"Alright, I'll do it," nag-iipon na pasensiyang tinig ni Nihan. Hindi niya na pinigilan ang silya nang magbigay ng ingay iyon nang itulak niya paatras. Hindi niya inaalis ang malaman niyang tingin sa binata na matapang naman nitong sinasalubong. "Nasaan ba?" tanong ng dalaga sa sarili habang nasa loob ng silid, at hinahalungkat ang loob ng isang tote bag. Huminto siya, at napapikit nang mariin. Kinontrol na huminga ng maayos. Naninikip ang dibdib niya dahil sa inis. "Mukhang takot siya sa aso-" "Hayaan mo siya," putol ni Finn kay Catherine habang kumakain na para bang wala lang ang inuutos niya. "Finn," seryosong tawag ng therapist niya sa kaniya. Tumigil ang binata sa pagsubo bago luminga sa kaibigan. Walang sinasabi ang bibig nito pero basang-basa niya ang nais nitong sabihin. "

