KABANATA 38

2595 Words
KABANATA 38 Umawang ang labi ni Lucius dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Chaaya sa kanya. Dahil don ay lumuwag ang pagkakahawak niya kay Chaaya na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya. Nagtataka siya kung ano man ang problema ng dalaga dahil mukhang galit ito sa kanya. Wala naman maisip na dahilan si Lucius para ikagalit sa kanya ng dalaga.  Hindi ba niya nagustuhan ang pinagsaluhan nilang halik kahapon? Pero ang buong akala niya ay gusto iyon ni Chaaya dahil sa uri ng paggalaw ng kanyang labi pero mukhang mali ang pagkakaintindi ni Lucius doon. Mukhang hindi iyon nagustuhan ng dalaga dahil sa reaksyon niya ngayon.  Tinaas ni Lucius ang dalawa niyang kamay tanda ng pagsuko. Gusto niyang ipakita sa dalaga na kung hindi man niya nagustuhan ang halik nila kahapon ay handa siyang humingi ng tawad para magka-ayos lang sila.  “Whoah. Chill.” wika ni Lucius pero wala man lang siyang nakitang kahit anong reaksyon kay Chaaya.  Hindi pa rin mawala ang inis ni Chaaya sa kanyang loob habang tinitingnan niya ang binata. Siguro ay dahil sobra-sobra ang kanyang pagkadismaya niya dito. Parang hindi niya matanggap sa kanyang kalooban na kayang gawin ni Lucius ang ganoong bagay pero nagawa na niya. May tiwala siya sa kanyang kaibigan at wala naman dahilan si Angela para magsinungaling sa ganoong bagay.  “What's our problem, hm?” pagtatanong ni Lucius gamit ang kanyang malumanay na boses. Mukhang wala sa mood ang dalaga ngayon kaya siya na lang ang magpapakumbaba lalo na at baka siya nga talaga ang may kasalanan.  “You can tell me, darling. What's our problem?” pagtatanong niya muli tiyaka na niya binaba ang kanyang kamay at humakbang papalapit kay Chaaya na siya namang dahilan ng pag-atras ng isang hakbang ng dalaga.  Napahinto si Lucius sa ginawa ni Chaaya. Mukhang ayaw ng dalaga na makalapit man ito sa kanya dahil umatras ito gayong hindi pa siya nakakalapit. Gusto lang naman sana niyang mag-usap sila ng mahinahon nang sa gayon ay malaman niya kung ano ang nagawa niyang mali at nang sa gayon ay maiwasan na niya ito—nang sa gayon ay hindi na niya ito muling gagawin nang sa gayon ay hindi sila mag-away ni Chaaya.  “Bakit niyo po ako pinasok sa trabaho na hindi ko naman in-apply-an?” pagtatanong ni Chaaya dahil iyon ang katanungan na gusto niyang mabigyan ng kasagutan. May iba pang mga tanong ang naglalaro sa kanyang isipan pero iyon ang gusto niyang unang mabigyan ng kasagutan dahil baka maintindihan niya pa kung bakit ginawa ni Lucius ang bagay na iyon.  “Wha-what do you mean?” kabado na tanong ni Lucius. Alam niya na isang kasagutan lang ang alam niyang isagot sa tanong ni Chaaya pero halos hindi na niya marinig ang kanyang dibdib sa bilis ng t***k ng kanyang puso.  Hindi pa siya handa na sabihin ang bagay na iyon sa dalaga. Gusto niya munang isigurado ang kanyang nararamdaman. Gusto niyabg protektahan ang dalaga maging sa kanyang sarili dahil sa mga mata nito.  Nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata ni Chaaya. At ayaw niya na isa siya sa mga maging dahilan para lalo pang lumalin ang kanyang kalungkutan. Hindi pa siya sigurado sa kanyang nararamdaman kaya naman hindi niya muna ito sinasabi sa dalaga.  Para masigurado ang kanyang nararamdaman ay kailangan niya munang harapin ang babaeng una niyang minahal nang sa gayon ay malaman niya kung talagang handa na siyang magmahal pa ng ibang babae liban sa kanya. Lalo na at buong akala niya noon ay hindi na siya mahuhumaling sa ibang babae pagkatapos niya dahil kahit na ilang babae pa ang iniharap sa kanya ng kanyang ina ay wala man lang nagpatibok ng kanyang puso katulad na lang n pagtibok nito sa nauna.  “Hindi man po ako nag-apply ng trabaho, Senyorito.” kalmado na wika ni Chaaya sa binata dahil ayaw niyang mawala ang respeto nito bilang isang anak ng Senyor at amo nila sa pinagtrabauhan niyang mansyon kahit na hindi na niya maharap ito dahil sa nalaman niyang ugali ng binata.  “I know,” halos ibulong na lang iyon ni Lucius dahil wala talaga siyang maisip na palusot na kanyang sasabihin nang sa gayon ay masagot na niya si Chaaya dahil mukhang iyon ang una niyang gustong malaman.  “Alam niyo naman po pala pero bakit niyo pa rin po ako tinanggap? Bakit niyo pa rin ako sinundo?” magkasunod na tanong ni Chaaya. Gusto niya sana na isa-isang tanong lang pero hindi niya maintindihan ang kanyang sarili at para bang uhaw siya sa mga kasagutan at kakaibang inis ang kanyang naramdaman.  E ano naman ngayon kung mali ang ideya niya sa Senyorito? E ano naman ngayon kung isa rin siya sa mga mayayaman na ginagamit ang kanyang kapangyarihan para lang sa sarili nilang kagustuhan? E ano naman ngayon kung hindi pala siya ganon kabait kagaya na lang ng hinala niya? E ano naman ngayon?  Bakit ba sobrang apektado niya? Dahil tinuring na niya itong isang kaibigan. Ang bulong ng kanyang isipan na para bang pinagtatakpan sa kanyang sarili kung ano man ang kanyang kasagutan sa sarili niyang tanong. Para bang pinagtatakpan ng kanyang utak kung ano man ang kakaibang nararamdaman ng kanyabg dibdib.  “I just figured if you need a job,” palusot na lang ni Lucius kahit na maging sa kanya ay hindi man lang nabigyan kahulugan ang kanyang sinagot. Parang wala lang iyong kwenta at wala na siyang masagot kaya iyon na lang ang kanyang sinabi.  “May trabaho na po ako,” pinakalma ni Chaaya ang kanyang sarili. “Sa dalampasigan hindi ba?” pagtatanong nito na pinipigilan pa rin ang kanyang sarili pero hindi na niya matiis na makasama pa ang Senyorito dahil alam niya na didikit pa rin ito sa kanya kaya mas mabuti pang sabihin na lang niya kung ano ang problema niya talaga sa kanya.  “Pero bakit niyo po sinabi kay Angela na hindi niyo siya kukuhanin dito sa trabaho kung hindi niya ako kasama? Kailangan po ng kaibigan ko ng trabaho!” hindi niya maiwasan na mainis lalo na at naalala niya ang sigawan sa tabing bahay nila t'wing gabi.  Naririnig din niya ang pag-insulto ng kapatid ni Angela sa kanya kaya hindi niya maiwasan na masaktan para sa kanyang kaibigan. Hindi niya maiwasan na mag-alala sa kanyang kaibigan pero sa t'wing nakikita niya ito kinabukasan ay masigla lang itong nakangiti na para bang wala man lang nangyari sa gabi niya. At sa tingin niya ay hindi nararapat sa kanyang kaibigan ang pinagdadaanan niya.  “Kailangan po niya ng trabaho. Nag-apply po siya ng mag-isa sa inyo kaya sana po ay tanggapin niyo siya ng mag-isa!” pangaral niya sa Senyorito na ngayon ay nakayuko at bahagyang tumatango.  Hindi naisip ni Lucius iyon sa pagdedesisyon niya kagabi. Ang tanging nasa isip niya lang kasi kagabi ay alam niyang iiwasan siya ng babae dahil sigurado siyang maiilang ito pagkatapos nilang maghalikan lalo na at wala naman silang relasyon. Ganito ang kadalasan na ginagawa ng mga babaeng kakilala niya o kaya naman ay sa mga pelikula kaya hindi malayong ganon din ang magiging desisyon ni Chaaya.  Kagabi ay tanging makasama niya lang ang dalaga ang naglalaro sa kanyang isipan at wala na siyang iba pang nakunsidera na ibang bagay. Kaya naman ngayon na pinapangaralan siya ni Chaaya ay wala siyang kayang gawin kung hindi ang yumuko at tahimik na pakinggan ang hinaing ni Chaaya. Hindi naman niya kayang ipagtanggol ang kanyang sarili dahil tumatanggap naman siya ng pagkakamali at sa pagkakataon na ito ay alam niyang mali siya sa parte na iyon. Masyado nga siguro siyang makasarili na hindi man lang niya naisip kung ano man ang nararamdaman ng kanyang kaibigan.  “Pasensya na,” wika ni Lucius nang maramdaman niya na hindi na nagsalita ang dalaga kaya inangat niya ang kanyang ulo at tipid na ngumiti dito. “Hindi ko naisip ang bagay na iyan kagabi. I was impulsive. Thank you for telling it to me now. I will take note of that.” sambit niya.  Hindi maiwasan na humanga ni Chaaya dahil hindi niya lubos akalain na marunong tumanggap ng pagkakamali ang Senyorito. Ang akala niya ay magagalit din siya sa kanya lalo na at nakagamit siya ng mas mataas pa na boses keysa sa laging tono ng kanyang boses. Pero hindi pa rin sapat na inako niya ang kanyang pagkakamali para mawala ang kanyang inis. Hindi niya kailangan purihin ang binata sa pag-ako ng kanyang pagkakamali dahil iyon lang naman ang tamang gawin.  Normal lang naman na akuin ng isang tao ang kanyang ginawang mali at humingi ng pasensya dito. Iyon ang dapat naman talagang gawin ng isang tao na nakagawa ng mali kaya mali ang kaisipan niya sa paghanga sa lalaki dahil lang sa ginawa niya kung ano man ang nararapat. Kaya naman bumalik ang kanyang inis kay Lucius dahil kahit na inako na niya ang kasalanan ay hindi niya maiwasan na mainis sa binata dahil sa naging padalos-dalos na desisyon niya at naiinis siya na masyadong maunawain ang binata. Parang bumabalik kasi ang ideya nito sa kanya at ayaw na niyang mgakaroon ng kung ano man na ideya sa binata nang sa gayon ay hindi na niya muling maramdaman ang pagkadismaya na kanyang nararamdaman ngayon.  “Is there still something in your mind?” pagtatanong ni Lucius dahil mukhang may gusto pang sabihin sa kanya ang dalaga. “I thought you’re different from those senyoritos—for those rich kids who were born with golden spoons in their mouths. I thought you’re different from other wealthy people who love controlling someone who has a low profile to them using their wealth and power.” sambit ni Chaaya. Sa tingin niya ay dapat niyang sabihin iyon dahil talagang dismayado siya sa nangyari.  “But all my thoughts were wrong. Maybe they were right that all rich people love to use fame and money for them to overuse their power.” Umawang ang bibig ni Lucius sa sinabi ni Chaaya na para bang hindi na alam kung ano ang sasabihin niya sa dalaga.  “I am disappointed that you’re one of them, I thought you’re not part of that group.” lumuwag ang pakiramdam ni Chaaya pagkatapos niyang sabihin iyon.  Pero may kung ano sa kanyang dibdib ang kumikirot lalo na at nakatingin siya ngayon kay Lucius na nakaawang ang labi at hindi na niya alam kung ano man ang sasabihin o gagawin niya pero sa huli ay tumango-tango lang si Lucius na tila ba naintindihan na niya kung ano man ang gusto niyang ipahiwatig.  Hindi maiwasan na masaktan ni Lucius dahil sa sinabi ni Chaaya. Pero alam naman niya na may punto ang pinaglalaban ng dalaga. Doble ang sakit non dahil iyon ang katotohanan. Ang pinaka-ayaw niya pa naman ay ang kinukumpara siya sa mga mayayaman na masyadong mapang-alipusta dahil lang may kapangyarihan silas sa pamamagitan ng limpak na salapi. Pinalaki sila ng kanilang mga magulang sa kaisipan na hindi dapat gamitin ang kanilang apelido kung may gusto silang makuha, kailangan muna nilang paghirapan iyon kugn desperado taalaga silang makuha ang isang bagay.  Sa buong buhay niya ay pinaghirapan niya ang mga gusto niyang bagay. Hindi siya dumepende sa apilido nila o hindi niya ginamit ang pagiging Agravante niya para mapasunod ang mga nasa ibaba sa kanila. Pero ngayon ay nadungisan na ang lahat dahil lang sa ginawa niyang pagkakamali kagabi. Nawala lahat ng paghihirap niya at ang tingin ng ibang tao sa kanya ngayon ay isang mapagsamantala sa kapangyarihan na meron siya,  Ayos lang sana sa kanya kung ibang tao ang mag-iisip sa kanya ng ganon. Nasanay na rin siya sa mga tao na kapag may pinapamigay ang kanyang ama ay para bang anghel sila sa harapan nito pero minsan ay mga mga iilan lang naman ang kung ano-anong masasakit na salita galing sa ibang tao. Hindi man niya sana masyadong damdamin ang sinabi ng dalaga sa kanyang harapan ang kaso nga lang ay hindi lang siya ordinaryo o kaya naman ibang tao ang nagsabi non. Pero kakaiba ang sakit dahil si Chaaya ang nakatayo sa kanyang harapan.  Wala siyang pakialam sa kung ano man ang sasabihin o kung ano man ang iniisip ng iba tungkol sa kanya liban sa babaeng kaharap niya ngayon. Wala na lang siyang magawa kung hindi ang tumango bago siya magsalita.  “Do you wish to go home right now?” pagtatanong niya na wala ng ekspresyon sa kanyang mukha. Hindi agad nakasagot si Chaaya sa sinabi ng Senyorito dahil nagulat ito na wala man lang siyang mabasa na kahit ano mang ekspresyon sa binata. “I’m sorry for what happened. If you feel uncomfortable with it, you can freely go home. I can tell Manang,” sambit ni Lucius.  “And oh, don’t worry about your friend. She can still work without you. Thank you for your words that woke me up,” pormal na wika ni Lucius.  Hindi niya alam kung bakit sobrang bigat sa dibdib ni Lucius ang binitawang salita ni Chaaya. Kaya namna mas kailangan niya ng pahinga at ng espasyo sa dalaga. Dahil baka kapag dumikit pa siya kay Chaata ay tuluyan ng maasar sa kanya ang dalaga. Ang buong akala pa naman niya ay magsisimula na ang kanilang istorya kahhapon kung saan sabik na sabik sa halik ang dalaga pero mukhang wala lang naman iyon kay Chaaya kaya kailangan niyang umaktong nakalaimutan na rin niya kung ano man ang nangyari kahapon. Hindi na nakapagsalita si Chaaya nang naglakad na paalis ang Senyorito para pumasok na siya sa mansyon. Naiwan siyang nakangusoa ng labi dahil hindi niya makita ang kanyang kaibigan. Ayaw naman talaga niya ng trabaho na ito dahil kailangan niyang iwasan si Lucius pero mukhang magkukulong lang sa kwarto niya ang binata kaya naman hinanap na niya ang kanyang kaibigan para makadalo sila sa pulong na sinasbai ni Manang Amelia. Katulad ng kanyang inaasahan ay pinaliwanag nga ni manang Amelia ang gagawin nila. Tiyaka niya lang din naalala na malapit na nga pala ang kaarawan ni Lucas at tanda pa nito ang kanyang binulong kahapon tungkol sa kanyang kapatid. Gusto man niya na gawing masaya si Lucas sa kanyang kaarawan ay hindi pa siya sigurado kung sasama nga ang kanyang kapatid dahil hindi pa niya ito nakakausap. Gusto niyang makausap muna ito ng masinsinan.  Habang iginagaya sila sa mansyon ni manang Amela para malaman nila kung nasaan ang mga pagkain sa araw ng kaarawan ng Senyorito Lucas, mga lugar na kailangan nilang malinis bago pa ang kaarawan at ang magiging disenyo ng buong bahay.  Hindi niya alam kung bakit pero tumitingin siya sa engrandeng hagdand pero kahit na ilang beses pa man siyang tumingin doon ay hindi man lang bumaba ang isang rebulto na hinihintay niyang magpakita. Baka siguro nga ay sumobra ang kanyang bunganga kanina o kaya naman ay pangit ang pagkakahulma niya ng mga salita kaya hindi iyon nagustuhan ng binata.  Bahala na nga, hindi niya kailangan problemahin iyon kaya naman noong nasa dining area na sila at nagpapaliwanag ang matanda ay sigurado ni Chaaya na hindi na siya muling makakalingon pa sa hagdan kung saan nabubuhay ang kanyang pag-asa.  Halos mapalundag siya sa gulat at muntik na siyang sumigaw kung hindi lang niya naamoy ang pamilyar na pabango sa likuran niya. Paano ba naman kasi hindi magugulat kung bigla na lang papalupot ang kamay nito sa kanyang beywang kaya napatingin siya sa beywang nito na ngayon ay tinatali ni Lucius ang dalawang sleeve ng hoodie sa may beywang niya kaya hindi niya maiwasan na magtaka.  “There’s a blood,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD