13

1749 Words
Napapangiti na lang si Maricon habang pinanonood niya ang mga matatanda na nagsasayaw sa ibaba ng man-made stage. Ngayon ang mismong piyesta sa buong isla kaya naman nagkakasiyahan ang lahat. Ilang gabi ng may event sa labas ng chapel—kung saan ginawa ang man-made stage. Ngayon ang huling gabi ng celebration at pagkatapos ng awarding ceremony para sa mga nanalo sa singing at dancing competition ay ibinigay naman ang stage para sa mga matatanda na gustong magsayaw at mapakinggan ang mga kanta noong kapanahunan ng mga ito. Wala naman sana siyang balak na magpunta doon dahil hindi siya mahilig sa mga old songs kaya lang ay hindi na siya makatanggi pa ng kumbinsihin siya ni nanay Pilar. Pero kahit hindi siya makarelate sa mga lumang kanta—na panahon pa siguro ng lolo at lola niya sumikat—ay totoong nag enjoy siya lalo pa at nakita niya ang saya sa mukha ng mga matatanda na naroon at nagsasayaw kapares ang asawa ng mga ito. Komportableng naupo na lang siya sa isang sulok at inabala ang sarili sa panonood. Mayamaya ay hinihingal na lumapit sa kaniya si nanay Pilar. “Nanay, hindi pa po ba kayo napapagod? Kagagaling lang po ninyo sa ospital.” Paalala niya sa matanda nang maupo ito sa tabi niya. Mahigit isang linggo itong nakaconfine sa ospital dahil sa masyadong pagbaba ng dugo nito. Kinailangan pang masalinan ito ng dugo bago ito tuluyang makarecover. Umiling ang matanda at ikinumpas ang mga kamay. “Huwag mo nga akong intindihin, hindi naman makakasama sa akin ang pagsasayaw at saka sweet dance lang naman ang sinayaw namin ng tatay Rody mo. Teka nga…” inilibot nito ang mga mata sa buong paligid. Kalat na ang dilim dahil mahigit alas otso na ng gabi kaya sigurado siya na mahihirapan itong hanapin ang taong hinahanap nito. Kahit kasi may mga ilaw mula sa entablado at sa mga poste ay marami namang mga tao sa labas ng chapel. “Sino po ba ang hinahanap ninyo?” nagtatakang tanong niya. “Aba'y ang gwapong asawa mo, hindi naman ako papayag na matapos ang gabi na hindi ka niya naisasayaw. Inutusan ko na si Rody na hanapin ang mister mo, hintayin na lang natin.” “Nanay naman! Balak mo kaming pagsayawin at makaluma pa ang background naming kanta?” Hindi sa sinasabi niya na pangit ang mga lumang kanta dahil sa totoo lang kung ikokompara niya ang mga kanta noon at ngayon ay mas iba pa rin ang dating ng old songs. Kaya lang ay hindi pa niya naranasan na makipagsayaw kay Gabriel. Naalala niya noong debut niya kung saan ang lalaki ang tumayong escort niya. Simple lang naman ang naging selebrasyon pero kompleto ang mga pamilya nila sa mismong araw ng debut party niya. Kung kailan isasayaw na siya ni Gabriel ay saka naman siya nagdrama at nagkunwaring hinimatay kaya hindi natuloy ang sayaw nila Alam niyang sumama ang loob nito sa kaniya pero mas pinili nitong kalimutan na lang ang nangyari. “Nabanggit sa akin ni Gabriel na hinimatay ka sa mismong gabi ng party mo kaya hindi ka na niya naisayaw.” “Nagdrama lang naman po ako noon.” Nakokonsensiyang pag amin niya. “Sabi na nga ba! ang kawawang batang iyon, umuwi pa ng Pilipinas para lang makapunta sa debut mo tapos nasayang lang pala ang effort niya. Alam mo bang umiyak siya sa akin pagkatapos ng party?” “Eh….” Nakagat niya ang likod ng mga pisngi. Alam niyang hindi talaga maganda ang ginawa niya. Nag aaral pa noon si Gabriel sa London at pinilit lang talagang umuwi dahil gusto nito na ito ang mismong maging escort niya. Ano ba naman ang malay niya na iniyakan pala nito ang kalokohan na ginawa niya noon? Napakaiyakin pala talaga ng isang iyon.. napapalatak siya at muling nilingon si nanay Pilar. “Kaya nga bumawi ka na ngayon, alam mo sa mga magkakapatid na Mondemar si Gabriel ang masasabi ko na sobra sobra kung magmahal. Kapag na-atats siya sa'yo siguradong hindi ka na niya lalayuan pa. Nakita mo naman 'di ba kung paano niya ako inasikaso noong may sakit ako? Siya pa ang gumastos sa pagpapaospital sa akin.” “Kaya nga po,” sabi na lang niya. “Kaya nga mahalin mo siya, kapag minahal mo siya siguradong ibibigay niya sa'yo ang buong mundo niya.” “Nanay—” “Ay! Nandito na pala ang prinsipe mo.” Nanlaki ang mga mata niya nang makitang papalapit na sa direksiyon nila si tatay Rody at talagang kasama nga nito si Gabriel. Napangiti siya nang makita ang porma ng asawa niya. Siguro ay sanay ito na makipiyesta sa mga tao doon kaya sinadya nitong huwag magsuot ng mamahaling damit dahil mas gusto nitong makibagay sa mga residente sa isla. Alam niyang hindi branded ang black t-shirt na suot nito. Pero kahit pa sabihin na mura lang ay hindi na mapapansin pa iyon dahil nagawa nitong dalhin ang porma nito. Fitted ang t-shirt kaya bumabakat ang malapad na balikat at braso nito sa tela niyon. V-cut ang disenyo ng collar ng t-shirt na mas lalong bumagay at nagpaemphasize ng malapad na dibdib nito. Kupas na maong jeans ang suot nitong pang ibaba at kahit simple lang ang dating ng porma ng asawa niya ay hindi maikakaila na napakagwapo talaga nito. Kanina pa nga niya napapansin na ilang beses itong nilingon ng mga babaeng naroon—matanda man o bata pa. “Ready na ba iyong nirequest nating kanta?” narinig niyang tanong ni nanay Pilar kay tatay Rody. Hindi niya pinansin ang pag uusap ng mag asawa dahil nang makalapit si Gabriel sa kaniya ay kusang tumigil sa pagtakbo ang oras niya. Nawala ang magulong paligid at tanging ito na lang ang nakikita niya. Parang gusto niyang matunaw dahil halos hindi na nito magawang alisin ang mga mata sa kaniya. Huminga siya ng malalim at biglang napasinghap nang ilahad nito ang palad sa harap niya. Napaawang ang mga labi ni Maricon at nagtatakang tiningnan lang ito. “Can we dance?” Nakagat niya ang mga labi nang tumili si nanay Pilar. Halos itulak na siya nito kaya napilitan siyang tumayo at tanggapin ang palad ni Gabriel. Daig pa niya ang tinakasan ng sarili niyang kaluluwa nang hapitin siya ng asawa sa baywang at dalhin sa mismong gitna kung saan naroon ang mga nagsasayaw. Kung iba lang siguro ang naroon ay baka kumaripas na ng takbo. Sino ba naman kasi ang may gusto na magsayaw sa isang lumang kanta? Pero iba na ang usapan kapag si Gabriel ang kasama. Baka kahit interpretative dance ay patusin pa ng iba para lang makasayaw ito. Halos hindi na niya magawang huminga ng normal nang yakapin siya nito sa baywang. Awtomatikong inilapat niya ang mga palad sa magkabilang balikat nito. Ilang beses pa siyang suminghot dahil nasasamyo niya ang amoy ng pabango nito. Kahit paano ay narelax siya ng maamoy niya ito. Mayamaya ay narinig na niya ang malakas at malamyos na tugtog. Nagsimula itong gumalaw kaya sinundan niya ito. “Do you know the song?” untag ni Gabriel sa pananahimik niya. Naikurap niya ang mga mata at mabagal na tumango. Paborito ng ama at lolo niya—noong nabubuhay pa ito—ang kantang The Last Waltz na pinasikat ni Engelbert Humperdinck. I fell in love with you, the last waltz should last forever… Napangiti siya nang marinig ang isang linya sa kanta. Palagi niyang naririnig na kinakanta iyon ng ama sa tuwing nagkakape ito sa labas ng sinehan. “Pwede ba natin itong gawin palagi? Nakakahiya man aminin pero paborito ko kasing kanta ang the last waltz. Palagi ko kasing naririnig na kinakanta ni daddy'yan noong bata pa ako lalo na kapag sinusuyo niya si mommy.” “G-gusto mong magsayaw tayo ng madalas?” hindi makapaniwalang tanong niya. Humigpit ang pagyakap nito sa baywang niya kaya muli siyang napakapit sa balikat nito. “Yeah, sumasama ang loob ko sa tuwing naaalala ko na hindi ako ang first dance mo kaya gusto kong bumawi ngayon.” Naipikit niya ang mga mata nang yumuko ito at pinagkiskis ang tungki ng mga ilong nila. Parang madudurog ang puso niya sa awa kay Gabriel kapag hindi niya ito pinagbigyan sa isang simpleng request nito. “Bakit hindi? Basta ba wala kang balak na pagurin ang mga paa ko sa pagsasayaw.” Nangingiting tugon niya at iminulat ang mga mata. Bumaha ang katuwaan sa puso niya nang mapansin ang pagkinang ng kulay asul na mga mata nito. “Oh, sweetie, I’ll carry you if you want me to, huwag ka lang mapagod sa pagsasayaw natin.” Pinuno ng masayang halakhak nila ang paligid dahil sa sinabi nito. Parang gusto ng sumabog ng dibdib niya ng mga sandaling iyon. Lahat na ng masasayang emosyon ay naiparamdam sa kaniya ng asawa niya ngayon. Kayang kaya siya nitong patawanin kahit hindi pa ito masyadong mag effort. Kapag ngumingiti naman ito ay parang kinikiliti ang puso niya sa kilig. Para tuloy siyang teenager na ngayon lang naisayaw ng crush niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya nang haplusin ng kaliwang palad ni Gabriel ang pisngi niya. Nakagat niya ang mga labi nang bumaba sa mga labi niya ang tingin nito. Pakiramdam niya ay may bumarang malaking bato sa dibdib niya kaya hindi siya makahinga pa nang dahan dahan itong yumuko. Napasinghap siya ng angkinin ni Gabriel ang mga labi niya. Gumapang ang malakas na boltahe ng kuryente sa buong katawan niya. Nakakapanghina ng mga tuhod ang epekto ng halik nito sa kaniya at para siyang hinihigop ng malakas na mahika at hindi na niya magawang makawala pa. Naalala niya ang kwento ni Gabriel sa mga bata tungkol sa mga bida sa fairytale na Beauty and the Beast. Sa tingin niya ay tama ito ng sabihin nito na sa oras na malaman ni Belle na mabait ang Beast ay mawawala na ng tuluyan ang galit sa dibdib nito. Dahil iyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Tuluyan nang nagiba ang malaking pader na inilagay niya sa pagitan nila ni Gabriel. Sinasabi ng isip niya na asawa lang niya ito sa papel pero hindi iyon ang gustong iparating sa kaniya ng mismong puso niya. Tuluyan na siyang inilagay ni Gabriel sa mundo na para lang sa kanilang dalawa at alam niyang hindi na niya gugustuhin pang takasan ito. Dahil sa mga oras na iyon ay hahayaan na niyang magdesisyon ang mismong puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD