KABANATA 31
Hindi makagalaw si Chaaya nang sandali na naglapat ang labi nila ng Senyorito. Hindi niya maintindihan ang kanyang pakiramdam kung bakit parang nagugustuhan niya ang pakiramdam na naidudulot sa kanya ng halik—hindi man nga lang iyon halik dahil magkalapat lang ang kanilang mga labi ng ilang segundo hanggang sa humiwalay si Lucius.
Bahagyang nalungkot si Chaaya nang lumayo ang lalaki sa kanya. Ang akala niya ay nagulat lang ang Senyorito kung bakit niya iyon nagawa kaya nang humiwalay ito ay hindi siya makatingin sa mga mata nito dahil sa kahihiyan. Mukhang siya lang ay may gusto sa paglapat ng labi nilang iyon.
Pero labis na lang siyang nagulat nang hinawakan ni Lucius ang kanyang pisngi gamit ang kaliwang kamay niya na walang hawak na ice cream at muli niyang hinalikan ang dalaga. Halik nang matatawag iyon dahil gumagalaw na ang mga labi ni Lucius.
Hindi agad nakaresponse si Chaaya sa gulat pero dahil sa pag-awang ng kanyang labi ay malawak na nahalikan ng binata ang dalaga. Nang matauhan na si Chaaya ay pinikit na niya ang namilog niyang mata at dinama ang halik ni Lucius, sinabay na rin niya ang kanyang mga labi sa paggalaw ng mga labi ng binata. Naramdaman niya ang pag-ngiti ni Lucius nang ginawa niya iyon.
Hindi na inalintana ng dalawa ang pagtulo ng kanilang ice cream sa apa dahil natutunaw na ito sa araw. Kahit pa na naramdaman na nila ang lagkit sa kanilang mga kamay ay ipinagpatuloy lang nila ang kanilang halikan. Parang nawalan na sila ng pakialam sa kanilang paligid at nakatuon lang ang kanilang pansin sa palitan nila ng matatamis na halik.
Umawang ang bibig ni Lucas dahil sa nasaksihan habang hawak-hawak niya ang kanyang cellphone sa kanyang kamay. Sinubukan niya kasing tawagan ang kanyang kapatid para makapag-bigay na sila ng respeto sa tiyahin nilang namayapa na at makapagpaalam na. Ang kaso nga lang ay hindi iyon sinasagot ng kanyang kapatid, sinubukan niyang tawagan muli si Suzzie at magtanong kung may number ba siya ni Chaaya ang kaso nga lang ay wala pala itong cell phone. Kaya naman wala siyang ibang choice kung hindi hanapin sa labas ng sementeryo ang dalawa. Malakas ang kanyang kutob na magkasama lang ang kanyang kuya at ang dalaga.
Hindi nga siya nagkamali na magkasama ang dalawa. At hindi niya maiwasan na magulat dahil sa nakita niya. Agad siyang tumingin sa paligid nila kung may iba pa bang tao dahil alam niyang mayayari ang kanyang kapatid sa kanyang ina sa oras na malaman niya ito. Mukhang wala na ngang pakialam ang dalawa sa kanilang paligid kaya lumapit na siya para iparamdam ang presensiya nito.
Tumikhim si Lucas dahil mukhang hindi pa nila naramdaman ang presensya niya kahit na nakalapit na siya.
“Oh my God!” bahagyang napalundag si Chaaya dahil sa gulat kaya agad siyang lumayo kay Lucius.
Nagtiim naman ang bagang ni Lucius dahil nabitin siya sa halikan nilang dalawa. Agad niyang sinamaan ng tingin ang kanyang kapatid tiyaka siya nagkibit-balikat.
“We should pay respect to tita.” walang emosyon na sambit ni Lucas. Tiningnan niya si Chaaya na ngayon ay iniiwasan ang tingin ng dalawang magkapatid dahil sa kahihiyan sa halip ay itinuon niya ang kanyang hawak na ice cream at tahimik niya iyong kinain. Napangisi si Lucas dahil may gagamitin na naman siyang pang-asar sa kanyang kuya.
“Is it delicious, ate Chaaya?” pagtatanong niya kay Chaaya kaya naman kabadong napatingin sa kanya si Chaaya.
“Huh?” gulat na tanong nito at hindi niya maintindihan ang tanong ni Lucas. Sigurado naman siya na nakita niya ang halikan nilang dalawa ng kanyang kapatid kaya mabilis siyang pumikit ng mariin dahil sa kakahiyan sa t’wing naalala niya iyon.
“Stop it, little asshole.” Pambabawal sa kanya ng kanyang kapatid kahit na pumupungay pa ang kanyang mga mata dala sa halikan nilang dalawa ni Chaaya.
“What? I’m just asking if the ice cream was delicious?” tanong na pang-aasar pa ni Lucas.
“Ah opo, masara po!” agap ni Chaaya kaya humagalpak ng tawa si Lucas dahil iba ang kanyang naiisip. Bahagyang napangisi si Lucius sa reaksyon ng dalaga. Habang naiilang na lang napangiti si Chaaya sa reaksyon ni Lucas at sa pag-ngisi rin ni Lucius.
“Talaga? Masarap?” mapaglarong tanong ni Lucius tiyaka niya dinilaan ang kanyang ice cream pagkatapos ay dinilaan niya rin ang kanyang labi habang nakatingin pa rin sa mga labi ni Chaaya. Mas masarap pa ang labi ni Chaaya keysa sa ice cream na kinakain niya.
Naramdaman ni Chaaya na kakaiba na ang ipinapahiwatig ng dalawa kaya napanguso siya tiyaka niya na niyaya ang mga ito.
“Tara na po, Senyoritos, baka kailangan na tayo ni Ethan.” Pagpapalusot niya tiyaka na siya naunang naglakad sa dalawa.
Hindi alam ni Chaaya kung sumunod ba ang dalawa sa kanya pero binilisan na lang niya ang kanyang paglakad habang napapikit at napapailing dahil sa kanyang ginawa. Bakit ba nawala sa isip niya na nasa pampublikong lugar sila? Pero sinasabi niya ba na gusto niya rin gawin iyon sa pribadong lugar?
Mukhang nasisiraan na nga siya ng bait dahil lang sa halik ni Lucius. Iyon ba ang unang halik niya kaya siya nagkakaganito? Ibig bang sabihin non ang unang halik niya ay si Lucius? At ang lalong nakakagulantang ay ang unang halik niya ay nangyari sa sementeryo?!
Ano bang naisip niya kanina at imbis na itulak niya ang senyorito ay mas ginusto niya pa ito na tila uhaw din sa halik? Hindi na niya naisip na baka may ibang makakita sa kanila, hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat na si Lucas ang nakakita sa kanila o dapat ba siyang mahiya dahil nakita lang naman niyang kahalikan ng kapatid ng kaibigan niya ang kanyang kapatid? O dapat nga ba talaga siyang magpasalamat dahil kung hindi dumating si Lucas ay baka hindi pa natigil ang kanilang halikan ni Lucius.
Muli na naman niyang naalala ang mga halik ng binata kaya naman agad niyang pinilig ang kanyang ulo para sana makalimutan na lang niyang nangyari iyon. Pwede kaya na iyon na lang ang makalimutan niya kapalit ng isang ala-ala niya sa nakaraan?
Tuloy-tuloy lang ang pagpasok niya sa maliit na bahay kung saan nakalibing ang ina ni Ethan, nakayuko itong naglalakad kaya naman hindi na niya napansin ang binata na nakaabang sa may pasukan kaya bumunggo ang kanyang ulo sa malapad na dibdib nito.
“Ayos ka lang?” nag-aalala na tanong ni Ethan sa kanyang kaibigan. May nakita siyang basurahan sa tabi at hindi niya alam kung mauubos niya ba ang kanyang ice cream na hindi iiisip ang halik na iyon kaya minabuti na lang niyang itapon. “What’s the problem?” nagtatakang tanong ni Ethan sa dalaga.
“Ah, wa-wala lang.” Muling namula ang pisngi ni Chaaya dahil naalala na naman niya ang nangyari. Kumunot ang noo ni Ethan dahil alam niyang may nangyari sa reaksyon ng dalaga.
“You’re turning red,” puna niya sa dalaga. Halata ang pamumula niya dahil sa maputi niyang balat.
“Huh?” nagtatakang tanong ni Chaaya. Tinuro ni Ethan ang sarili nitong pisngi kaya naman napahawak si Chaaya sa magkabilang pisngi niya. “Your cheeks are red.”
“Huh?” hindi niya alam kung ano ang palusot na sasabihin niya sa binata. “Ah!” naiilang pa siyang tumawa bago niya masabi ang palusot nito sa binata. “Ma-mainit kasi! Naarawan ako. Whooh.” Pag-iinarte niya tiyaka pa niya pinunasan ang kanyang noo gamit ang kanyang kamay kahit na wala naman siyang pawis doon.
“You didn’t bring an umbrella?” pagtatanong ni Ethan. “Where did you go?” muling pagfatanong pa niya dahil bahagya siyang nag-alala sa dalaga.
“Di-diyan lang,” sambit niya. “Bumili ng i-ice cream.” Hirap pa siyang banggitin ang ice cream nang walang naalalang kahihiyan. Napatango si Ethan sa paliwanag ng dalaga sa kanya.
“Next time, bring an umbrella.” Wika nito sa dalaga. “Ang dali pa naman mamula ng balat mo.” puna niya kaya agad na tumango si Chaaya.
Narinig nila ang tawa ni Lucas kaya napatingin sila sa magkapatid na sabay maglakad habang walang reaksyon lang sa kanyang gilid si Lucius—mukhang naubos na niya ang kanyang ice cream dahil wala na siyang hawak-hawak. Habang ang kanyang nakakabatang kapatid naman ay tumatawa na para bang inaasar siya nito. Nang magtama ang paningin nila ni Lucius ay namilog ang kanyang mga mata at agad din naman siyang umiwas ng tingin dahil mukhang alam na niya kung ano ang ginagamit ni Lucas para asarin ang kanyang nakakatandang kapatid.
“Seriously dude?” hindi makapaniwala na tanong ni Ethan sa kanyang pinsan na si Lucius. “You want me so bad to visit my mom and yet you didn't pay respect to her?” sarkastikong tanong ni Ethan nang makalapit na ang dalawang magkapatid sa kanya.
Umusog naman ng kaunti si Chaaya hanggang sa mapunta siya sa likuran ni Ethan dahil nahihiya pa rin siyang harapin ang lalaki maging ang kapatid nito. Sino ba namang hindi mahihiya kung meron pa lang nanonood sa kanila.
“He’s doing kind of important matters, kuya.” Narinig ni Chaaya na si Lucas ang sumagot kay Ethan at ramdam niya ang mapaglarong boses ng binatilyo.
Hindi niya alam kung nakailang beses na siyang pumikit ng mariin at halos sabunutan na niya ang kanyang buhok dahil sa kahihiyan. Mabuti na lang at hindi nakita ng tatlo ang kanilang reaksyon dahil nasa likod siya ni Ethan na mukhang batang nagtatago.
“Shut it,” pikon na wika naman ni Lucius sa kanyang kapatid.
Luminga siya para tingnan si Chaaya at suminghap siya nang makita niya ang dalaga na pinagsisiksikan ang kanyang sarili sa likod ni Ethan para hindi siya makita pero nakita na niya ito. Suminghap si Lucius tiyaka siya lumapit sa dalaga, muntik na naman mapatalon sa gulat si Chaaya ang maramdaman niya ang paghawak ni Lucius sa kanyang kamay pagkatapos ay pinunasan niya ang mga palad nito sa panyong dala-dala niya na medyo basa. Pinilit niyang huwag mapagiti kaya napanguso na lang siya dahil malagkit ang kanyang mga kamay dulot ng pagtunaw ng ice cream.
May nadaanan kasi na gripo kanina sina Lucius at naghugas siya ng kamay. Naalala niya na tumulo rin sa kamay ni Chaaya ang ice cream kanina kaya alam niyang malagkit din ang mga kamay nit. Mabuti na lang at may dala siyang panyo kaya naman binasa niya ito para ipahid sa kamay ng dalaga nang sa gayon ay mawala ang lagkit sa kamay nito.
Nang matapos si Lucius ay natahimik silang apat habang nakatingin sa puntod ng yumaong Senyora. Si Lucas ang nagsimulang magsalita dahil kinuwento niya ang kanyang pinsan na si Ethan, sinegudahan naman ni Lucius ang kanyang kapatid sa pamamagitan ng pagsabi ng mga bagay na hindi maganda kay Ethan kaya binabawalan ni Ethan ang dalawa niyang pinsan dahil alam niya na hindi matutuwa ang kanyang ina kung buhay man siya ngayon sa mga ginawa niya sa buhay.
Hindi naman maiwasan na mapangiti ni Chaaya habang pinagmamasdan ang tatlong lalaki na nag-aasaran. At lalong hindi niya mapigilan na maging masaya dahil pagkatapos ng pitong taon ay nabisita ni Ethan ang kanyang ina. Mula sa mga nag-aasaran na lalaki ay lumipat ang tingin ni Chaaya sa lapida tiyaka siya matamis na ngumiti. Hindi man niya nakilala ang yumaong Senyora ay malakas ang kanyang kutob na mabait itong tao dahil mabait ang kanyang anak. At kahit na isang araw pa lang nakilala ni Chaaya ang bago niyang kaibigan ay alam niyang mabuting anak at mabuting kaibigan si Ethan.
Kalahating minuto lang din ang tatlong lalaki na ganoon at kalahating minuto lang silang pinapanood ni Chaaya hanggang sa nagpaalam na sila. Nagpasalamat sila kay Mang Johnny at binigyan pa ni Ethan ng pag-miryenda ang matanda. Hindi siya makapaniwala na ang pang-miryenda na binigay ni Ethan ay mahigit isang linggo na nila ng pagkain ng kanyang pamilya.
“May pupuntahan pa ba kayo?” pagtatanong ni Ethan sa kanyang mga kaibigan.
“Let’s eat lunch first,” anyaya naman ni Lucius habang hinihintay nila ang kanilang driver sa labas ng semeteryo.
Alam ni Lucius na wala pang kain ang dalaga kaya naman kakain muna sila bago sila umuwi. Mukhang kaninang madaling araw pa siya kumain dahil sa buong oras na kasama niya ito ay wala man lang siyang kinain. Maging nang nasa mansyon sila ay w ala man lang siya ininom o kinain kaya hindi maiwasan na mag-alala ni Lucius dahil baka hindi kumakain sa tamang oras ang dalaga.
“Ah, mauna na po ako sa bahay.” paalam ni Chaaya dahil kaya naman niyang mag-abang ng tricyle. Pero tiningnan siya ni Lucius kaya muling umiwas ng tingin si Chaaya dahil hindi niya pa kayang tingnan ang binata pagkatapos ng nangyari.
“No, you will eat with us.” deklara ni Lucius na para bang wala na siyang magagawa doon kung hindi ngumuso na lang.
“Busog pa po ako,” paliwanag ni Chaaya dahil iyon ang totoo. Hindi nga niya alam kung bakit parang sanay ang kanyang katawan na nalilipasan ng gutom kaya hindi siya mabilis na magutom.
“You didn’t eat anything, Chaaya.” wika ni Lucius sa dalaga. Tiyaka na nila natanaw ang kanilang sasakyan kaya mukhang wala ng pag-asa si Chaaya kung hindi ang sumunod sa gutso ng Senyorito.
Kanina pa napapansin ni Ethan na hindi makatingin ang una niyang kaibigan sa isla ngayong nakabalik na siya sa kanyang pinsan. Bigla siyang nagtaka kung ano ba ang nangyari sa dalawa kung bakit ganon na lang ang galawan nila.
Maging nantg nasa loob na sila ng sasakyan ay ilag si Chaaya kay Lucius kahit na siya ang katabi nito. Iniiwasan niyang magdikit ang kanilang mga balat dahil para bang nakukuryente si Chaaya kapag dumadapo ang mga balat nila kahit na aksidente man lang at sa tingin niya ay hindi maganda iyon. Habang napapangisi na lang si Lucius sa kanyang tabi dahil ramdam niya ang kaba ng dalaga.
Isa lang ang ibig sabihin non na apekatado siya sa halikan nilang dalawa.
Hindi maintindihan ni Lucius kung bakit na lang siya napapangiti bigla dahil sa reaksyon at kilos ng dalaga.
Hanggang sa makarating na sila sa restaurant at nag-order na sila ng kanilang kakainin. Halos hindi naman maka-order si Chaaya dahil kulang ang dala niyang pera para sa isang meal. Nasa mamahaling restaurant na naman sila kaya naman hindi pasok sa kanyang budget iyon. Ang tanging kaya lang ng kanyang bulsa ay isang shake.
“Just choose whatever you want,” wika ni Lucius na nasa kanyang tabi habang nagbabasa rin ng menu at nasa tapat naman niya si Ethan na katabi si Lucas.
Naramdaman ni Lucius na mukhang nag-alinlangan ang dalaga sa pagpili niya ng kanyang pagkain kaya niya sinabi iyon.
“Don’t worry, ate Chaaya. Its Ethan's threat!” masiglang wika naman ni Lucas dahil napansin niya rin ang pag-alinlangan sa dalaga. Kahit na hindi pala sila tunay na magkapatid ni Suzzie ay may pagka-pareho sila. Kung hindi lang sinabi ni Suzzie sa kanya ang totoo ay aakalain niya talaga na magkapatid sila.
Sa huli ay pinili na lang ni Chaaya kung ano man ang pinili ni Lucius. Kumain lang sila habang nagkukwentuhan din at pilit siyang sinasali sa usapan ng tatlo kaya naman hindi niya naramdaman na kakaiba siya sa tatlo hanggang sa hinatid na nila ito sa kanilang bahay.
Nagpaalam na at nagpasalamat si Chaaya sa tatlong Senyorito.
“Sige na pumasok na kayo,” utos ni Lucas sa dalawang nakakatanda sa kanya. Nagtaka ang dalawa dahil sa panunulak ng batang Senyorito sa kanila papasok ng sasakyan. “May sasabihin lang ako kay ate Chaaya.” wika nito.
“Lucas.” Lucius warned him.
“It’s not about you, kuya.” sagot nito habang tinutulak niya pa ang dalawa papasok. “Okay fine, I need to talk to her about Suzzie. Enough? Go inside.”
Muling nagpaalam ang dalawa kay Chaaya kaya kinawayan niya ito pagkatapos ay sinara na ni Lucas ang pintuan ng kanilang sasakyan tiyaka siya mabilis na lumapit kay Chaaya.
“Ate Chaaya, I don’t want to do this but,” kumunot ang kanyang noo dahil sa biglaang sabi ni Lucas sa kanya at bahagyang kinabahan kung ano man ang sasabihin nito. “I need to blackmail you.”
“Ha?!” gulat na tanong ni Chaaya kay Lucas dahil baka naman pinagtripan lang siya ng binata.
“I won’t tell anyone about the kiss earlier,” muling namula ang pisngi ni Chaaya dahil sa sinabi ni Lucas at muli niyang naalala ang nagyari kanina. “But in one condition.”
“What is it?” pagtatanong ni Chaaya dahil ayaw niya na may ibang makaalam noon lalo na ang kanyang kapatid dahil nahihiya siya sa nangyari. At malalaman ng kanyang mga magulang iyon. Sinabi pa naman ng kanyang ina na ayos lang na maging malapit siya sa Senyorito pero walang mamagitan sa kanilang dalawa.
“Make Suzzie come on my birthday.”