KABANATA 16
Hindi maiwasan na mapangiti ng Senyor sa kanyang kaloob-looban dahil hindi pa man niya inuutusan ang kanyang anak ay may sarili na itong desisyon para sa kanyang sarili. Ayos lang naman sa kanya kung sino man ang gustuhin ng kanilang anak, basta busilak ang kalooban ng babae at mahal din ang kanyang mga anak. Ang puso ng mga babae ang kanyang tinitingnan, iyon lang ang tinitingnan niya na katangian ng isang babae para sa dalawa niyang anak.
Doon sila hindi magkasundo ng Senyora, maraming tinitingnan ang kanyang asawa para masabi niyang karapat-dapat sa kanyang anak. Naintindihan naman niya ang Senyora dahil mahigpit din ang kanyang ina noon sa kanya. Siguro ay ganoon talaga kapag isang ina. Pero syempre, naintindihan niya rin ang nararamdaman ng kanyang mga anak at nire-respeto niya pa rin ang mga ito kahit na bata pa sila.
Naputol ang tingin ng Senyor sa kanyang anak na papalapit sa dalaga na nangangailangan ng tulong nang may tumawag sa kanya na isang residente sa isla–nagtitinda sa palengke kaya naman sinalubong niya ito nang may ngiti sa labi bago niya tinanong kung ano ang kailangan ng matanda.
Muntik nang mahulog ni Chaaya ang kanyang bitbit kung hindi lang sa kamay na tumulong sa kanya. Mabuti na lang din at kaagad na nakalapit si Lucius kung hindi ay magkakalat ang pinamili ni Chaaya sa sahig. Nakayuko pa rin ang dalaga kaya hindi niya masyadong kita kung sino ang tumulong sa kanya.
“Oh! Sala-” naputol ang kanyang sasabihin nang pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang Senyorito. Umawang ang kanyang bibig na tila nabitin kung ano man ang kanyang sasabihin dahil hindi niya inaasahan ang lalaki na tumulong sa kanya. “Salamat po, Senyorito.” magalang na sambit nito na may bahid ng hiya sa boses.
Naghahati ang atensyon ng mga tao sa palengke, ang iba ay nakatingin kay Senyor o sa Mayor na ngayon ay nakikipag-usap sa matanda habang ang iilan naman ay nakatingin sa kanyang panganay na anak. Lalo pang naging mainit ang mga mata na nakatingin sa Senyorito dahil tinulungan niya si Chaaya sa pagbubuhat na may ngiti sa kanyang labi na kumuha ng atensyon ng nakakarami lalo na ang mga nasa edad nilang nasa palengke.
“Ang dami mo naman dala?” pagtatanong ni Lucius tiyaka niya tiningnan ang binitbit niya na muntik mahulog kanina ni Chaaya. “Buhatin ko na,” sambit pa niya tiyaka na niya sana kukuhanin ang bitbit ni Chaaya para matulungan niya sa pagbubuhat ang dalaga ang kaso nga lang ay hinigpitan ni Chaaya ang pagkakahawak niya dahil nahihiya siyang magpatulong sa Senyorito.
“Ah hindi na po, kaya ko na po.” sambit ni Chaaya tiyaka niya sinubukan na kuhanin ang hawak ng Senyorito. “Kuhanin ko na po,” sambit niya nang nahihiya ang kaso nga lang ay nang kukuhanin niya na sana ito ay bigla itong iniwas ni Lucius kaya nap-angat ang tingin ni Chaaya sa binata.
“Ako na,” nakangiting wika ni Lucius. Nagulat ang dalaga doon kaya hindi siya kaagad natauha. Kaya naman dahil sa pagkatulala niya ay nakuha ni Lucius ang kanyang mga dala-dala. “Whoah. This is heavy.” sambit niya habang binubuhat ang lahat ng pinamili nina Chaaya at Angela. “Bakit ka nagbibitbit ng ganito kabigat?” kunot noo na tanong ni Lucius. Hindi naman iyon mabigat para sa kanya pero para kay Chaaya ay alam niyang mabigat na iyon at mukhang hindi pa sanay sa ganoon na gawain ang dalaga.
“Did you do the grocery today?” pagtatanong ni Lucius kahit na halata naman nang namili ang dalaga. Kaya pala hindi ito nagtrabaho sa mansyon at hindi niya ito nakitang nagwawalis sa may dalampasigan. “Hindi kita nakita sa mansyon.” sambit ni Lucius.
Muling umawang ang labi ni Chaaya. Isang katanungan ang naglalaro sa kanyang isipan; bakit siya hinahanap ng Senyorito?
“Bakit po? May problema po ba sa mansyon? Bakit niyo po ako hinahanap?” sunod-sunod na tanong ni Chaaya. Bahagya siyang nag-alala dahil baka kulang ang tauhan para sa paglilinis o kaya naman ay may nangyaring hindi maganda sa kanyang ina.
Sa pagkakataon na ito ay si Lucius naman ang umawang ang labi dahil hindi niya inaasahan na tatanungin siya ng dalaga at wala siyang alam na ipalusot doon. Ayaw niyang magsinungaling sa dalaga pero habang tinitingnan niya ito ay hindi niya maiwasan na mamangha, kahit na naguguluhan at kinakabahan ang babae sa kanyang harapan ay hindi pa rin mawala ang angkin nitong kagandahan.
“Wala naman,” sambit ni Lucius. “Siguro ay nasanay lang ako na nakikita kita sa may dalampasigan?” pagtatanong niya. Tiyaka kanina na nagkaroon sila nang hindi pagkakaintidihan ng kanyang ina ay hindi niya maintidihan kung bakit una niyang naisip ang dalampasigan.
“Ah, ganon po ba?” nahahiyang tumawa si Chaaya dahil baka sobra ang naging reaksyon niya doon. Nag-alala lang naman siya sa kanyang ina at nag-alala din siya na baka magalit si Manang Amelia dahil hindi siya pumasok ngayon sa trabaho kahit na sinabi naman ng mayordoma na hindi naman required na araw-araw siyang pumasok dahil mga dahon-dahon lang naman ang kalat sa may dalampasigan kung saan siya nakatokang maglinis.
“Yeah, stop worrying too much about it.” sambit ni Lucius para kumalma naman si Chaaya kahit papaano. “Anyway, is this your task for today or do you have any plans?” pagtatanong ni Lucius kay Chaaya.
“Ah,” hindi alam ni Chaaya kung ano ang sasabihin niya dahil biglaan lang din naman nagyaya si Angela na mamalengke sila kaya hindi niya kino-konsider na task niya iyon ngayong araw. “Ahm,” inisip niya pa kung may nasabi ba si Angela sa kanya na gagawin nila ngayong araw pagkatapos nilang mamili ng mga karne, gulay at kung ano-ano pa na nasa papel ni Angela na sinulat niya raw kagabi dahil naka-plano na siyang mag-grocery ngayong araw.
“I can accompany you if you have any plans after this one,” agap ni Lucius dahil wala rin naman siyang alam na gawin sa mansyon at ramdam din naman niya na kailangan din ng personal space ng kanyang pinsan na si Ethan dahil nakita na niya ang multo ng kahapon.
“Ah,” naiilang sumagot si Chaaya dahil sa alok ng Senyorito. Tiningnan niya ang mayor na masayang nakikipagkwentuhan sa mga matatanda na nasa likod lamang ni Lucius. “Ahm, mukhang magkasama po kayo ni Senyor.” Pagpapaalala ni Chaaya at doon natauhan si Lucius, nawala sa kanyang isipan na kasama niya pala ang kanyang ama ngayon sa palengke.
“At may kasama rin po ako,” pahayag ni Chaaya. Lumipat ang tingin ni Chaaya sa kanyang gilid para tingnan ang kanyang kaibigan na si Angela. Sinundan din naman ni Lucius nang tingin si Chaaya kung sino ang kasama na tinutukoy niya. Parang nakahinga ng maluwag si Lucius nang makita niya na babae ang kasama ng dalaga.
Samantalang gulat na gulat naman si Angela dahil sa kanyang nasa harapan. Nabitin pa ang kanyang kamay sa paglalagay ng lipstick sa kanyang labi dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan na lalapit ang Senyorito kay Chaaya at mukhang magkakilala na sila dahil sa kanilang pag-uusap.
“Ah si Angela po, Senyorito. Kaibigan ko.” Lumapit si Chaaya kay Angela tiyaka niya hinawakan ang braso ng dalaga at marahan din niyang pinisil dahil mukhang gulat na gulat ang kanyang kaibigan at mukha siyang na-starstuck dahil sa lalaki na nasa harapan niya.
Kanina pa lang sila nagkakilala pero vocal naman si Angela sa kanyang nararamdaman na mahilig siya sa mga gwapo kaya hindi na magtataka si Chaaya kung bakit parang estatwa ngayon ang kanyang kaibigan dahil hindi niya naman itatanggi na gwapo si Lucius.
“Ma-magandang umaga po, Senyorito!” halata na kabado si Angela dahil sa kanyang boses. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ang Senyorito. Napatingin si Chaaya sa kanyang kaibigan dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig niya ang boses nito na mahina. Parang kanina lang kasi ay halos nasa kabilang bundok o isla pa ang kanyang kausap kung makipag-usap siya kahit na nasa harapan niya lang ito o kaya ay nasa tabi niya lang ang kausap niyang tao.
“Magandang umaga rin,” bati ng Senyorito. Hindi niya alam ang pangalan ng babae kaya hindi na niya sinabi ang pangalan nito.
Natataranta naman si Angela na binaba niya ang kanyang kamay tiyaka niya tinago ang kanyang lipstick sa bitbit niyang wallet para makamayan ang Senyorito.
“Angela po!” ngayon ay sumigla na ulit ang boses ni Angela na para bang natauhan na siya tiyaka niya inalok ang kanyang kamay sa Senyorito bilang pakikipag-kamay. Nahihiya na ngumiti si Lucius tiyaka niya pinakita ang dalawa niyang kamay na puno ng mga plastic bag dahil binitbit niya ang mga bitbit kanina ni Chaaya.
“Sorry, I can’t. Maybe next time,” paghingi niya ng pasensya dahil baka ma-offend si Angela dahil hindi niya kinuha ang kamay nito bilang tanda ng pagpapakilala. Mukhang kaibigan siya ni Chaaya dahil sigurado naman si Lucius na wala na silang ibang kapatid pa. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya na dapat niyang kaibiganin ang mga kaibigan ng dalaga o ang mga taong mababait sa kanya.
“OMG!” sambit ni Angela nang matauhan siya lalo na kasama ang mga pinamili niya sa buhat-buhat ng Senyorito kaya nahiya siya bigla. Natauhan din si Chaaya na si Lucius pala ang may dala ng kanilang mga pinamili kaya kumukuha na sana siya ng tiyempo na sabihin at kuhanin iyon sa Senyorito nang maunahan na siya ni Angela.
“Hala. Pasensya na po Senyorito,” natatarantang sambit niya tiyaka niya kinuha ang kanyang mga pinamili sa kamay ng Senyorito. “May ginawa lang po ako kanina kaya pinahawak ko po ito kay Chaaya.” sambit ni Angela tiyaka pa siya bahagyang tumawa habang tinaas niya ang kanyang mga pinamili para makita ng maayos ng Senyorito pero agad niya rin itong binaba dahil mabigat-bigat iyon.
Hindi inaasahan ni Lucius iyon kaya madaling nakuha ni Angela ang kanyang bitbit. Nahihiya siya na ang Senyorito pa ang may bitbit sa mga pinamili niya na ilang kilo din kung titimbangin. Matapos na makuha ni Angela ang kanya ay tiningnan niya si Chaaya tiyaka niya sinenyasan ang kaibigan na kuhanin ang kanyang pinamili dahil hindi magandang tingnan na ginawa nilang taga-bitbit ang Senyorito. Marahan na tumango si Chaaya na tila naintindihan niya kung ano man ang gustong ipahiwatig ng kanyang kaibigan na si Chaaya.
“Ako na,” sambit ni Lucius nang sinubukan na kuhanin ni Chaaya ang kanyang pinamili. Napakagat ng labi si Chaaya dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.
Kung makikipagkulit siya na kuhanin niya ang kanyang pinamili kay Lucius ay siguradong pag-uusapan sila ng mga tao lalo na’t marami din ang mga mata na nakatingin sa kanila.
Nagpaalam na ang Senyor sa mga kausap niya dahil bumulong na ang kanyang assistant na lunch time na at may pina-reserve na siyang table sa isang restaurant na sikat sa kanilang isla na dinadayo pa ng mga turista. Tiningnan niya ang kanyang anak na nakikipag-usap sa dalawang dalaga. Hindi niya maiwasan na ngumiti dahil ngayon niya lang ulit nakita ang ngiting ganoon ng kanyang anak magsimuala noong naghiwalay sila nang unang babaeng minahal niya.
Wala naman siyang sama sa unang babae na minahal ng kanyang anak dahil naging mabuti at totoo naman ito. Hindi niya rin naman masisi ang babae kung hindi niya pinili ang kanyang anak dahil nagmamahal lang naman din ito. Siguro ay mas mahal lang talaga ng babae ang lalaking nauna sa buhay niya bago pa ang kanyang anak. Ang asawa niya lang naman ang nagtatanim ng sama ng loob pero siya ay sinusubukan niyang itindihin ang side ng bawat isa kaya rin siguro naging Mayor siya sa isla dahil gusto niyang intindihin at tulungan ang mga mamamayan sa isla.
Ayaw man istorbohin ng matanda ang kanyang panganay na anak ay kailangan na niya itong lapitan para makakain na sila sa pina-reserve nilang lamesa sa sikat na restaurant sa kanilang isla.
“Lucius,” pagtawag niya nang makalapit siya. Ngumiti rin ito sa dalawang dalaga.
Napatingin ang tatlo sa Senyor. Hindi pa rin makapaniwala si Angela at mabilis ang tambol ng puso niya dahil nakakausap niya at nasa kanyang harapan ang dalawang makapangyarihan na tao sa isla. Tumingin din si Lucius sa kanyang ama dahil tinawag niya ito.
“We need to eat lunch,” sambit ng Senyor sa kanyang anak.
“I’m sorry dad but I need to walk Chaaya to their home.” sagot naman ni Lucius tiyaka niya pinakita ang bibtit niya. Napaawang ang labi ni Chaaya dahil sa dinahilan ng binata kaya natataranta siyang lumapit sa binata para kuhanin nyia ulit ang kanyang pinamili. Nahihiya siya sa Senyor.
“Hi-hindi na po, Senyorito. Kasama ko naman po ang kaibigan ko na si Angela sa pag-uwi.” sambit ni Chaaya. Kinukuha na niya ang pinamili niya sa kamat ni Lucius pero ayaw pa rin bitawan ng binata ang mga pinamili nito. Sinenyasan naman ni Chaaya si Lucius na bumitaw na pero umiling lang ang binata.
“No, dad. I will walk them home.” sambit niya tiyaka siya ngumiti sa kanyang ama. Alam naman ni Lucius na maintindihan siya ng kanyang ama. Ang ina lang naman niya ang hindi malawak ang pag-unawa sa kanilang pamilya at mas pipiliin niya pa rin nito ang desisyon niya.
“Why don't these two ladies join us for lunch?” the mayor suggested.