KABANATA 19

2210 Words
KABANATA 19 Natigilan ang dalawa na sina Chaaya at Lucius sa biglaang tanong ng Senyor, maging si Angela na nasa tabi ni Chaaya ay natigilan din na tila naghihintay ng sagot ng kanyang kaibigan. Napakagat siya sa kanyang labi dahil baka wala ang isagot ng kanyang kaibigan gayong sinabi niya kanina sa Senyorito na pinag-uusapan nila ang taong gusto ni Chaaya. Ayaw naman niya na pumangit ang imahe niya sa Senyorito lalo na’t bibigyan siya ng scholar ng Senyor. Baka kung ano ang isipin sa kanya ng mga Agravante.  Habang si Lucius naman ay natigilan din sa paglalaro ng kanyang kubyertos–naghihintay sa sagot ng dalaga. Kung kanina ay nakayuko siya at iniiwasan niya ang tingin ng dalaga ay hindi na niya mapigilan na tingnan ang dalaga ngayon para makita ang reaksyon niya habang sinasagot niya ang tanong ng kanyang ama.  Pasimple niya naman tinitingnan kanina ang dalaga pero mabilis lang iyon dahil ayaw niyang magtama ang tingin nilang dalawa dahil kapag nangyari iyon ay baka matanong na niya talaga ang dalaga kung sino ang taong gusto niya na sinasabi ng kanyang kaibigan kanina. Mabuti na lang at naitanong na ng kanyang ama ang katanungan na gusto niyang marinig ang sagot ng dalaga.  Samantala, hindi naman alam ni Chaaya kung paano niya sasagutin ang katanungan na iyon. Iginala niya ang paningin niya sa lamesa. Nasulyapan niya ang Senyor na nakangiti at malugod na naghihintay sa kanyang maisasagot, si Lucius na seryoso sa kanyang harapan na tila binabasa ang kanyang pagkatao at ang kanyang kaibigan na si Angela sa kanyang tabi na pasimple siyang sinesenyasan gamit ang kanyang mata.  Hindi niya alam sagutin dahil sa totoo lang ay hindi niya alam kung dapat ba siyang magsabi ng totoo na wala pa talaga pumupukas sa kanyang interes. Aaminin niya na meron nang nakikita ang kanyang mga mata pero gusto niya pa rin itong makilala ng maigi dahil hindi niya alam kung nagkaroon na ba siya ng relasyon noon o kung naranasan na ba niyang magmahal ng lalaki noon. O dapat ba siyang magsinungaling dahil naalala niya kung ano ang pinalusot sa Senyorito ng kanyang kaibigan kanina—na pinag-uusapan nila ang taong gusto niya.  Pumikit siya at huminga ng malalim para kumuha ng lakas ng loob para sagutin ang tanong ng Senyor. Ayaw na niyang patagalin pa dahil ayaw niyang mamalagi pa ang tingin ng tatlo sa kanya na para bang ikababago ng buhay nila ang mga salita na bibitawan niya bilang sagot.  “A-ah,” nahihiya si Chaaya. Alam niyang wala na sa kanyang edad ang pagiging mahiyain pero hindi niya mapigilan na mahiya dahil hindi naman normal ang katanungan na iyon. “Me-meron na po,” sambit niya na siya namang ikinaginhawa ng loob ni Angela. Akala niya ay malalaglag na siya kapag iba ang sinagot ni Chaaya sa sinagot niya kanina.  “Wow!” sambit ng Senyor at pasimple niyang tiningnan ang kanyang panganay na anak sa kanyang tabi na ngayon ay marahan na yumuko para muling kumain. “That man is so lucky,” sambit niya pa kaya nahihiyang ngumiti si Chaaya dahil sa papuri ng Senyor.  “May I know who he is?” pagtatanong ng Senyor na siya namang ikinagulat ni Chaaya dahil hindi niya alam kung sino naman ang sasabihin niya.  Hindi niya maiwasan na mapatingin sa lalaking nasa tapat niya dahil siya lang naman ang naging malapit sa kanya simula noong binuksan niya ang kabanata ng kanyang buhay sa Isla na hindi man lang niya alam ang mga nakaraang kabanata ng kanyang buhay. At sigurado siya na napansin din naman ni Lucius na wala siyang ibang kasa-kasamang lalaki kung hindi siya o kaya ang kapatid nito dahil magkasama sila ng kanyang kapatid.  Lalong naging malikot ang mga mata ni Chaaya dahil natataranta na siya kung sino ang sasabihin niya. Wala man siyang ibang kakilala sa Isla, sinubukan niyang tingnan nang pasimple ang kanyang kaibigan dahil baka may kakilala siya pero napakagat lang ng labi si Angela dahil alam niya na kapag sinenyasan niya si Chaaya ay mahahalata iyon ng Senyor at ang anak nito. Hinihiling ni Angela na sana ay makapag-bigkas ng pangalan ang kanyang kaibigan na mayroong nagmamay-ari ng pangalan na iyon sa Isla.  Muling umangat ang tingin ni Lucius sa dalaga dahil muli siyang naghihintay nang kasagutan ang kaso nga lang ay nakita niya na mukhang hindi kumportable ang dalaga kaya napasinghap siya. Kahit siguro naman siya na tatanungin bigla ng ganon na hindi mo man lang masyadong kakilala ang mga nasa harapan mo ay hindi siya magiging kumportable. At ayaw niya na hindi kumportable si Chaaya lalo na nasa hapag sila, gusto niya na kumportable lang ang dalaga nang sa gayon ay kumampante rin ang kanyang pakiramdam.  “Pa,” pagtawag ng pansin ni Lucius sa kanyang ama. Siguro ay isa rin dahilan ng hindi pagiging kumportable ni Chaaya ay dahil sa mga tingin sa kanya na para bang pinipilit siyang sumagot sa gayong pwede niya naman na huwag na lang sagutin iyon o kaya naman ay tanggihan ang kanyang ama.  “She’s not comfortable with the topic.” hindi alam ni Lucius kung bakit kailangan niya pang sabihin ‘yon sa kanyang ama gayong kita naman sa galaw ng mga mata ng dalaga na hindi siya kumpoprtable. Hindi niya alam kung ano ang pakay ng kanyang ama para bigla na lang itanong ang mga ganoong bagay.  Wala na siya sa edad para bigla na lang tanungin ang isang babae kung may napupusuan siya na binata o kaya naman ay itanong kung sino ang tinutukoy nitong binata sa oras na sumagot siya na mayroon nga siyang napupusuan na binata sa Isla. At siguro ay hindi lang siya handa na marinig kung sino iyon kung hindi ang pangalan niya ang babanggitin ng dalaga.  Hindi na niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Masyado na siyang naguguluhan.  “Are you?” pagtatanong ng Senyor habang nakangiti siyang nakatingin kay Chaaya kaya bahagyang na-pressure ang dalaga na sagutin ang Senyor.  “N-no po,” agap niya dahil iyon ang tamang sagot na kailangan niyang isagot sa Senyor o kaya sa Mayor. Napaawang ang labi ni Lucius dahil sa sinagot ng dalaga. Halata naman na nagsisinungaling siya. Sa paraan ng kanyang pagkilos at sa pananalita niya niya nauutal ay masasabi niya na nagsisinungaling ang dalaga sa sinagot niya sa kanyang ama.  “She is not son,” sambit ni Luke tiyaka pa siya bahagyang natawa.  Napasinghap si Lucius tiyaka niya binitawan ang kubyertos na hawak niya sa kanyang plato. Umayos siya ng upo tiyaka siya sumandal sa upuan niya, pinagkrus niya rin ang kanyang kamay sa ilalim ng dibdib niya tiyaka niya pinagmasdan ang dalaga na nasa kanyang harapan na si Chaaya. Naghihintay siya kung ano ang maisasagot nito tutal ay mas pinili naman niyang sagutin iyon.  “Okay then,” sambit ni Lucius tiyaka niya bahagyang ginalaw ang kanyang leeg. Dumapo ang tingin ni Chaaya sa binata at ito ang kauna-unahang makita niya na ganon ka-seryoso ang mukha ni Lucius. Ngayon niya palang nakita ang ganon na ekspresyon ng binata. “Let’s hear her answer.” dagdga na sambit ni Lucius na tila hinahamon ang dalaga.  “Okay, let me repeat the question.” nakangiting sambit ng Senyor para gumaan naman kahit papaano ang tensyon sa pagitan ng kanyang anak, siya at ang dalaga na si Chaaya.  Gusto lang malaman ni Luke kung may pag-asa ba ang kanyang anak dahil kung wala ay wala na rin siyang magagawa kung hindi pagbigyan ang kanyang asawa na hanapan na ang kanyang anka ng katuwang sa buhay dahil hindi na rin ito bumabata. Pero kung pareho naman nilang gusto ang isa’t-isa ay susuporta naman ang Senyor sa kanyang anak kung sino talaga ang tinitibok ng kanyang puso.  Kung ang kanyang asawa, gusto na mamuhay ng marangya ang kanyang mga anak siya naman ay iba ang gusto niya sa kanyang mga anak. Oo at gusto niya na marangya ang buhay ng kanilang mga anak pero para sa kanya ay sapat na ang karangyaan sa buhay na tinatamasa nila ngayon, sobra-sobra pa nga at kung tutuusin ay kaya pa hanggang sa apo ng kanyang mga anak ang lahat ng kanilang ari-arian, business at ang kanilang savings. Pero ang gusto ng kanyang asawa ay sila ang pinaka-marangyang buhay sa Pilipinas.  Pero mas pipiliin ni Luke ang kasiyahan ng kanilang mga anak. Aanhin nila ang masagana o marangyang buhay kung hindi naman sila masaya? Ang tanging gusto niya lang ay mamuhay ang kanyang anak hindi lang sa karangyaan na bagay kung hindi maging na rin sa pagmamahal. Kaya gusto niyang malaman kung sino ang natitipuhan o kaya namna ay gustong makapiling ng kanyang mga anak lalo na’t ang ibang babae ay kayamanan lang ang habol sa dalawa niyang anaj na lalaki. “Who is the man you like?” pagtatanong ni Luke kay Chaaya. Gusto lang din niyang mapanatag ang kanyang kalooban na sa ngayon ay tamang babae na ang pipiliin ng kanyang panganay na anak.  Medyo pumalpak kasi siya sa unang babae na kanyang minahal kaya grabe din ang naging epekto ng break up sa kanyang anak. Halos hindi na niya makilala ang anak niya at sa mga nakalipas na araw ay doon niya lang nakita ang liwalas sa mukha ng panganay niyang anak simula noong naghiwalay sila ng babae.  Wala naman siyang problema sa unang babae na minahal ng kanyang anak. Mukha naman siyang mabait at maganda rin naman ito. Naniniwala rin naman siya na hindi kayamanan ang habol niya sa kanyang anak hindi katulad ng paniniwala ng kanyang asawa na pera lang ang habol ng babae sa kanilang anak.  Noong una ay hindi niya nagustuhan pero nakita niya naman na masaya ang kanyang anak sa piling ng babae kaya bilang isang magulang ay wala na siyang magawa kung hindi ang suportahan ang kanyang anak. Na siya namang striktong tinutulan ng kanyang asawa kaya wala siyang ibang ginawa kung hindi ang maghingi ng pasensya sa babae.  “Ah,” hindi pa rin malaman ni Chaaya kung sino ang lalaki na sasabihin niya. Gusto niyang magpalamon na lang sa lupa nang sa gayon ay hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong na iyon.  Hindi niya rin maiwasan na mainis sa kanyang sarili dahil tinanggihan niya pa ang tulong sa kanya ni Lucius kanina. Kung sanang sinabi niyang hindi siya kumportable na sagutin iyon ay baka hindi ganito kabilis ang t***k ng kanyang puso dahil sa kaba. “Ah! Kagalang-galang po kasi ang lalaki na gusto ni Chaaya kaya nahihiya po siyang sabihin sa inyo ngayon dahil baka kakilala niyo po ang lalaki!” mabilis naman siyang sinalo ng kanyang kaibigan na si Angela sa kanyang tabi dahil ramdam niya ang kaba ng kanyang kaibigan.  Kumunot ang noo ni Lucius habang iniisip kung sino ang posibilidad na magustuhan ng dalaga. Wala pa naman bumibisita sa kanilang mansyon kaya duda siya na malapit sa kanila ang lalaki na gusto niya. Wala rin naman siyang nakikitang lalaki kapag naglilinis sa dalampasigan liban sa kanya. Wala rin naman siyang napapanisn na umaaligid kay Chaaya sa palengke na lalaki liban sa kapatid niya. At wala naman siyang nakikita na lalaki na bumibisita sa kanilang bahay o kaya naman ay kausap ng kanyang mga magulang.  Umawang ang labi ni Chaaya dahil sa biglang pagsingit ng kanyang kaibigan hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat o dapat niyang pagsabihan ang kanyang kaibigan dahil lalo siyang na-stress kung anong pangalan ang babanggitin niya dahil sigurado siya na muling itatanong ng Senyor iyon.  Habang nag-enjoy naman ang Senyor tiyaka siya nakangiting tumingin kay Angela, “Talaga ba?” pagtatanong ng Senyor na mukhang nabigyan ng pag-asa para sa kanyang anak. “Kakilala ba namin siya?” mapaglarong tanong ni Luke kay Angela dahil mukhang may alam ang kaibigan niya tungkol sa gusto ni Chaaya.  “Opo!” agap ni Angela, agad siyang sumagot sa tanong ng Senyor dahil ayaw niya itong papaghintayin.  “Kakilala namin?” pang-ulit na tanong ni Luke bago niya dinagdagan. “O nasa isa sa amin?”  “P-po?!” sabay na tanong ng magkaibigan dahil pareho silang nataranta dahil sa gulat. Natawa si Luke sa naging reaksyon ng dalawang magkaibigan.  “So, isa nga sa amin?” pagtatanong niyang muli kaya napakagat ng labi si Chaaya.  Aksidenteng nagtama ang tingin nila ni Lucius na ngayon ay nakatingin sa kanya at naghihintay lang siya nang maisasagot ng dalaga. Para bang pinapanood niya ang paborito niyang pelikula at nasa kanyang paboritong eksena na siya para hindi kumawala ang tingin niya sa dalaga at pakinggan kung ano man ang lalabas sa bibig nito.  Napapikit si Chaaya dahil nahirapan siya lalo sa sinagot ng kanyang kaibigan tiyaka niya inalala kung sino ang mga lalaki na nakatira sa mansyon ng mga Agravante maliban sa Senyor. At syempre hindi naman niya pwedeng sabihin na si Lucius iyon dahil nakakahiya, Hindi rin naman pwede na si Lucas dahil mas pasok pa sa nakakabatang kapatid niya ang binatilyo.  Hanggang sa lumabas na lang sa kanyang isipan ang pinsan nila na kamakailan niya lang nakita at nakilala. Hindi niya naman ipagkakaila na humanga siya sa angkin nitong kagwapuhan kaya inalala niyang mabuti kung ano ang pangalan nito. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay naisigaw niya ang pangalan ng lalaki.  “Ethan!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD