KABANATA 20

2708 Words
KABANATA 20 Katahimikan… iyan ang naghari sa kanilang lamesa pagkatapos na magbigkas ni Chaaya ang isang pangalan. Nagtaka si Chaaya sa pananahimik kaya unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata at napansin niya na tahimik lang nakatingin sa kanya ang tatlo. Marahan siyang napakagat sa kanyang labi dahil mukhang napalakas talaga ang boses niya na mukhang proud pang sabihin ang pangalan ng lalaki.  Ang bumasag lang sa katahimikan ay ang nakakailang na tawa ng Senyor kaya naki-tawa na lang din si Angela hanggang sa nakitawa na rin si Chaaya kahit na hindi niya naintindihan kung ano ang nakakatawa. Ang tanging alam niya lang ay nakakahiya ang ginawa niya dahil para na niyang ipinagsigawan na gusto niya ang binata.  “So, it was my wife’s nephew.” sambit ng Senyor tiyaka niya binigyan ng gilid na tingin ang kanyang anak para matingnan ang reaksyon nito. Walang reaksyon si Lucius kung hindi ang pagkuyom ng kanyang kamao.  “A-ah, ye-yes po.” nahihiyang sagot ni Chaaya. Hindi na niya kailangan pang magsinungaling dahil halos isigaw na niya iyon kanina sa buong restaurant kaya wala na siyang choice kung hindi panindigan ang kanyang sinagot.  Talagang namangha siya sa angkin ka-gwapuhan ng binata kaya siguro iyon na ang natitipuhan niya. Tiyaka mukha naman siyang mabait nang makilala niya kahit na sa almusal lang sila nagkasalo.  “Hmm. Ethan is a good son too.” papuri naman ng Senyor kahit na ramdam na niya ang mga sama ng tingin ng kanyang anak sa kanyang kubyertos na para bang may ginawang kasalanan sa kanya ang mga walang buhay na bagay.  “He looks kind po that is why he caught my attention,” pagtango ni Chaaya. Umawang ang bibig ng Senyor dahil sa sinagot ng dalaga.  Ang buong akala ng Senyor ay nagpapalusot lang ang dalaga na ang pamangkin ng kanyang asawa ang natitipuhan niyang binata dahil nahihiya lang siyang bigkasin ang pangalan ng kanyang anak na nasa kanyang tapat. Kaso mukhang nagkamali siya.  Pero hindi siya pwedeng magkamali. Nakikita naman niya sa mga mata ni Chaaya na mukhang may pagtingin din siya sa kanyang anak. O mukhang humihina na ang pag-obserba niya sa mga tao? Totoo nga ba talagang si Ethan ang gusto ng dalaga?  “You really like him,” sambit ng Senyor para matingnan niya ang reaksyon ng dalaga. Pero ganon na lang ang pagkadismaya niya nang mapansin niya ang pamumula ng kanyang pisngi. ‘So she’s telling the truth, huh.’ ang nasa isip ng Senyor.  Namumula si Chaaya hindi dahil sa kilig kung hindi dahil sa hiya. Nahihiya siya sa kung ano man ang isipin sa kanya ng Senyor. Baka isipin niya na nagdalawang-isip siya kanina sa scholarship at kailangan niya pang pag-isipan na mabuti kung tatanggapin niya ito o hindi tapos ay hindi man lang siya nagdalawang isip sa pagsagot kung sino ang binata na natitipuhan niya sa isla. Baka isipin niya na isa siyang maharot na babae.  Hindi sinagot ni Chaaya ang Senyor tiyaka na lang niya kinain ang kanyang pagkain dahil sa hiya. Pinuno na lang niya ang kanyang bibig nang sa gayon ay makita ng Senyor na hindi siya makakasagot dahil puno ang bibig nito na siya namang bahagyang ikinatawa ng Senyor. Napailing na lang ang Senyor sa mga kabataan ngayon kaya pinagpatuloy na rin niya ang kanyang pagkain. Pinatili naman ni Angela na tahimik ang kanyang pagkain kahit na kating-kati na ang kanyang dila na tanungin ang kanyang kaibigan tungkol sa lalaking natitipuhan niya. Kilala niya ang Senyorito Ethan dahil namamalagi o laging bumibisita ang Senyorito noon sa Isla. Alam niya rin ang kwentong pag-ibig ng Senyorito dahil laki siya sa palengke at maraming Maritess doon ay dinig na dinig niya ang mga usapan ng mga nakakatanda kaya para bang nakasubaybay na siya sa buhay ng Senyorito nang libre.  Ganto siguro talaga ang buhay kapag malayo sa siyudad. Buhay ng tao ang pinag-uusapan at dahil magkakalapit lang ang mga bahay tiyaka magkakakilala ang mga tao ay hindi malabong malaman ni Angela ang istorya ng bawat-isa lalo na at pala-labas pa siya ng bahay. Hindi siya mapilmi sa bahay dahil kailangan niyang rumaket nang sa gayon ay may maipambili siya ng maintenance na gamot ng kanyang ina.  “Salamat po,” halos sabay na pagpapasalamat ng dalawa sa Senyor matapos silang kumain sa restaurant.  Pagkatapos kasi nang usapan kung sino ang lalaking natitipuhan ng dalaga ay wala na silang masyadong napagkwentuhan liban na lang kapag nagkwento ang Senyor sa kanyang mga iskolar at sa mga napagtapos na niya na may maayos na trabaho.  Nandito na ngayon sila sa parking lot kasama ang limang bodyguard ng Senyor.  “No worries,” sagot ng Senyor sa kanila. “Sana ay makasama ko pa kayo sa hapag sa susunod,” sambit ng Senyor na may ngiti sa kanyang labi.  “Masusunod po!” masiglang sagot ni Angela. Tiningnan ng Senyor si Chaaya kaya nahihiya siyang ngumiti bago siya sumagot dahil mukhang hinihintay ng Senyor ang kanyang sagot sa kanyang anyaya.  “Oo naman po,” hindi naman din siya makakatanggi sa Senyor dahil mabait naman siya. Nakakahiya pa na tumanggi sa Senyor kaya iyon ang kanyang sinagot.  Gusto rin naman niya dahil syempre masasarap na pagkain ang kanyang matitikman, sana lang ay kasama niya ang kanyang pamilya kanina sa hapag. Sigurado siya na masisiyahan sila sa sarap at dami ng ulam na nakahain kanina. Hindi lang ang tiyan niya ang busog kung hindi maging ang kanyang mga mata.  “Sana sa susunod na kasama ka namin sa hapag ay bilang isa-” hindi natuloy ng Senyor ang kanyang sasabihin nang sumingit ang kanyang panganay na anak.  “Pa,” pagputol ni Lucius sa kanyang ama dahil baka ano pa ang masabi nito. Kilala niya ang kanyang ama at alam niyang boto na siya kay Chaaya para sa kanya ang kaso nga lang ay hindi naman siya ang gusto ng dalaga.  “Ihahatid ko na sila,” wika ni Lucius tiyaka tumango ang Senyor at tinapik ang balikat ng kanyang anak.  “Mag-ingat kayo,” paalala ng Senyor sa kanila. “Tiyaka mauna ka nang umuwi sa bahay dahil may gagawin pa ako sa munisipyo.” sambit ng Senyor kaya tumango si Lucius.  “Take care, Pa.” paalam ni Lucius kaya nagpaalam na rin ang magkaibigan tiyaka sila pumasok sa kotse nang pinagbuksan sila ni Lucius.  “Huwag mong masyadong damdamin,” pang-aasar ni Luke sa kanyang anak kaya agad na sinara ni Lucius ang pintuan ng kotse nang sa gayon ay hindi na marinig ng dalawa ang boses ng kanyang ama.  “Pa!” pagbabawal niya sa kanyang ama na siya namang ikinatawa ng matanda. Pilyo pa itong nag-wave ng kamay sa kanyang anak tiyaka na siya umalis. Napailing na lang si Lucius dahil mukhang tumatandang paurong ang kanyang ama dahil sa kakulitan nito.  Sa buong biyahe papunta sa bahay nina Chaaya ay tahimik lang ang lahat at walang nagbalak na magsalita. Gusto man sana na mag-ingay ni Angela pero ramdam niya na hindi dapat siya magsalita. Palengkera man siya ay nakakaramdam din siya kung kailan dapat manahimik at sa palagay niya ay isa itong pagkakataon na ito para manahimik siya. Hindi niya alam kung bakit pero mas pinili niya na lang manahimik, siguro ay sa mga susunod na bukas ay mabibigyan din naman siya ng kasagutan kung bakit pakiramdam niya ay kailangan niyang manahimik sa mga oras na ito.  Tumikhim si Lucius para basagin ang katahimikan. “How about you, Angela? Where is your house?” pagtatanong ni Lucius. Hindi inaasahan ng dalawa ang pagtatanong ni Lucius kaya hindi nakapagsalita si Chaaya na magkapit-bahay lang sila.  Samantalang “ha?” lang ang naisagot ni Angela. Nasa gitna na kasi sila ng biyahe nang biglang piniling magsalita ni Lucius.  “Magkapit-bahay lang po sila, Senyorito.” ang driver na ang sumagot sa kanilang dalawa. Napansin niya rin kasi ang pagkagulat ng dalawang magkaibigan sa likuran. At kilala niya naman si Angela bilang anak ni Linda—na kapit-bahay ng mga Santos.  “I see,” wika ni Lucius. Kaya siguro naging magkaibigan ang dalawa dahil magkapit-bahay lang naman sila. Simula siguro noon ay kilala na nila ang isa’t-isa.  Muling naghari ang katahimikan sa kanilang tatlo at hindi na rin nagsalita ang driver dahil nanahimik na ang Senyorito. Hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa tapat ng bahay nina Angela at Chaaya kaya agad na lumabas ang Senyorito at pinagbuksan niya ng pintuan ang dalawa. Ang driver naman nila ay kinuha ang pinamili ng dalawang magkaibigan sa likod ng sasakyan.  “Salamat po,” yumuko si Chaaya bilang pagbibigay galang sa Senyorito. “No worries,” wika ni Lucius habang seryoso siyang nakatingin sa dalaga na nakayuko sa kanyang harapan. Bahagyang gumalaw ang kanyang panga nang maalala niya ang usapan kanina.  “Sana maulit po ulit!” singit ni Angela dahil ang tagal na niyang hindi nakakain ng masarap at madami pa na animo’y may selebrasyon ng kaarawan. Lumipat ang tingin ni Lucius sa kaibigan ni Chaaya na si Angela tiyaka siya ngumiti dito.  “Sure thing.” sagot ni Lucius. Paniguradong mauulit ang sabay nilang pagkain ni Chaaya sa hapag, sinisigurado niya ‘yon dahil gagawa at gagawa siya ng paraan para muling makasama ang dalaga.  “Ito na ang mga pinamili niyo,” kinuha naman nina Angela at Chaaya ang kanilang pinamili at muling nagpasalamat.  “Mauna na kami,” paalam ni Lucius kaya nagpaalam na rin ang dalawa at muling nagpasalamat.  Naunang pumasok sa bahay si Angela dahil marami at mabigat ang kanyang pinamili. Dinig pa nila ang sigaw ni Angela galing sa loob na inaanunsyo sa kasama niya sa bahay o kung sino man ang nasa loob ng kanilang bahay na nakarating na siya. Samantalang natigilan si Chaaya sa pagpasok dahil hindi man lang gumagalaw sa kinatatayuan niya ang Senyorito kaya bahagyang nagtaka ang dalaga kung bakit hindi pa ito umaalis.  “Ma-may nakalimutan ka ba?” pagtatanong niya kahit na wala namang bagay na pinahawak sa kanya ang Senyorito ay baka may nakalimutan naman siyang sabihin kaya hindi pa siya nakakaalis.  “Nothing,” sambit ni Lucius pero hindi pa rin siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. May salita kasi na gusto siyang marinig sa dalaga na hindi niya narinig kanina kaya ayaw niyang umalis.  “Ah, take care, I guess?” sa huli ay siya na ang nagsabi ng gusto niyang salita na marinig sa boses ng dalaga. Nagtaka lalo si Chaaya sa sinabing pag-iingat ni Lucius gayong nasa tapat na lang siya mismo ng kanilang pintuan.  “Ha? Nandito na ako,” sambit niya na naguguluhan habang tinuturo niya ang bahay nila na nasa kanyang likuran mismo.  Bahagyang nahiya si Lucius dahil mukhang hindi naintindihan ng dalaga ang kanyang pahiwatig kaya napahawak siya sa kanyang batok dahil sa kahihiyan. Kahit na hindi maintindihan ng dalaga at wala namang nakakita sa kanya ay hinid niya maiwasan na mahiya sa sarili niya.  “Ah yeah, sorry about that.” sambit niya tiyaka pilit na tumawa. Tinuro na niya ang kanilang kotse para magpaalam ulit siya. “Time to say goodbye, I guess?” nahihiyang sambit ni Lucius kaya ngumiti si Chaaya. Hindi niya nahalata ang kahihiyan ng Senyorito.  “Byee~!” pagpapaalam ni Chaaya. Gusto niya na makita niyang pumasok si Lucius sa sasakyan bago siya pumasok sa kanilang bahay.  “Ah goodbye,” muling paalam ni Lucius na hindi man lang makagalaw sa kanyang kinatatayuan.  “Byebye,” sambit ni Chaaya pero napa kurap-kurap siya nang hindi pa umaalis o gumagalaw man lang si Lucius sa kanyang harapan.  “Goodbye,” wika ni Lucius. Ang akala niya ay aalis na talaga ang Senyorito pero nakatayo pa rin ito sa kanyang harapan.  “Ah bye?” nagtataka na sambit ni Chaaya dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa Senyorito at hindi siya makagalaw.  “Yeah, goodbye.” sambit pa ni Lucius pero hindi man siya gumalaw sa kinatatayuan niya.  “Dapat ka ng maglakad papunta sa kotse niyo,” inosenteng sambit ni Chaaya tiyaka niya tinuro ang sasakyan nila. Agad na umiling si Lucius sa sinabi ni Chaaya na hindi kumbinsido sa sinabi ng dalaga.  “Go inside,” sambit niya tiyaka niya nginuso ang bahay nina Chaaya na nasa likuran ng dalaga. Kung hindi niya maririnig ang salita na gusto niyang marinig ay mas gusto na niyang makita na lang ang dalaga na pumasok na sa kanilang bahay.  “Hindi na, kapag nakaalis ka na lang.” wika naman ni Chaaya. Pakiramdam niya kasi ay ganon dapat ang gawin niya lalo na ang Senyorito Lucius ang naghatid sa kanila.  “Sige na Chaaya,” pag-engganyo ni Lucius na may ngiti sa kanyang labi. Napabuntong hininga si Chaaya dahil mukhang wala na siyang magagawa.  Tumalikod na siya sa binata tiyaka na niya kinuha ang kanilang susi sa kanyang wallet at binuksan na niya ang pinto. Nang sasarado na niya ito ay muli silang nagkarap ng Senyorito na may ngiti sa kanyang labi.  “Close the door,” pag-utos nito kaya tumango na si Chaaya tiyaka niya marahan na sinara ang pintuan.  Nang nasa loob na ng bahay si Chaaya ay kampante na si Lucius tiyaka na siya bumalik sa kanilang sasakyan. Tiningnan naman ni Chaaya ang pag-alis ni Lucius sa butas na malapit sa kanilang bintana. Nang uamlis na ang kotse ay bumuntong hininga siya at inayos na ang kanyang pinamili.  Habang nasa biyahe naman si Lucius ay hindi niya maiwasan na isipin ang sinagot ni Chaaya kanina. Hindi niya maiwasan na isipin kung ano ang nagustuhan ng dalaga sa kanyang pinsan. Narinig niya naman ang sinagot kanina ni Chaaya na ‘good man’ nga raw ang kanyang pinsan. Napailing na lang siya dahil pasalamat ang pinsan niya at nagulat siya sa sinagot ng dalaga kanina at hindi niya nasabi sa dalaga ang totoong ugali niya—isa ring gago ang kanyang pinsann.  Tiyaka isa pa, hindi ba nakikita ni Chaaya na good man din naman siya? Bakit hindi siya ang natipuhan niya gayong mas mabait naman siya sa kanyang pinsan? Ang dami ngang nagsasabi—hindi lang ang mga lokal sa Isla kung hindi maging na rin ang mga kaibigan nila sa Manila na siya ang mas mabait kumpara sa pinsan niya. Mas kilala na gago ang kanyang pinsan magsimula noong nawasak ang kanyang puso ng isang babae. Simula noon ay hindi na siya nagseryoso sa mga babae na nakakasalamuha niya.  Nagtiim ang bagang ni Lucius sa kaisipan na baka paglaruan ng kanyang pinsan ang inosenteng si Chaaya. Hindi siya makakapayag na gawin iyon ni Ethan dahil baka makalimutan niya na magka-dugo silang dalawa.  Bahagyang napasabunot sa kanyang buhok si Lucius. Bakit pa kasi si Ethan pa ang natitipuhan ni Chaaya sa buong Isla? Gayong meron namang mga matitinong binata na nararapat na para sa kanya. Mga handang tumulong sa kanya at mahalin siya na walang halong panloloko—iyong puro at totoo.  Napailing na lang siya dahil masyado nang nagiging corny ang nasa-isip niya. Alam niyang nagagandahan siya sa dalaga pero nagsisimula na niyang tanungin ang kanyang sarili kung talaga bang nagagandahan siya o mas lumalalim pa doon ang nakikita niya sa dalaga.  “Dito na po tayo, Senyorito.” hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa mansyon dahil sa lalim ng iniisip niya.  “Salamat manong,” wika niya tiyaka na siya lumabas sa kotse at sinara niya ito.  Pagpasok niya sa mansyon ay nakita niya ang kanyang kapatid na mukhang kakagaling lang sa paaralan dahil naka-uniporme pa ito. Napatingin si Lucius sa giant wall clock nila dahil sa pagtataka kung bakit nandito sa bahay ang kanyang kapatid gayong oras ng kanyang pasok.  “PTA meeting, early dismissal.” sambit ni Lucas kahit na wala pang tinatanong ang kanyang kapatid. Pinagpatuloy na lang niya ang panonood niya ng marvels.  “Didn’t ask,” pambabara niya sa kanyang kapatid.  Paakayat na sana siya sa kanyang kwarto nang makasalubong niya ang kanyang pinsan na pababa naman sa kanilang higanteng hagdan. Ngumiti si Ethan na hindi pinansin ang seryosong tingin sa kanya ng kanyang pinsan na si Lucius. Makiki-high five sana siya ang kaso nga lang ay hindi siya pinansin ng kanyang pinsan sa halip ay nakatingin lang siya sa mukha nito bago siya nagsalita.  “Ang pangit mo,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD