KABANATA 39

1692 Words
KABANATA 39 Ang akala ni Dylan ay matatahimik na ang kanyang buhay dahil umalis na ang kanyang kaibigan na si James pagkatapos niyang sabihin na wala pa siyang nakukuhang kahit anong impormasyon sa nawawala niyang asawa at pagkatapos niya itong guluhin sa kanyang problema pagdating sa kanyang pag-ibig. Pero bumukas na lang ang kanyang pinto tiyaka nito niluwa ang babae na balot na balot kaya hindi malalaman ng mga tao kung sino siya. Bumuntong hininga si Dylan, mukhang kailangan na niyang ihanda ang kanyang tenga ngayon.  “What now?” pagtatanong niya sa babae tiyaka ito pasalampak na umupo sa sofa at binitawan niya ang kanyang bag tiyaka na niya sinimulan alisin ang mga bagay na ginagamit niya para itago niya ang kanyang mukha. “How’s my best friend’s case?” pagtatanong niya agad habang inaayos niya sa kanyang lamesa ang face mask, sunglass, at cap niya. Kailangan niyang mag-ingat dahil baka magawan pa siya ng isyu. Iyon ang ayaw niya sa showbiz, konting galaw lang ng artista ay isyu na agad sa kanila.  “Nothing’s new,” sagot ni Dylan tiyaka na niya tinuon ang kanyang pansin sa laptop niya at nagsimula na siyang magtipa para sa report na gagawin niya bukas. “I thought your schedule was heavy? How is that possible when you have time to come here?” pagtatanong ni Dylan sa kanya habang ang kanyang mga mata ay nasa laptop pa rin.  “It’s tiring,” ranta na agad ni Rhian sa kanya. “We need to promote our movie and act like we’re in a relationship when it’s just clearly on screen!” hindi alam ni Dylan kung ano ang sasabihin niya sa ranta ng dalaga. Hindi naman siya sanay sa trabaho ng dalaga dahil wala naman siyang alam sa showbiz. Mukhang alam na rin niya kung bakit problemado ang kanyang kaibigan nang pumunta siya dito kanina.  “Then, you should go home instead.” suhestiyon ni Dylan dahil wala naman mapapala sa kanya si Rhian kung pupunta siya rito sa kanyang opisina at magsimulang magreklamo tungkol sa kanyang trabaho.  Naintindihan naman niya si Rhian sa parte na maraming mata ang nakabantay sa kanya, may iilan na hinihintay kang bumagsak o kaya naman ay magkamali at may iilan din naman na masayang binabasa ang balita tungkol sa’yo. Kahit na nasa field siya ng business ay hindi pa rin maiwasan ang media at hindi siya makapag reklamo doon dahil alam naman niyang maganda rin for publicity ng kanilang business ang media. Malaking tulong iyon para makilala ng maraming tao ang kanilang negosyo.  “Wow!” singhal ni Rhian dahil hindi siya makapaniwala sa suhestiyon ni Dylan sa kanya. “Your manners?” pagtatanong pa niya dahil sandali siyang nabastusan dito. “Akala ko ang kaibigan ko lang ang nawawala pati pala ang manners mo.” inis na dagdag pa nito.  “Why are you here, anyway?” pagtatanong ni Dylan tiyaka na niya nilipat ang kanyang atensyon mula sa kanyang laptop papunta sa dalaga na agad din nag-iwas ng tingin at ngumuso. Kumunot ang noo ni Dylan sa pagtataka kung bakit ganon na lang ang naging reaksyon ng dalaga sa sinabi niya.  “Wa-wala lang, masama bang bumisita?” pagtatanong ni Rhian, Iwas na iwas ang tingin niya sa asawa ng kanyang kaibigan dahil baka mahalata siya nito.  “Tiyaka isa pa, para magtanong kung may balita na ba sa kaibigan ko o wala!” pagdedepensa niya sa kanyang sarili dahil sa kanyang depensa ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para tingnan si Dylan sa kanyang mga mata.  “You can’t lie,” sambit ni Dylan. “You’re a good actress but not in real life.” dagdag pa nito tiyaka ito umiling. Kahit papaano ay naintindihan niya naman ang pakiramdam ni Rhian kaya papabayaan na lang niyang magreklamo at mag-ingay ang dalaga sa kanyang harapan—nakaupo sa sofa ng kanyang opisina habang siya ay nasa office chair na niya at may importanteng ginagawa sa kanyang lamesa.  “Wh-what?!” tanong ni Rhian. Masyadong halata na dinedepensahan niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang boses. Kumunot ang noo ni Dylan sa naging reaskyon ng kaibigan ng kanyang asawa.  “You don’t need to lie, I understand why you are here.” wika nito tiyaka niya mabilis na pinasadahan ang kanyang buhok bago niya muling tinuon ang kanyang mata sa laptop at sa mga papel na nakapatong sa itaas ng kanyang lamesa.  “Huh?!” gulat na tanong ni Rhian tiyaka pa siya bahagyang nag-panic dahil sa sinabi ni Dylan. Masyado bang halata kung bakit siya nandito? Kaya imbis na maglaro iyon sa kanyang katanungan ay mas pinili niyang depensahan na niya agad ang kanyang sarili.  “What do you mean you understand?! Hindi ko sinusundan dito si James ah! Paano ko naman nalaman na nadito siya? E wala naman nga siya dito!” wika nito tiyaka niya pa tinuro ang kanilang paligid. Kasabay ng pag-awang ng labi ni Dylan ay ang pagtaas ng kilay nito dahil mukhang iba sila ng naiisip ng dalaga. “Pa-pano ko naman malalaman na nandito siya? At hindi naman ako tatakbo agad sa kanya kung malaman ko lang na nandito siya no!” mabilis na salita nito, halos mautal pa siya dahil kabado siyang dinedepensahan niya ang kanyang sarili.  “Maybe we got lost in translation?” litong tanong ni Dylan sa kaibigan ng kanyang asawa. “I understand why you are here and just ranting in front of me since you used to do that with my wife and now that she’s missing this is your way to release your emotions thinking I am her other half.” paliwanag ni Dylan sa kanyang pagkakaintindi kanina pero ngayon ay mukhang may iba palang dahilan kung bakit nandito si Rhian.  Natikom ni Rhian ang bibig niyang naakaawang dahil sa paliwanag ni Dylan. Bahagya siyang nahiya dahil hindi naman pala naisip ni Dylan na sinusundan niya ang kaibigan nito. Bahagya siyang ngumiti pero bakas ang pagka-ilang sa kanyang mukha habang nakatingin sa lalaki pero si Dylan naman ay nawewerduhan lang siyang tumingin dito.  “O-oo!” agap na lang ni Rhian dahil nadama niya ang pag-obserba sa kanya ni Dylan dahil sa katahimikan na bumabalot sa kanilang gitna. Gusto man niyang tampalin ang kanyang bibig ay hindi niya magawa dahil baka isipin pa ni Dylan na nawawalan na siya ng bait kahit pa ang ginawa at sinabi niya kanina ay nakakahiya.  “Iyan ang dahilan ko!” isa rin kasi iyon sa dahilan niya kaya hindi naman siya nagsisinungaling. “Siya lang ang matalik kong kaibigan kaya naman malaking kawala sa akin ngayon na hindi siya mahanap.” Ni hindi na nga niya maintindihan kung ano man ang sinasabi niya. “Akala ko pinaghihinalaan mo ako na dahil sa kaibigan mo! Ang kapal naman ng mukha niya diba? Hindi ko siya gusto at hindi ko siya gugustuhin! Sinong babae ang magkaka-gusto sa isang katulad niya? Hanggang ngayon ay hindi man siya gumagawa ng paraan para magka-usap kami! Hindi na siya high school o college na kailangan pa niyang patagalin ang proseso. Ang kaibigan ko kasal na sa’yo, ang iba naming mga kaklase ay may mga anak na! Kaya naman hindi ko makita kung ano pa ang dahilan niya para patagalin ang meron sa amin na wala namang label.” mahabang lintenya ni Rhian. Hindi talaga alam ni Dylan kung ano ang sasabihin niya dahil si Rhian pa lang ang kauna-unahang babae na nag-cofess sa kanya tungkol sa pagkagusto nito sa kanyang kaibigan na may halong panlalait.  Bahagyang natawa si Dylan dahil sa pagdedepensa ng kaibigan ng kanyang asawa sa kanyang harapan. Ngayon ay nahalata na niya na kaya pumunta dito si Rhian ay baka may nasagap siyang balita na nandito kanina si James. Napailing na lang siya at ayaw na niyang pakialaman ang problema nilang dalawa lalo na at marami din siyang kinakaharap na problema ngayon. Hindi na rin sila mga bata pero ang dalawa kung umakto ay para bang teenager pa lang sila. Gusto niya man pangaralan ang dalawa pero alam naman niyang hindi sila makikinig. Susundin at susundin pa rin nila kung ano ang sa tingin nila ay tama. Sumimangot si Rhian tiyaka soya ngumuso habang nakahalukipkip ang kanyang mga kamay sa ilalim ng kanyang dibdib. Alam niyang nakuha na ni Dylan kung ano ang ibig niyang sabihin dahil ngayon lang nag-loading sa kanya ang lahat ng kanyang sinabi. Hindi naman tanga si Dylan para hindi niya mapansin o mahalata sa mga gunamit niyang salita kung ano ang enerhiya na nagtulak sa kanya para pumunta sa kanilang kumpanya. Syempre, gusto niya rin na malaman ang kalagayan ng kanyang kaibigan kaya halos oras-oras niya itong mine-message kung may balita na ba sa matalik niyang kaibigan o wala. “I'm going somewhere,” sambit na lang ni Rhian. Wala siyang mapagsabihan ng mga problema niya ngayon. Walang makikinig sa kanya dahil wala ang kanyang kaibigan.  “Do you want me to tell him that?” pagtatanong naman ni Dylan tiyaka niya nilagay ang kanyang dalawang kamay sa ilalim ng kanyang baba habang nakaptong sa kanyang lamesa ang dalawa niyang siko.  “No!” agap ni Rhian. “Don't ever tell him this!” pag-utos niya pa sa lalaki kahit na kaya naman siyang hanapin ni James kahit siya lang mag-isa.  “Well, he can find you easily though.” lalo siyang sumimangot ng sinabi ni Dylan iyon.  “Why would he find me? Ngayon nga lang na malapit ako sa kanya hindi man lang siya makagawa ng paraan para makalapit sa akin tapos hahanapin niya pa ako kapag hindi ako nagpaalam sa kanya? Huh!” may pait na wika ni Rhian.  “Why would you leave this city? I thought you had a movie and all?” takang tanong ni Dylan.  “My manager told me to have a break but maybe my mom asked her to do that since the aunt of my cousin kept asking for me.” inis na sambit ni Rhian kaya bahagyang napatango si Dylan.  “Where?” wala na siyang maisip na sabihin o itanong kaya iyan na lang ang sinabi niya.  “Isla Vida.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD