KABANATA 34

2889 Words
KABANATA 34 Tahimik na nanonood si Angela sa kanilang sala, natapos na niya kasing hugasan ang kanilang pinagkainan at mabuti na lang ay hindi nag-aaway ang kanyang kapatid at ang asawa nito kaya makakanood siya ng tahimik sa sala. Mabuti na lang din at hindi nanonood ng basketball ang asawa ng kanyang kapatid sa kanilang telebisyon kaya naman nasolo niya ito. Tulog na panigurado ang kanyang ina at kakatapos niya lang uminom ng gamot kaya kahit papaano ay nakapag pahinga na siya sa nakakapagod na araw.  Hindi naman talaga siya mahilig manood ng mga telenovela kaya hindi naman niya sinusubaybayan ang teleserye na pinapanood niya. Pero kahit na ganoon ay naintindihan niya pa rin ang agos ng kwento dahil nasanay na rin siya sa mga teleserye na gawa sa Pilipinas. Paikot-ikot lang naman ang kwento at halos iisa lang din. Minsan ay naiinggit din siya sa mga kaklase niya noon na may libreng oras manood ng ibang palabas galing sa ibang bansa habang siya ay kailangan niyang maghanap ng trabaho para may mabaon siya at may panggastos sila sa bahay.  Napabuntong hininga siya dahil wala na rin naman siyang magagawa kung hindi tanggapin na lang kung anong meron siya sa buhay. Ginawa naman niya lahat ng kanyang makakaya pero mukhang hindi talaga para sa kanya ang marangyang buhay. Halos mapatalon na lang siya nang tumunog ang kanyang cellphone, kumunot ang kanyang noo nang hindi naman nakalagay sa kanyang contacts ang number ng tumatawag kaya nagdadalawang isip siyang sagutin ito.  “Ano ba iyan?! Ang ingay naman niyan!! Magpatulog ka naman!” sigaw ng asawa ng kanyang kapatid mula sa kanilang kwarto. Nainis si Angela dahil umaakto ito na sa kanya ang bahay at tauhan niya ito kaya lagi silang nag-aaway.  “Ipikit mo ang mata mo!” sigaw pabalik ni Angela habang tinitingnan niya pa rin ang kanyang cellphone.  “Ang bastos talaga ng bibig mo, Angela! Bakit hindi mo na lang sagutin o kung ayaw mo ay itapon mo na lang iyang cellphone mo!” rinig naman niyang sigaw ng kanyang kapatid, kinakampihan niya ang asawa nito kaya inikutan na lang sila ng mata ni Angela kahit na alam niyang hindi naman makikita ng dalawa iyon dahil nasa kwarto na sila.  Gusto niya man sana na asarin ang dalawa at huwag niyang sagutin ang kanyang cellphone para hindi makatulog ang mag-asawa, naiinis na rin talaga siya lalo na at siya pa ang nagpapakain sa pamilya nila tapos kung tratuhin siya ay para bang siya ang pinapakain ng mga ito. Ang kaso nga lang ay naalala ni Angela na nag-apply nga pala siya ng mga trabaho kaya baka yung mga in-apply-an niya ang tumatawag sa kanya. Sinagot na niya ang tawag tiyaka ito bumati.  “Hello?” kabado na tanong niya dahil baka ang lalaking ayaw niyang marinig ang tumatawag sa kanya pero imposible naman mangyari ‘yon. Nagdadalawang-isip na rin siya kung dapat na ba niyang ibaba dahil kung sa trabaho iyon ay bakit gabi sila tumatawag? “Hello, good evening.” bati ng nasa kabilang linya. Kumunot ang kanyang noo dahil malalim na boses ng lalaki ang narinig niya pero hindi iyon ang lalaki na ayaw niyang marinig.  “Ah, sino ‘to?” pagtatanong niya dahil baka namali lang ito ng number na natawagan.  “This is Angela, am I right?” mukhang katiwa-tiwala naman ang English ng lalaki kaya hindi na binaba ni Angela ang tawag.  “Yes po, bakit po?” magalang na tanong niya dahil baka tama nga ang hinala niya kanina na baka isa sa mga in-apply-an niyang trabaho kanina. “Sino po sila?” “This is Lucius. Lucius Agravante.” biglang napaayos ng upo si Angela kahit na hindi naman siya nakikita ng Senyorito.  “He-hello po. Senyorito. Good evening.”  Bumaba si Lucius galing sa kanyang kwarto para uminom ng tubig. Hindi niya inaasahan na makita niya si Manang Amelia sa may hapagkainan, may mga iba’t-ibang papel sa kanyang lamesa at seryoso niyang tinitingnan ito isa-isa. Binati lang siya ni Manang pero hindi niya ito tiningnan dahil nasa mga papel na sigurado siyang resume dahil may two by two na picture at mga impormasyon. Binati na lang din siya ni Lucius tiyaka siya kumuha ng tubig sa kanilang ref.  Nagsalin na siya ng tubig sa baso habang tinitingnan niya kung ano man ang binabasa ni Manang Amelia. Kumunot ang kanyang noo nang may nakita siyang pamilyar na mukha. Hindi siya pwedeng magkamali dahil nakasama na niya itong kumain noon kasama si Chaaya. Wala sa sarili niyang kinuha ang resume niya kaya nakuha na niya ang atensyon ni Manang Amelia.  “What is this?” pagtatanong niya dahil ang alam niya ay hindi naman sila hiring ng kahit ano ngayon. Kumpleto naman na ang mga kasambahay nila sa mansyon kaya hindi niya maintindihan kung bakit may mga resume na binabasa ngayon si Manang Amelia. “We’re not hiring, right?” “Ah, utos po kasi ng Senyor na mag-hire po ng mga nangangailangan ng sideline or part time sa pag-aayos ng birthday party ng Senyorito Lucas.” napatango siya dahil malapit na nga pala ang kaarawan ng kanyang kapatid.  “Why don’t they just hire event organizers?” pagtatanong ni Lucius. Dahil kilala niya ang kanyang ina at kung ito ang tatanungin ay mas gusto niya na lang na kumuha ng event organizer para bongga ang okasyon.  “Iyan din ang sabi ng Senyora pero ang gusto ng Senyor ay mabigyan ng sideline o part time job ang mga mamayan sa Isla na nangangailangan ng trabaho.” tumango si Lucius. Bakit nga ba niya nakalimutan na Mayor ang kanyang ama?  “Hire her,” wika ni Lucius tiyaka niya binaba ang resume ni Angela. Kumunot ang noo ni Manang Amelia dahil sa sinabi ng kanyang alaga.  “Why?” pagtatanong ni Manang Amelia sa kanyang alaga dahil ang buong akala niya ay mas interesado siya sa panganay na anak ni Susan pero iba ang pinapakita niya ngayon. “What is this, Lucius?” seryosong tanong niya sa kanyang alaga. Ayaw niya na nambabae ang kanyang mga alaga dahil ayaw niyang maranasan ng ibang mga babae kung ano man ang naranasan niya noon sa unang pag-ibig niya na naging dahilan kung bakit siya tumandang dalaga.  “I know her personally,” sambit niya. Kahit na ayaw niya man malaman ang talambuhay ng dalaga noon ay nalaman na niya dahil sa daldal nito at sa ingay niya habang kumakain sila. “I will just call her now,” dagdag pa niya tiyaka niya muling kinuha ang resume ni Angela para malaman niya ang numero ng dalaga. Nakatingin lang si Lucius sa resume nang dalaga. Minememorya niya ang numero nito dahil nasa kwarto niya ang kanyang cellphone at para hindi na niya dalhin ang resume nito. Umiinom siya habang minememorya niya ang cellphone number ni Angela. “Do you like her?” halos maibuga ni Lucius ang kanyang iniinom dahil sa biglaan na tanong ni Manang Amelia sa kanya. Seryoso si Amelia na nakatingin sa kanyang alaga habang pinagmamasdan niya ang reaksyon nito.  “What? That’s crazy. I don’t like her,” natatawang wika ni Lucius. Maganda naman ang dalaga pero hindi niya ito tipo dahil may ibang babae na nakakuha ng kanyang atensyon. Hindi rin siya mahilig sa miingay na babae kaya hindi siya interesado kay Angela.  “Why do you want to hire her?” tanong ni Amelia na hindi kuntento sa naging sagot ng kanyang alaga. “I heard rumors about her and rumors aren’t good. You already know how strict I am when it comes to hiring people because of your safety. Now, give me a valid reason on why I would hire her?” “Because I know her personally?” naguguluhan na tanong ni Lucius. “She’s also a scholar.” dagdag pa niya.  “And oh, maybe I hired two.” pagbibigay niya ng impormasyon sa matanda. “Her best friend need sideline job also so I might hire her as well,” hindi maintindihan ni Amelia kung ano ang binabalak ng kanyang alaga.  “And who is her best friend?” pagtatanong ni Amelia. “Wala naman pinasa ang kanyang kaibigan na resume, nandito ba siya?” pagtatanong nito habang pinapakita niya ang mga resume sa panganay na Senyorito. Mabilis na tiningnan naman iyon ni Lucius, sinubukan na hanapin ang mukha ni Chaaya pero hindi niya nakita.  “She didn’t pass her resume,” sambit niya habang nakatingin pa rin sa resume.  “So, I won’t hire her.” sambit ni Amelia tiyaka niya tinipon muli ang mga resume.  “What?” hindi makapaniwala na tanong ni Lucius.  “Wala siyang pinasa na resume kaya hindi siya pwedeng bigyan ng special slot,” biglang napaupo si Lucius sa harap ni Manang Amelia para makiusap siya.  “You need to hire her,” sambit niya dahil nakakaramdam na siya na iiwasan siya ng dalaga kaya gagawa siya ng paraan para magkita at magkasama sila. “Susunduin ko pa sila bukas para sa orientation nila. Bukas, hindi ba?” pagtatanong niya dahil alam niyang papuntahin ng matanda ang lahat ng mapipili niya ngayong gabi bukas.  Ganon niya sinusubukan ang lahat ng mga nag-apply sa kanya. Pipiliin niya ito ng gabi pagkatapos ay bukas niya tatawagan at bukas na bukas rin ay papuntahin niya sa mansyon. Noong bata siya ay nagtataka siya kung bakit ganon na lang kahigpit ang matanda kaya isang araw ay tinanong niya ito. Naipaliwanag naman sa kanya ni Manang Amelia na gusto niya lang makita ang dedikasyon ng mga nag-apply sa kannila kung may dedikasyon ba talaga sila sa trabaho.  “Unless, you will tell me who is she,” nakahinga ng maluwag si Lucius dahil ganon lang ang kapalit na hinihingi sa kanya ni Manang Amelia.  “Chaaya,” sagot ni Lucius. Umawang ang bibig ni Amelia at para bang nabigyan ng kasagutan ang chismis na kumakalat sa mansyon. “I will inform her now,” paalam niya tiyaka na niya iniwan doon ang matanda dahil ayaw niyang magtanong pa ito tungkol sa pagtingin niya sa dalaga.  Kaya naman pagdating niya sa kanyang kwarto ay kaagad na hinanap ng kanyang mga mata ang cellphone nito tiyaka na siya nagtipa ng numero na kinabisado niya. Ang tagal pa bago sagutin ni Angela ang tawag niya, ang akala niya ay tulog na ang dalaga ngunit mabuti na lang din at sinagot niya ang tawag nito.  “You applied?” pagtatanong niya sa dalaga.  “Yes po! Yes po!” kahit pala sa telepono ay maingay pa rin ang dalaga kaya nasisigurado siyang tamang numero nga ang kanyang tinawagan.  “Ah, you’re hired.” sambit niya. Nakarinig siya ng tili sa kabilang linya kaya nilayo niya muna ang speaker ng kanyang cellphone sa tenga nito. “But in one condition.” agad na sambit niya.  Alam ni Lucius na masamang gamitin ang kanyang kapangyarihan para lamang makuha ang kanyang kagustuhan ang kaso nga lang ay hindi niya maiwasan na gamitin iyon basta makasama niya lang ang dalaga. Naramdaman na niya kanina na pagkatapos ng kanilang halik ay ilag na sa kanya ang dalaga kaya naman sigurado na siyang iiwasan niya ito at baka maghanap pa siya ng ibang trabaho na malayo sa kanilang mansyon kaya gusto na niya itong unahan.  “Ano po iyon? Sabihin niyo lang po at gagawin ko po!” masiglang wika ni Angela. Para bang hindi gamit sa kanyang enerhiya na pinapakita.  “You must be with Chaaya. I will also hire her. Please inform her tomorrow and I will pick you both at exactly eight o’clock in the morning.”  “Ok po! Masusunod po! Masusunod po!” masiglang sagot pa sa kanya ni Angela. “Okay. Thank you.” “Salamat din po, Senyorito!” halos halikan na ni Angela ang kanyang cellphone dahil sa sobrang saya niya.  Labis na nagulat ang mag-iina dahil sa sinabi ng kaibigan ni Chaaya na si Angela. Pero agad din naman sumilip sa bintana si Suzzie dahil hindi siya naniniwala sa kaibigan ng kanyang kapatid pero napaawang ang kanyang bibig nang makita niya ang pamilyar na sasakyan ng kapatid ng kanyang kaibigan. Sigurado siya na sasakyan ni Senyorito Lucius iyon.  “Ano? Totoo ba?” tanong ni Susan sa kanyang anak nang makita niyang sumilip si Suzzie sa kanilang bintana.  Tinuro naman ni Suzzie ang labas na hindi siya makapaniwala kaya naman walang magawa si Susan kung hindi lumapit sa kanyang anak para masilip niya sa kanilang binata. Napasinghap si Susan dahil totoo nga ang sinasabi ni Angela na ngayon ay pinaglalaruan niya lang ang kanyang mga daliri tiyaka niya tiningnan si Susan at Suzzie.  “I told you, tama ako ‘diba? Bakit naman kasi ako magsisinungaling?” mayabang na wika niya nang nakumpirma na ng mag-ina ang kanyang sinabi.  “May lakad kayo ng Senyorito, Chaaya?” pagtatanong ni Susan sa kanyang anak pero dahil kakagising lang ni Chaaya ay hanggang ngayon ay gulat pa rin siya sa nangyayari.  “H-huh? Bakit naman siya nandito?” pagtatanong ni Chaaya. Napakaamot sa ulo si Angela dahil nasabi na niya kanina kung bakit nandito ang Senyorito pero mukhang hindi na nila narinig ang sinabi niya pagkatapos niyang i-anunsyo na nasa labas ang Senyorito kaya wala siyang choice kung hindi ulitin ang kanyang sasabihin.  “May sideline nga raw siyang ibibigay sa atin!” pag-uulit ni Angela. “Maligo ka na at magbihis ka na dahil hinihintay na tayo ng Senyorito!” pag-engganyo ni Angela sa kanyang kaibigan.  Sasabihin na niya sana sa kanyang kaibigan kagabi ang kaso nga lang ay nagdadalawang isip siyang katukin ang kanilang bahay dahil baka magising sina Aling Susan at Mang Juan. Mabait pa naman ang mag-asawa kaya ayaw niyang magising ang mga ito at hindi rin naman lingid sa kanyang kaalaman na madaling araw silang gumigising para makapalaot na si Mang Juan.  “Huh?” takang tanong pa rin ni Chaaya. Alam niya na naghahanap ng mga temporary na trabahador ang mga Agravante dahil nasabi sa kanya ni Manang Amelia iyon, inaalok niya kasi ito kung kailangan niya ng sideline. Pero hindi naman siya nagpasa ng resume at sinabi niya lang sa matanda na pag-iisipan niya muna dahil baka may mahanap pa siyang ibang trabaho.  “Wala ka bang ibang alam na isagot kung hindi ‘huh’?!” maingay na tanong sa kanya ni Angela. Hindi niya alam na ganto pala kabagal ang kaibigan niya kapag bagong gising ito dahil magsimula kanina ay iyon na lang ang salita na narinig niya kay Chaaya.  “Hindi naman ako nagpasa ng resume kaya paano naman ako magkakaroon ng sideline job?” pagtatanong ni Chaaya.  At kung siya ang tatanungin ay hindi siya magpapasa dahil balak niyang huwag munang makita ang Senyorito pagkatapos nang nangyari sa kanila sa sementeryo. Hindi niya pa kayang harapin si Lucius nang hindi niya naalala ang pangyayari na iyon. Kaya naman napagdesisyunan niya rin kagabi na bilisan niya sa paglilinis sa dalampasigan para kaagad siyang makauwi at nang sa gayon ay hindi na magkita ang landas nila ng binata. Kahit na malawak ang mansyon ay ayaw niyang isugal ang posibilidad na pwede pa rin silang magkita lalo na at alam ni Lucius kung saan ang parte na nililinis niya.  “Gaga! Hindi ka ba magpapasalamat non? Na may trabaho ka na bigla?! Hindi ba nagpapahanap ka rin ng trabaho sa akin? Eto na iyon!” tuloy-tuloy na sambit ni Angela na tila walang preno ang kanyang bunganga.  “Teka, teka. Hindi ka nagpasa ng resume pero natanggap ka?” pagtatanong ni Susan sa kanyang anak dahil mahigpit si Amelia sa pagpasok ng trabahador kaya bakit naman niya tatanggapin ang isang hindi naman nagpasa ng resume?  Tumango si Chaaya sa kanyang ina. “Inalok na po ako ni Manang Amelia ang kaso nga lang ay sinabi ko po na pag-iisipan ko muna dahil baka po may mahanap pa ako na ibang trabaho na mas malaki ang kita keysa po doon.” “Ah basta sinabi ni Senyorito Lucius na dapat kasama kita!” agap ni Angela bago pa magtaka ang dalawang mag-ina kung bakit natanggap si Chaaya gayong hindi siya nagpasa ng resume at hindi siya um-oo sa  sinabi ng matanda.  “Sige na Chaaya, maligo ka na muna para makapunta na tayo sa mansyon.” bahagyang tinulak ni Angela ang kanyang kaibigan para makalakad na siya papasok sa kanilang banyo ang kaso nga lang ay huminto si Chaaya.  Wala talaga siyang lakas ng loob ngayon na harapin ang Senyorito kaya mas mabuti pang sabihin niya na, “Ayoko sa trabaho na iyon. Baka pwede pa akong maghanap ng ibang trabaho o kaya ayos na rin ang kinikita ko sa paglilinis ng dalampasigan.” “Sayang din ito!” engganyo sa kanya ni Angela. Muli niyang naalala na sinabi sa kanya ng Senyorito na kailangan na kasama niya si Chaaya para matanggap siya sa trabaho.  Hirap pa naman siyang maghanap ng trabaho dito sa Isla dahil sa mga chismosang mga kapit-bahay na walang ibang alam gawin kung hindi dumihan ang kanyang pangalan. Sasabihin na sana ni Angela ang kondisyon ng Senyorito sa kanya para makapasok siya sa trabaho nang makarinig sila ng katok sa pintuan, sabay-sabay silang napatingin doon at umawang pare-pareho ang kanilang mga labi dahil sa nakita nilang tao sa nakabukas na pintuan.  “Senyorito,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD