KABANATA 33
Pagod na naupo si Dylan sa kanyang upuan sa kanyang opisina. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Nawawala ang kanyang mag-ina—ni hindi man lang siya nakarinig ng isang salita sa mahigit na isang buwan na pagkawala. Halos mawalan na siya ng ganang mabuhay sa kaisipan na may nangyari nang masama sa kanyang mag-ina. Hindi lang iyon dahil nagkaka-gulo na sa kumpanya nila dahil sa pagkawala ng kanyang asawa, tama nga na malaking kawalan ng kumpanya kapag hindi pumasok ang kanyang asawa kagaya na lang ngayon na siya ang lahat ng sumasalo ng gampanin ng kanyang asawa.
Dagdag pa ang pressure ng mga magulang niya na hanapin ang kanyang mag-ina, kung siya lang naman ang tatanungin ay gustong-gusto na niyang makita si Chaaya, gusto na niyang masilayan sa dalawang mga mata niya na ayos lang ang dalaga at walang nangyaring masama sa kanya. Pagod na siya sa gabi-gabing hindi siya makatulog dahil sa pag-alala at kung ano-ano ang mga senaryo na pumapasok sa kanyang utak na maaring mangyari sa kanyang asawa at sa anak niya na hindi pa nasisilayan ang mundo.
Walang gabi na hindi niya sinisi ang kanyang sarili sa biglaan na pagkawala ng kanyang asawa na maging ang kanyang kaibigan na eksperto sa kanyang propesyon ay hindi man lang mahanap ang kanyang asawa o wala man lang makitang kahit na anong ebidensya kung saan man siya huling nakita. Halos masiraan na siya ng bait sa kakaisip kung saan niya pwedeng hanapin ang kanyang asawa dahil wala man lang kahit na maliit na detalyeng magbibigay sa kanya kung paano niya hahanapin ang kanyang mag-ina.
Umayos siya ng pagkakaupo nang marinig niya ang katok sa kanyang pintuan at inusog niya ang kanyang swivel chair papalapit sa lamesa para maipatong niya doon ang dalawa niyang kamay habang hinihintay niyang pumasok kung sino man ang nasa labas nito. Halos mapabuntong hininga na lamang siya nang makita niya ang kanyang mga biyenan na papasok sa kanyang opisina pero tinatagan niya ang kanyang loob.
Mabuti na lang at binuksan niya ang tatlong butones ng kanyang kulay puting polo kung hindi ay baka mahirapan siyang huminga dahil para na siyang sinasakal ng mga tao sa kanyang paligid para lang mahanap na niya si Chaaya.
“Ma, Pa,” bati niya sa kanyang biyenan tiyaka siya tumayo para magbigay ng respeto.
Umupo ang biyenan niyang babae sa sofa nang hindi man lang siya tinitingnan. Samantala ang biyenan niya namang lalaki ay nanatiling nakatayo tiyaka niya ito sinenyasan na maupo sa sofa na nasa tapat nila na nasa loob ng kanyang opisina.
Huminga ng malalim si Dylan tiyaka niya sinunod ang utos ng kanyang biyenan na lalaki. Umalis siya sa kanyang upuan tiyaka siya pumunta sa sofa para maupo doon habang katapat niya ang kanyang babaeng biyenan na hindi mo makikitaan ng emosyon ngayon.
“Are you really not aware where my daughter is?” agad na pagtatanong ni Charlene—ang ina ni Chaaya. Hindi na niya binati ang kanyang manugang at nagpatuloy na siya kung ano man ang sadya niya dito.
“We still don't have any lead about her, as of the moment, mama. But I promise you that we’re doing our best to find my wife—your daughter.” paliwanag ni Dylan.
Hindi na nga niya matandaan kung ilang beses na niyang sinabi ang linyang iyon sa harapan ng kanyang biyenan kaya hindi niya maiwasan na mahiya dahil alam niyang nag-aalala na rin ang mga magulang ni Chaaya sa mahigit isang buwan nilang hindi nakikita ang kanilang anak.
“Did you count on how many times you said that?” muling pagtatanong ni Charlene gamit ang mataray niyang boses.
“I’m sorry, mama.” hingi ng pasensya ni Dylan tiyaka niya bahagyang niyuko ang kanyang ulo dahil wala na siyang maipakitang mukha sa kanyang biyenan.
“Did you say sorry because you’re sincere or because you’re guilty?” muling pagtatanong ni Charlene kay Dylan at sa pagkakataon na ito ay hindi maiwasan na itaas muli ni Dylan ang kanyang ulo para tingnan niya ang kanyang mga biyenan sa harapn niya kung ano ang pinapahiwatig nila.
“What do you mean, mama?” pagtatanong nito na nalilito sa inaasal ng kanyang biyenan. Inirapan lang siya ni Charlene kaya tiningnan niya ang ama ni Chaaya na si Charlie kung ano ang ibig sabihin ng biyenan niyang babae. “Pa?” pagtawag niya pa dito.
Tumikhim si Charlie at umayos siya ng upo bago siya magsalita.
“Nag-usap kami ng mga kasambahay niyo,” kumunot ang noo ni Dylan kung ano naman ang kinalaman ng sinabi ng kasambahay nila para tarayan siya ng kanyang biyenan. “Sinabi nila na madalas daw kayong mag-away ni Chaaya bago siya mawala.”
“And?” pagtatanong ni Dylan. “We’re having a misunderstanding like a normal couple do. I am afraid that overwork will harm her and our child.” paliwanag ni Dylan dahil alam niyang iyon lang ang madalas na pag-awayan nilang mag-asawa.
“Are you sure that you didn’t keep her away from us? From her work?” umawang ang labi ni Dylan sa paratang sa kanya ng kanyang babaeng biyenan.
Hindi siya makapaniwala na pinagbibintangan siya ngayon na tinatago niya ang kanyang asawa para lamang hindi siya makapag-trabaho. Hindi siya makapaniwala na kaya siyang pag-isipan ng ganon ng kanyang mga biyenan. Ni hindi man nga sumagi sa kanyang isipan na ikulong niya sa bahay ang kanyang asawa dahil gusto niya na malaya itong magdesisyon sa kanyang buhay at alam naman niyang hindi niya mapapakialaman si Chaaya pagdating sa pagtatrabaho niya. Kaya nga sila nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan dahil gusto niya rin naman masigurado ang kaligtasan ng kanyang mag-ina dahil nagtatrabaho pa rin si Chaaya na para bang hindi siya buntis.
“What?” sa lahat ng mga salitang tumatakbo sa kanyang isipan ay isang salita lang ang lumabas sa kanyang bibig. Hindi siya makapaniwala na ganon na pala ang tingin sa kanya ng kanyang mga biyenan.
“You said that your friend is one of the best detectives in our country and yet you didn’t even find my daughter? Or you don’t have any lead or even a small detail about her?” punong-puno ng sarkastiko ang boses ng kanyang biyenan na babae.
“Unless, you’re hiding my daughter!” matinding paratang pa nito kaya hindi maiwasan na tumayo ni Dylan tiyaka niya tinupi hanggang siko ang kanyang kulay puting polo dahil kailangan niyang magtimpi at baka makalimutan niyang biyenan niya ang kausap niya ngayon.
“Mama, I won’t ever do that.” kalmado na pagkakasabi niya kahit pa na gustong-gusto na niyang sumabog ngayon sa harapan ng mag-asawa. Pero ayaw niya lang na mawala ang respeto na meron siya sa mga magulang ng kanyang asawa.
“Why would I do that with my pregnant wife?” pagtatanong pa niya nang sa gayon ay matauhan ang biyenan niyang babae kung ano ang pinaparatang nito sa kanya. Masyado iyong mabigat na halos hindi niya kayang pasanin dahil ganon pala ang tingin nila sa kanya.
“It will harm her and our child. Why would I do such a thing like that?” pagod na tanong niya sa kanyang biyenan pero iniwasan lang siya ng tingin ng babae at hindi man lang nakonsenya sa kung ano man ang pinaparatang niya sa kanya.
“How could I trust you?” pagtatanong pa nito. “Wala ka man mabigay na detalye sa amin simula nang mawala na ang anak ko.”
“And how could you think like that?” hindi na maiwasan ni Dylan na sumbatan ang kanyang biyenan. Siguro ay dahil pagod na siya sa kumpanya at sa paghahanap sa kanyang asawa pero may nasasabi pa rin sila sa kabila ng paghihirap na ginagawa niya.
“If my daughter runs away then she should use at least one of her cards! Or leave the country!” Galit na utas ng Ginang sa kanyang manugang. “Pero wala man siyang ginamit na kahit anong card niya, wala man lang bakas ng kanyang pagkawala! Imposibleng hindi gamitin ng anak ko ang kanyang mga card sa loob ng isang buwan! Ni hindi man nga siya nag-withdraw ng malaking pera bago siya mawala kaya anong gusto mong isipin ko?” pagtatanong ni Charlene sa kanyang manugang tiyaka na rin ito tumayo. Napatayo na rin ang kanyang asawa s akanyang tabi para pakalmahin ang kanyang asawa.
“Bakit na lang siya mawawala ng ganun-ganun na lang? Unless, may nagsusuporta sa kanya! At ikaw lang iyon!” tinuro niya pa si Dylan gamit ang kanyang mga daliri. “At nasisigurado ko naman na hindi basta-basta aalis ang anak ko dahil mahal na mahal niya ang kumpanya namin at kailanman ay hindi niya tatalikuran ang kanyang trabaho!”
“Mama, I swear to God. What you are accusing me of is not true.” mahinahon ang pagkakasabi ni Dylan dahil ayaw na niyang salubungin pa ang init ng ulo ng kanyang biyenan.
Kapag ginawa niya iyon ay para na siyang nagdeklara ng giyera sa pagitan nila at ayaw niyang mangyari iyon. Ayaw niya na ganon silang madatnan ni Chaaya pagbalik niya sa kanila. Sigurado din naman siya na hindi magugustuhan ni Chaaya na may alitan sila ng kanyang pamilya. Kahit na hindi siya gaanong malapit sa kanyang mga magulang dahil simula pa noong bata siya ay laging tinatatak ng kanyang ina na kailangan niyang mag-aral ng mabuti nang sa gayon ay mahawakan niya ng tama ang kanilang kumpanya.
“Then, what do you want me to think?” pagtatanong ni Charlene sa kanyang manugang. “Na patay na ang anak ko?” nanghihinang tanong nito.
Hindi niya lubos maisip na patay na ang kanyang anak dahil alam niya na sa ngayon ay ang anak niya ang nagsisilbing paa ng kanilang kumpanya. At kapag nangyari iyon ay malaki ang mawawala sa kanila, kahit pa na ang asawa nitong si Dylan ang sumasalo ay iba pa rin kapag si Chaaya ang nagpapatakbo ng kumpanya.
“Of course not!” hindi maiwasan na magtaas ng boses ni Dylan dahil nagulat siya sa sinabi ng kanyang biyenan.
Kahit na ilang beses iyong sumagi sa kanyang isipan ay hindi pa rin niya ito tinatanggap. Hindi patay ang kanyang asawa—ang kanyang mag-ina. Hindi niya alam kung ano ang idadahilan niya sa kanyang isipan pero hindi niya tatanggapin ang kaisipan na wala na siyang dapat na asahan na bumalik kung hindi ang malamig na katawan ng kanyang asawa. Hinding-hindi niya tatanggapin ang kaisipan na iyon kaya naman ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para lang magkaroon ng balita sa kanyang asawa, kung humihinga pa ba ito o kung nasaan man siya.
“Iyon na lang ang natitirang dahilan, hindi ba Dylan?” mangiyak-ngiyak na tanong ng babae niyang biyenan na ngayon ay pinapatahan ng lalaki dahil masyado na itong nagiging emosyonal.
“Ano pa nga ba ang ibang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa tayong nakukuhang balita sa kanya? Na kahit katiting na impormasyon ay wala man lang tayong mahanap para masabing buhay pa siya?” pilit na inaalis ni Dylan kung ano man ang sinasabi ngayon ng kanyang biyenan na babae.
“No,” mahinang bulong niya dahil hindi niya matatanggap na mawawala ng ganon na lang ang kanyang asawa—ang kanyang mag-ina.
“I don’t want to believe in that,” buong loob na sabi niya. Kahit na maging ang kanyang kaibigan ay naiisip ang posibilidad na iyon dahil sa tagal nilang naghahanap ay wala man lang silang nahanap na kahit anong magtuturo sa kanila kung nasaan ang kanyang asawa.
“Not until they show me her cold body. I don’t believe in that and I won’t consider it even a possibility.” buong-buo ang loob ni Dylan habang sinasabi niya iyon.
Hangga’t hindi niya nakikita ang katawan ng kanyang asawa ay hindi siya susuko sa paghahanap sa kanya. Hangga’t hindi niya nahahawakan ang malamig niyang katawan ay hindi siya maniniwala na patay na ito. Hangga’t hindi niya nakumpirma na wala na nga ito ay hindi niya tatanggapin ang posibilidad na iyion.
Dahil kung tinanggap na niya ngayon ang bagay na iyon ay para na rin siyang sumuko sa paghahanap sa kanyang mag-ina. At hangga’t hindi niya muling nasisilayan, nahahawakan o mahahagkan man lang ang kanyang asawa ay patuloy niya itong hahanapin. Patuloy siyang aasa na nagtatago lang sa kanya ang kanyang asawa o kaya naman ay nagpapalamig lang ito ng ulo kahit na isang buwan na ang lumipas.
“My wife is still alive, she is not dead.” wika niya. Kinukumbinsi niya ang kanyang biyenan maging ang kanyang sarili.
Ayaw niya na marinig pa sa mga taong nakapaligid sa kanya na patay na ang kanyang asawa dahil para bang sumusuko na silang lahat sa paghahanap dito—para bang tinatanggap na nila na patay na nga ang kanyang asawa.
Hinding-hindi niya tatanggapin iyon. Kilala niya ang kanyang asawa. Hindi siya basta-basta sumusuko at hindi siya basta-basta namamatay ng ganon-ganon lang. At alam niya na hindi basta-basta iiwan ng kanyang asawa ang kanilang kumpanya nang wala man lang plano, ganon kamahal ng kanyang asawa ang career niya kaya naman umaasa siya na babalik ito para isalba ang kanilang kumpanya.
“Walang kaaway na ibang tao ang anak ko, Dylan. Kaya wala kang magiging suspect sa pagkawala niya. Nasaan ngayon ang anak ko? Nagtatago? Bakit siya nagtatago?” Magkasunod na tanong ni Charlene sa kanyang manugang na napapikit dahil sa mga katanungan niya.
Bahagyang napahilot si Dylan sa kanyang noo dahil binibigyan siya ng ideya ng kanyang biyenan na ayaw niyang isipin hangga’t walang katawan na binibigay o pinapakita sa kanya ang kanyang kaibigan.
“At kung totoo ngang may dumukot sa kanya, hindi ba napakatagal naman ng isang buwan para tumawag sila sa atin para maghingi ng kapalit sa buhay ng anak ko?” Hindi naman niya masisisi ang kanyang biyenan sa pag-iisip nito ng mga ganoong senaryo dahil nga naisip na niya iyon bago pa maisip ng kanyang biyenan.
“What is your plan, Dylan?” halos magmakaawa na ang matandang babae sa kanyang manugang. “Lumalaki ang problema sa kumpanya at alam naman nating lahat na si Chaaya lang ang may kayang resolbahin iyon!”
“Hindi mo naman matutukan ang kumpanya namin because we understand that you are currently working to close a huge deal with your investors. That is why I need my daughter!”
Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat na wala ngayon ang kanyang asawa dahil ayaw niyang marinig niya ang sinabi ng ina nito. Alam niyang malulungkot lang si Chaaya na kaya aligaga ang kanyang ina na hanapin siya ay dahil sa kanilang kumpanta hindi dahil nag-aalala siya dito.
Alam niya na hindi iyon magugustuhan ni Chaaya, baka makasama pa iyon sa kanyang kalagayan. Ang buong akala niya noon ay nag-aalala ang kanyang biyenan na babae dahil anak niya ang nawawala pero napatunayan niya ngayon-ngayon lang na mas nag-aalala pa ang kanyang biyenan sa kalagayan ng kanilang kumpanya keysa sa kalagayan ng kanyang anak na siya mismo ang nagluwal dito.
“Sweetheart, take it easy.” pag-alo ng kanyang asawa. “You heard your son-in-law that they’re doing their best to find our daughter, right?”
“How long should we wait?” pagtatanong ng Ginang na mukhang nawawalan na siya ng pag-asa ngayon.
“I am giving you one year,” sambit niya sa kanyang manugang habang pinagdidiinan niya ang taon na binigay niya dito. “After one year if we won’t have any leads about her.” hirap na lumunok si Charlene para maituloy niya kung ano man ang sasabihin niya.
Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim bago niya muling tiningnan ang kanyang manugang. Hirap man siya sa desisyon na ito pero ito lang ang alam niyang kaya niyang gawin.
“After one year, if we failed to know her whereabouts…”
“We’ll legally pronounce her death.”