinigilan.
"Melissa!" Tawag ni Knot kay Skipper na hindi pa rin tumigil sa paglalakad habang mahigpit na hinawakan ang strap ng bag niya at kagat ang pang-ibabang labi.
Aambang susundan ni Knot si Skipper na nagpatuloy pa rin sa paglalakad at ilang metro na ang layo nilang dalawa sa koridor habang pinagtitingnan silang dalawa ng mga dumadaang estudyante.
Nagpasyang umalis rin si Knot dahil na iintindihan niya rin ang dalaga. Biglang bumalik ang alala ni Knot noong kausap niya ang ama ni Skipper at napaisip ng konklusyon kung bakit ganon nalang ang dalaga ngayon.
Pagkatapos ng lahat ng klase ni Knot ngayong araw. Lumabas siya sandali sa paaralan para bumili ng kailangan niya bago buamalik sa loob ng paaralan. Hinanap niya ang mga babaeng kaibigan niya na nasa kaligitnaan ng breaktime nito.
"Nissa," tawag niya sa babaeng tumatawa kasama ang mga kaibigan nitong na bumati sa kanya at nagpaalam umalis. Lumingon si Nissa sa kanya at ngumiti.
"Uy, Knot. Anong atin?" Tanong ni Nissa at tinignan ang dala ni Knot, lumaki ang ngisi ni Nissa kahit kumirot ang puso niya sa dala ng binatang palihim niyang nagustuhan.
"Magpapatulong sana ako sayo." Nilapag ni Knot sa sementong lamesa ang paper bag na may lamang dekorasyon na gusto niyang gawin kasama si Nissa na lihim na nasasaktan sa likuran ni Knot.
"Ang gagawin mo lang ay magdecorate tapos ako na sa iba, okay lang ba?" Tanong ni Knot at hinarap si Nissa na ngumiti sa kanya at tinignan ang binili niya kanina sa art supplies.
"Oo naman. Basta ikaw." Ngiting sagot ni Nissa kay Knot. Agad nilang sinimulan ang paggawa ng gusto ni Knot na seryusong gumagawa ng calligraphy para sa ibibigay kay Skipper.
"Salamat, Nissa. Ililibre kita kapag sumagot siya." Ngiting sabi ni Knot at niyakap si Nissa na nakangiting niyakap rin si Knot. "Sige, una na ako. Salamat ulit." Ngiting paalam ni Knot na ikinawasak ng puso ni Nissa na hindi mapigilang umiyak.
Ang hirap mahalin ang isang tao na ngumingiti para sa iba.
Si Knot naman ay seryusong naglalakad papunta sa huling klase ni Skipper na nasa paliparan na at inaantay ang kanyang eroplano. Bitbit ni Knot amg ginawa nila ni Nissa na tumulong sa kanya na palihim na sumilip sa sinulat niya at lalong ikinawasak ng puso ni Nissa.
"Ang tanga ko. Minamahal ko ang isang tao na alam ko namang wala akong magagawa, kung hindi ay tignan lang siya malayo habang masaya siyang tumatawa kasama ang babaeng gusto niya." Hikbi ni Nissa at tuluyang hinayaan ang mga luhang umagos. "A-ang tanga-tanga ko."