CHAPTER 7

792 Words
— AUTHOR POV — Pagdating nila sa ospital, sinalubong agad sila ng malamig na ilaw ng ER at ang mabilis na galaw ng mga nurse. Hindi na nila hinintay ang tawag, sabay silang tumakbo, halos hindi na alintana ang pagod. “Doc!” hingal na hingal na sigaw ni Jayden. “Please—my mom… how is she?” Huminga nang malalim ang doktor bago nagsalita, halatang maingat sa bawat salita. “Your mother is in critical condition,” paliwanag nito. “As you know, she’s already in stage four cancer. The disease has spread extensively, and several of her organs are beginning to fail.” Bahagya itong tumigil. “We’ve already administered the strongest pain management available and provided all possible supportive care. Unfortunately, her body is no longer responding to treatment. Her breathing is labored, and she’s extremely weak. I need you to prepare yourselves… she may only have a short time left.” Parang sabay na gumuho ang mundo nina Belle at Jayden. Pagpasok nila sa silid, bumungad sa kanila si Elsa, maputla, halos hindi na makagalaw. Ang bawat hinga niya’y mabigat at paos, parang pilit na hinahatak mula sa kaibuturan ng dibdib. “Mommy…” mahina at nanginginig na tawag ni Belle habang hinahawakan ang kamay ng ina. “I was trying to accept this already,” umiiyak na sabi ni Belle. “Pero I didn’t expect it to be this fast… parang hindi ako handa.” Napalingon siya kay Jayden, puno ng takot ang mga mata. “Jayden… what happens to me when she’s gone? Hindi ko alam kung kakayanin ko.” Lumapit si Jayden at bahagyang niyakap ang balikat niya. “I’m still here,” mahina niyang sabi. “Hindi kita iiwan, okay?” Umiling si Belle, tuluyang humagulgol. “You say that now,” singhot niya. “Pero you’ll leave too. Once you marry Eve, I’ll be alone again.” Napatigil si Jayden. Walang lumabas na salita. Alam niyang may katotohanan ang sinasabi ni Belle at mas masakit iyon tanggapin. Biglang gumalaw ang kamay ni Elsa. “B-Belle…” paos at putol-putol ang hinga. “Mommy, I’m here,” mabilis na sagot ni Belle, mas humigpit ang hawak. “Please… don’t talk too much.” “W-where’s… Jayden?” mahina at halos hindi marinig. “I need… to talk… to both of you…” Lumapit si Jayden. “Mom, I’m here.” Tumingin si Elsa sa kanya, nangingilid ang luha. “Jayden…” hirap na hirap siyang huminga. “This is… my last request…” Saglit siyang huminto, pilit humahabol ng hangin. “Please… say yes.” Naguluhan si Belle. “Mommy… what are you talking about?” Muling nagsalita si Elsa, mas mahina na ang boses. “My daughter… she has nowhere else to go…” nanginginig ang labi. “Ikaw lang… ang meron siya… please… take care of her.” “Mom!” umiiyak na sigaw ni Belle. “Jayden has his own life! He’ll have his own family someday!” Lumapit siya lalo. “I can’t stay with him forever. So please… fight. Fight for me.” Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Elsa. Unti-unti nang lumalabo ang kanyang paningin. “I… I can’t anymore…” halos pabulong. “I’m sorry, Belle…” Tumingin siya kay Jayden. “I’ll wait… for your decision… ba-bago ako… mawala.” Muling niyakap ni Belle ang braso ng ina ay mahigpit na hinawakan ang kamay. “Mommy, please,” humahagulgol na sabi ni Belle. “Don’t say that. Hindi pa ako ready.” Hindi na kinaya ni Jayden. Lumuhod siya sa tabi ng kama. “Mom,” nanginginig ang boses. “For your sake… I’ll do it.” Huminga siya nang malalim. “Utang ko sa’yo ang buhay ko. You raised me. Kaya paano ko tatanggihan ang huling hiling mo?” Tumingin siya kay Belle. “I will marry your daughter. I will marry Belle.” Biglang tumayo si Belle, nanginginig sa galit at sakit. “What?” sigaw niya. “You mean… ako ang babaeng gusto ni mommy para sa’yo?” Tumango si Jayden. “No!” sigaw ni Belle. “That’s not fair! Ayokong ikasal dahil lang sa awa!” “B-Belle…” mahina at halos wala nang boses si Elsa. “Please… agree… last wish ko na rin ’to…” Napasinghap siya. “Sorry… mga anak…” Dahan-dahang pumikit ang mga mata ni Elsa. Bumitaw ang kamay niya kay Belle. “MOMMY!” sigaw ni Belle habang niyayakap ang walang buhay na katawan ng ina. “Please… don’t leave me.” Nakatayo si Jayden, luhaan at hindi makagalaw. Nabalot ng malalim at tahimik na pagluluksa ang silid. At sa pagkawala ni Elsa, may isang pangakong isinilang—kahit kapalit nito ang sariling kaligayahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD