Natigilan sa pag-apak ang mga nagmamadaling paa ni Nihan nang masalubong ang binata, at si Catherine na nagtutulak ng wheelchair nito. Nagkatinginan sila ni Finn bago ibinaling niya ang atensyon sa babaeng nasa likod nito. "Saan ka pupunta?" tanong ni Catherine sa dalaga kasalukuyan silang nasa sementadong daan, malapit sa mismong beach side. "Uhmm," nagdalawang-isip si Nihan kung anong isasagot sa tanong nito. Naging malikot din ang kaniyang mga mata. Naistorbo lamang ang tatlong magkakaharap nang lumapit ang aso kay Finn, tumingala sa kaniya. Animo'y binabanatayan ang binata. Umatras siya dahil doon. "Meadow, Cath, let's go-" "No, Finley. It's okay, I can take you home," boluntaryong niyang agap dahilan para magtagpo ang mga mata nila nito. Nahihiyang tumango nang maliit si Niha

