CHAPTER 6

890 Words
— AUTHOR POV — Hindi lumabas ng kwarto si Belle buong gabi. Sanay si Jayden sa pagiging mataray at pabigla-bigla ni Belle, pero iba ang pakiramdam ngayon. May distansyang hindi niya kayang baliwalain. “Jun, where’s Belle?” tanong niya, pilit pinipigil ang inis sa boses. “Nagkulong po,” sagot ni Jun. “Alam niyo naman, sir… hindi siya sanay na may kasamang iba.” Napakunot-noo si Jayden. Hindi na siya nagsalita at bumalik na lang sa loob ng rest house, pilit inuunawa ang sitwasyon. Doon, nadatnan niya si Eve—at hindi nagtagal, nagsumbong ito tungkol sa naging sagutan nila ni Belle sa restaurant. “She really did that to you?” tanong ni Jayden, halatang hindi makapaniwala. Tumango si Eve, mukha’y parang kawawa. “I don’t know why she suddenly acted that way. I was just trying to get close to her, but she told me she doesn’t like me.” Bahagya siyang ngumiti. “But it’s okay… Baka hindi lang siya sanay. Naiintindihan ko naman siya.” Napakuyom ang kamao ni Jayden. “She crossed the line this time.” Hindi agad hinarap ni Jayden si Belle. Pinipilit muna niyang pakalmahin ang sarili. Kinagabihan, nag-post si Eve ng mga litrato nila ni Jayden—sweet smiles, close poses, parang perpektong bakasyon. Bumaha ng likes at heart reactions. Kilala si Jayden, at marami ang suportado sa relasyon nila. At nakita iyon ni Belle. Walang pag-aalinlangan, in-unfollow niya si Jayden at agad siyang binlock. Pagkatapos, binlock din niya si Eve. “This is so annoying!” sigaw niya, sabay tapon ng cellphone sa buhangin. “Kung kilala lang talaga ni Jayden ang babaeng ’yon!” Halong gigil at sakit ang naramdaman ni Belle. Sa kabilang banda, kahit galit si Jayden, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hatinggabi na at nalaman niyang wala si Belle sa kwarto. Hindi ito matawagan. Nang subukan niyang i-message, hindi na niya makita ang account nito. Doon niya napagtanto—binlock siya. “What the hell is wrong with that girl?” inis niyang sambit. Matapos ang matagal na paghahanap, sa wakas ay nakita rin niya si Belle. Mabilis siyang lumapit, halatang ubos na ang pasensya. “Why did you do this?” mariing tanong niya. “Do you have any idea how worried I was?” “Namasyal lang ako,” malamig na sagot ni Belle. “Namasyal?” tumaas ang boses ni Jayden. “It’s almost morning! I’ve been looking for you for hours, Belle. I was worried! What is your problem?” “Just leave me alone,” sagot ni Belle. “Besides, you’re with Eve anyway… right?” “Wait,” pigil ni Jayden. “What’s your problem with Eve? At bakit nagawa mo siyang bastosin?” Alam na ni Belle. Of course—nagsumbong siya. “Say sorry to Eve,” mariing utos ni Jayden. Napatingin si Belle sa kanya. “So you believed her?” nanginginig ang boses niya. “Yes,” diretso niyang sagot. “Kilala kita Belle. So don’t deny it.” Parang may pumutok sa dibdib ni Belle. "Oo, Kilala mo ako! Kilala mo rin ba siya?" "Oo, at hindi magagawang magsinungaling si Eve! She tried to be nice to you! Pero anong ginawa mo?" “Fine,” mahinang sabi niya. “I don’t want to explain anymore.” Tatalikod na sana siya nang hinila siya pabalik ni Jayden. “Wait! We’re not done yet!” “I’m going home,” mariing sabi ni Belle. “I don’t want to stay here anymore.” “What? At this hour?” “Yes!” “Are you crazy?” galit na sagot ni Jayden. “Stop acting like a child!” “You don’t understand me!” umiiyak na si Belle. “I just wanted to relax, to unwind… but everything’s ruined now.” Huminga nang malalim si Jayden. “Let’s stop here,” malamig niyang sabi. “Nothing will happen kung ganito tayo. And unblock me—now.” Hindi kumibo si Belle. Inagaw ni Jayden ang cellphone niya. Alam niya ang password nito. “You still didn’t change your password,” mahina niyang sabi habang inuunblock ang sarili. “Please… don’t do this again. Hindi rin ako sanay na ganito tayo. But please, igalang mo naman si Eve... para lang sa akin." Bigla na lang humagulgol si Belle. “Belle?” unti-unti siyang lumapit. “What is it? What’s really wrong?” “I feel like... one day I’ll be completely alone. It hasn’t happened yet, pero parang hindi ko na kaya na darating ang araw na mag-isa nalang ako." Mahigpit siyang niyakap ni Jayden. “I can’t leave you, Belle,” mahina niyang sabi. “I promise. I’m so sorry for what happened tonight.” Mas hinigpitan niya ang yakap. “I won’t leave you behind. I just can’t. So please… don’t think like that.” Di nagtagal, bumalik din sila sa rest house. Nasalubong nila si Jun na naghahanap din sa kanila. Hindi na napansin ni Belle si Jun—dumiretso siya sa kwarto at muling humagulgol. “Just leave her for a while, Jun,” mahinang sabi ni Jayden. “You should rest too.” Hindi man lang umabot ng dalawang araw ang biyahe. Kinabukasan, kinailangan nilang bumalik agad matapos tumawag ang nurse—medyo lumala ang kalagayan ng kanilang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD