KABANATA 35
Niluwagan ni Dylan ang kanyang necktie bago siya pabagsak na naupo sa sofa ng kanyang opisina kung saan nasa tapat niya ang kanyang kaibigan na si James. Umayos ng upo si James pagkatapos ay pinatong na niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang hita at ibinigay ang mga papel sa kanyang kaibigan tungkol sa imbestigasyon nila sa kanyang asawa.
“What the f**k is this?” pagtatanong ni Dylan. Hindi pa siya nakakakain at dalawang meeting ang kanyang in-attend-an pagkatapos ay ibibigay pa na papel sa kanya ng kanyang kaibigan ay kung ano ang papel na binigay niya noong nakaraang buwan.
“As you can see, nothing changes.” tamad na sambit ni James sa kanyang kaibigan.
Hindi na rin niya alam kung ano ang kailangan niyang gawin pati ng kanyang mga team para lang makakuha ng impormasyon kay Chaaya o sa asawa ng kanyang kaibigan. Wala na silang ibang mahanap na lead kahit pa na paulit-ulit na lang nilang pinapanood ang CCTV kung saan huling nakita ang kotse ni Chaaya na kanyang minamaneho at kung paanong lumiko ito sa isang daan na wala man lang katao-tao o kahit na anong CCTV.
“Are you fvcking kidding me, James?” mariin na pagtatanong ni Dylan sa kanyang kaibigan dahil sa inis niya marahil ay dahil sa pagod at nalilipasan na rin siya ng gutom.
“Man, I swear, we’re doing anything we could just to find your wife.” paliwanag ni James na tila sumusuko na rin sa paghahanap sa asawa ng kanyang kaibigan ang kaso nga lang ay hindi siya pwedeng sumuko dahil trabaho niya ito at gusto niya rin matulungan ang kanyang kaibigan.
“Then, what is this? It’s been a month—more than a month actually and yet you report the same things to me.” wika ng kanyang kaibigan.
“I will ask you again on what is your insight about your wife missing for more than a month,” wika ni James tiyaka siya umayos ng upo para maayos silang mag-usap ng kanyang kaibigan. “What do you think about her disappearance? Is it by accident or is she planning it already?” ngumisi si Dylan sa tanong ng kanyang kaibigan.
“I wouldn’t hire you nor ask for your help if I knew that answer. That is why you are here so that you can tell me if she’s missing or she’s escaping.” sagot sa kanya ni Dylan. “I was the one who supposedly ask you that question.” sarkastikong wika nito sa kanyang kaibigan.
Hindi na lang pinansin ni James ang pagiging sarkastiko ng kanyang kaibigan dahil naintindihan naman niya kung bakit ganito na lang ang reaksyon niya. Alam niyang pagod na ang kanyang kaibigan sa nangyayari sa kanya simula noong nawala ang kanyang asawa. Alam din naman niya na nape-pressure na din ito dahil madalas na siyang mag-aya ng inuman t’wing gabi at pinagbibigyan niya na lang ito. Dagdag pa ang pag-aalala niya sa mag-ina niya na hanggang ngayon ay wala man lang silang kahit kakarampot na balita.
“I shouldn’t say this to you but…” huminga ng malalim si James dahil alam niyang masyadong kompedensyal ang kanyang sasabihin sa kanyang kaibigan at alam niya na hindi dapat iyon sabihin sa isang kaibigan niya ang kaso nga lang ay nanaig pa rin ang pagkakaibigan nila. “Your in-laws came to see me the other day.” kumunot ang noo ni Dylan dahil hindi naman iyon nabanggit ng kanyang biyenan noong dumalaw sila sa kanya noong isang araw.
“What?” pagtatanong ni Dylan dahil mukhang alam na niya kung saan ang kapupuntahan ng kanilang usapan.
“They asked me if you didn’t hide your wife,” nagtiim ang bagang ni Dylan dahil hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ng kanyang biyenan.
Hindi na sila nakuntento na tinanong nila ito ng harapan at tinanong pa talaga nila ang kanyang kaibigan. Naintindihan naman niya kung bakit nagagawa at nasasabi iyon ng kanyang biyenan ang kaso nga lang ay nahihirapan din naman siya sa sitwayson. Hindi lang naman sila ang nahihirapan sa pagkawala ni Chaaya kung hindi maging siya. Hindi lang naman sila ang nangungulila kay Chaaya dahil maging siya ay nangungulila sa bawat araw na nagdaan. Hindi lang naman sila ang nag-aalala kay Chaaya kung hindi pati siya na halos oras-oras na niyang isipin ang kanyang mag-ina kung nasa maayos ba sila na kalagayan, kung nakakain ba sila sa tamang oras at kung hindi ba sila nagkakasakit.
Hindi lang naman sila ang nawawalan ng anak. Hindi lang naman sila ang nawalan. Maging siya ay nawala ang kanyang pinakamamahal na asawa at maging ang kanilang anak na hindi pa nila nasisilayan. Nawalan din naman siya pero hindi niya pinag-isipan ng masama ang kanyang biyenan. Nawalan din naman siya pero hindi niya kailanman pinagbintangan ng kung ano-ano ang mga tao na malapit sa kanila. Dahil naintindihan niya kung ano man ang nararamdaman nila sa bilang pagkawala ni Chaaya—dahil pare-pareho lang silang naiwanan na hindi man lang nila alam ang dahilan at wala man lang silang narinig kay Chaaya simula noong umalis siya.
“They were really into it,” sambit ni Dylan na handa na rin sumuko dahil pabigat na nang pabigat ang pasanin niya sa buhay.
Kung nandito lang sana ang kanyang asawa ay may kasama siya sa lahat. Alam niya na hindi siya iiwanan ni Chaaya at kung may mangyari man ay alam niyang hindi siya pag-iisipan ng masama o pagbibintangan ni Chaaya sa isang bagay na hindi naman niya ginawa. Ni hindi man nga niya naisipan na gawin iyon pero naisip ng ibang tao na kaya niyang gawin iyon.
“And they challenge me to investigate you since you were the primary suspect,” halos matawa si Dylan sa sinabi ng kanyang kaibigan.
“Why would I do such things? I’m not crazy to do that. I won’t harm my wife and my child. All I want is to keep my wife safe and healthy, so why would I do that?” pagtatanong ni Dylan sa kanyang kaibigan kaya naman huminga ng malalim si James bago siya muling nagsalita.
“I already told them that,” wika niya dahil iyon din ang sinabi niya sa mga biyenan ng kanyang kaibigan.
Hindi rin siya makapaniwala na kayang pag-isipan ng ganong tao ang kanyang kaibigan. Matagal na silang magkasama ni Dylan kaya alam niya kung may tinatago man ang binata sa kanya o wala. At hindi sila naging magkaibigan para lang sa wala.
“But they keep on insisting that you hide your wife and if I don't prove that they will think that we’re accomplices in hiding Chaaya.” may bahid na inis na sambit ni James. “Why would I even do that? Wala pa nga akong girlfriend tas sasamahan pa kita diyan sa problema mo kung saan mo itatago ang asawa mo?” pabirong tanong ni James pagkatapos ay napailing na lang siya.
“I can’t believe them.” sambit ni Dylan dahil ang buong akala niya ay ayos lang ang relasyon nila ng mga magulang ni Chaaya.
Sa katunayan nga, nalaman niya sa kanyang asawa na kaya siya sinusundan nito noong nasa kolehiyo pa lang sila ay dahil utos ng kanyang ina na maging malapit sila sa isa’t-isa dahil maganda ang kalalabasan kung sakali man na magsama ang kanilang kumpanya. At hindi naman sila nagkamali doon.
Naging maganda nga ang pagsasamahan ng dalawang kumpanya. Lalo na at silang dalawa ni Chaaya ang namamahala dito. Kaya naman lagi rin silang pinapabisita ng kanyang biyenan sa bahay nila kung may oras man sila para mapag-usapan din nila ang kalagayan ng dalawang kumpanya.
Pero ngayon na nagkaroon lang ng problema ay tinatalikuran na siya ng mga ito? Dahil sa ginawa nila—dahil sa problema na kinakaharap niya ngayon ay lalo lang nilang pinaparamdam na nawalan siya ng asawa. Para bang nawalan din siya ng isang paa na hirap na siyang maglakad, Totoo nga na kapag kinasal na ang dalawang tao sa isa’t-isa ay magiging isa na lang sila. Hindi niya kaya na wala ang dalaga.
“Do you want to hear my opinion about this?” pagtatanong ni James sa kanyang kaibigan.
Matagal na niyang kinimkim iyon dahil ayaw niya lang masaktan ang kanyang kaibigan at kung hangga’t maari ay gusto niya sana na may mailapag siyang ebidensya sa kanyang teorya na sasabihin niya sa kanyang kaibigan. Ang kaso nga lang ay hanggang ngayon ay wala siyang nahahanap na sapat na ebidensya para sa kanyang imbestigasyon o mahanap na sapat na ebidenya para matukoy kung nasaan ang dalaga.
“What?” tamad na tanong ni Dylan sa kanyang kaibigan.
“Mahirap hanapin ang isang tao na ayaw magpa-hanap,” panimula ni James. “May kasabihan ang mga matatanda na ganyan.” kumunot lang ang noo ni Dylan dahil hindi naman niya narinig kahit kailan ang kasabihan na iyon.
“Hindi ba kapag naglalaro ng hide and seek ay desidido ang mga maglalaro na huwag silang mahanap ng kanilang kalaro para sila ang manalo? Hindi ba magtatago ka kung saan ang pinaka-alam mo na lugar na hindi ka basta-basta mahahanap ng iyong kalaro?”
Masyadong mahaba ang araw ni Dylan para makinig siya sa kwento ng kanyang kaibigan na hindi naman patungkol sa nawawala niyang asawa kaya tamad na tamad ang mga mata nito na nakatingin sa kanyang kaibigan at gusto na niyang takpan ang kanyang tenga dahil wala naman kinalaman ang sinasabi nito sa kaso ng kanyang asawa.
“What’s your point, dude?” Wala ng pasenyang tanong ni Dylan. Suminghap naman si James dahil hindi pa pala naiintindihan ng kanyang kaibigan kung ano man ang gusto niyang ipahiwatig.
“What if Chaaya was hiding all the time?” pagtatanong ni James sa kanyang kaibigan na naging dahilan ng pagtahimik ni Dylan.
Gusto man niyang isipin o bigyan ng tiyansa ang naiisip ng kanyang kaibigan pero malaki ang tiwala niya sa kanyang asawa na hindi niya iyon magagawa lalo na at nangako siya na iyon na lang ang huling pagkakataon na magtatrabaho siya. Kilala niya kung sino ang pinakasalan niya kaya naman malaki ang tiwala niya sa dalaga na hindi siya basta-basta iiwanan nito.
“Sabi mo, nag-away kayo bago siya umalis at nangako siya sa iyo na iyon na ang huling beses na papasok siya sa trabaho. Pero alam naman nating lahat kung paano kamahal ni Chaaya ang kanyang trabaho na kaya niyang bitawan ang lahat para lang dito dahil pinalaki siya ng kanyang mga magulang na isang career-oriented woman,” pagbibigay ng punto ni James pero umiling si Dylan dahil hindi magagawa ng kanyang asawa iyon.
“She escaped,” sambit ni James. “Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin natin siya makita o kahit na ano mang ebidensya sa kanya ay wala tayong makalap. Dahil nagtatago siya.” Sambit ni James. Iyon din ang suhestiyon ng isa nilang kasamahan dahil kahit na ano mang gawin nila ay wala talaga silang balita kay Chaaya.
“Nagtago siya pero hindi siya nag withdraw ng malaking pera bago siya nagtago? Hindi man lang siya gumamit ng kanyang mga cards?” tamad na pagtatanong ni Dylan. “Iyan ang tanong mo noon.” napahilamos na lang sa mukha niya si James dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan.
“Yeah, I admit it. I said those questions to give the benefit of the doubt. But because her parents visited me, I suddenly wondered why they were being impatient right now and looking for someone to blame for their daughter's disappearance.”
“What’s your answer for those questions you’ve asked before because of your ‘benefit of the doubt’?” pagtatanong ni Dylan sa kanyang kaibigan.
“What if her parents help her to hide? She can use other cards rather than her own cards since they knew that we can track her with her own cards?” bahagyang natigilan si Dylan sa sinabi ng kanyang kaibigan at hindi niya maiwasan na mag-isip din ng parehong bagay sa sinabi ni James.
Pero bumuntong hininga ito tiyaka niya muling tiningnan ang kanyang kaibigan. “Give me some evidence and not what if’s.”
“Why? There’s a possibility that my hunch was right.” umiling si Dylan sa kanyang kaibigan dahil buo ang tiwala niya kay Chaaya na hindi niya magagawa ang bagay na iyon.
“That’s impossible. Give me some evidence and I will believe you,” wika niya sa matagal niyang kaibigan. Mas matagal niya pang kilala o kaibigan si James keysa sa kanyang asawa pero sa pagkakataon na ito ay mas nanalig ang tiwala niya sa kanyang asawa na nawawala.
Nawawala. Nawawala hindi nagtatago.
“May point pa rin naman ang sinabi ko kahit papaano.” sagot ni James sa kanyang kaibigan.
“May problema ang kanilang kumpanya kaya bakit naman siya itatago ng kanyang pamilya?” balik na tanong ni Dylan. At dahil doon ay lalong naging buo ang tiwala niya sa kanyang asawa. “Kilala mo ang asawa ko at hindi niya basta-basta na lang iiwanan ang kanyang trabaho.”
“If she can leave me, well, she can’t leave her job or their company.” dagdag pa ni Dylan.
“I’m just stating some possibilities.”
“But I trust my wife.”