14

1441 Words
“Anong gusto mong ulam mamaya?” bigla ay naisip itanong ni Maricon kay Gabriel habang binabagtas nila ang daan pabalik ng bahay. Kagagaling lang nila sa dagat para salubungin ang kababalik lang na mga mangingisda at bumili ng sariwang isda na siyang uulamin nila mamayang tanghali. “Oh, bakit ganiyan kang makatingin sa akin? May nasabi ba akong masama?” nagtatakang tanong niya kay Gabriel. Nakaawang kasi ang mga labi nito at namimilog pa ang mga mata habang nakatitig sa kaniya. “Wala, hindi lang ako makapaniwala na gusto mo akong ipagluto.” Umikot ang mga mata niya at inirapan ang asawa. Kung makapagsalita naman ito ay parang napakalaking bagay na nang gagawin niya. Marunong naman siyang magluto pero hindi nga lang siya expert na katulad nito. Mga simpleng putahe lang ang alam niya at duda rin siya kung masarap ang luto niya. Madalas kasing nagrereklamo ang ama noon sa kaniya na kung hindi masyadong maalat ay walang lasa ang luto niya. Napangiwi tuloy siya nang maalala ang ama. “Ay, teka, hindi nga pala ako magaling magluto. Nakakahiya naman sa cooking skills mo, ikaw na lang pala ang magluto. Ako na lang ang assistant mo para hindi naman nakakahiya sa'yo. Ayoko namang sabihin mo na pinapagod kita.” “At sino naman ang may sabi sa'yo na mapapagod akong ipagluto ka?” tanong ni Gabriel. Napasinghap si Maricon nang hawakan nito ang kamay niya at marahang hilahin siya nito palapit sa katawan nito. Naikurap niya ang mga mata at awtomatikong bumilis ang t***k ng puso niya nang akbayan siya ng lalaki. “Makinig ka na lang ng drama sa radyo mamaya habang nagluluto ako, 'di ba paborito mo iyong mga kwentong nakakatakot?” Ang kwentong tinutukoy nito ay ang inaabangan niyang drama sa radyo tuwing alas onse ng umaga. Mga kwentong nakakatakot iyon tungkol sa isang malaki at lumang apartment kung saan maraming mga ligaw na kaluluwa ang nagpapakita. Mula nang mapakinggan niya ang drama ng minsan siyang bumisita kay nanay Pilar ay naging libangan na niya na abangan iyon tuwing umaga. “Ako na lang muna ang magluluto, mas gusto kong magpahinga ka dahil alam kong napagod ka sa paghihintay natin sa pagdating ng mga bangka.” Sabi pa nito at itinaas ang hawak na maliit na cooler –na may lamang ilang piraso ng isda—para ipakita sa kaniya. “Ako na ang bahala sa pagkain, sagot mo ang kwento.” “Talaga?” “Talagang talaga!” anito at tumango pa. Napangiti na lang siya at iniyakap ang mga kamay sa baywang ni Gabriel. Ikiniskis niya ang tungki ng ilong sa balikat nito at nang masamyo niya ang pinaghalong amoy ng cologne at natural na amoy ng katawan nito ay halos magwala na ang puso niya dahil sa kakaibang init na bumalot sa kaniya. Ang sarap talagang amoy amuyin ng lalaking ito! Kinikilig na nasabi niya sa sarili. Pagkauwi nila ay naging abala na si Gabriel sa kusina. Napapangiti na lang siya habang pinagmamasdan ito. Mahigpit na bilin nito na hindi siya pwedeng tumulong at ayaw naman niya itong kontrahin kaya nagpaubaya na lang siya. Nang maalala na wala pang suot na apron ang asawa niya ay kumuha siya ng bagong apron sa cupboard at nilapitan ito. “Sabi ko naman sa'yo 'di ba na—” “Nakalimutan mo ang apron mo, mister, ayoko lang na marumihan ang damit mo.” Nakalabing paalala niya. Kumislap ang pagkaaliw sa mga mata ni Gabriel. Yumuko ito kaya siya na ang nagsabit ng apron sa leeg nito. Nang mag angat ito ng tingin sa kaniya ay muling pumitlag ang puso niya nang ngitian siya nito. “Ako na ang bahala, misis, makinig ka na lang ng radyo para malibang ka.” “Gabriel!” nanlaki ang mga mata niya at malakas na napasinghap nang pangkuhin siya nito at iupo sa kitchen counter. Iniwan siya nito saglit at nang balikan siya at dala na nito ang nag iingay na radyo. Inilapag nito sa tabi niya ang radyo at muling nilapitan siya. Nang mapansin ang disenyo ng suot nitong apron na basta na lang niya kinuha sa cupboard kanina ay napahalakhak siya. Mukha kasi ni Dora ang nakalagay sa harapan ng apron. Hindi niya alam kung paano nagkaroon ng ganong apron doon. Baka kasama iyon sa mga freebies kapag namimili ng groceries sila Juancho at Suzy. “In fairness naman sa'yo, Mr. Mondemar, ang gwapo mo pa rin kahit may nakadrawing na Dora diyan sa apron mo.” Natatawang sabi niya at itinuro ang dibdib nito. Pero naglaho ang masayang tawa niya nang mapansin na wala siyang nakuhang reaksiyon mula sa lalaki. Hinawakan lang nito ang daliri niya at masuyong dinala iyon sa mga labi nito. “Gabriel…” Oh God! Ano na naman ba ang ginagawa nito sa kaniya? Parang may kung init na naman ang gustong bumalot sa buong katawan niya. Napalunok siya ng ilang beses nitong halikan ang likod ng palad niya. Inabot nito ang isa pa niyang kamay at matagal na pinagmasdan iyon. “A-ano bang iniisip mo?” parang sasabog na ang dibdib sa matinding emosyon na tanong niya sa kaniyang asawa. “Ikaw, hindi lang kasi ako makapaniwala na nagagawa ko na ngayong hawakan ang mga kamay mo ng hindi ka nagagalit. Pakiramdam ko naabot ko na ang pinakamalayong star mula nang payagan mo akong abutin kita.” Natunaw ang puso niya nang makita ang pagkislap nang napakaraming emosyon sa mga mata nito. Naaawang hinaplos niya ang mga pisngi nito. “Pinahirapan ba kita ng sobra noon?” natitigilang tanong niya. Anong klaseng tanong yan, Maria Concepcion? Kailangan pa bang isa isahin niya sa'yo ang mga pagpapahirap mo noon sa kaniya? Nagsikip ang dibdib niya nang maalala kung paano nga ba niya ito pinahirapan noon. Kapag birthday nito ay nagpapanggap siyang may sakit para lang hindi sila magkita. Kapag nasa ibang bansa naman ito ay palagi niyang dinedeadma ang mga tawag nito. Nang sabihin nito sa mga magulang niya na gusto siya nitong pakasalan ay mabilis pa sa alas kuwatro na sinagot niya si Junie para lang makaiwas siya dito. Lahat nang ginagawa niyang pambabalewala dito noon ay parang konsensiya na tumutusok sa dibdib niya kapag naaalala niya. “Kung ganito tayo araw-araw, balewala na sa akin ang mga pagpapahirap mo noon sa akin.” Hindi na siya nakatiis pa. Hinila niya ang kwelyo ng suot nitong apron para mas lalo pang magdikit ang mga katawan nila. Pinalibutan niya ng halik ang bawat sulok ng mukha nito. Mukhang si Gabriel naman ang hindi na nakatiis dahil kinabig siya nito sa batok at siniil ng mas malalim pang halik ang mga labi niya. Halos malunod siya sa sarili niyang emosyon nang maramdaman ang pagdaloy ng kakaibang init sa buong sistema niya. Napaungol na lang siya at hindi mapigilang kagatin ang ibabang labi nito. Halos maubusan na siya ng hangin sa dibdib kaya napilitan siyang ilayo ang mga labi dito. Nang makawala siya sa mahika na ipinaramdam ng mga labi ni Gabriel sa kaniya ay saka lang niya naalala ang inaabangan niyang drama sa radyo na nagsisimula na pala. “Nakakainis ka!” hinihingal at naiinis na sikmat niya sa asawa. Napahalakhak ito nang malaman nito kung ano ang dahilan ng biglang pagkainis niya. Niyakap lang siya nito at magkasabay silang nakinig ng drama habang panay ang halik nito sa ibabaw ng ulo niya. “Paano ang lulutuin mo? Baka mabuhay na ulit 'yang mga isda sa tagal mong magluto?”biro niya habang kontentong hinahaplos nito ang mahabang buhok niya. Isinandal niya ang ulo sa dibdib nito para malaya niyang mapakinggan ang t***k ng puso nito. “Twenty minutes lang naman halos umeere ang drama, makakapaghintay ang mga isda.” Pareho na silang natahimik dahil nalibang na sila sa pakikinig ng drama at nang matapos iyon ay nagsimula na si Gabriel sa cooking show nito. Daig pa ni Maricon ang audience habang pinagmamasdan niya ang bawat kilos ng lalaki. Halatang expert talaga ito sa kusina dahil kahit isang beses ay hindi niya nakita na nagkamali ito. “Naniniwala ka ba sa love at first sight o sa first love kaya?” mayamaya ay untag niya kay Gabriel habang tinitikman nito ang sinigang na bangus na niluto nito. Kaya niya naisip na itanong sa asawa ang tungkol sa love at first sight ay dahil iyon ang topic ngayon sa segment sa radyo na pinapakinggan nila ngayon. Nakangiting nilingon siya ni Gabriel at pilyong kinindatan siya nito. “Yes, dahil iyon ang naramdaman ko noong unang beses na makita kita.” Nakangiting sagot naman nito na halos magpawala na sa tamang posisyon ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD