KABANATA 18
Habang nasa opisina ang Senyora na si Lucianna sa kumpanya nila sa Manila ay hindi niya maiwasan na mag-alala para sa kanyang panganay na anak. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin kung idadala niya ulit ito sa Manila o hahayaan niya itong manatili sa isla. Ang tanging gusto niya lang ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak kaya ayaw niya na mapunta lang sa kung sino-sinong babae na hindi maganda ang epekto sa kanila.
At bilang isang ina ay ramdam niya na ang mga babaeng natitipuhan ng kanilang mga anak ay hindi maganda ang nagiging epekto nito sa mga desisyon ng kanyang anak. Kita niya na handang itapon ng kanyang mga anak ang lahat ng pinaghirapan ng kanilang mga ninuno para lang sa babaeng minamahal nila. Hindi siya tanga para hindi niya mapansin na kayang talikuran ng kanyang mga anak ang marangyang buhay para lang sa isang babae.
Bilang isang ina ay ayaw niyang mangyari ‘yon, ayaw niyang maghirap ang kanyang mga anak. Kaya naman ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para maisalba mula sa pagkakalunod ng kanyang mga anak sa pag-ibig. Ang gusto niyang babae sa kanilang mga anak ay hindi lason sa kanilang isipan kung hindi mga babae na tutulong sa kanila sa pagdedesisyon para lalong mapaganda ang kanilang buhay. Hindi niya pa naranasan ni Lucianna na mamuhay bilang isang simple at ayaw niyang maranasan iyon at ayaw na ayaw niya rin na mamuhay ng ganon ang kanyang mga anak.
Ginawa ng mga ninuno nila, ginawa niya at ng kanyang asawa ang lahat ng kanilang makakaya mapanatili lang ang marangyang buhay na kanilang tinatamasa ngayon. Pansamantala lang na siya ang gumagabay sa kanilang kumpanya dahil busy ang kanyang asawa sa politiko at mukhang hindi pa ganon ka-handa ang utak ng kanyang panganay na anak para pamahalaan ng mag-isa ang kanilang mga negosyo.
Narinig niya ang pagkatok sa kanyang pintuan at niluwa nito ang kanyang sekretarya. Tiningnan niya ito na mukhang may nakuhang balita mula sa isla.
“Madam,” bati ni Gigi–ang kanyang sekretarya kaya tiningnan ito ni Lucianna at naghihintay kung ano man ang sasabihin nito pero hindi siya nagsalita at halatang kinakabahan siya na sabihin kung ano man ang gusto niyang sabihin.
“What is it, Gigi?” kalmado ang pagtatanong ni Lucianna para maayos na masabi ng kanyang sekretarya ang concern niya. Mula sa pagkakayuko ay tumaas ang ulo ni Gigi para tingnan ang Senyora.
“Tumawag po si Robert,” sambit nito. Si Robert ang assistant naman ng kanyang asawa. Tumaas ang kilay ni Lucianna at sinenyasan ang kanyang assistant na ipagpatuloy kung ano man ang kanyang sasabihin. “Pinapasabi po ng Senyor na kakain na po sila ng tanghalian kasama ang inyong panganay na anak.” Kumunot ang noo ni Lucianna dahil hindi niya maintindihan kung bakit kabado ang mukha ni Gigi gayong ‘yon lang pala ang kanyang sasabihin.
“That’s it?” pagtatanong ni Lucianna. Hindi mahilig na humawak ng telepono o cellphone ang kanyang asawa pero sinasabi niya pa rin ang kanyang mga galaw sa pamamagitan ng assistant nito na si Robert.
“May iba po silang mga kasama,” umayos ng upo si Lucianna. Handa na siyang makinig sa sasabihin ng kanyang assistant at mukhang ito ang kanyang dahilan kung bakit mukha siyang kabado. “Ka-kasama po nila ang panganay na anak ng mga Santos na si Chaaya at ang babaeng kaibigan po nito na nangangalang Angela.” Humigpit ang hawak ni Lucianna sa kanyang ballpen pagkarinig na pagkarinig palang niya sa pangalan ng babae.
Ngumiti siya sa kanyang sekretarya tiyaka ito tumango na tila naintindihan niya kung ano ang mensahe na sinabi niya. “And then?” pagtatanong niya pa kung may iba pa bang sinabi ang assistant ng kanyang asawa pero umiling lang si Gigi dahil iyon lang naman ang sinabi sa kanya.
“Iyon lang po,” sambit ni Gigi kaya tumango-tango si Lucianna. Pinatili niyang maging kalmado sa harapan ng kanyang assistant tiyaka ito ngumiti.
“Okay, you may go.” utos niya sa kanyang sekretarya kaya mabilis na nag-bow si Gigi tiyaka na siya lumabas sa opisina ng Senyora.
Pinatiling kalmado ni Lucianna ang kanyang utak kahit na naiinis siya sa kanyang asawa kung bakit pinayagan niyang mangyari ‘yon. Alam niya na suportado ng kanyang asawa ang dalawa niyang mga anak pero minsan ay hindi na maganda ang pagiging kunsitidor niya sa dalawang Senyorito dahil lumalaki itong mga suwail. Mahal niya ang dalawa niyang anak kaya naman ayaw niyang magbago ang uri ng kanilang pamumuhay dahil naniniwala siya na deserve ng dalawa niyang anak ang ‘best’ sa mundo.
Lalong gumulo ang isipan ni Lucianna kung dapat na ba niyang papuntahin sa Manila ang kanyang anak o dapat lang siyang manatili sa isla. Kung papabalikin niya ito sa Manila ay hindi malayong bumalik siya sa babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso. At kung mananatili naman siya sa isla ay hindi naman malayo na muling tumibok ang kanyang puso sa isang babae.
Huminga siya ng malalim bago niya kinuha ang telopono at nagsimulang tinipa ang numero ng telepono nila sa mansyon.
“Hello? Sino po sila?” mukhang isa sa kanilang kasambahay ang sumagot sa mansyon.
“This is Lucianna, may I ask if my nephew Ethan was there?”
“Good afternoon po, Senyora.” bati ng kanilang kasambahay. “Na-nasa kwarto po ang Se-senyorito E-ethan.” kumunot ang noo ni Lucianna dahil sa pag-uutal ng kanilang kasambahay pero hindi na lang niya ito pinansin.
“Okay, call him because I wanted to talk to him.” Pag-utos niya.
“P-po? Ta-tawagan ko po?” pagtatanong ng kanilang kasambahay kaya lalong kumunot ang kanyang noo.
“Should I repeat what I’ve said?” mataray na pagtatanong ng Senyora.
“Ta-tawagan ko na po,” huminga ng malalim ang Senyora.
“Tell him to call me back since I wanted to talk to him,”
“Ma-masusunod po,”
Binaba ng Senyora ang telephono at nag isip-isip ng mabuti sa kanyang mga plano para sa kinabukasan ng dalawa niyang anak. Talaga naman sakit sa ulo kapag mga lalaki ang mga anak at kinukunsinti pa ng kanilang ama. Siguro ay natural lang talaga sa mga lalaki ang kainisan dahil sa kanilang kilos at mga desisyon sa buhay.
Matagal-tagal din bago tumawag ang kanyang pamangkin kaya sinagot niya ito.
“Hello, auntie.” dinig niyang bati ng kanyang pamangkin sa kabilang linya kaya napangiti ito. “Someone said you wanted to talk to me,” halata na iritado ang boses ng kanyang pamangkin pero kagaya kanina ay hindi na lang niya ito pinansin.
“Ah, yes, yes.” Sagot ni Lucianna. “Can I ask if you can talk to your cousin so we could meet?” pagtatanong ni Lucianna sa kanyang pamangkin.
May pinsan kasi ang kanyang pamangkin sa kanyang mother side na napupusuan niyang babae para sa kanyang anak simula pa noong mga bata sila pero hindi lang natuloy dahil hindi na masyadong bumibisita ang dalaga simula noong namatay ang kanyang tiyahin na asawa ng kanyang kapatid na ina ni Ethan.
Natahimik si Lucius dahil sa sinagot ng kaibigan ni Chaaya na nangangalang Angela. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maging masaya dahil sa pagiging totoo ni Angela na sinabi niya talaga ang tunay na rason kung bakit mukhang tensyonado si Chaaya o dapat bang may maramdaman siyang kakaiba dahil sa rason nito.
Pinag-uusapan ang taong gusto niya… iyon ang gumugulo sa utak ni Lucius simula nang sabihin ni Angela ‘yon. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit gumugulo iyon sa isipan niya sa gayong hindi naman niya dapat pang isipin iyon. Pero gusto niya lang malaman ang nag-iisang katanungan sa kanyang isipan.
Sino ang taong gusto ni Chaaya?
Pero alam niya sa kanyang sarili na sa oras na malaman niya kung sino ang taong gusto ng dalaga ay madadagdagan at madadagan lamang ang katanungan sa kanyang isipan katulad na lamang ng bakit siya nagustuhan ni Chaaya? Anong meron sa lalaki para mapukaw niya ang interes ng dalaga? Paano ba ang mga tipo ni Chaaya sa isang lalaki? Ilan lamang iyan sa mga siguradong itatanong niya sa kanyang sarili. At natatakot siya sa kanyang nararamdaman dahil maging siya ay hindi na niya maintindihan kung bakit ganito na lang ang pagka-interesado niya sa dalaga.
“Nandito na po tayo,” wika ng driver na nagpagising ng diwa ni Lucius kaya inalis na niya ang kanyang seatbelt tiyaka na siya bumaba sa kanilang sasakyan para pagbuksan ng pintuan si Chaaya at ang kaibigan nito.
Nahihiya na bumaba si Chaaya tiyaka siya tumingin sa restaurant. Maganda ang disenyo ng restaurant na para bang naitatag ito noong panahon ng mga kastila pero halata rin sa disenyo na mamahalin ang mga pagkain sa loob. Agad na kinalingkis ni Angela ang kanyang kamay sa braso ng kanyang kaibigan at excited na pumasok sa loob at kumain. Kahit na laki siya sa Isla Vida ay hindi pa siya nakakatikim ng pagkain sa restaurant na iyon dahil sa presyo ng pagkain. Mabenta ito sa mga may kaya sa Isla at maging sa mga turista dahil sa sarap ng pagkain lalo na ng mga sea foods na siyang binabalik-balikan ng mga tao.
Bumaba na rin ang Senyor sa kanyang sasakyan tiyaka na niya niyaya na pumasok ang lahat sa loob ng restaurant. Agad naman silang sinalubong ng manager ng resto at iginaya sila isa upuan na naka-reserve para sa mayor. Sinabihan rin ng kanyang assistant ang staff ng resto na may dalawa pa silang kasama para maiayos ang kanilang kwarto. May mga kwarto kasi ang resto na para sa mga VIP na tao katulad na lang ng Senyor na Mayor din sa kanilang Isla para sa privacy at safety nila.
Nang maupo sila ay aagd silang binigyan ng menu ng waiter tiyaka na um-order ang Senyor, kaagad naman na sinusulat ito ng waiter. Pagkatapos mamili ng Senyor ay agad niyang tinanong ang dalawang dalaga sa kanilang harapan.
“May gusto pa ba kayong idagdag?” pagtatanong nito na may ngiti sa kanyang labi.
“Wala na po,” agap ni Chaaya dahil baka may idagdag pa ang kanyang kaibigan.
“Wala na po! Mukhang masarap naman po lahat ng in-order niyo!” magiliw na sagot ni Angela kaya bahagyang natawa ang Mayor dahil sa sigla ng dalaga. Napansin niya ang pannaahimik ng kanyang anak na tila may malalim na iniisip.
Hindi pa rin mawala sa isipan ni Lucius ang lalaking gusto ni Chaaya. Hindi niya alam kung bakit hindi na lang ito mawala sa kanyang isipan basta hanggang ngayon ay nanatili ang sinabi ni Angela sa kanyang kaisipan.
Nagtanong ang Senyor sa dalawang dalaga kung kumusta ang karanasan nila sa Isla at kung may suhestiyon sila para mapanatili ang kaligtasan sa Isla o para na rin sa kagandahan ng Isla. Madalas naman niyang tinatanong iyon sa mga residente nang sa gayon ay alam niya kung may dapat pa ba siyang i-improve para maging masaya ang lahat ng residente at maging ang mga turista na bumibista dito.
Nang dumating na ang pagkain ay nagsimula na silang kumain. Hindi lang ang Senyor ang nakapansin sa pananahimik ng kanyang panganay na anak kung hindi maging si Chaaya. Madalas niyang sulyapan si Lucius dahil katapat naman niya ito habang nagkukuwentuhan sila kanina at maging ngayon na kumakain na sila. Samantala ang kanyang kaibigan sa kanyang tabi ay mukhang masaya naman sa mga pagkain at hindi na niya napansin ang pananahimik ng Senyorito.
Bahagyang nahiya si Chaaya sa kaisipan na baka ayaw silang kasama ni Lucius, mukhang hindi maganda ang desisyon nila na sumama pa. Bigla tuloy siyang nawalan ng gana kahit na ang sarap ng kanilang pagkain dahil sa kanyang naiisip. Hindi man din nagtatama ang mga tingin nila ni Lucius kahit na magkatapat lang sila kaya lalong namuhay ang kanyang kutob na ayaw nga niya na kasama sila sa hapag kasama ang kanyang ama.
“How about you, Chaaya? Did you enter college?” pagtatanong ng Senyor kaya biglang natauhan si Chaaya. Mukhang sa kolehiyo ang pinag-uusapan ng Senyor at nang kanyang kaibigan na hindi niya masyadong napakinggan kanina dahil hindi siya mapakali sa kanyang iniisip kung bakit bigla na lang tumahimik si Lucius.
Alam niya na hindi pa naman sila ganon katagal na magkasama ng binata pero sa ilang araw o linggo na nga kung tutuusin na kakilala niya ang binata ay hindi naman siya ganito katahimik. Kaya hindi siya sanay na hindi nagsasalita ang binata. Pakiramdam niya ay may problema sa kanilang set-up kaya hindi siya nagsasalita.
Hindi kaya, siya ang hindi kumportable kaya tinanong niya kanina kung kumportable ba siya? Baka senyales na ‘yon na hindi kumportable ang binata pero hindi niya lang ito napansin agad?
“Chaaya?” pagtawag ng Senyor sa kanya kaya napaayos siya ng upo at sandaling nahiya dahil hindi niya agad nasagot ang tanong ng Senyor.
Bigla naman siyang napaisip kung pumasok ba siya sa kolehiyo. Kumunot ang kanyang noo dahil hindi niya talaga alam kung nakapag-kolehiyo ba siya. Hindi katulad ng iilang impormasyon na tinanong sa kanya ay may bigla siyang naalala na kasagutan pero ngayon ay wala talaga siyang direktang naalala na nag-kolehiyo ba siya.
“A-ah, hindi po.” tanging sagot na lang niya gamit ang nahihiya niyang boses para hindi na maghintay ang Mayor sa kanyang sagot.
Hindi naman niya masagot na hindi niya alam kung nakapasok ba siya sa kolehiyo o hindi dahil baka magtaka ang lahat ng nasa lamesa kung bakit hindi niya alam ang kasagutan gayong sarili niyang buhay ang piang-uusapan. Ayaw niya lang na dumagdag pa ang mga katanungan tungkol doon dahil blangko talaga ang kanyang utak at hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.
Natulala ang dalaga dahil doon at hindi niya napansin ang pagtitig sa kanya ni Lucius. Napataas ang isang kilay ni Lucius dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganon ang reaksyon ng dalaga gayong hindi naman masyadong personal ang tanong o sensitibo ang bagay na iyon para sa kanya?
Tumango ang Senyor, pareho silang magkaibigan na hindi man lang nabigyan ng tiyansa na makapag-aral ng kolehiyo. Alam niya na dahil iyon sa hirap ng buhay kaya naman naghahanap siya ng solusyon para mabigyan ng pagkakataon na makapag-aral ang mga kabataan sa Isla ng kolehiyo na hindi masyadong pinagpala sa pinansyal.
“Kung mabibigyan lang po ng pagkakataon e gustong-gusto po namin makapag-aral,” singit ni Angela. Halos lahat naman ng mga kabataan na hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay gustong-gusto na magkaroon ng diploma sa kaisipan na makakahanap sila ng magandang trabaho at marami ang oportunidad ang magbabadya sa kanila dahil sa antas ng pag-aaral na kanilang natapos.
“I can include you on the list of scholars that I am funding,” sambit ng Senyor. May mga pinag-aaral kasi siya na mga kabataan na matataas ang mga grado na desidido talagang makapag-aral ang kaso nga lang ay kapos ang kanilang palad para doon.
“Ta-talaga po?!” hindi maipagkaila ang excitement sa boses ni Angela nang sabihin iyon ng Mayor. Kung mabibigyan siya ng oportunidad na ganon ay talaga namang tatanggapin niya ng buong-buo.
“Oo naman,” sagot ng Mayor.
Tahimik na nag-iisip si Chaaya kung tatanggapin niya ba ang alok ng Senyor o hindi. Dahil doon ay napansin siya ng mga kasama niya sa mesa dahil sa pananahimik niya. Maging ang kanyang kaibigan na si Angela ay nagtaka kung bakit walang reaksyon ang kaibigan. Ayaw ba niyang mag-aral? Ang unang katanungan na pumasok sa isipan ni Angela.
At sa kauna-unahang pagkakataon sa mga sandaling ito ay nagtama ang paningin nina Chaaya at ni Lucius. Nagtataka rin ang Senyorito kung bakit parang hindi natuwa ang dalaga sa alok ng kanyang ama. Nahihiya tuloy si Chaaya na nakuha niya ang atensyon. Bahagya siyang siniko ng kanyang kaibigan para magsalita at ma-explain niya ang kanyang sarili.
“May problema ba, Chaaya?” pagtatanong ng Senyor kaya nahihiyang ngumiti si Chaaya dito.
“Wala naman po, pinag-iisipan ko lang po kung tatanggapin ko po ang alok.” Umawang ang labi ng mag-ama dahil hindi nila inaasahan na kailangan pang pag-isipan iyon ng dalaga. Naiilang naman na tumawa si Angela sa Senyor at sa Senyorito tiyaka niya pasimpleng kinurot ang hita ng kanyang kaibigan sa ilalim ng lamesa.
“Hehe, pasensya na po,” sambit ni Angela sa mag-ama dahil sa sinagot ng kanyang kaibigan. “Masyado po atang nabigla si Chaaya.” pagsagip nito sa kanyang kaibigan dahil nasasayangan siya kung hindi mag-aaral ang kaibigan niya.
“Hindi po,” agap naman ni Chaaya kaya napalingon muli sa kanya ang kanyang kaibigan na si Angela na hindi makapaniwala.
“Chaaya!” pagtawag nito sa kaibigan baka sakaling magising siya sa katotohanan. Binitawan ng Senyor ang mga kubyertos dahil gusto niyang marinig ang rason ng dalaga.
“Is there any reason to come up with that?” pagtatanong ng Senyor kaya huminga ng malalim si Chaaya para masabi niya ang kanyang rason.
“Kung magpapatuloy po ako sa pag-aaral ay hindi po ako makakpagtrabaho at ang ibig sabihin lang po noon ay hindi po ako makakatulong sa mga magulang ko.” umawang ang labi ni Angela dahil naintindihan niya ang punto ng kanyang kaibigan at hindi niya naisip ang posibilidad na iyon, aaminin niya na may punto ang rason ni Chaaya.
“Kasalukuyan pong nag-aaral ang kapatid ko sa huling baitang niya sa high school kaya gumagastos po ang mga magulang ko para doon. Gusto ko rin pong makapag-ipon para makapagpatuloy siya sa kolehiyo.” pagpapaliwanag ni Chaaya dahil para sa kanya ay ang pamilya muna niya ang kanyang uunahin bago ang ibang bagay.
“Alam ko po na walang masyadong gastusin kapag iskolar pero may posibilidad pa rin po na gumastos. Ayaw ko naman po na maging kuba pa ang mga magulang ko para mataguyod kaming dalawa nilang anak sa pag-aaral.” dagdag pa nito tiyaka ngumiti si Chaaya. “Kaya pag-iisipan ko muna po at tatanungin ko po muna ang mga magulang ko tungkol po sa bagay na ito. Gusto ko po na kasama ko po silang magdesisyon sa buhay ko.” ngiting wika pa ni Chaaya.
Napangiti ang Senyor dahil sa paliwanag ng dalaga. Nagustuhan niya ang punto nito. “Ganoon ba? Pwede mo naman sabihin sa anak ko ang iyong desisyon,” sambit ng Senyor. “Maghihintay ako hanggang sa makapagdesisyon ka.” dagdag pa nito pagkatapos ay tumingin siya kay Angela. “Pwede kang magpasa ng mga requirements sa opisina ko para maayos at makapasok ka sa kolehiyo,” sambit nito kaya agarang tumango si Angela.
“Napakaswerte ng mga magulang mo sa’yo,” sambit ng Senyor nang muling bumalik ang kanyang tingin kay Chaaya.
“Mas swerte po ako sa kanila,” sagot ni Chaaya dahil ramdam niya ang pagmamahal nito at ang kasiyahan nila habang nagkukuwentuhan sa hapag kahit na tuyo lang ang kanilang ulam at hindi mga mamahalin na pagkain.
“Napakabait mo na bata,” papuri pa ng Senyor sa kanya kaya bahagyang namula si Chaaya dahil sa hiya. “Maswerte ang boyfriend mo.” dagdag pa nito. Napapikit ng mariin sandali si Lucius dahil masyadong luma ang galawan ng kanyang ama para malaman niya kung may kasintahan ba ang dalaga. Alam naman ni Lucius na pinagmamasdan ng kanyang ama si Chaaya dahil ramdam na niyang alam na ng kanyang ama na humahanga siya sa dalaga.
“Wala po akong boyfriend,” nahihiyang sagot ni Chaaya dahil biglang napunta sa usapin na ganon.
“Manliligaw?” pagtatanong ng Senyor kaya nahihiyang umiling si Chaaya bilang sagot. “Nakakapagtaka naman na walang nagtakang manligaw sa isang katulad mo. Mabait at maganda ka na dalaga.” wika ng Senyor.
Huminga ng malalim ang Senyor bago muling magtanong.
“Kung gayon ay, may natitipuhan ka ba na binata ngayon?”