KABANATA 27

3156 Words
KABANATA 27 Dahil sa gulat sa nangyayari ay wala na rin magawa si Chaaya kung hindi magpatianod na lang kay Lucius. At aaminin niya na sa simpleng mga salita lang ni Lucius na ganoon ay gumaan ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya kaninang nalaman niyang nababastos na pala siya nang hindi niya nalalaman pero dahil sa salita at sa kamay na nakahawak sa kanya ngayon ay parang gumaan ang kanyang pakiramdam—isang pakiramdam na alam niya na kapag hawak niya ang kamay na hawak niya ngayon ay mananatili siyang protektado.  Nakangiting pinagmamasdan ni Chaaya ang kanilang mga kamay habang hila-hila siya ni Lucius. Hindi na niya napansin ang mga taong nakatingin sa kanila at nagbubulungan dahil sa magkahawak nilang kamay. Napansin iyon ni Lucius pero wala na siyang pakialam kung ano pa ang iisipin ng mga tao, alam niya na makakarating iyon sa kanyang ina maya-maya pero alam niya rin na wala pang magagawa ang kanyang ina dahil lilipad siya sa ibang bansa mamaya. “Kuya!” gulat na sambit ni Lucas nang makita niya ang kanyang kuya. Sunod siyang napatingin sa bitbit nitong batya na may lamang timba na agad naman kumunot ang kanyang noo sa pagtataka.  “Why are you he-” hindi na naituloy ni Lucas ang kanyang sasabihin nang makita na niya kung ano ang hawak-hawak nang kanyang kuya sa kanyang kanang kamay. Natakpan kasi kanina ni Lucius si Chaaya kaya hindi kaagad napansin ni Lucas. “Ohw!” manghang sambit ni Lucas na tila naintindihan na kung bakit nandito ang kanyang kuya.  “Come on, let’s sell it.” sambit ni Lucius sa kanyang kapatid tiyaka na sila pumwesto sa maliit na pwesto ng magkapatid kung saan sila nagtitinda.  Habang nagsusuot sila ng apron ay inasar ni Lucas ang kanyang nakakatandang kapatid sa pamamagitan ni Chaaya.  “That’s my kuya’s favorite hoodie,” sambit niya habang inaayos ni Chaaya ang tali ng kanyang apron sa likuran, tinuro niya pa ang suot na hoodie ng dalaga kaya napahinto sa pag-aayos si Chaaya tiyaka tumingin sa kanyang hoodie na suot.  Hindi maiwasan na mag-alala ni Chaaya dahil kung paboritong hoodie ni Lucius iyon ay nakakahiyang dumihan at panigurado ay mag-aamoy isda na ito sa palengke. Baka maselan sa gamit si Lucius at ayaw niya na madumihan o maamuyan man lang ang kanyang paboritong hoodie.  “Shut it, Lucas.” pabirong binatukan ni Lucius ang kanyang kapatid bago siya lumapit kay Chaaya. “Make it fast. May lakad pa tayo.” pag-utos nito sa kanyang kapatid.  Pumunta si Lucius sa likuran ni Chaaya na siyang ipinagtaka ni Chaaya. Haharap sana si Chaaya para matingnan kung saan pupunta o kung anong gagawin ng Senyorito sa kanyang likuran ang kaso nga lang ay hindi siya makagalaw nang maramdaman niyang tinatali na ni Lucius ang kanyang apron sa kanyang likod. Nasulyapan ni Suzzie ang ginawa ng nakakatandang kapatid ng kanyang kaibigan sa kanyang nakakatandang kapatid na babae. Pasimpleng siniko ni Suzzie ang kaibigan niyang si Lucas tiyaka niya sinenyas ang kanilang magkapatid na kulang na lang ay lambingin sila ngayon sa palengke. Tila nangungusap ang dalawang magkaibigan gamit ang kanilang mga mata. Pinanlakihan ni Suzzie ng mata ang kanyang kaibigan habang sinesenyas niya ang kanyang ulo sa dalawa nilang kapatid.  “Anong meron?” wika ni Suzzie na walang ano mang ingay ang lumabas sa kanyang bibig. Agad na nagkibit-balikat ang kanyang kaibigan habang naka-pout pa ito bilang sagot niya.  “Hindi ko alam,” sagot ni Lucas na wala ring ano mang ingay para mas lalong maintindihan ng kanyang kaibigan na wala rin siyang alam sa biglaang kinikilos ng kanyang kapatid.  Mahinang hinampas ni Suzzie ang kanyang kaibigan kaya napangiwi habang nakaawang ang bibig ni Lucas sa pagtataka kung bakit ginawa iyon ng dalaga. Ginawa lang naman ‘yon ni Suzzie dahil ang buong akala niya ay pinagtatakpan lang ng kanyang kaibigan kung ano man ang binabalak ng kapatid nito na si Senyorito Lucius sa kanyang tinuturing na kapatid na si Chaaya.  “Usap tayo mamaya,” bulong ng dalaga bago niya inayos ang kanilang panindang isda at nagtawag ng customer na agad naman siyang tinulungan ni Lucius sa pag-aayos. Tumulong naman agad sina Chaaya. Gaya ng inaasahan nila ay mabilis na naubos ang kanilang paninda dahil sa dalawang Senyorito na tumutulong. Mabilis din naman maubos kapag si Lucas lang ang kasama nila pero dinadagsa talaga ng halos mga babae kapag kasama nila si Lucius kaya hindi sila nagtatagal sa palengke at nauubos agad ang kanilang paninda.  Kagaya na lamang ngayon na nagliligpit na sila habang may ngiti sa kanilang labi dahil natapos na nila ang kanilang pagtitinda. Habang nagbibilang ng pera ang magkapatid ay nagsesenyasan naman ang dalawang Senyorito.  “Go,” utos ni Lucius sa kanyang kapatid habang sineseyasan niya ito. Nag-iingat siya na huwag marinnig ng dalawa. Nasa tabi ni Lucius si Chaaya habang nasa tapat nito ang kanyang kapatid na si Suzzie at nasa tabi naman ng dalagita ang kapatid niyang si Lucas. Nakatayo silang dalawang Senyorito habang ang kanilang mga babae ay nakaupo at nagbibilang ng kinita nilang pera ngayong araw. “What?” pagtatanong ni Lucas sa kanyang kapatid. Ang kanilang pananalita na wala mang maririnig na boses, ang kanilang facial expression at ang mga senyas nila ang nagiging komunikasyon nilang dalawa para hindi sila marinig ng kanyang kaibigan.  “Go with Suzzie,” utos pa ni Lucius tiyaka niya nginuso ang dalagita na nasa tabi ng kanyang kapatid. Gusto niyang masolo si Chaaya sa paglalakad nila pauwi sa bahay ng dalaga, ayaw niya na kasama niya sina Lucas dahil wala siyang tiwala sa kanyang kapatid. Baka may gawin pa itong kalokohan.  “What? Why?” nagtatakang tanong ni Lucas sa kanyang kuya pero sinamaan lang siya ng tingin ni Lucius tiyaka niya muling sinenyasan. “I can’t.” sagot ni Lucas dahil kung ayaw naman ni Suzzie ay hindi naman din niya gagawin.  Napahilamos ng mukha si Lucius dahil sa kakulitan ng kanyang kapatid. Magsasalita pa sana siya ang kaso nga lang ay tapops ng magbilang ang dalawa kaya tumayo na ang dalawang magkapatid na babae at umayos naman ng tayo ang dalawang Senyorito na para bang walang ginawang senyasan kanina. Pinaningkitan naman sila ng mata ni Suzzie dahil alam niyang mayroong kakaiba sa dalawang magkapatid.  “Ah ate,” pagtawag ng pansin ni Suzzie habang naghuhubad ng apron ang kanyang kapatid kaya nakuha niya ang atensyon ni Chaaya.  “Hmm?” tanong ni Chaaya sa kanyang kapatid. Agad naman pumwesto si Lucius sa likuran ni Chaaya para maalis na niya ang pagkakatali ng kanyang apron.  “Salamat po.” ngiti ni Chaaya kaya napangiti Lucius. Halos masuka naman si Lucas sa nakikita niya sa kanyang harapan dahil muli na naman niyang nakitang cheesy o kaya naman ay corny ang kanyang nakakatandang kapatid pagkatapos ng mahabang panahon.  “Ah mauna muna kami ni Lucas,” paalam ni Suzzie kaya bahagyang nagtaka si Chaaya. Ito ba ang lakad na sinasabi ng kanyang kapatid? “May pupuntahan pa kasi kami.” sambit ni Suzzie tiyaka niya hinawakan sa braso ang kanyang kaibigan.  Nagtataka naman na nakatingin si Lucius sa kanyang kaibigan dahil wala siyang alam na may lakad pala sila ngayon. Wala naman sinabi sa kanya kagabi si Suzzie habang magka-text sila at wala rin siyang nasabi kanina habang naglalakad sila kaya bakas sa mukha ni Lucas ngayon ang pagtataka. “Diba, Lucas?” pagtatanong ni Suzzie sa naguguluhan niyang kaibigan kaya marahan niyang pinisil ang braso ng kanyang kaibigan tiyaka niya pa ito pinanlakihan ng mata.  “Huh? O-oo!” agap ni Lucas dahil alam niyang mag-aaway sila ni Suzzie kapag sinabi niya ang totoo na wala siyang alam sa plano ng kaibigan niyang babae. “May lakad kami.” pag-uulit niya pa sa sinabi ni Suzzie kaya nakangiti niyang tiningnan ang kanyang ate.  Ang totoo ay wala naman talaga silang plano o lakad ni Lucas. Ang balak lang ni Suzzie ay tanungin niya ang kanyang kaibigan tungkol sa namumuo sa dalawa nilang kapatid. Uuwi din naman sila dahil alam niyang may lakad pa ang lalaki pero hindi lang sila sasabay sa nakakatanda nilang kapatid para matanong niya ng maayos at malaya ang kanyang kaibigan tungkol sa kanila.  “Ganon ba?” pagtatanong ni Chaaya na tila naintindihan niya. “Ayos lang, hindi rin naman ako makakasabay sa pag-uwi, may dadaanan pa ako.” paalam ni Chaaya na siyang ikinagulat ni Suzzie.  “Dadaanan?” hindi maiwasan na magtanong ni Suzzie sa kanyang kapatid dahil alam naman niya na wala pang masyadong kilala ang kanyang kapatid sa Isla kaya paanong nagkaroon siya ng dadaanan? “Ah oo, may bibilhin lang ako diyan.” wika ni Chaaya tiyaka niya tinuro kung saan ang direksyon ng kanyang pupuntahan. Tahimik lang sa kanyang likuran si Lucius at naghihintay ng impormasyon sa dalaga kung saan ito pupunta.  “Bibilhin?” muling tanong ni Suzzie dahil hindi niya maiwasan na magtaka.  “Sa kaibigan ko,” sambit ni Chaaya dahil iyon ang totoo. Bahagyang napatango si Suzzie dahil baka bibilhan niya nang kung ano man si Angela. Siya lang ang kilala niyang kaibigan ng kanyang kapatid dahil tumatambay na si Angela sa kanilang bahay at halos daigin pa nito ang speaker ng kanilang TV sa lakas ng boses niya. Alam na alam na nasa loob si Angela ng bahay nila dahil sa boses nito at silang dalawa ng kanyang kapatid ang nagkukwentuhan.  “Okay!” ngiti ni Suzzie. “Kita na lang tayo sa bahay, ate!” paalam ni Chaaya sa kanyang kapatid kaya nagpaalam na rin si Chaaya.  “Ingat!” sambit pa ni Suzzie bago ito mawala sa kanyang paningin.  Aalis na sana si Chaaya nang mapansin niya na nasa tabi pa pala niya si Lucius. Hindi niya napansin ang binata dahil ang buong akala niya ay umalis na ito kaya ganon na lang ang pagkabigla niya nang makita niya ito sa kanyang likuran.  “Nakakagulat ka naman po,” komento niya dahil halata naman sa reaksyon niya na nagulat siya sa presensya ng binata. “May kailangan ka pa po ba?” pagtatanong ni Chaaya habang nakangiti dahil ayaw naman niyang bumusangot sa taong tinulungan siya ngayong umaga ng lalaki sa maraming paraan.  “Ah wala,” sagot ni Lucius habang kumukuha pa siya ng lakas ng loob na sabihin sa dalagang ihahatid niya ito pauwi dahil naalala na naman niya ang kahihiyan na ginawa nila ng kanyang pinsan sa harap mismo ng dalaga kasama pa ang kanyang ina.  Nag-isip si Chaaya kung ano pa ang kailangan ng Senyorito dahil baka nahihiya lang niya itong sabihin o bawiin. Hanggang sa nakaramdam siya bigla ng init dahil sa suot niya at naalala niyang suot-suot nga pala niya ang hoodie ng binata.  “Ay sorry po!” agad na hingi ng paumanhin ng dalaga. Kumunot ang noo ni Lucius dahil sa pagtatataka niya sa biglaang paghingi ng paumanhin ni Chaaya sa kanya. “Yung hoodie niyo po ba?” inosenteng pagtatanong ng dalaga tiyaka niya tinaas ang kanyang kamay dahil medyo malaki pa iyon sa kanya.  Umawang ang labi ni Lucius dahil hindi na nga iyon sumagi sa kanyang isipan pero naalala pa iyon ng dalaga. Sasabihin na niya sana na huwag na siyang masyadong mag-alala sa hoodie ang kasi nga lang ay naunahan na siya ng dalagang magsalita.  “Lalabhan ko muna po bago ko ibalik sa inyo!” agap ni Chaaya dahil bahagya siyang nahiya sa amoy ng hoodie. Kung kanina ay mabago pa ito at amoy na amoy ang pabangong gamit ng binata maging ang sabon na pinaglaba sa damit ngayon ay nahahaluhan na ng lansa ang amoy dahil sa isda.  At nahihiya si Chaaya na ibalik sa ganoong kalagayan ang hoodie. Binigay sa kanya ni Lucius nang mabango kaya kailangan niya rin ibalik ang hoodie sa kanya ng mabango. Lalo na at naalala pa niya ang sinabi ng kanyang kapatid kanina na ito ang paboritong hoodie ng binata.  “It’s okay, don’t worry about it,” agap ni Lucius sa dalaga dahil mukhang nag-aalala talaga si Chaaya doon. Bakas kasi sa mukha niya ang pag-alala at maging sa boses pa nito.  Dahil sa sinabi ni Lucius ay bahagyang guminhawa ang pakiramdam ni Chaaya. Kahit na hindi siya marunong maglaba ay gagawin  niya ang lahat ng kanyang makakaya maging malinis at mabago lang ulit ang pinahiram na hoodie sa kanya ng binata. Siguro ay magpapatulong na lang siya sa kanyang kaibigan na si Angela tutal ay sabay naman silang naglalaba.  “Where are you going, by the way?” pagtatanong ni Lucius dahil iyon ang narinig niya sa usapan nila ng kapatid niya kanina.  “Ah diyan lang po sa tindahan po ng mga bulaklak.” sagot ni Chaaya kaya tumango si Lucius.  “Can I join you?” pagtatanong niya kaya napatingin muli sa kanya si Chaaya. “And can I take you home?” pagtatanong pa muli ni Lucius.  “Hmm,” bahagyang nag-isip si Chaaya.  Napatingin din siya sa mga taong nakatingin sa kanila at ang iba ay lantaran pang pinapakita na sila ang pinag-uusapan nila. Huminga ng malalim si Chaaya dahil alam naman niya na marami na talagang pinag-uusapan sila kanina pa kaya wala naman magbabago kung hindi man niya payagan si Lucius, dahil sa huling banda ay pag-uusapan pa rin naman sila ng mga tao. “Sige, ayos lang.” sagot niya tiyaka niya nginitian ang binata. Nakahinga ng maluwag si Lucius pagkataops na mag-desisyon ni Chaaya. Ang akala niya ay hindi papayag ang dalaga.  “Really?!” bakas ang kasiyahan sa kanyang boses. At nang ma-realize iyon ni Lucius ay napatayo siya bigla ng tuwid. Masyado siyang nasiyahan sa kanyang narinig kaya naman tumikhim siya dahil baka mawerduhan sa kanya ang dalaga.  “Let’s go?” anyaya niya bago pa mawerduhan sa kanya ang dalaga. Ngumiti si Chaaya tiyaka siya tumango. “Lead the way,” iminuwestra pa ni Lucius ang kanyang kamay para manguna ang dalaga.  Sinundan niya lang ito hanggang sa nakarating sila sa isang manang na nagtitinda ng bulaklak. Binati siya ng matanda kaya naman ngumiti si Lucius at bumati rin sa kanya.  “Ano pong kailangan niyo, Senyorito?” pagtatanong ng matanda.  “Ah, hindi po ako.” agap ni Lucius. “Siya po ang bibili.” dagdag pa niya tiyaka niya tinuro si Chaaya. Napangiwi naman ang matanda habang nakatingin siya kay Chaaya, hindi na lang pinansin ni Chaaya ang reaksyon ng matanda.  “Magkano po dito?” tinuro ni Chaaya ang bundle ng white lilies. Iyon kasi ang pagkakaalam niya na pwedeng dalhin sa sementeryo.  “Four hundred,” masungit na wika ng matanda sa kanya. Sa pagkakataon namang ito ay si Chaaya ang napangiwi sa presyo. Hindi niya matandaan kung sakto ba ang pera na nadala niya.  “Hindi po ba pwedeng three fifty?” ginagaya niya ang kanyang ina kung paano makipagtawaran sa mga tindera kapag kasama niya itong namamalengke. Tahimik niyang hinihiling na pumayag ang tindera dahil baka hindi sakto ang dala niyang pera at nakakahiya.  “Aba-” hindi natuloy ng tindera ang kanyang sasabihin nang maalala niya na nasa likuran nito ang Senyorito. Hindi alam ng matanda na magkasama sila dahil nauna si Chaaya sa Senyorito. Tumikhim ang matandang babae para mabawi niya ang kanyang postura.  “Lugi ako diyan, iha.” mahinahon na sambit niya dahil ayaw niyang masira ang imahe niya sa Senyorito. “Three eighty. Hanggang diyan lang ako, kung hindi e hanap ka na lang sa iba.” kahit na sinubukan man ng matanda na huwag mag-tunong mataray ay naramdaman pa rin ni Chaaya ang katarayan nito kaya naman agad na lang siyang tumango dahil baka mapahiya pa siya dito. Kinuha ni Chaaya ang maliit niyang pouch tiyaka niya tahimik na binilang ang kanyang perang dala. Napapikit siya ng mariin at sinubukan ulit bilangin ang kanyang pera dahil baka nagkamali lang siya ng bilang noong una pero mukhang sinusubok talaga siya ng tadhana dahil kung ano ang bilang niya noong una ay ganon din ang bilang niya sa pangalawa.  Pumukit muli siya ng mariin dahil kulang siya ng one eighty pesos! Kung pumayag pala ang matanda sa tawad niya kanina ay hindi rin kasya ang dala niyang pera. Bahagyang nagpanic si Chaaya sa kanyang kalooban dahil kulang ang dala niyang pera.  Alam niyang ipapahiya siya ng matanda kapag nagkataon at baka mapahiya siya sa harapan ni Lucius at hindi niya alam kung paano niya muling haharapin ang Senyorito kapag nangyari iyon.  “May problema ba?” pagtatanong ni Lucius dahil biglang natahimik ng matagal ang dalaga habang hawak-hawak ang kanyang wallet. Napakagat ng labi ang dalaga dahil wala na siyang ibang choice kung hindi sabihin kay Lucius ang totoo.  “Pwedeng pautang po ng one eighty?” nahihiyang tanong ni Chaaya kay Lucius. Halos ibulong na lang niya ang mga salita niya sa sobrang hiya niya pero narinig pa rin naman ni Lucius iyon kahit papaano.  Umawang pa nga ang labi ni Lucius hindi dahil sa pagkabigla kung hindi dahil sa pagkamangha niya sa dalaga. Ang itsura kasi ng dalaga ay mukha siyang batang maliit na naghihingi ng pera para may maipambili ng candy. Pinigilan niya ang kanyang sarili na ngumiti dahil baka pag-isipan siya nang kung ano ni Chaaya.  “Kulang po kasi ang pera ko eh,” paliwanag naman ni Chaaya. “Pero babalik ko rin po! Diba hahatid mo naman po ako?” pagtatanong ni Chaaya kaya tumango si Lucius habang pinipigilan niya ang matawa. Hindi niya alam pero mas lalo siyang nahuhumaling ngayon sa dalaga. “Kapag nasa bahay na tayo, babayaran ko rin sa’yo.”  At para siyang timang dahil sa narinig niya. Kung ibang tao ang makakarinig sa sinabi ni Chaaya ay iisipin nila na nakatira sila sa iisang bahay.  “Sige po, manang. Kunin na namin. Dalawa po.” Wika ni Lucius tiyaka niya kinuha ang kanyang wallet at mabilis na bumunot ng isang libo doon. Umawang ang labi ni Chaaya dahil hindi niya alam kung bakit dalawa ang binili ni Lucius.  “I-isa lang po!” nahihiyang wika ni Chaaya.  “Bibili rin ako.” Sambit ni Lucius na may ngiti sa kanyang labi kaya biglang namula ang pisngi ni Chaaya dahil sa kahihiyan.  Agad naman inasikaso ng matanda ang bulaklak. Nakalagay ito sa basket pagkatapos ay binigay na niya sa Senyorito, kinuha naman agad ni Chaaya ang kanya kaya kinuha na rin ng Senyorito ang sa kanya.  “Keep the change po,” sambit ni Lucius sa matanda kaya lumawak ang ngiti nito at nagpasalamat sa Senyorito. Umawang din ang labi ni Chaaya dahil sayang din ang sukli ng binata pero mukhang nakatulong naman siya sa matanda kaya hindi na niya ito pinansin pa. “Ba-babayaran ko rin pag-uwi sa bahay.” Wika ni Chaay dahil nahihiya siya sa Senyorito. “A-ano, sakay na tayo sa tricycle. Ako na bahala sa pamasahe!” sambit ni Chaaya kaya tumango si Lucius.  “Yes po, madam!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD