KABANATA 30

3123 Words
KABANATA 30 Natahimik ang dalawang magkapatid dahil sa sinabi ni Chaaya. Pasimple pa silang nagtinginan para mag-usap gamit ang kanilang mga mata. Bahagyang tinuro ni Lucas si Chaaya gamit ang kanyang ulo at mga mata na mukhang nagtatanong dahil sa sinabi ng dalaga pero tumango lang naman si Lucius dahil gusto niyang pagbigyan kung ano man ang kahilingan ng dalaga. Umawang ang labi ni Lucas sa sagot ng kapatid na hindi makapaniwala sa tinuran nito.  “Hindi ba kahapon lang kayo nagkausap ni kuya Ethan, ate?” pagtatanong ni Lucas. Hindi niya alam kung bakit pagbibigyan siya ng kanyang kapatid. Baka may masabi pa na masama ang kanilang pinsan kay Chaaya at ayaw niyang mangyari iyon—baka magalit sa kanya ang kanyang kaibigan na si Suzzie kapag nagkataon.  “Oo, bakit?” pagtatanong ni Chaaya. Hindi niya maiwasan na magtaka dahil mukhang nag-aalala ang itsura at boses ni Lucas.  “Baka hindi mo siya makumbinsi, matigas ang ulo non.” pagdadaan na lang niya sa biro. Narinig niya ang usapan ng dalawa kanina at halos sigawan na ng kanyang pinsan si Ashley kaya hindi malabong gawin din iyon ng pinsan kay Chaaya.  “Let’s try it.” Desisyon ni Lucius tiyaka niya tinapik ang kanyang kapatid. Tiningnan niya si Chaaya na may ngiti sa labi tiyaya niya sinabing, “Let’s go?” Tumango si Chaaya sa sinabi ni Lucius tiyaka niya tinanggap ang kamay na inalok ng binata. Hindi makapaniwala si Lucas sa nangyari at bahagya na lang napailing at sinundan ang kanyang nakakatandang kapatid at si Chaaya paakyat sa kanilang mansyon.  Pagdating nila sa ikalawang palapag ay nakita nila ang nakayuko na si Ashley, tahimik na lang ang palapag ngayon. Mukhang sumuko na rin si Ashley lalo na at may mga masasakit na salita ang binitawan ng kanyang pinsan sa dalaga. Napailing na lang si Lucas sa nangyayarii bigla tuloy siyang tumakot na tumanda dahil baka magaya siya sa kanyang mga kuya.  Naramdaman ni Ashley ang mga yabag ng tatlong tao kaya agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha tiyaka niya pinilit niyang ikurba ang kanyang labi para pilitin ang kanyang sarili na ngumiti dahil nahihiya siyang makita siya ng mga ito nang lumuluha.  “Ayaw niya po,” malungkot na wika nito pero pinanatili niya pa rin ang ngiti sa kanyang labi.  Nagtaka si Chaaya sa ayos ng dalaga. Noong una ay hindi niya maintindihan ang nangyayari hanggang sa may isang ideya ang sumulpot sa kanyang isipan kung bakit si Ashley agad ang tinawagan ng dalawang Senyorito at kung paano naging kampante kanina si Lucius na makukumbsi ng dalaga si Ethan.  “A-ayos lang,” pag-sagot ni Chaaya dahil walang sino man ang sumagot sa kanya sa dalawang magkapatid. Tiningnan niya muna ang dalawa bago siya magpatuloy sa kanyang sasabihin. Seryoso lang silang nakatingin sa dalaga na tila naawa sa lagay nito.  “Su-subukan ko siyang kumbinsihin.” nahihiyang wika ni Chaaya tiyaka siya ngumiti sa dalaga. Nakita pa ni Chaaya ang pag-awang ng kanyang mga labi marahil sa gulat sa sinabi niya pero marahan na tumango ang dalaga tiyaka siya nagbigay daan sa kanya para makalapit na siya sa tapat ng pintuan ni Ethan.  “Susubukan niya lang, Ashley.” paliwanag ni Lucius sa dalaga dahil alam niyang may kung ano na ang naglalaro sa isipan ng dalaga. Pero kahit na sabihin ni Lucius iyon ay wala na rin magagawa si Ashley kung hindi tumango na lang. Tatlong katok ang ginawa ni Chaaya sa pintuan ni Ethan pero wala man lang siyang narinig na kahit anong boses sa loob ng kwarto. Tumikhim siya para mawala ang pagbabara sa kanyang lalamunan dahil sa kaba. Natatakot siya na mapahiya kapag hindi niya nakumbinsi si Ethan gayong siya ang nag-prisinta na makukumbinsi niya si Ethan.  “E-ethan?” pagtawag nito sa binata pero wala man lang siyang nakuhang sagot mula sa loob ng kwarto. “Si Chaaya ‘to.” Muli ay wala siyang nakuhang sagot galing kay Ethan kaya bahagya nang namumula ang kanyang pisngi sa kahihiyan. Hindi niya tiningnan ang reaksyon ng tatlo na nasa kanyang likuran nang sa gayon ay hindi siya masyadong kabahan kung sakali man na hindi niya makumbinsi si Ethan. Kapag kasi tiningnan niya ang nasa kanyang likuran ay lalo lang siyang kakabahan dahil kung ang tatlong tao na nasa likod niya ay hindi nakumbinsi si Ethan, ano ang magiging kasiguraduhan niya na pagbubuksan siya ng pintuan ng lalaki o kaya naman ay kausapin siya sa mahinahon na paraan.  Inangat niya ang kanyang kanang kamay para muling kumatok sa pintuan ni Ethan. Handa na sana siyang kumatok ang kaso nga lang ay nabitin sa ere ang kanyang kamay dahil biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Ethan na naka-pajama pa at magulo pa ang kanyang buhok. Bakas din sa mga mata nito an pagod na siya kahit na kakagising palang niya.  Hindi maiwasan na magulat ni Chaaya dahil hindi niya inaasahan na pagbubuksan siya ng pintuan ni Ethan pero hindi siya dapat magpakampante dahil baka pinagbuksan niya rin ang tatlo kanina at baka sinaraduhan niya rin ito agad. Bakas din ang gulat sa mukha ng tatlo dahil hindi man sila pinagbuksan ni Ethan kanina at ngayon na nagpakilala lang si Chaaya, wala pa siyang sinasabi ay pinagbuksan na kaagad siya ni Ethan. Habang kanina—nung sila pa ang nagkukumbinsi kay Ethan ay marami na silang nasabi pero kailanman ay hindi sila pinagbuksan ng pintuan ni Ethan. O kahit man lang na pasilipin sa kanyang kwarto kung maayos lang ang kalagayan niya pero ngayong kay Chaaya ay bukas na bukas ang kanyang pintuan sa dalaga. Hindi maiwasan na masaktan ni Ashley sa eksena na iyon, lalong nagiging malinaw sa kanya na mukhang wala na ngang nararamdaman sa kanya si Ethan.  “Good morning!” masiglang bati ni Chaaya kahit na mukhang hindi naman maganda ang gising o ang araw ng binata na kanyang binabati. Hindi maiwasan na bigyan ni Ethan na tipid na ngiti ang dalaga dahil sa ngiti nito na mas masigla pa sa araw sa labas. “Hindi ka ba lalabas?” pagtatanong ni Chaaya kay Ethan. Hindi sumagot ang binata at nakatitig lang ito sa dalaga.  “Hindi ba sabi mo kahapon na aalis tayo?” pagtatanong ni Chaaya tiyaka siya nagmakaawa kay Ethan gamit ang kanyang facial expression dahil ayaw niyang mapahiya sa mga tao sa kanyang likuran. Sinenyas niya rin gamit ang kanyang mga mata ang mga nakaabang na tao sa kanyang likuran kaya bahagyang natawa si Ethan.  “Talaga? Sinabi ko iyon?” pang-aasar na tanong ni Ethan. Sa ganon ay parang gumaan ang pakiramdam ni Ethan. Ngumuso si Chaaya dahil baka ilaglag siya ni Ethan kaya naman kinapalan na niya ang kanyang mukha at tumayo na siya ng tuwid.  “Oo naman! Napaka-makakalimutin mo naman?” pagtatanong ni Chaaya pagkatapos ay humakpang siya palapit kay Ethan at kahit na matangkad sa kanya ang binata ay inabot nito ang kanyang balikat tiyaka niya pinatalikod sa kanya para maitulak niya sa loob ng kanyang kwarto.  “Bilis na, mag-ayos ka na! Pupuntahan pa natin ang nanay mo ngayon!” sambit ni Chaaya habang tulak-tulak niya si Ethan. Bahagyang natawa si Ethan sa ginagawa ng dalaga.  “Chaaya!” agad na agap ni Lucius tiyaka siya sumunod sa loob ng kwarto na pinag-stay-an ng kanyang pinsan ngayong nasa puder siya ng mga ito. “What are you doing?” pagtatanong nito tiyaka niya hinila palapit sa kanya ang dalaga.  “Bakit po? Mag-aayos na po siya kasi aalis po tayo?” inosenteng tanong ni Chaaya kaya naman hinarap sila ni Ethan at binigyan niya ng nang-aasar na ngisi ang kanyang pinsan.  “You don’t need to enter his room.” Paliwanag ni Lucius sa maayos na paraan kahit na hindi na niya maintindihan ang kanyang nararamdaman nang pumasok ang dalaga sa kwarto ng kanyang pinsan.  “Ayaw niya pong kumilos eh!” parang bata na sambit ni Chaaya.  “Papaliguhan at bibihisan mo ba ako?” ngising pang-aasar ni Ethan sa dalaga.  “HA?!” gulat na tanong ni Chaaya. Bahagya siyang namula sa kahihiyan dahil siya ang nahiya sa sinabi ni Ethan.  “Damn you! Asshole!” Pagsagot ni Lucius sa kanya habang nakahawak pa rin sa braso ng dalaga at nasa tabi niya pa rin ito. “Just go and fix yourself!” utos sa kanya ni Lucius.  “Okay! Okay!” pagsuko ni Ethan keysa nandito pa sila sa kanyang kwarto. “Wait for me downstairs.” Umawang ang labi ni Chaaya sa gulat dahil hindi niya inaasahan na makukumbinsi niya si Ethan.  “Talaga?!” gulat na tanong pa nito sa kanya. “Ayaw mo?” pagtatanong ni Ethan sa kanya kaya mabilis na umiling ang dalaga. Hindi man alam ni Chaaya kung ano ang ginawa niya para mapapayag si Ethan pero ang mahalaga ay pumayag na ito.  “Syempre gusto ko!” agap ni Chaaya. “Hintayin ka nami sa baba ah? Huwag mo masyadong tagalan!” agap ni Chaaya sa kanya kaya natawa naman si Ethan.  Naramdaman na lang ni Chaaya ang kamay ni Lucius sa kanyang balikat na galing sa kanyang mga kamay tiyaka niya ito iginaya palabas ng silid ni Ethan.  “Let’s go,” anyaya pa ni Lucius dahil ramdam naman niya na hindi magsisinungaling ang kanyang pinsan kaya hihintayin na nila ito sa baba.  Si Lucius na rin ang nagsara sa pintuan ng kanyang pinsan tiyaka niya hinarap ang kanyang kapatid. Kumunot ang kanyang noo nang makita niya na wala na roon si Ashley.  “Where is she?” nag-aalala na tanong ni Lucius dahil may parte siya na kasalanan kung bakit nadamay ngayon si Ashley. Nagkibit-balikat si Lucas sa tanong ng kanyang kapatid.  “Leave.” tipid na sagot nito dahil iyon lang naman. Ayaw na niyang sabihin kung ano man ang sinabi ni Ashley bago siya umalis kaya sa pinaka-simpleng salita na lang niya sinagot ang kanyang kapatid. Tumango si Lucius sa sinabi ng kanyang nakakabatang kapatid, kakausapin na lang niya siguro ang dalaga sa susunod na pagkakataon.  “Let’s wait for him downstairs.” wika ni Lucius kaya tumango na ang dalawa at sabay-sabay na silang tatlo na bumaba sa sala. Nang nasa sala na sila ay tinanong agad ni Lucas si Chaaya kung paano niya nakumbinsi ang kanyang pinsan nang ganon-ganon na lang. Wala rin naman alam na isagot si Chaaya kung paano niya nakumbinsi kaya sinagot na lang niya na hindi niya alam. Kaya naman doon lang sa kaisipan na iyon umikot ang kanilang topic habang hinihintay nila si Ethan na mag-ayos at magbihis.  “Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bibisita siya sa kanyang ina simula noong namatay ito seven years ago,” sambit ni Lucas na isa pa rin palaisipan sa kanya kung paano nakumbinsi ni Chaaya ang pinsan. Baka may napag-usapan sila kahapon na sila lang ang nakakaalam kaya hindi na niya masyadong kinulit ang dalaga.  “And that’s thanks to you,” ngiti pa ni Lucas kaya ngumiti ang dalaga.  Kahit na bata pa siya noon ay nakita niya kung paano hindi umiyak ang kanyang pinsan sa pagkamatay ng kanyang ina. Blangko lang ang kanyang mata at mukha siyang patay sa katawan ng buhay na tao. Halos hindi rin siya kumakain noon at wala siya sa kanyang sarili. Ang daming nangyari sa Isla sa mga panahon na iyon kaya mas pinanatili ng Senyora na sa loob lang siya ng mansyon dahil bata pa siya at hindi pa nahuhuli ang may gawa noon sa kanyang tiyahin. “Maybe he just made up his mind,” may pait na wika ni Lucius kaya natawa si Lucas sa sinabi ng kanyang kapatid.  “Someone jealous, eh?” pang-aasar pa niya. Hindi na maintindihan ni Chaaya ang usapan ng dalawang magkapatid at mukhang nag-aasar na lang sila kaya napailing na lang siya.  “Just tell Mang Dan to get the car ready,” tamad na utos ni Lucius sa kanyang kapatid kaya tumayo na si Lucas para sundin ang inutos ng kanyang kapatid.  Si Lucius na lang ang naiwan sa sala pero hindi rin nagtagal ay bumaba na ang kanyang pinsan. Pare-pareho lang sila ng aayos na magpipinsan. Naka itim na slacks at kulay puting polo. Ang pinagkaiba nga lang ay nakatupi hanggang siko ang puting polo ni Lucius habang ang dalawa naman ay hindi nila ito itinupi.  “Tara na?!” Agap ni Chaaya dahil baka magbago pa ang isipan ni Ethan kaya tumayo na siya at kinuha ang bulaklak na binili niya.  Sabay-sabay na silang luambas at mabuti na lang ay nakahanda na ang sasakyan kaya naman sumakay na sila roon. Ramdam nila na kabado si Ethan dahil sa buong biyahe ay tahimik lang ang binata. Nasa front seat si Lucas habang pumagitna naman si Lucius sa kanyang pinsan at sa dalaga na si Chaaya. Kaya naman ramdam ni Lucius ang kaba ng kanyang pinsan. Binigay niya ang bulaklak na binili niya kanina sa palengke sa kanyang pinsan—nilagay niya lang ito sa kanyang kandungan kaya nagtataka na tiningnan siya ni Ethan.  “Bro, you’re visiting your mom and you didn’t have anything with you. Tsk.” Sambit nito kahit na ang totoo ay binili niya lang iyon para sa kanyang pinsan dahil alam niya na hindi bibili ang pinsan nito.  Hindi nagsalita si Ethan at tumitig lang siya sa bulaklak na nasa kanyang kandungan. Hindi niya alam kung ano ang pakiramdam na nararamdaman niya. Hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa private cemetery kung saan nakalibing ang kanyang ina. Tahimik lang ang tatlo na bumaba at naglakad sa loob ng sementeryo para pumunta sa libingan ng kailang tiyahin na ina ng kanilang pinsan.  “Senyorito!” salubong sa kanila ng care take care na si Mang Johnny. “Tumawang ang Senyora na dadalaw kayo ngayon.” ngiti niya kaya binati siya ng mga Senyorito.  “Senyorito Ethan, mabuti po at napadalaw kayo sa tagal ng panahon e noon ko pa po kayo hinihintay!” Naiilang na ngumiti si Ethan sa matanda, napansin iyon ni Lucius kaya siya an ang kumausap sa matanda.  Habang binubuksan ni Mang Johnny ang maliit na bahay na naging libingan ng ina ni Ethan ay nagkukuwento ito. Napansin ni Chaaya ang fresh na bulaklak kahit na hindi pa man nabubuksan ay natatanaw na niya ang nasa loob.  “Oh? May dumalaw po ba?” pagtatanong ni Chaaya habang nakaturo sa bulaklak na malapit sa lapida ng ina ni Ethan.  “Ah oo, kaninang umaga lang. Hindi ko siya kilala. Mukha lang siyang pamilyar pero mukhang mabait na bata naman kaya hinayaan ko lang. Nandiyan lang siya kanina, nakaupo at tahimik habang nasa tabi niya ang dala-dala niyang bulaklak. Baka kako kaibigan ng isa sa mga Senyorito o malapit sa namayapa na Senyora kaya binigyan ko na lang siya ng pribadong pagkakataon sa loob ng libingan ng Senyora.” Mahaba na sagot sa kanya ni Mang Johnny.  Nang mabuksan na niya ang pintuan ay hindi muna pumasok ang lahat ay hinihintay nila na si Ethan ang unang pumasok. Napasinghap na lang si Ethan dahil mukhang wala na siyang magagawa kung hindi ang mauna. Sumunod din naman kaagad sa kanya pagkatapos. Walang ano man na salita ang narinig kay Ethan kung hindi puro buntong hininga lang habang nakatingin sa lapida ng kanyang ina.  Maingat na binaba ni Chaaya ang dala-dala niyang bulaklak para sa ina ng kanyang kaibigan. Tinapin ni Lucius ang balikat ng kanyang pinsan tiyaka siya nagpaalam.  “We’ll just stay outside, we will give you some privacy.” Wika nito at wala sa sariling tumango si Ethan.  Lumabas na sila at nagpaalam si Mang Johnny na may lilinisin pa siyang isang puntod kaya tumango sila at nagpasalamat. Habang si Lucas naman ay nagpaalam din sa kanyang kapatid at kay Chaaya na tatawagan niya lang ang kanyang kaibigan.  Nang maiwan ang dalawa ay bahagyang nagpaypay si Chaaya gamit ang kanyang kamay dahil naiinitan na siya. Patirik na rik kasi ang araw kaya umiinit na ang paligid. Ang mabuti na lang ay may mga puno sa sementeryo pero naiiitan pa rin si Chaaya.  “Do you want some ice cream?” pagtatanong ni Lucius sa dalaga nang mapansin niya na naiinitan ito at iyon ang alam niyang pampalamig kahit papaano sa pakiramdam.  “Meron po ba?” pagtatanong ni Chaaya sa binata.  “Yup, I saw a vendor earlier,” sagot ni Lucius. Tinutukoy niya ang nakita niyang nagtitinda ng ice cream kanina sa labas ng sementeryo. “Outside.” tumango si Chaaya dahil bigla niya rin nagustuhan na kumain ng ice cream ngayon.  “Sige po!” sagot nito kaya sabay silang naglakad ni Lucius palabas sa sinasabi niyang ice cream.  Hindi naman kalayuan ang nagtitinda sa gate ng sementeryo kaya naman agad silang nakabili ng isang chocolate ice cream naka na-cone. Pagkatapos nilang bumili ay nagkayayaan muli sila na bumalik sa semenyeryo para tingnan ang kalagayan ni Ethan. Habang naglalakad sila ay kinakain nila ang ice cream na binili nila. “Wait,” sambit ni Lucius nag may mapansin siya sa gilid ng labi ng dalaga. Napatigil si Chaaya sa pagtawa at nagtataka niyag tiningnan ang binata, nagkukwentuhan kasi sila kaya naman nagtaka siya ng bigla niyang sinabi iyon.  “Bakit po?” pagtatanong ni Chaaya habang inosente siyang naphinto at tumingin kay Lucius.  Tama nga ang nakita ni Lucius na mayroong ice cream sa gilid ng labi ni Chaaya. Dahan-dahan na lumapit si Lucius sa dalaga kaya naman biglang kinabahan si Chaaya at na-estatwa na lang siya sa kanyang kinatatayuan. Gamit ang hinlalaki ni Lucius ay pinunasan niya ang gilid ng labi ng dalaga. Napaawang ang labi ni Chaaya dahil nang maramdaman niya ang daliri ng lalaki malapit sa kanyang labi ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng kakaiba at hindi niya alam kung paano maipapaliwanag ang kilabot na naramdaman niya.  Dahil sa pag-awang ng labi ni Chaaya ay hindi maiwasan ni Lucius na tingnan ang labi nito. Kahit na walang nakalagay na kolorete doon ay hindi niya maiwasan na mamangha sa natural nitong pula. Hanggang sa hindi na niya namalayan na dahan-dahan na niyang nilapit ang kanyang mukha sa dalaga dahil gusto niyang maramdaman ang mga labi nito.  Para bang inaasahan na ni Chaaya na gagawin iyon ng lalaki kaya imbis na itulak niya ito ay pumikit siya tiyaka niya hinintay ang labi ng binata sa kanya. Aaminin niya nang lumapit ang mukha ng binata sa kanya ay may kung ano rin sa kanya ang nag-udyok na matikman ang mga labi nito. Kaya naman nang palapit na nang palapit ay pumikit na siya.  Hindi rin nagtagal ay naramdaman na nila ang labi ng isa’t-isa. Kung gaano kalambot ang mga mapupula nilang mga labi at parang tumatakbo sa isang karera ang kanilang mga puso.  They kissed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD