KABANATA 32
Hindi maintindihan ni Chaaya si Lucas kung ano ang ibig niyang sabihin doon. Hindi ba sila magkasama ng kanyang kapatid t’wing kaarawan niya? Ang alam niya ay magkaibigan sila kaya normal lang naman na bumibisita ang kanyang kaibigan sa araw ng kanyang kaarawan. Pero kahit na anong isipin ni Chaaya ay hindi niya maalala ang dahilan kung bakit hindi pumupunta si Suzzie sa kaarawan ng kanyang kaibigan, siguro ay isa iyon sa mga ala-ala na kanyang nakalimutan.
Hindi niya maiwasan malungkot dahil isang buwan na ang nakalipas simula noong nawalan siya ng ala-ala pero kahit kailan ay hindi man lang niya naalala kung ano ang buhay nila noon o wala man lang siyang naalala sa kanyang nakaraan. May pag-asa pa kaya na maalala niya ang mga ala-ala niya? O katulad na lang ito ng isang bagay na nahulog sa dagat na kapag inalon na ng mga malakas na alon ay hindi na muling makikita?
“Hoy gaga!” muntik mahiwalay ang kanyang kaluluwa dahil sa gulat nang sigawan at hawakan siya bilang bati ni Angela kaya naman natawa is Angela sa kanya. “Gulat na gulat ka ah? Nakakita ka ba ng multo?” pagtatanong sa kanya ni Angela. “Sa ganda kong ito, mapagkakamalan mo akong multo?! Tiyaka tanghaling tapat oh!” maingay na wika nito habang nakaturo sa tirik na tirik na araw.
“Saan ka galing?” pagtatanong niya sa kanyang kaibigan. Nakasuot ito ng short na maong tiyaka iang white blouse habang nakasakbit sa kanyang katawan ang kanyang body bag.
“Naghahanap buhay,” prenteng sambit ni Angela. “Bakit? Miss mo na agad ako?” Sinakbit agad ni Angela ang kanyang braso sa braso ni Chaaya tiyaka sila sabay na lumapit sa kanilang bahay na magkatabi lang at may konting espasyo lang sa gitna.
“Kahit mag kapit-bahay tayo ay hindi nagtutugma ang schedule natin ah? Ganto ba kapag tumatanda na?” tama naman ang sinabi ni Chaaya dahil hindi sila magkita-kita kahit na mag kapit-bahay lang sila.
“May nahanap ka na bang trabaho?” naalala niya ang isang gabi na nag-usap sila, sinabi sa kanya ni Angela na kailangan niyang maghanap ng trabaho dahil sa may sakit niyang ina at para makapag-ipon na rin siya sa susunod na taon na papasok na siya sa kolehiyo.
“Hmmm. Maghihintay daw ng tawag,” malungkot na wika ni Angela tiyaka sila umupo sa kahot nilang upuan sa tapat ng bahay nila Chaaya. “Pero hindi na ako masyadong umaasa, masyadong gasgas na ang linya na iyon.”
“Malay mo naman may tumawag diba? Huwag ka agad mawalan ng pag-asa!” pag-engganyo ni Chaaya sa kanyang kaibigan.
Mukhang malungkot kasi siya ngayon, siguro ay pagod na rin siya sa paghahanap ng trabaho, inaalagaan niya pa ang kanyang ina at minsan ay naririnig niya pa na nag-aaway silang magkapatid. Hindi naman kasi ganon kalawak ang espasyo sa kanilang bahay para hindi niya ito marinig tiyaka isa pa, maririnig niya talaga ito dahil halos mag-sigawan na silang dalawang magkapatid.
“Hay nako! Sana nga,” buntong hininga ng kanyang kaibigan.
“Baka siniraan na naman ako ng mga inggiterang kapit-bahay sa pinag-apply-an ko! Porket ba ganito ako magdamit, pokpok na agad?!” ranta pa ni Angela dahil malakas ang kanyang kutob na sinisiraan siya ng ibang mga tao dahil na rin hindi gusto ng mga ka-edad niyang babae ang kanyang sigla o kaya naman ay ang abilidad niya sa pakikipag-kaibigan habang ang mga matatanda naman ay ayaw siya dahil sa tabil ng kanyang dila at sa mga sinusuot niya.
“Ikaw, bakit ngayon ka lang? Halos kakatapos lang ng tanghalian ah? Saan ka galing?” pagtatanong ni Angela tiyaka pa siya napatingin sa suot ng kanyang kaibigan na kulay puting duster.
“Diyan lang,” sambit ni Chaaya tiyaka siya umiwas ng tingin sa kanyang kaibigan dahil may naalala naman siya na ayaw niyang maalala dahil kapag naalala niya iyon ay hindi niya maiwasan na mamula ang kanyang pisngi at halata sa kanyang kutis iyon.
“Anong diyan lang? Maliit ang Isla kumpara sa mga probinsya pero malawak din ito kahit papaano no!” Dapat ay masanay na siya sa kaingayan ng kaibigan pero hindi niya maiwasan na mapangiwi kapag nagsasalita ito.
“May tinatago ka ba sa akin?” pagtatanong muli ni Angela tiyaka niya sinubukan na hulihin ang mga tingin ng kanyang kaibigan. Pilit naman iniiwasan ni Chaaya ang tingin ni Angela sa kanya na halos magdikit na ang kanilang mga mukha kaya lalo siyang umiwas ng tingin sa kaibigan.
Lumayo si Angela tiyaka siya tumatangong, “May tinatago ka nga.”
“Huh? Wala ah,” pagtanggi ni Chaaya.
“Parang others ‘tong si Chaaya oh!” eksaheradang sambit ni Angela. “Ano nga iyon? Saan ka ba galing?” Bahagyang napanguso si Chaaya dahil nakonsensya siya ng kaunti dahil nagsisikreto siya sa kanyang kaibigan gayong walang pag-alinlangan na sinasabi sa kanya ng kaibigan ang kwento ng kanyang buhay.
“Sa sementeryo,” sagot ni Chaaya tiyaka siya muling umiwas dahil naalala na naman niya ang unang halik niya tapos sa ganoong lugar pa!
“Sa sementeryo lang pal-” ilang segundong natahimik si Angela bago niya maunawaan ang kanyang kaibigan. “Ha?! Sa Sementeryo?! Anong ginawa mo roon?!” pagtatanong ni Angela na muntik nang umabot sa kabilang baranggay ang kanyang boses.
Dahil sa kanyang sigaw ay kumunot ang noo ni Suzzie na nasa loob ng kanilang bahay at kakatulog lang sana. Wala siyang magawa kung hindi bumangon at tingnan niya kung ano ang sigaw na narinig niya mula sa labas ng kanilang bahay dahil baka may p*****n na pala ay tulog pa rin siya. Pagkabukas niya ng pintuan ay inaantok niyang tiningnan ang kanyang kapatid at ang kaibigan nitong maingay na si Angela.
“Kayo lang pala,” inaantok na sambit pa nito.
“Oo kami lang ‘to, Suzzie. Huwag ka na kabahan at matulog ka na ulit sa loob!” utos sa kanya ni Angela dahil nakita niyang pagod ang bata kaya pinapabalik niya na lang ito sa pagtulog. Nanggugulat naman kasi ang kanyang kaibigan kaya siya napasigaw.
“Hindi ko na isasara itong pinto, ate.” Wika niya sa kanyang kapatid kaya tumango si Chaaya at pinapasok na niya muli ang kanyang kapatid sa kanilang bahay para makatulog na siya. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Chaaya na nagtatrabaho ang kanyang kapatid habang nag-aaral.
“Hay nako, ang sipag din niyang si Suzzie. Nakakaawa ang mga mahihirap dito sa Isla dahil hindi man lang nila naranasan kung ano ang buhay ng isang kabataan na walang inaalalang gastusin para sa kakainin nila sa susunod na bukas.” Buntong hininga ni Angela dahil nararanasan din naman niya ang naranasan ni Suzzie at kailangan niya pang huminto sa pag-aaral dahil walang-wala na talaga silang pera.
“Anyway, bakit ka nga pala nasa sementeryo? May trabaho ka ba roon? Baka kailangan pa nila ng taga-linis ng puntod? Hindi naman ako maarte!” sunod-sunod na sabi ni Angela.
Wala rin naman kasi silang choice kung hindi tanggapin ang kahit anong trabaho—wala naman silang karapatan na mamili dahil hindi rin naman siya nakapagtapos at wala naman siyang maipe-presentang diploma na may degree siyang natapos para mag-demand pa ng trabaho. Kung ano ang nandiyan na trabaho ay iyon ang papasukin niya para may pangkain sila sa araw-araw na pamumuhay at paggamot pa sa kanyang ina.
“Hindi, may binisita lang.” sagot ni Chaaya.
“Binisita? Sino?” takang tanong ni Chaaya. Bahagya tuloy siyang napaisip sa tatlong buwan niya na nawala sa Isla kung meron bang namatay na kamag-anak ang pamilyang Santos pero wala naman siyang naririnig sa mga kapit-bahay din nilang chismosa kaya napapaisip siya kung sino ang binisita ni Chaaya.
“Ah iyong ina ng kaibigan ko.” pagkwento ni Chaaya.
“May kaibigan ka pa? Pwera sa akin?” pagtatanong ni Angela. “Wala naman akong nakikita-” biglang napahinto si Angela dahil isa lang naman ang malapit sa kanya. “Si Senyorito Lucius?” pagtatanong niya pero bahagya siyang nagtaka dahil hindi naman patay ang Senyora, kaya pa nga siyang patayin ng Senyora sa lakas nito kaya imposibleng ina ng Senyorito Lucius ang dinalaw nila na puntod.
“Gaga! Buhay pa ang Senyora ah!” pagsalungat agad ni Angela sa kanyang sinabi.
“Hindi naman kasi ang Senyora,” wika ni Chaaya. Bahagyang napailing sa kanyang kaibigan dahil pinapatay na niya ang taong buhay pa.
“Oh edi sino?” pagtatanong ni Angela sa kanyang kaibigan.
“Ina ni Ethan.”
“Wait, kaibigan mo si Senyorito Ethan?”
“Oo, kahapon lang. Mabait naman siya.” sagot ni Chaaya. “Kilala mo siya?” pagtatanong ni Chaaya.
“Oo, matagal na siyang hindi bumibisita dito ah? Hindi ko na rin mabilang ang mga taon na hindi ko siya nakita sa Isla.” pagkwento ng dalaga. Nasabi na sa kanya ni Etha iyon na kailanman ay hindi siya umuwi ng Isla pagkatapos na mamatay ng kanyang ina. “Teka,” sambit ni Angela habang inaalala kung kailan niya huling nakita ang Senyorito Ethan sa Isla.
“Sa tingin ko ang huling kita ko sa kanya dito ay noong Senior High School pa ako,” wika niya. “Hindi ko na maalala, sobrang tagal na rin non kasabay nong insidente ng kanyang ina na talaga naman naging usap-usapan sa Isla ng ilang buwan.” kumunot ang noo ni Chaaya sa sinabi ni Angela.
“Insedente?” takang tanong niya sa kanyang kaibigan.
“Oo, kung ano ang kinamatay ng Senyora—ang kanyang ina. Isang isyu sa Isla iyon at iyon ang nagpa-ingay sa tahimik na Isla.” pagkwento sa kanya ni Angela. “Hindi ba nakuwento sa’yo ng Senyorito Ethan iyon?” pagtatanong ni Angela sa kanyang kaibigan dahil mukhang walang ideya si Chaaya doon.
“Hindi eh,” sagot ni Chaaya at hindi niya maiwasan na makuryoso kung ano man ang nangyari noon.
“Wala ka ba noon dito? Sabagay, halos ngayon lang din nga kita napansin sa Isla eh.” sambit ni Angela. “Tiyaka, baka hindi sinabi ni Senyorito Ethan sa iyo dahil hindi pa siya handa na alalahanin ang nangyari sa kanyang ina. Masyadong dramatic iyon!” Napatango si Chaaya sa sinabi ng kanyang kaibigan.
“Siguro nga hindi pa siya handa na sabihin iyon,” dahil maalala niya panigurado ang sakit na naidulot sa kanya ng insidenteng iyon.
“Oo talagang hindi pa siya handa lalo na at isa sa dahilan ay ang babaeng mahal niya!” kumunot ang noo ni Chaaya sa sinabi ni Angela. “Hindi rin ba niya nakwento iyon? Kalat sa Isla ang pag-iibigan nila kahit na binabawalan sila ni Senyor Elliot—ang kanyang ama.”
“Wala man siyang nabanggit sa akin,” kung ganon pala ay doble-doble ang sakit na natamo ni Ethan nang mga taon na iyon.
Hindi niya maiwasan na isipin kung nasaan kaya siya nang mga panahon na iyon? Nasasayangan siya na wala man lang siya sa tabi ni Ethan noon at hindi man lang sila nagkakilala ng mga panahon na iyon nang sa gayon ay gumaan kahit papaano ang nararamdaman ng kanyang kaibigan. Kahit na hindi pa niya alam ang buong istorya ay nararamdaman na niyang mabigat ang pinagdaanan ng kanyang kaibigan noon, kaya naman pala hindi niya kayang harapin ang kanyang ina sa pitong taon. Ang buong akala niya lang ay sinisisi lang ni Ethan ang kanyang sarili at hindi pa siya nakakaalis sa stage kung saan naghahanap siya ng sisihin sa pagkawala ng kanyang ina.
“Gusto mo bang i-kwento ko sa iyo?” pagtatanong ni Angela sa kanyang kaibigan pero mabilis na umiling si Chaaya.
“Hindi ayos lang. Kapag handa na lang si Ethan, masasabi naman niya siguro sa akin.” Wika nito. Ayaw niya na pag-usapan ang kanyang kaibigan na hindi man lang niya nalalaman dahil hindi niya maiwasan na makonsensya. Nirerespeto niya ang pribadong buhay nito at kung ano ang kinuwento ng binata sa kanya ay iyon ang kanyang tatanggapin at papakinggan.
“Sabagay,” sambit ni Angela. “Parang nakita ko nga kanina sa may palengke iyong babaeng una niyang minahal. Batchmate ko kasi iyon kaya kilala ko. Pero imposible naman na babalik siya sa Isla pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pamilya nila at sa pamilya nina Ethan. Baka kamukha niya lang.” wika pa ni Angela habang inaalala niya ang babae na nakita niya kaninang umaga sa palengke, bumibili ito ng bulaklak sa halos kakabukas lang na flower shop.
“Sige, panigurado ay makalat na naman ang bahay kaya kailangan ko munang maglinis at makapag-siyesta na ako.” paalam ni Angela tiyaka siya tumayo kaya tumayo na rin si Chaaya at nagpaalam na rin sa kanyang kaibigan.
Kinabukasan ay nagising si Chaaya dahil sa ingay ng kanilang sala. Mukhang nasa sala ang kanyang kaibigan at kausap nito ang kanyang ina. Naririnig lang niya na binabawalan ng kanyang ina na mag-ingay ang kaibigan nito habang pinapaliwanag nito na tulog pa siya. Wala na ang kanyang kapatid sa tabi nito at mukhang nagising na.
Linggo ngayon at walang pasok ang kanyang kapatid at wala rin naman silang pasok ng kanyang ina sa mga Agravante. Ang kanyang ama naman ay naghahanap-buhay sa talyer t’wing linggo dahil hindi naman sapat ang kanyang kinikita sa pangingisda at ssa sideline niya sa planta ng mga Agravante.
Umupo na siya mula sa pagkakahiga at sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay dahil mukhang kailangan na niyang labasan ang kanyang kaibigan na si Angela bago niya pa magising ang lahat ng kanilang mga kapit-bahay at maging ang kabilang baranggay. Tiningnan niya ang maliit at bilog na relo sa study table ng kanyang kapatid at nakita niyang alas siyete y media pa lang ng umaga pero nambubulabog na ang kanyang kaibigan.
“Hintayin mo na lang muna siyang magising, Angela. Pagod siya sa buong linggo na pagtatrabaho,” wika ni Susan sa kaibigan ng kanyang anak.
Alam naman ni Susan na hindi sanay si Chaaya sa mga ganoong trabaho kaya naman hinayaan niya ang kanyang anak-anakan na magpahinga kahit na isang araw lang dahil ayaw niya itong mabinat. Noong mga unang linggo niya sa Isla ay hindi niya ito masyadong pinagtatrabaho dahil baka mabinat ito pero ngayon ay halos kumakayod na rin ang kanyang anak-anakan at hindi niya maiwasan na makonsenya dahil alam niya na hindi naman ganito ang buhay na kinagisnan ni Chaaya.
Natatakot lang din naman sila na hanapin ang tunay na pamilya ng dalaga dahil nag-aalala sila na kapag pinaalaam sa bansa ang kalagayan ni Chaaya ay baka mabalitaan pa ng tao na gumawa sa kanya ng krimen na iyon tiyaka siya susundan nito sa Isla para muling saktan ang dalaga. Ayaw naman nilang mangyari iyon.
Kaya t’wing gabi ay pinag-uusapan ng mag-asawa kung ano ang mas makakabuti sa dalaga at napagdesisyunan nila na dito muna siya sa Isla at huwag ipaalam kahit kanino ang totoo niyang pagkatao dahil delikado na at baka balikan pa siya ng taong may gawa noon tiyaka baka makasama lang sa kanya kapag nabigla ang kanyang ulo na alalahanin ang mga bagay-bagay. Sinabi naman ng doctor na masama sa kanya kapag pinilit niyang alalahanin ang mga nabura niyang ala-ala at malaki ang tiyansa na hindi na ito bumalik.
“Good morning,” bati ni Chaaya pagkalabas niya ng kanilang kwarto. Napabuntong hininga na lang Susan dahil mukhang wala na siyang magawa at nagising na ang kanyang anak-anakan. Nanonood lang naman ng telebisyon ang kanyang kapatid sa sala.
“Hay nako! Ayaw ka pagising ni aling Susan!” sambit agad ni Angela na tila nagsusumbong sa kanyang kaibigan.
“Pagod nga kasi,” paliwanag ni Susan sa kaibigan. Masaya naman siya na may kaibigan ang kanyang anak at masaya na rin siya na nakatagpo ng kaibigan si Angela dahil hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na ayaw sa kanya ng mga ka-edaran nito.
“Eh kailangan nga pong gisingin,” pakikipag-kulit ni Angela.
“At bakit naman, aber?” tanong ni Susan sa dalaga.
“Kasi nga po naghihintay po si Senyorito Lucius sa labas!” napatigil si Susan sa sinabi ni Angela.
“Huh?!” gulat na tanong naman ni Chaaya at litong-lito kung bakit nasa labas ang Senyorito.
“Nasa labas ang Senyorito at sinusundo tayo dahil may ibibigay daw na sideline sa atin na siya namang utos ng Senyor!”