KABANATA 29
Napatigil si Lucius sa sinagot ng dalaga. Hindi pa siya nakapasok dahil sa gulat. Hindi niya maiwasan na mapaisip kung may lakad ba sila ng kanyang pinsan gayong wala naman itong balak lumabas sa kanyang kwarto. At alam niya kung ano man ang araw ngayon kaya mahihirapan siyang kumbinsihin ang kanyang kaibigan na lumabas lalo na at nasa Isla sila. Nagtaka naman na sinulyapan ni Chaaya ang Senyorito dahil wala siyang narinig kahit ni isang salita sa kanya at hindi man din ito gumalaw sa kanyang kinatatayuan.
Ilang segundo lang ang lumipas ay natauhan na ang Senyorito tiyaka niya muling tiningnan ang driver tiyaka sya ngumiti at sinabing, “Sa Mansion po.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na rin siyang pumasok, ngumiti siya sa dalaga at muling naupo kung saan man siya nakaupo kanina.
“May lakad kayo ngayon?” muli niyang pagtatanong sa dalaga at sinubukan niyang ngumiti. Mukhang naunahan na siya ng kanyang pinsan, nauna pa siya na yayain ang dalaga.
Bahagyang sinisi ni Lucius ang kanyang sarili dahil doon. Kasalukuyan pang nalilito ang kanyang nararamdaman. Alam niya na humahanga siya sa dalaga. Ang tanging nagpapagulo sa kanya ay kung talagang naka move-on na siya sa unang babae na kanyang minahal. Kung handa na ba talaga siyang pumasok sa isang relasyon pagkatapos niyang masawi sa unang pag-ibig niya. At kung pagmamasdan niyang mabuti si Chaaya ay alam niyang hindi niya ito iiwanan o sasaktan kaya hindi siya dapat matakot.
Ang kaso nga lang ay alam din ni Lucius na hindi siya matatakot dahil lang doon. Natatakot siya na baka siya ang makasakit sa dalaga kaya bago siya gumawa ng galaw ay gusto niya munang sigurado na siya. Sigurado na siya na hindi na ganon kalalim ang pagmamahal niya sa unang babae na kanyang minahal—hindi naman mababawasan ang pagmamahal niya doon dahil nagsimula sila bilang isang magkaibigan kaya sinisigurado niya lang na ang pagmamahal na nararamdaman niya dito ay isang kaibigan na lamang.
“Ah,” hindi alam ni Chaaya kung ano ang dapat niyang isagot. “Wala po.” Nahihiya niyang sagot dahil iyon naman ang totoo.
Kumunot ang noo ni Lucius dahil sa sinagot ng dalaga dahil hindi niya maintindihan kung ano talaga ang sagot nito. Kung may lakad ba talaga sila o wala. Base sa sinabi niya kanina, kaya siya pupunta sa mansyon ay may lakad sila ng kanyang pinsan kaya paano niya sinabing wala silang lakad ngayon?
“Pero ang sabi mo kanina meron kayong lakad?” Naguguluhan na tanong ni Lucius. Napakagat sa kanyang labi si Chaaya dahil nahihiya siyang aminin sa lalaki ang kanyang binabalak.
“Hindi niya po alam,” pagsagot nito tiyaka siya umiwas ng tingin sa lalaki tiyaka na lang siya tumingin sa maliit na basket na may laman ng kulay puting lily na siyang binili niya kanina sa tindera na nasa kanyang kandungan.
“Anong hindi niya alam?” pagtatanong muli ni Lucius na ngayon ay naguguluhan pa rin. “Hindi ba niya alam na may lakad kayo? Nakalimutan niya?” Kung ganoon man ay pagsasabihan niya ang kanyang pinsan.
Ang kapal naman ng mukha ni Ethan na kalimutan kung ano man ang lakad nila ngayon ni Chaaya at ang dalaga pa talaga ang pupunta sa mansyon para sunduin niya ito sa ‘lakad’ na sinasabi ng dalaga. Gayong napakaraming sasakyan sa mansyon na alam ni Lucius na ipapahiram naman sa kanya ng kanyang mga magulang lalong-lalo na ang kanyang ina dahil siya ang dahilan kung bakit nandito sa Isla ang kanyang pinsan.
“Ah hindi po ganon,” agad na wika ni Chaaya dahil naramdaman niya na may bahid ng inis ang boses ng Senyorito. “Hindi niya po talaga alam na may lakad kami ngayon.” Paliwanag ni Chaaya pero hindi pa rin siya maintindihan ng Senyorito.
“Anong ibig mong sabihin na hindi niya alam?” pagtatanong ni Lucius sa kanya. Ngumuso si Chaaya tiyaka niya hinawakan ang bulaklak na binili niya kanina. Tiyaka niya lang naalala na hindi pa pala siya nakakabayad ng utang niya kay Lucius dahil nawala sa isip niya kanina.
“Ah! Hindi pa po pala ako nakakabayad sa utang ko sa inyo!” sambit ni Chaaya.
Tiyaka niya nagmamadaling binuksan ang kanyang wallet na nakasabit lang sa kanyang kamay pero naramdaman niya ang kamay ni Lucius na pumatong sa kanyang kamay kaya nagulat siya sa presensya ng kamay ng binata sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit napatigil siya sa pagkuha ng pera sa kanyang wallet. Pinigilan talaga ni Lucius si Chaaya na kumuha ng pera sa kanyang wallet hindi lang dahil ayaw niyang tanggapin ang bayad nito kung hindi dahil gusto niyang malaman ang tungkol sa lakad nila ni Ethan na sinasabi niya.
“Mamaya na,” ngumiti si Lucius tiyaka niya ito nginitian.
Nahihiya na tumango si Chaaya. Hindi pa rin inaalis ng Senyorito ang kanyang kamay sa ibabaw ng kanyang kamay kaya naman naiilang niyang binawi ang kanyang kamay, napansin ni Lucius iyon kaya agad niya ring binawi ang kanyang kamay nang sa gayon ay hindi mailang si Chaaya sa kanya. At muli namang binaba ni Chaaya ang kanyang kamay para hawakan ang bulaklak na nasa kandungan niya.
“Saan kayo pupunta? Anong ibig mong sabihin tungkol sa lakad niyo?” pagtatanong muli ni Lucius sa dalaga.
Nahihiyang sabihin ni Chaaya ang kanyang pakay kaya ayaw niya itong sabihin sa Senyorito pero dahil sinabay niya ito papunta sa mansyon ay iisipin na lang niya na ito ang kabayaran niya sa libreng sabay.
“Na-kwento niya po kasi sa akin kahapon na ngayon ang death anniversary ng kanyang ina,” napatingin si Lucius sa bulaklak na hawak ng dalaga sa kanyang kandungan at sa bulaklak na binili niya kanina na nasa lapag ng tricycle. Doon niya lang na-realize na kaya pala bumili rin ng ganoong bulaklak si Chaaya ay pareho sila ng dahilan.
“Nasabi niya rin po na nako-konsensiya sa pagkamatay ng kanyang ina–na may kasalanan siya sa pagkamatay nito kaya wala siyang lakas ng loob na harapin ang kanyang ina kahit na pitong taon na ang lumipas.” Tumango-tango si Lucius na tila naintindihan na niya kung ano man ang gustong sabihin ng dalaga.
“Naniniwala ka ba na may kasalanan siya sa pagkamatay ng kanyang ina?” bahagyang umiling si Chaaya sa sinabi ng Senyorito.
“Hindi po. Normal na reaksyon lang po iyon ng mga namatayan—na sisihin ang kanilang sarili sa pagkawala ng mga mahal nila sa buhay. Wala rin naman po sa mukha ni Ethan na siya ang may gawa noon sa kanyang ina kaya posible po na sinisisi niya lang ang kanyang sarili. Siguro ay may nagawa siya na hindi nagustuhan ng kanyang ina kaya ganon na lang ang paninisi niya sa kanyang sarili.” Tumango muli ang Senyorito sa paliwanag ng dalaga. Hindi niya ulit maiwasan na humanga sa paraan ng pag-iisip nito dahil kaya niyang isipin ang bagay na iyon.
“Kaya gusto ko lang po siya na yayain ngayon na dalawin ang kanyang ina. Sigurado ako na iyon ang gustong mangyari ng ina niya. Labis-labis ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak o sa kanyang mga anak.” Sambit ni Chayaa tiyaka siya ngumiti ng maalala niya ang kanyang ina. “Dahil ganon po ang aming nanay sa aming dalawang magkapatid.” dagdag pa nito habang pinupuri niya ang kanyang ina.
“Doon din ang punta ko,” sambit ni Lucius kaya wala sa sariling napatingin sa kanya si Chaaya mula sa tinitingnan niyang bulaklak sa kanyang kandungan ay lumipat iyon sa mga mata ng Senyorito dahil sa sinabi niya.
“I also try to pursue him to visit his mom,” paliwanag ni Lucius tiyaka niya nginuso ang bulaklak na binili niya sa lapag. Hindi maiwasan na mapangiti ni Chaaya sa kasipan na makakasama niya pa rin sa buong araw ang Senyorito.
“Senyorito?” Nagulat si Chaaya na nasa labas na pala sila ng mansyon at tiningnan ng gwarya ng mansyon kung tunay ngang nasa loob ang Senyorito. Tumango si Lucius sa kanya kaya naman sumenyas ang gwardya at sinabi sa kanyang mga kasamahan na papasukin ang tricycle sa loob dahil totoong lulan nito ang panganay na anak ng Agravante.
Nang bumaba na sila ay muling nagbayad ang Senyorito. Napakamot na lang sa ulo ang tricycle driver dahil sa laki ng halaga na binigay ng Senyorito sa kanya at wala siyang pansukli dito, kinalkal na niya ang kanyang lagayan ng pera na kanyang natrabaho ngunit alam niyang hindi sapat iyon na pansukli sa isang libong papel ng Senyorito.
“Pasensya na po senyorito, pero wala po akong panukli sa pera niyo. Baka meron po kayo diyan na mas mababang halaga ng papel o barya.” Napapakamot pa sa ulo si Manong dahil sa hiya.
“Keep the change po, Manong.” Ngiti ni Lucius. Nagulat si Chaaya sa sinabi ni Lucius dahil alam niyang hindi man lang umabot sa isang daan ang kanilang babayaran tapos keep the change sa isang libo?!
Maging ang driver ay nagulat sa sinabi ng Senyorito, hindi kaagad siya nakapag-react dahil sa gulat kaya naman kinuha ni Lucius ang kamay ni Manong tiyaka niya nilagay sa kamay nito ang kanyang bayad dahil mukhang masyadong nagulat si Manong para tanggapin ang pera na binigay sa kanya ng Senyorito.
“Sa-salamat po, Senyorito!” buong galak na pagpapasalamat ni Manong kaya tinanguan lang siya ng Senyorito bago siya magpaalam para umalis.
Inalalayan naman ni Lucius si Chaaya sa pag-akyat nila sa mansyon. May engrandeng hagdan ang nasa main door nila bago pa makapasok sa mansyon. Nakikita naman iyon ni Chaaya sa araw-araw pero hindi pa siya nakakapasok sa loob ng mansyon pwera sa kusina at sa hapag-kainan kung saan sila kumain ni Lucius noong isang umaga.
Hindi niya rin maiwasan na kabahan dahil baka makita niya ang Senyora o nasa bahay ang Senyora. Pero pinapakalma niya ang kanyang sarili na hindi naman siya dapat pang kabahan dahil si Ethan naman ang binibisita nito at hindi ang kanyang anak. Pasimple na tumango si Chaaya sa kanyang naisip, hindi naman siguro magagalit ang Senyora.
Hindi niya alam kung bakit naiisip niya na maldita at strikta ang Senyora gayong mabait naman ang Senyor noong nakilala niya. May mga usap-usapan kasi siyang naririnig tungkol sa Senyora na kahit mabait ito ay masyado siyang mahigpit sa kanyang mga anak at lalong mahigpit sa mga babae na kasama ng kanyang mga anak. Hindi nga niya alam kung aksidente niya lang naririnig ang mga iyon o pinaparinig talaga ng mga tao sa kanya kapag naglalakad siya pauwi sa kanilang bahay.
“Is it okay for you to wait here in the living room?” pagtatanong ni Lucius. “You can roam around or sit here on the sofa. I will just take a shower.” Pagpapalam nito.
Tiyaka lang na-realize ni Chaaya na hindi pa pala nakakapagpalit ng suot si Lucius. Naka-itim ito na tank top tiyaka isang kulay itim na jogging pants na may check pa na logo ng isang sikat na brand na alam niyang mamahalin. Naalala niya na bago pala siya tulungan ni Lucius sa pagtitinda ay nag-jog pala ang binata. Hindi niya lang masyadong napansin kanina dahil naka-apron ito at hindi niya masyadong tinitingnan ang katawan ng binata dahil masyado namang weirdo kapag nahuli siya ng binata na nakatingin sa kanyang katawan.
“Ah, ah sige. Uupo na lang ako.” Sambit ni Chaaya tiyaka niya tinruo ang mahabang sofa sa mansyon na mukhang mahal ang pagkakabili. Lumapit na siya roon tiyaka naupo at ngumiti kay Lucius para ipakita na kumportable siya doon.
“This won’t last long,” paninigurado ni Lucius kaya tumango si Chaaya. Binitawan muna ni Lucius ang bulaklak na binili niya sa kanilang center table.
Hindi maiwasan na mamangha ni Chaaya sa bahay nina Lucius. Alam niyang mamahalin ang lahat ng gamit kaya kahit na binigyan man siya ng permiso ni Lucius na maglibot-libot sa kanilang mansyon ay hindi niya ginawa dahil baka may masagi pa siya o mabasag siya na mamahaling bagay na hindi naman niya kayang bayaran. Ayaw niyang magbigay pa ng problema sa kanyang mga magulang. Ang ganda sanang tingnan ang mga frame ng pictures, paintings, vases at ang iba pa nilang pang-display pero hindi niya magawa dahil nga sa takot na makasira o makabasag siya ng isa man dito. Milyon panigurado ang isang painting at libo-libo naman ang mga antik na vases na nakapalibot sa sala ng mansyon.
Ang tanging malaya niya lang nasisilayan ay ang malaking picture frame sa mansyon kung saan sa hinala niya ay family picture iyion ng pamilyang Agravante dahil nandoon ang dalawang magkapatid—nakatayo sila sa likuran ng kanilang mga magulang na silang nakaupo. Nakangiti si Lucas doon habang seryosong nakatingin sa camera si Lucius. Ang Senyor ay may malawak na ngiti rin at may postura ang ngiti ng Senyora na alam mo na agad na isa silang mayaman na angkan. Kahit na nakangiti ang Senyora ay bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagiging strikta. Kaya naman pala magagandang binata ang kanilang mga anak ay dahil maganda ang kanilang pinagmulan. Kabilaang genes pala nila ang magdang lahi kaya mukhang wala man lang flaws sa mukha ng dalawang magkapatid.
Umakyat na si Lucius para pumunta sa kanyang kwarto. Nagmamadali siya dahil ayaw niyang paghintayin ang dalaga at alam niyang mahihirapan siya na kumbinsihin pa ang kanyang pinsan kaya naman kailangan niyang magmadali nang sa gayon ay hindi matagal ang paghihintay ng dalaga sa mansyon.
Nakita na niya ang kanyang kapatid na si Lucas sa tapat ng pintuan ng kanyang pinsan, mukhang kinakatok ito ni Lucas at wala man lang silang narinig na kahit anong sagot sa kanyang pinsan. Napasinghap si Lucas dahil mukhang wala siyang magagawa at kailangan na niyang tawagan ang babae na alam niyang mapapasunod si Ethan, bata pa siya noon pero alam niya na may namamagitan na sa dalawa.
“Kuya,” pagtawag ni Lucas nang makita niya ang kanyang kapatid sa hallway. Huminga ng malalim si Lucius bago siya magtanong sa kanyang kapatid.
“He’s not answering?” pagtatanong ni Lucius.
“He answered earlier, he said that he slept late last night and he needs more sleep.” paliwanag ni Lucas sa kanya. Napatango si Lucius tiyaka niya nilapitan ang kanyang kapatid. “Should I ask her a favor?” pagtatanong ni Lucas sa kanyang kapatid. Bahagyang tinapik ni Lucius ang balikat ng kanyang kapatid.
“Let me try it first, I will just inform you later.” Sagot ni Lucius sa kanyang kapatid habang nakapatong pa rin ang kanyang kamay sa balikat ng kanyang kapatid. Tumango si Lucius dahil naintindihan niya kung ano man ang pinapahiwatig ng kanyang kuya.
“Entertain Chaaya first while I’m in the shower and pursuing that asshole,” dagdag pa ni Lucius. Nagulat si Lucas dahil hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa ni Chaaya ngayon sa mansyon. Pero hindi na niya naitanong dahil muli na tinapik ni Lucius ang kanyang balikat bago niya ito nilagpasan para pumasok sa kanyang kwarto.
Nagkibit-balikat na lang si Lucas at ang dalaga na lang ang kanyang tatanungin kung bakit siya nasa loob ng mansyon ngayon. Bumaba na siya sa at nasusulyapan na niya ang dalaga sa kanyang pagbaba. Napatingin sa kanya si Chaaya.
Nang nakarinig ng yabag si Chaaya ay agad siyang napatingin sa hagdan dahil kabado siya na baka ang Senyora ang kanyang makita. Nakahinga lang siya ng maluwag nang makita niya ang kaibigan ng kanyang kapatid na si Lucas ang bumaba kaya nagpakawala siya ng isang ngiti. Mukhang may pupuntahan ang bunsong Senyorito dahil sa kanyang ayos, naka black slacks ito at isang puting polo.
“Ate,” bati ni Lucas tiyaka niya nilapitan sa kanilang sala ang dalaga. Nakita niya pa na hirap na gumalaw si Chaaya na para bang nililimitahan niya ang kanyang sarili kaya siya na ang lumapit dito.
“Lucas,” bati ni Chaaya. Dahil napansin niya ang suot ng binata ay napansin niya rin na mukha na siyang nakaligo kaya kumunot ang kanyang noo sa pagtataka.
“Akala ko magkasama kayo ng kapatid ko?” pagtatanong niya dahil hindi man niya nakita ang kanyang kapatid sa kanilang bahay nang makauwi na sila ni Lucius kanina.
Hindi niya rin man nakasalubong sa daan nang papunta sila sa mansyon. At kung nakauwi, nakaligo at nakabihis na si Lucas ay dapat na niyang nakita ang kanyang kapatid sa mga oras na iyon pero hindi niya nakita kaya naman hindi maiwasan na mag-alala ni Chaaya sa kanyang kapatid na si Suzzie.
“Kanina, ate.” sagot ni Lucas na nagulat sa reaksyon ni Chaaya. “Bakit? Anong nangyari?” muling pagtatanong niya.
“Wala pa siya sa bahay,” sagot ni Chaaya kaya naman napatayo agad si Lucas at kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa para tawagan ang kanyang kaibigan kung nasaan man siya. Bahagya siyang lumayo kay Chaaya kaya hindi masyadong narinig ni Chaaya ang usapan nila.
“Anong sabi niya?” napatayo na rin si Chaaya nang muling lumapit si Lucas pero may kung ano sa ekspresyon nito na hindi niya maintindihan. Bumuntong hininga si Lucas para sagutin niya ang kanyang kapatid.
“She’s with our friend earlier, ate. Don’t worry, nasa bahay na raw siya.” Parang nakahinga naman ng maluwag si Chaaya sa sinabi ni Lucas at muli siyang naupo sa kanyang malambot na sofa.
Nagkwentuhan muna ang dalawa para ma-distract na rin si Lucas sa kanyang naiisip at para hindi naman mainip si Chaaya sa paghihintay sa kanyang kapatid. Nalaman nila na iisa lang ang pupuntahan nila. Kalahating oras din silang nagkukwentuhan nang bumaba na ang kanyang kapatid. Napatingin silang pareho ni Chaaya doon, unang tiningnan ni Lucius ang dalaga bago niya nilipat ang kanyang tingin sa kanyang kapatid kaya nagtama ang tingin nilang dalawa.
“Call her,” wika ni Lucius sa kanyang kapatid. Noong una ay hindi niya maintindihan ang kanyang kapatid pero nang maintindihan na niya ay agad siyang tumayo tiyaka siya nagpaalam kay Chaaya. Wala sa sariling tumango si Chaaya dahil sa biglang reaksyon ng dalawang magkapatid.
“I’m sorry,” agap ni Lucius kay Chaaya. “Medyo natagalan ako dahil kinausap ko pa si Ethan.” tumango si Chaaya dahil naintindihan naman niya kung ano ang ibig sabihin ni Lucius.
“It’s okay,” sagot niya sa binata tiyaka niya tiningnan kung may bababa pa ba dahil inaasahan niya na kasunod na ni Lucius ang kanyang pinsan. “Si Ethan po?” pagtatanong ni Chaaya.
“Ayaw niyang lumabas sa kanyang kwarto,” stress na sagot ni Lucius. Bahagyang nag-alala si Chaaya sa sinabi ng Senyorito. “But don’t worry, lalabas din iyon.” Wika ni Lucius.
At saktong pagkasabi niya non ay nasulyapan niya si Lucas at ang isa nilang kasambahay na babae na paakyat na sa hagdan. Mukhang nagmamadali silang dalawa at nakita niya ang mukha ng kasambahay. Hindi siya pwedeng magkamali dahil siya ang nakita niya noon na kasama ni Lucius nang makita nila silang dalawa ni Ethan sa may dalampasigan kahapon.
“Magkakilala po sila?” takang tanong ni Chaaya habang nakatingin sa hagdan kahit na hindi na niya nasisilayan ang dalawa. Marahan na tumango si Lucius.
“Let just wait and pray that she can convince Ethan,” wika ni Lucius tiyaka siya naupo sa isang upuan.
Mukhang kampante naman si Lucius na makukumbinsi ng babae si Ethan kaya naupo na lang muli siya. Tinanong lang siya ni Lucius kung may kailangan ba siya o kung may gusto ba siyang inumin pero umiling lang si Chaaya dahil nahihiya siya. Tiyaka nahihiya siya na baka makita pa siya ni Manang Amelia na nagpapa-serve sa Senyorito o sa ibang kasambahay gayong trabahante lang din siya ng mansyon.
Pinaliwanag ni Lucius kung sino ang nagdisenyo ng kanilang bahay at tama nga ang hinala kanina ni Chaaya na ang Senyora ang may gusto ng disenyo ng bahay nila. Natatawa lang din siya dahil mukhang under ang Senyor sa Senyora. Ilang minuto lang ang lumipas ay bumaba na si Lucas na mukhang problemado sa kanyang kapatid, halos pareho lang ng damit ang dalawa kaya mukha silang kambal. Ang kaibahan nga lang ay halatang mas matanda si Lucius.
“What?” pagtatanong ni Lucius. Marahan na umiling si Lucas bilang sagot kaya naman napahilamos si Lucius sa kanyang mukha.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Chaaya.
“Ayaw pa rin lumabas ni kuya Ethan,” sagot sa kanya ni Lucas.
“Hindi siya nakumbinsi nung babae?” pagtatanong muli ni Chaaya at bahagyang umiling si Lucas bilang sagot.
Tiningnan ni Chaaya si Lucius, naghihintay siya ng magiging desisyon nito at kung ano ang dapat nilang gawin para lumabas si Ethan sa kanyang kwarto at pumayag siya na dalawin ang kanyang ina. Hindi na rin alam ni Lucius kung ano ang pwede niyang gawin para makumbinsi niya ang kanyang pinsan. Ang tanging huling alas na lang nila ay si Ashley pero masyadong matigas ang kanyang pinsan at hindi man lang ito lumabas.
Dahil sa katahimikan na pinakita ng dalawa ay napakat sa labi si Chaaya dahil mukhang wala ng maisip na paraan ang magkapatid kung paano nila mapapalabas at mapapasama ang kanilang pinsan sa pagbisita sa puntod ng kanyang ina. Bahagyang tinaas ni Chaaya ang kanyang kanang kamay nang sa gayon ay makuha niya ang atensyon ng dalawa kaya napatingin sa kanya ang dalawang magkapatid.
“Can I try to convince him?”