Masyadong mainit ngayon ang klima sa isla Camito kaya nang alukin ni Gabriel si Maricon na maligo sa dagat ay agad na pumayag siya. Tinulungan pa niya itong maghanda ng mga pagkain na babaunin nila kahit panay pa ang kontra nito noong una dahil ayaw daw nito na mapagod siya.
Ilang minuto lang silang naglakad at narating na nila ang tabing dagat.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib at nakangiting pinagmasdan ang malalaking mga alon. Ilang linggo pa lang siya sa isla at masasabi niya na mabilis siyang nakapag adapt sa simpleng buhay ng mga tao doon. Kung siya lang ang masusunod ay mas gusto niyang doon na lang tumira dahil maliban sa simpleng buhay ay nakikita niya ang pagtutulungan ng mga residente.
Parang isang malaking pamilya kung titingnan ang mga ito. Mas masarap pa rin pala na hindi ang maingay na makina ng mga jeep o pag aaway ng mga tao sa paligid ang naririnig niya. Mas nakakarelax kasing marinig ang masayang kwentuhan ng matatanda o ang matinis na halakhak ng mga bata sa umaga. Kahit ang pagtilaok ng mga manok tuwing umaga o ang tunog ng mga kuliglig sa gabi ay nakasanayan na rin niya.
“Masarap palang tumira dito, mas makakapagrelax ka at makakalayo sa mga problema.” Sabi niya at naupo sa picnic mat na inilatag ni Gabriel. Tinulungan niya itong maglabas ng mga pagkain mula sa picnic basket.
“Naisip ko na rin 'yan kaya nga kinukulit ko si kuya Juancho na ibenta na lang sa akin ang bahay niya dito sa isla kaya lang ay ayaw niya. Pero may kausap na akong tao, kilala naman ako ng mga residente dito kaya walang problema kahit na bumili ako ng sarili nating bahay. Walang kokontra kasi kasundo naman natin silang lahat.”
Napakunot noo siya. Alam niyang mahirap makabili ng lupa doon dahil mahigpit ang seguridad sa isla. Umiiwas kasi ang mga tao doon sa mga mapagsamantalang tao na pwedeng sumira sa malinis at tahimik na paligid.
“Bakit ka naman bibili ng bahay dito sa isla Camito?” nagtatakang tanong niya.
Mula sa pagbubukas ng coke in can ay nag angat ng tingin sa kaniya si Gabriel.
“May balak ka bang tumira dito?”
“Noong una wala, gusto ko lang na magbakasyon dito paminsan minsan dahil nga malapit ako kay nanay Pilar. Pero nagbago na ang desisyon ko nang makita ko na masaya ka dito sa isla. Naisip ko na kapag matanda na tayong dalawa at may mga anak na tayo na pwede kong maasahan sa pagpapatakbo ng mga negosyo ko ay dito na lang tayo titira.”
Napalunok na lang siya at nag iwas ng tingin ng hindi niya makayanan ang matinding epekto sa kaniya nang pagtatama ng mga mata nila. Hindi niya magawang salubungin ng tingin ang nangungusap na mga mata nito dahil pakiramdam niya ay masyado siyang nakakaramdam ng excitement sa mga gusto nitong mangyari.
Nang iabot sa kaniya ni Gabriel ang lata ng coke ay halos inisang lagok lang niya ang laman niyon. Nakaramdam siya ng pagkauhaw dahil sa matiim na pagitig nito sa kaniya. Parang nahihirapan na naman siyang huminga dahil muling nagwala ang puso niya at parang gusto na niyon na tumalon palabas ng dibdib niya.
Ah, Gabriel! Ano ba kasi ang ginagawa mo sa akin?
Nang tumayo na ito at hubarin ang suot na white sando ay napamaang siya. Parang may kumiliti sa sikmura niya nang makita ang six pack abs at malapad na dibdib ng asawa. Napalunok siya ng kindatan siya nito. Naglalaro ang pilyong ngiti sa mga labi ni Gabriel. Nagulat na lang siya nang lumapit ito sa kaniya at mabilis na buhatin siya nito.
Malakas na napatili siya. Maliban sa suot niyang summer dress ay wala na siyang ibang suot kundi ang two piece bikini na sapilitan pang ipinadala sa kaniya ni Dorothea. Bago kasi siya umalis ng bayan nila ay tiningnan pa ng kaibigan niya ang dala niyang maleta para lang huwag niya itong maisahan.
Dalawang two piece bikini ang dala niya at pareho pang revealing ang disenyo. Pero hindi naman siya nag aalala na magsuot ng ganoon sa isla dahil hindi naman masyadong tinatao ang napili nilang puwesto nil Gabriel.
Napapikit siya nang bitiwan na siya nito. Umungol na lang siya sa inis nang matuklasan na hanggang baywang lang naman niya ang tubig pero nabasa na ang laylayan ng suot niyang dress. Napasimangot siya at tiningnan ng masama ang lalaki. Ngumisi naman ito kaya mas lalo pa siyang nainis.
Napapalatak siya. Halatang hinahamon siya nito at hindi dapat siya magpatalo. Hinawakan niya ang laylayan ng dress at hinubad iyon saka malakas na inihagis sa buhanginan. Nakita niya ang unti unting pagkawala ng ngiti sa mga labi ni Gabriel. Gusto niyang mapahalakhak ng malakas nang mapansin na halos hindi na ito kumukurap habang pinagmamasdan siya.
Bumaba ang tingin nito sa katawan niya partikular na sa malusog na dibdib niya. Nakaramdam siya nang pagkatuliro nang mapansin ang paglapit ng asawa sa kaniya. Parang gusto na niyang kumaripas ng takbo palayo. Hindi siya natatakot kay Gabriel. Mas natatakot siya sa sarili niya dahil hindi niya alam kung kaya pa ba niyang tiisin ang pagwawala ng puso niya. Sa oras na magtama ang mga balat nila ay baka makalimutan niya kung nasaan sila ngayon. Baka mahalikan niya ito ng wala sa oras!
Umatras siya at pumunta sa mas malalim pang parte ng tubig. Sinundan pa rin siya ng asawa at nang macorner na siya nito ay mabilis na hinaklit siya nito sa baywang. Naramdaman niya ang pagdaloy ng kuryente sa katawan niya nang magdikit ang mga balat nila. Tanging ang dibdib at ibabang parte lang ng katawan niya ang natatakpan ng suot niyang bikini. Maliban doon ay nakaexposed na halos ang katawan niya, higit sa lahat ay ang balat niya.
“Gabriel..” pigil ang paghingang anas niya nang kabigin siya nito palapit sa katawan nito. Naglapat ang mga dibdib nila at muling nabuhay ang init sa bawat himaymay siya.
“Wife, you’re driving me crazy now. Bakit ba gustong gusto mo na ginugulat ako?” paanas na tanong nito nang idikit nito ang mga labi sa kaliwang tenga niya. Napasinghap siya at idiniin ang mga kamay sa balikat nito.
Pinilit niyang kumawala kay Gabriel at nang magtagumpay siyang gawin iyon ay yumuko siya at umilalim sa tubig. Mas gugustuhin pa niyang magpakalunod ng literal kaysa naman malunod siya sa mainit na mga titig nito sa kaniya. Pero hindi ito pumayag na pakawalan siya ng matagal.
Sumisid din ito at muli siyang inabot. Nanlaki ang mga mata niya nang magtama ang mga mata nila sa ilalim ng tubig. Bago pa man siya makahuma ay kinabig na siya nito sa batok at masuyong inangkin nito ang mga labi niya.
Jesus Christ! Paano nila nagagawa iyon sa ilalim ng tubig? Para na siyang kakapusin ng paghinga at siguro ay nahalata iyon ni Gabriel dahil hinaklit siya nito sa baywang at magkasabay silang umahon sa tubig. Napaungol siya nang pakawalan nito ang mga labi niya. Huminga siya ng malalim para muling punuin ng hangin ang dibdib niya.
Nakangiti si Gabriel ng muling magtama ang mga mata nito. Yumuko ito at muli siyang siniil ng halik sa mga labi. Nagpaubaya naman siya at ipinulupot ang mga bisig sa batok nito. Nanguyapit siya sa leeg nito dahil parang mawawalan na ng lakas ang mga tuhod niya. Ibinaon niya ang mga daliri sa ilalim ng malambot na mga hibla ng buhok nito at nagpakawala ng mahinang ungol.
Nakakalasing ang halik na ipinapadama ng asawa sa kaniya. Parang ectasy iyon na hinahanap hanap ng buong katawan niya.
Ilang sandali lang ay nakarinig sila ng malakas na pagkulog. Habol nila ang paghinga nang magawa siya nitong pakawalan. Magkasabay nilang tiningnan ang mga ulap ng bigla na lang ay dumilim iyon. Kung mainit kanina ay mukhang bubuhos naman ngayon ang malakas na ulan.
“Kailangan na nating umuwi, baka maabutan pa tayo ng ulan.”
Hindi niya magawang tumingin kay Gabriel nang sabihin niya iyon. Pinigil niya ang mapangiti nang marinig ang mahinang pagmumura nito bago inabot ang mga palad niya.
Magkasabay silang naglakad pabalik sa buhanginan. Pinagpagan nito ang dress niya at ito pa ang mismong nagsuot niyon sa kaniya. Wala itong imik nang makabalik na sila ng bahay. Sakto naman na bumuhos na ang malakas na ulan kaya nang pumasok sila sa sala ay pareho silang basang basa.
“Maligo ka na, gusto mo ba na magpainit ako ng tubig?” tanong niya kay Gabriel.
Hindi ito umimik. Kahit basang basa pa ito ay naupo lang ito sa isang bakanteng silya sa kusina at pinaglaruan ang isang piraso ng sitaw na nadampot nito sa mesa. Halatang wala talaga ito sa mood.
“Gabriel?” untag niya sa pananahimik nito. Napabuntong hininga lang ito at matamlay na nagsalita.
“Ayoko, kailangan kong maligo ng malamig na tubig ngayon dahil…”
“Dahil?” gumuhit ang nanunuksong ngiti sa mga labi niya ng hindi nito magawang ituloy ang sasabihin. Pumalatak lang si Gabriel at parang batang nagmamaktol na hindi na nagsalita pa.
“Pwede naman tayong sabay na maligo.” Alok niya.
Awang ang mga labi na nag angat ito ng tingin sa kaniya. Hindi na niya hinintay pa na magsalita ito at mabilis na nilapitan na niya ito at hinila papunta sa direksiyon ng banyo na kadikit lang naman ng kusina at sala.
“Hey!” gulat na bulalas nito nang makapasok na sila sa loob ng banyo.
Hinila niya ang kwelyo ng damit nito at sabik na hinalikan ito sa mga labi. Naramdaman niya ang paninigas ng katawan nito dahil sa labis na pagkabigla. Nang makabawi ay kinabig siya ni Gabriel at saglit na pinakawalan nito ang mga labi niya.
“Sigurado ka na ba dito? Gusto ko lang ipaalala sa'yo na sa oras na itinuloy natin ito ay hindi ka na pwedeng umatras pa. Ayoko sa lahat nang nabibitin ako.”
Nakagat niya ang mga labi at hinaplos ang mga pisngi ng asawa.
“Asawa mo ako kaya may lugar ako sa buhay mo, sa kama mo at higit sa lahat sa puso mo. Anong karapatan kong pigilan ka ngayon kung gusto ko rin naman ang ginagawa natin?” anas niya at pinaglandas ang mga daliri sa ibabang labi nito.
Sigurado na siya sa gagawin nila. Nakahanda na siyang ibigay ang sarili kay Gabriel. May karapatan itong angkinin siya kaya bakit pa siya tatanggi?
Bumilis ang paghinga niya nang idiin ni Gabriel ang sarili sa katawan niya. Naramdaman niya ang kahandaan nito. Inosente man siya ay alam niya kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ng katawan nito.
“Oh sweetie, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon.” Ani Gabriel at muling sinakop ng masuyong halik ang mga labi niya.
Unti unting lumalalim ang halik na pinagsasaluhan nila. Nang isandal niya ang likod sa pader ay hindi sinasadyang nadiinan niya ang switch ng shower dahilan para pareho silang mabasa ng malamig na tubig.
Binalot ng matinding lamig ang katawan niya pero saglit lang iyon dahil nagawang pawiin ng mainit na mga halik ng kaniyang asawa ang lamig na nararamdaman niya. May kung anong matinding init na binuhay si Gabriel sa katawan niya at sigurado siya na ito lang ang makakagawa niyon sa kaniya.
Napahinga siya ng malalim nang bumaba ang mga halik ng lalaki sa leeg niya pababa sa kaliwang dibdib niya. Nagawa nitong hubarin ang bikini niya ng halos hindi niya namamalayan.
Napaungol siya nang bumaba ang mga palad nito sa maselang bahagi ng katawan niya. Alam niya kung ano ang gustong gawin ni Gabriel at halos mabaliw siya sa matinding epekto sa kaniya nang magawa nitong ipaloob ang isang daliri nito sa kaselanan niya.
Oh God! Halos maubusan na siya ng hangin sa dibdib dahil sa ilang beses na paghabol niya ng hininga.
Nagtama ang mga mata nila habang patuloy ito sa paglulumikot ng mga kamay sa buong katawan niya. Nang pangkuhin siya nito ay hindi na siya nakatanggi pa. Lumabas sila ng banyo at umakyat ito ng hagdan habang buhat pa rin siya. Dinala siya nito sa kwarto at maingat na inilapag sa kama. Nakagat niya ang mga labi nang makita niya kung paano nito hubarin ang mga saplot nito sa katawan. Hindi niya mapigilan na haplusin ang matigas na dibdib at tiyan nito nang umibabaw ito sa kaniya.
Napaungol si Maricon sa sakit ng tuluyan ng pag isahin ni Gabriel ang mga katawan nila. Naramdaman siguro nito ang pagkabigla niya kaya gimbal na tumingin ito sa kaniya.
“Oh God, sweetie… did I hurt you? H-hindi ko alam…”
“Ssshhh..” tinakpan niya ng daliri ang malambot na labi ng kaniyang asawa. “Ginusto ko ito.”
“Pero nasaktan kita!” punong puno ng pagsisisi ang mga mata na bulalas nito.
Ipinulupot niya ang mga binti sa baywang nito at pinilit niyang ngumiti kahit masakit pa rin ang ibabang bahagi ng katawan niya.
“Kaya ko, aalalayan mo naman ako, 'di ba?”
Umungol lang ito at ibinaon ang mukha sa leeg niya. Impit na napaungol na lang siya nang magsimula nang gumalaw si Gabriel sa ibabaw niya. Sa ilang sandali lang ay napalitan na ng kakaibang damdamin ang sakit na nararamdaman niya kanina.
Nagawa niyang makapag adjust dahil na rin sa pag alalay sa kaniya ng asawa. Naging maingat ito sa pag angkin sa kaniya kaya wala siyang dapat na ikatakot.
“I love you..” anas ni Gabriel bago ito tuluyang makatulog ng mahimbing sa ibabaw niya.