KABANATA 28

2677 Words
KABANATA 28 Hindi maiwasan na mahumaling ni Lucius habang pinagmamasdan niya ang dalaga. Nakalugay ang kanyang hanggang beywang na buhok habang naghihintay siya ng kanilang masasakyan. Malakas ang hangin kaya naman sumusunod sa bawat ihip ng hangin ang hibla ng buhok ng dalaga na lalong nagpapahumaling kay Lucius. Para siyang nasa komersyal ng shampoo. Lalong lumalawak ang kanyang ngiti habang pinagmamasdan niya ang dalaga at para bang nasa isang pelikula siya dahil tila bumabagal ang ikot ng kanyang mundo habang nakatingin kay Chaaya. At sa pagkakataon na iyon ay alam niyang delikado na kung ano man ang nararamdaman niya.  “Senyorito?” pagtawag ni Chaaya dahil kanina niya pa tinatawag ang binata ang kaso nga lang ay nakangiti lang ito habang nakatulala. Hindi niya maiwasan na kumunot ang kanyang noo habang nakatangin kay Lucius. “Senyorito?” muling pagtawag niya pa. Kinaway niya pa ang kanyang tapat ng mga mata ni Lucius nagbabakasakali na baka mapansin na niya.  Napatingin sa driver ng tricycle si Chaaya tiyaka siya nahihiyang ngumiti kay Manong. Naiilang siya dahil kita niya ang pagtataka sa matanda dahil sa reaksyon ng Senyorito. Napakamot ng ulo si Chaaya tiyaka niya nagmamadaling lapitan ang Senyorito para matauhan na ito. Hindi naman niya alam kung dapat niya ba itong hampasin pero hindi niya ginawa dahil maraming nakakakita sa kanila baka kung ano pa ang kumalat sa Isla maya-maya o kinabukasan.  “Senyorito!” pagtawag ng pansin ni Chaaya. Nilakasan na niya ang kanyang boses habang nasa harapan siya ni Lucius. At doon lang natauhan si Lucius kaya naman napailing siya at agad niyang inalis ang malawak na ngiti sa kanyang labi. Bahagya siyang umubo, nilagay niya pa ang kanyang kamao sa kanyang bibig habang nagkukuwanri siya sa pag-ubo dahil sa hiya na naramdaman niya. Panigurado ay nakita ni Chaaya kung paano niya tingnan ang dalaga. “Ba-bakit?” sinubukan ni Lucius na buuin ang kanyang boses pero hindi niya maiwasan na mautal dahil sa kaba. Bahagyang nawerduhan si Chaaya sa reaksyon ng binata. “May tricycle na po,” sabay turo ni Chaaya kay manong driver na naghihintay sa kanila kanina pa. Pinagtitinginan na rin sila ng ibang tao kaya nahihiya ng bahagya si Chaaya.  “Ah-ah oo!” agap naman ni Lucius tiyaka napaturo na rin sa tricycle habang naiilang na ngumiti sa dalaga. Nahihiya siya na nakita pa siya ng dalaga na nasa ganoong kalagayan habang nakatingin siya sa kanya na punong-puno ng paghanga.  “Huh?” takang tanong sa kanya ni Chaaya. “Hindi ka po ba sasama?” pagtatanong na lang niya dahil baka nagbago na pala ang isip ng Senyorito kaya ganito na lang siya maka-react. Ang alam niya ay may pupuntahan ito kaya baka nahihiya lang siyang magsabi na baka hindi siya makasama.  “Ha?” gulat na tanong ni Lucius. Noong una ay akala niya ay ayaw na siyang pasamahin ng dalaga. Mabuti na lang at nag-process sa kanyang isipan na tinatanong siya ni Chaaya.  “Sa-sasama pa rin ako!” mabilis na sagot niya kaya bahagyang napatango si Chaaya. Mas sigurado na iyong malinaw.  “Kung ganon ay tara na po,” anyaya ni Chaaya. “Kanina pa po naghihintay si Manong.” dagdag pa nito tiyaka na niya tinalikuran ang Senyorito kaya tumango si Lucius at sumunod na siya sa dalaga na nangunguna at sumakay na sa tricycle.  Nang makapasok na sa tricycle ang Senyorito ay kahit na maluwag naman ang loob ay nagmistulang itong masikip sa malaki niyang pangangatawan. Nakaurong na nga siya para komportable sa pag-upo si Chaaya. Hindi tuloy alam ni Chaaya kung kumportable ba ang Senyorito sa kanyang posisyon, nakahawak pa ito doon sa may lalagyan ng kung ano-ano sa loob ng tricycle.  “Kina Aling Susan po,” sambit ni Chaaya kay Manong. Kilala naman halos lahat ang kanyang ina dahil magkakakilala lang naman ang mga tao sa Isla kaya naman alam na panigurado ng driver kung saan ang bahay nila. Tumango na ang driver tiyaka na niya pinaandar at nagsimula na siyang mag-drive.  May bumabati kay Lucius dahil kitang-kita siya sa loob ng tricycle. Ngingitian lang sila ng binata tiyaka siya bahagyang yumuyuko para batiin ang iilan din matanda na kumakaway sa kanya. Hindi maiwasan na mapangiti ni Chaaya habang pinagmamasdan niya ang binata. Hindi niya alam kung bakit siya napangiti, siguro ay kita at ramdam niya na sinsero ang binata sa pagbati at pag-ngiti sa mga tao sa isla hindi katulad ng ibang mga mayayaman o mga nakaupo sa kapangyarihan na nagpapakitang tao lang na mabait sa mga tao para mapaganda ang imahe nila.  Umayos ng upo si Lucius nang wala na siyang masyadong nakitang mga taong bumabati sa kanya. Tiningnan niya naman kung maayos lang ba ang kalagayan ni Chaaya sa kanyang tabi kung hindi siya nahihirapan sa pag-upo niya para alam niya kung makakapag-adjust siya o hindi. Pero sa halip na nahihirapan na Chaaya ang kanyang makita ay naka-ngiting Chaaya ang bumungad sa kanya.  Namilog pa ang mata ni Chaaya nang mahuli ng binata ang kanyang mga mata at ang kanyang mga ngiti kaya bahagyang nagpanic ang kanyang kalooban at agad niyang inalis ang ngiti niya na humahanga sa binata. Iniwas na rin niya ang kanyang tingin at tumingin na lang sa labas, pasimple niyang kinagat ang kanyang labi dahil sa hiya na nararamdaman niya. Baka kung ano pa ang isipin ng binata dahil nakita niya ito sa ganoong kalagayan.  Mahinang natawa si Lucius sa reaksyon ng dalaga, namumula na nga ang pisngi nito dahil sa hiya. Halata ang pamumula niya dahil sa puti ng kanyang mukha. Umawang ang labi ni Lucius habang nakangiting nakatingin sa dalaga, muling nahumaling dahil sa pinakitang reaksyon ni Chaaya. Naramdaman kaagad ni Chaaya ang tingin sa kanya ng dalaga at ang pag-ngiti nito, narinig niya pa nga ang mahinang halakhak kanina ni Lucius. Panigurado ay natatawa siya dahil nakita niya itong parang timang na nakatingin habang nakangiti sa kanya.  Pasimpleng hinawakan ni Chaaya ang kanyang buhok tiyaka niya iyon ginamit para takpan ang kanyang mukha. Narinig niya pa ang halakhak ng binata dahil sa kanyang ginawa kaya naman buong loob niyang inalis ang pagkakatakip ng buhok niya sa kanyang mukha tiyaka ito umayos ng upo at tumikhim.  “Hinintay mo ako?” pagtatanong ni Lucius sa dalaga. Kumunot ang noo ni Chaaya dahil hindi niya alam kung ano ang sinasabi ng binata sa kanya. “Kanina. Bago ka sumakay ng tricycle. You really waited for me?” paglilinaw ni Lucius sa kanyang tanong.  “Ah iyon po ba?” pagtatanong ni Chaaya at muli niyang naalala ang nakatungangang-nakangiti na si Lucius na mukhang may sarili ng mundo kung hindi niya pa ito nilapitan at sinigawan. “Eh sabi mo po sasama ka diba?” pagtatanong din ni Chaaya dahil baka nagulat lang siya sa sagot niya at wala na itong magawa kung hindi um-oo kaya sumunod na lang ito sa tricycle.  “Oo naman,” sagot ni Lucius nang walang pag-aalinlangan na sagot ni Lucius sa dalaga. “Hindi ko lang inaasahan na hihintayin mo ako.” matamis ang ngiti ang iginawad niya.  Siguro para kay Chaaya ay maliit na bagay lang iyon pero para sa kanya ay napakalaking bagay na iyon. Hindi kasi siya sanay na may naghihintay sa kanya dahil sa kalahati ng buhay niya ay siya ang naghihintay para sa ibang tao. Kaya naman ganito na lang ang kasiyahan niya sa kaisipan na hinintay siya ng dalaga kahit na mukha siyang weirdo kanina.  “Eh kasi sabi mo po sasama ka kaya normal lang naman po na hintayin kita?” takang pagtatanong ni Chaaya. Kaya naman nakangiting tumatango-tango si Lucius bilang pagsang-ayon.  “Yes, yes.” sambit pa nito na hindi pa rin mawala ang ngiti sa kanyang labi. Kulang na lang ay mapunit ang kanyang labi sa kakangiti.  “Tiyaka, may utang pa po ako sa’yo na kailangan kong bayaran!” agap ni Chaaya. “Baka hindi po ako makatulog sa kakaisip ko sa inyo.” sambit ni Chaaya tiyaka bahagyang natawa dahil hindi siya sanay na may utang siya sa ibang tao.  Hindi niya alam kung bakit hindi siya sanay gayong wala naman siyang naalala? Siguro hindi siya kumportable sa kaisipan na may hindi pa siya nababayaran sa ibang tao na hiniram niya. Siguro ay normal lang naman ibalik sa taong hiniraman kung ano man ang bagay na hiniram? Hindi ba ganon naman talaga? “H-huh?” nagulat si Lucius sa huling salita na binanggit ng dalaga.  Muntik pa siyang mahulog dahil masyado siyang nagulat sa sinabi ni Chaaya na dahilan ng panghihina sa pagkapit niya sa may lagayan ng tricycle. Mabuti na lang at kaagad niyang nahigpiptan muli ang kanyang pagkakahawak. Paano ba naman ay masyadong nagbibigla si Chaaya sa kanyang sinasabi kaya halos lumundag ang kanyang puso.  “Iniisip mo ako?” pagtatanong ni Lucius para malinawagan sa sinabi ng dalaga. Napaawang ang labi ni Chaaya dahil mukhang nagkamali ng interpretasyon ang Senyorito sa kanyang sinabi kaya naman nagpapanic siyang nagsalita para sagutin niya ang katanungan nito.  “Ha? Ah! Hindi po iyon ang gusto kong sabihin! Ang gusto ko pong ipahiwatig ay baka hindi po ako makatulog mamayang gabi dahil may utang po ako sa inyo na iniisip.” agap ni Chaaya dahil ayaw niyang magkamali ng pagka-intindi ang Senyorito. Tiyaka bakit niya naman naisip ang bagay na iyon? “Ah I thought,” hindi alam ni Lucius kung paano dugtungan ang kanyang sasabihin kaya ngumiti na lang ito sa dalaga tiyaka sinabing, “Nevermind.” Agad din naman silang nakarating kaya naunang bumaba si Lucius. Pasimple niyang inalalayan ang dalaga sa pagbaba. Si Chaaya na rin ang nagbayad sa tricycle driver dahil may mga barya naman siya. Napansin niya kasi kanina na mukhang walang barya ang wallet ng Senyorito dahil wala naman siyang narinig na tumunog nang kinuha niya ang kanyang wallet. Tiyaka bente pesos lang naman ang pamasahe, baka mamroblema pa ang driver kapag isang libo ulit ang ibinigay ni Lucius.  “Manong, pahintay po ako. Hatid ko lang po.” paalam ni Senyorito sa tricycle driver. Baka ma-late kasi siya kapag naghintay pa siya ng bagong tricycle. Tahimik na tumango ang driver sa sinabi ng Senyorito. Tiyaka dinagdagan naman ni Chaaya ang kanilang bayad dahil sa paghihintay niya raw kanina. “Ha? Hindi na. Diyan na lang naman ako oh,” wika ni Chaaya tiyaka niya tinuro ang munti nilang bahay na hindi rin naman nalalayo sa daan kaya hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa siyang ihatid ni Lucius.  “Sasamahan na kita,” wika ni Lucius. “Tiyaka magbabayad ka ng utang mo diba?” agap ng binata kahit na ayaw na niya itong ipabayad sa dalaga.  “Ay oo nga po pala. Sorry po.” sambit ni Chaaya kaya nauna na siyang naglakad palapit sa kanilang bahay. “Wala pa sina Suzzie?” pagtatanong ni Chaaya sa kanyang isipan pero hindi niya napansin na napalakas na pala ang kanyang katanungan. Kaya naman napakagat siya agad sa kanyang labi dahil sa na-realize niya na mukhang umalis din ang kanyang ina at walang tao sa kanilang bahay. At alam niya rin naman kung paano mag-isip ang ibang tao kaya nagdadalawang-isip siya kung papasukin niya ba ang Senyorito o pakikiusapan niya na kung pwede siyang maghintay sa labas. Hindi naman din siya magtatagal sa loob dahil may pupuntahan pa nga siyang importante.  “Dito na lang ako sa labas maghihintay,” wika ni Lucius nang mapansin niyang nag-alinlangan si Chaaya na papasukin siya sa kanilang bahay kaya naman siya na ang nagsabi nang sa gayon ay hindi na mahiya ang dalaga sa kanya.  “Pasensya na po,” hingi ng paumanhin ni Chaaya. Alam niyang napansin ni Lucius ang kanyang pag-alinlangan kanina kaya siya na ang nagpresinta na sa labas na siya maghihintay. “I understand,” ngiti ni Lucius. Naintindihan namna niya kung paano mag-isip ang ibang tao at malaking usapin na naman sa kanyang ina kapag may nabalita sa kanya na hindi totoo. Baka madamay si Chaaya sa galit ng kanyang ina na iyon naman ang iniiwasan niyang mangyari.  “Diyan ka lang po!” Sinenyas pa ni Chaaya ang kanyang kamay kaya naman bahagyang natawa si Lucius. “Mabilis lang po ito! Tiyaka aalis din naman po ako kaya hindi ako magtatagal.” agap ng dalaga kaya tumango si Lucius.  “Go,” malambot na pag-uutos niya sa dalaga kaya tumango si Chaaya tiyaka siya tumakbo papasok sa loob ng kanilang bahay. Agad na siyang dumeretso sa kanilang kwarto ng kanyang kapatid tiyaka niya binuksan ang drawer niya dahil doon niya tinatano ang kanyang pera. Nang makita na niya ito ay kumuha lang siya ng saktong pambayad niya kay Lucius at sa tingin niya ay kakailanganin pa niya na pera.  Napapikit ng mariin si Chaaya nang maalala niya na kailangan niyang maligo dahil nakakahiya naman kung umalis siya na ganto pa rin ang suot at amoy niya. Kaya mabilis niyang kinuha ang white niyangn duster at iba pang kakailanganin tiyaka siya tumakbo sa loob ng banyo para mabilis na maligo. Hinubad na niya ang hoodie na pinahiram ng binata sa kanya at ang iba pa niyang suot tiyaka na siya mabilis na nagbuhos sa kanyang katawan. Kinuha na rin niya ang shampoo at ang sabon, sinabay na niya ang dalawa para mabilis siyang matapos. Mabuti na lang din at may tubig sa kanilang banyo at hindi na siya nagbomba, siya na lang ang mag-iigib mamaya pagkadating niya. Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang nagbihis, nilagay niya rin ang hoodie na pinahiram ng Senyorito sa maayos na lagayan, tiyaka na niya ito lalabhan dahil wala na siyang oras ngayon.  Tumakbo siya papunta sa kanyang kwarto tiyaka na niya nilagay sa isang monoblock na upuan ang kanyang towel at muli niyang kinuha ang kanyang pera sa maliit na study desk ng kanyang kapatid na pagkwento ng kanyang kapatid ay ginawa ng kanilang ama para sa kanya kapag nag-aaral siya. Kinuha na rin niya ang bulaklak na binili niya dahil iyon naman ang kailangan niyang dalhin sa kanyang pupuntahan. Nadatnan niya ang Senyorito na tumitingin-tingin lang sa paligid ng kanilang bahay na tila malalim ang iniisip. At nang nakita na niya ang dalaga sa kanyang harapan ay agad na niya ito binigyan ng isang malawak at matamis na ngiti. Umawang ang bibig ni Lucius dahil hindi niya inasahan na naligo pa ang dalaga, kaya pala nagtagal ito pero hindi naman siya nagrereklamo. “Ahm,” nahihiyang panimula ni Chaayan habang marahan niya pang hinahabol ang kanyang paghinga dahil sa pagtakbo niya. “Pa-pasenya na po. Naligo pa po ako.” Nahihiyang wika niya.  “Ayos lang, where are you going?” pagtatanong ni Lucius.  “Ayon nga po,” napakagat ng labi si Chaaya dahil sa hiya. “Kung pwede po ay makisabay sa inyo sa tricycle.” Nahihiya na wika ni Chaaya tiyaka niya pa nginuso ang tricycle sa likuran ni Lucius, hindi naman ganoon kalayo pero sapat na ang espasyo para hindi sila marinig ni Manong.  “It’s absolutely okay!” sagot ni Lucius. Agad na lumiwanag ang mata ni Chaaya sa sinabi ni Lucius  “Talaga po?!” hindi niya mapigilan na maging masaya sa sinabi ni Lucius.  “Oo, tara?” pagtatanong ni Lucius sa kanya. “Para matuyo rin ang buhok mo.” Napanguso si Chaaya at napahawak sa kanyang buhok dahil tumutulo pa nga ito sa basa. Hindi na niya napatuyo ito dahil sa pagmamadali.  Nang makalapit sila sa tricycle ay pinauna ni Lucius na sumakay ang dalaga.  “Sa mansyon po,” wika ni Lucius kaya tumango si Manong tiyaka na niya pinaandar ang kanyang sasakyan. Bago pumasok si Lucius ay tiningnan muna niya ang dalaga sa loob tiyaka niya tinanong, “Ikaw? Saan ka?” pagtatanong nito.  “Sa mansyon din po,” nakangiting sagot ni Chaaya na dahilan ng pagkunot ng noo ni Lucius.  “Ha? Nandoon si Aling Susan?” muling pagtatanong ni Lucius sa dalaga dahil sa pagtataka.  “Ah hindi po, may pupuntahan po ako.” Sagot ni Chaaya.  “Sino?”  “May pupuntahan po kami ni Ethan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD