KABANATA 37

2663 Words
KABANATA 37 Tahimik lang si Dylan na binabasa ang mga papeles sa kanyang lamesa. Pinipilit niyang intindihin ang bawat letra—ang bawat salita na nakasulat doon nang sa gayon ay maunawaan niya ito at makapag-desisyon siya ng tama. Pinipilit niyang ipasok iyon sa kanyang utak kahit na mukhang hindi ito tinatanggap ng kanyang utak dahil ang asawa at ang kanyang magiging anak ang tumatakbo sa kanyang utak sa bawat segundo, sa bawat minuto, sa bawat araw at sa bawat linggo na nagdaan na kahit ka-tuldok man na balita ay wala siyang makuha.  Alam niyang kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang dalawang kumpanyang hawak niya pero hindi niya kayang hindi isipin ang kalagayan ng kanyang mag-ina. Kung magkakaroon lang siya ng balita—kahit na kaunting impormasyon lang sa kanyang mag-ina ay baka sakaling ganahan pa siya. Pero lumilipas ang mga araw na wala siyang marinig ay unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa.  Dagdag pa ang laging pagsabi sa kanya ng kanyang biyenan na sa oras na hindi niya nahanap si Chaaya ay ia-anunsyo na nila itong patay sa legal na paraan. Kung wala pa silang mahanap na kahit anong balita sa kanyang asawa ay baka kailangan na niyang tanggapin kahit na mahirap sa kanya na wala na ang kanyang mag-ina. Tutal mukhang iyon naman ang gustong ipagawa sa kanya ng kanyang biyenan. Hindi niya maintindihan ang mga magulang ng kanyang asawa na hanggang sa ganitong pagkakataon ay hindi man lang nila maipakitang anak ang turing nila sa kanyang asawa. Alam niya naman na pinapahalagahan lang siya ng kanyang mga magulang dahil sa galing nito sa pagtatrabaho sa kanilang kumpanya pero hindi niya inaasahan na kaya nilang bitawan ang kanilang anak ng ganon-ganon na lang.  Kung naranasan lang sana niyang maging magulang o ama ay hindi niya hahayaan na maparamdam sa kanyang anak kung ano man ang naramdaman ng kanyang ina sa puder ng kanyang mga magulang. Kung naranasan niya lang sana magpalaki ng anak ay ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya nang sa gayon ay mapuno ng pagmamahal at atensyon ang anak nito. Wala na siyang pakialam kung ano pa ang kakayahan o kung ano man ang kagustuhan nito, tatanggapin niya ito ng buong-buo na walang hinihintay na kapalit katulad na lang ng kailangan niyang patakbuhin ang kanilang kumpanya sa maayos na paraan. Hinding-hindi niya ipaparamdam sa kanyang anak na para bang niluwal lang siya sa mundo para lang sundin kung ano man ang kagustuhan nilang mag-asawa.  Napahinto siya nang makarinig siya ng sigawan sa labas ng kanyang opisina. Kumunot ang kanyang noo dahil pamilyar ang boses na babae sa kanyang tenga.  Galit na galit si Rhian habang naglalakad sa kumpanya nina Dylan. Halos hindi siya makapaniwala sa narinig niya pagkatapak na pagkatapak pa lang niya sa Pilipinas. Nang nasa airpot siya ay sinubukan niyang tawagan ang matalik niyang kaibigan ang kaso nga lang ay hindi na niya matawagan ang number ng kanyang kaibigan. Doon pa lang ay nagtaka na siya dahil alam niyang hindi nagpapalit ng number ang kanyang kaibigan at kung magpapalit man ito ay alam niyang tatawagan o sasabihan siya nito.  Kinuha kasi ng manager niya ang kanyang cellphone nang halos isang buwan kaya hindi sila nagkaroon ng anumang komunikasyon ng kanyang kaibigan sa mga araw na iyon. Alam niyang mainit ang isyu tungkol sa kanya tungkol sa kanyang tinatagong kasintahan sa media at hindi naging maganda ang pagtanggap ng kanyang mga taga-hanga doon dahil na rin may ka-love team ito ng halos tatlong taon na silang magkasama sa industriya. Kilala na siya ng kanyang manager sa pagiging matigas ang ulo kaya naman kinuha niya ang lahat ng bagay na maari niyang gamitin bilang komunikasyon sa lalaking mahal niya. At dahil may bago silang pelikula ngayon ay may shooting sila sa ibang bansa na nagpadali sa manager niya na paghiwalayin sila ng lalaki pero iyon din ang naging dahilan kung bakit napalayo siya sa kanyang kaibigan at wala siyang narinig na kahit ano mang balita kay Chaaya.  At pag-uwi niya ng Pilipinas ay ganoon na lang ang sasalubong sa kanya?! Na nawawala ang kanyang kaibigan at hindi man lang nila alam kung buhay pa ba ito o hindi? “Excuse me, ma’am.” kaagad siyang hinarang ng secretary ng asawa ng kanyang kaibigan kaya naman agad niya itong sinamaan ng tingin.  Nakasuot kasi siya ng shades, cap at ng face mask nang sa gayon ay hindi siya makilala, malaking eskandalo din kapag nakita siya ng ibang mga tao. Ni hindi na nga niya rin alam kung ano ang sinasabi sa kanya ng mga tao dahil literal na wala siyang balita sa mga tao sa Pilipinas at sa mga social media. Balita lang ang pinagkukuhanan niya ng impormasyon.  “I need to talk to Dylan,” wika nito at sinubukan niya pa ulit na makapasok pero muli siyang hinarangan ng secretary nito. Gusto niya hubarin ang kanyang face mask para makapag-kilala siya dito ang kaso lang ay alam niyang magagawan siya ng isyu kaya minabuti niyang kontrolin ang kanyang emosyon.  “I’m sorry, ma’am. But do you have any appointment with him?” pagtatanong pa ng lalaki sa kanya. Nagtataka na rin ang secretary ni Dylan dahil wala naman siyang natatandaan na nagpa-appointment sa kanyang amo.  “Do I need that?” sarkastikang tanong ni Rhian dito. Kung nandito lang sana ang kanyang kaibigan ay hindi siya mahihirapan na makapasok pero iyon na nga ang problema! Nawawala ang kanyang kaibigan! “Yes,” mukhang nawawalan pa ng pasensya sa kanya ang lalaki dahil tinanong niya iyon. “It is necessary to make an appointment before visiting him since he is the President of the company.”  “I know him, duh?” inis na sagot sa kanya ni Rhian dahil hindi naman iyon ang pinunta niya dito. Halos alam na nga niya ang talambuhay ni Dylan dahil sa kanyang kaibigan.  “He’s inside his office, right?” maarte na pagtatanong niya pa dahil alam naman niya na nasa loob lang ng opisina ang lalaki dahil nandito sa kanyang harap ang secretary nito.  “I’m sorry, ma’am.” sambit pa niya pero wala na talagang pasensya si Rhian para makipag-usap pa sa lalaking ito kaya pinilit niyang magpumasok pero bigla siyang hinawakan ng babae.  “Ano ba!” Inis na sigaw ni Rhian nang hinawakan siya sa braso ng lalaki para hindi siya makapasok.  “Ma’am, please lang po. Huwag na po kayong makulit bago pa po ako tumawag ng guard.” paliwanag ng lalaki sa kanya pero sinubukan makawala ni Rhian sa hawak ng lalaki pero hindi niya magawa dahil mas malakas ito keysa sa kanya.  “Bitawan mo nga ako!” inis na sigaw pa nito pero mas lalo lang diniinan ng lalaki ang kanyang pagkakahawak.  “Dylan! Dylan!” sigaw niya pa mula sa labas. Alam niyang maririnig siya ng lalaki kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip na isigaw ang pangalan nito.  “Guard!” sigaw naman ng secretary nito dahil hindi niya inaasahan na magsisigaw ang babae.  “f**k off!” inis na sambit niya sa secretary. “Dylan! I know you heard me, come outside!” sigaw pa nito. Mabuti na lang din at magkalayo ang boses niya sa telebisyon at ngayong sumisigaw siya kaya hindi siya makikilala ng mga makakarinig.  Ramdam ni Rhian ang mga tingin sa kanya ng ibang empleyado na para bang hinuhusgahan ang kanyang buong pagkatao. Inis siyang umirap ng mata dahil baka inaakala nila na kalandian siya ni Dylan at halos masuka siya dahil kahit kailan ay hindi niya papatulan ang asawa ng kanyang kaibigan. At hindi niya tipo si Dylan.  “Dylan! Where the hell is my best friend?!” sigaw pa nito dahil isa na nga lang ang tunay niyang kaibigan ay bigla pa itong nawala kung kailan siya umuwi ng Pilipinas at tapos na ang shooting nila sa ibang bansa.  Huminga ng malalim si Dylan para kumuha ng pasensya dahil alam niyang mahaba-habang paliwanag ang gagawin niya sa kaibigan ng kanyang asawa. Sarado pa ang kanyang isipan lalo na kung may narinig na siyang ibang impormasyon patungkol sa pagkawala ng kanyang asawa.  Binuksan niya ang kanyang pintuan. At doon niya nakita ang dalaga na hawak-hawak ng kanyang secretary. Tamad niyang tiningnan ang dalaga, mabuti na lang at hindi nahulog ang kanyang shades sa pagmamatigas niya sa kanyang secretary.  “Sir,” bati ng secretary niya sa kanya. “Nagpupumilit po,” paliwanag pa niya kahit na halata naman sa posisyon nila na nagpupumilit nga si Rhian. “I know her,” tamad na wika ni Dylan kaya naman lumuwag ang pagkakahawak nito sa dalaga.  “See? I told you! Bitaw!” inis na sambit pa ni Rhian tiyaka siya umayos ng tayo. Pinagpag niya pa ang kanyang damit tiyaka niya nilapitan ang asawa ng kanyang kaibigan. “Guess you need to explain something to me, Mister?!” inis na tanong niya kay Dylan bago niya binangga ang balikat nito tiyaka siya pumasok sa loob ng opisina nito kahit na hindi pa siya pinapapasok ni Dylan. “Are you aware that you’re risking your career from what happened outside?” pagtatanong ni Dylan sa dalaga pagkasara na pagkasara niya ng pintuan.  Parang walang narinig si Rhian sa lalaki at umupo lang siya sa sofa na nasa opisina nito tiyaka niya pinag-krus ang kanyang tuhod. Halos makahinga siya ng maluwag nang hinubad na niya ang kanyang face mask at ang kanyang shades, maging ang sumbrero nito ay hinubad na rin niya.  “You know that it’s my best friend over anything else—even my career.” sambit nito sa lalaki. Napabuntong hininga na lang si Dylan dahil sa sinabi ng dalaga.  “When did you come?” pagtatanong niya dahil mahigit na isang buwan din siyang walang balita sa dalaga. Kung hindi lang sa mga interviews at mga komersyal niya ay wala talaga siyang balita sa buhay nito.  “I just arrived,” sagot sa kanya ni Rhian. “The first thing I did was to call my best friend but guess what? The number’s cannot be reached.” bakas ang inis sa boses ni Rhian.  “So, of course, I called tita and guess what she told me?” huminto si Rhian habang sinasaman niya ng tingin ang lalaki. “My best friend was missing.” Suminghap si Dylan.  “Did he know that you were already here?” pag-iiba muna ng topic ni Dylan dahil alam niya na nangungulila rin ang kanyang kaibigan sa babaeng nasa harapan niya. Magkaibigan nga talaga sila dahil habang nangungulila siya sa kanyang asawa ay nangungulila naman ang kanyang kaibigan sa matalik na kaibigan ng kanyang asawa—ang babaeng kaharap niya ngayon.  “We all know that he has ways to know where I am,” sagot sa kanya ni Rhian. Tumango si Dylan dahil naintindihan niya kung ano ang ibig sabihin ni Rhian. “So, do not change the topic. Where the hell is my best friend?” inis na tanong ni Rhian. Marami pa siyang baon na kwento at sama ng loob na kailangan niyang mailabas sa kanyang kaibigan pagkatapos pagbalik niya ay wala na pala siyang babalikan.  “I don’t know,” sagot ni Dylan dahil iyon naman ang totoo. Sarkastikong ngumiti sa kanya si Rhian, umawang ang kanyang labi dahil sa sinagot ng lalaki na nasa kanyang harapan ngayon.  “Tell me, Dylan.” inis na sambit niya tiyaka siya umayos ng upo at tiningnan niya ng seryoso ang lalaki. “What happened?” desperadong tanong niya dahil hindi niya matanggap na nawawala ang kanyang kaibigan nang mahigit isang buwan.  Huminga ng malalim si Dylan para kumuha ng lakas ng loob at kinuwento sa kanya ang nangyari noong araw na nawala ang kanyang asawa. Alam niyang hindi naman niya kailangan pang magpaliwanag kay Rhian pero alam niya kung gaano kahalaga ang babaeng nasa harapan niya sa kanyang asawa dahil siya ang tumuring na pamilya sa kanyang asawa keysa sa mga sarili niyang kadugo.  Kinuyom ni Rhian ang kanyang kamao, ni hindi man lang niya alam na nagbubuntis ang kanyang kaibigan. Ni hindi man lang nila nagawa ang plano niya kapag buntis na ang kanyang kaibigan. Hindi man lang nila iyon nagawa dahil naglaho na siya na parang bula.  “Where is she?” pagtatanong niya dahil hindi siya makapaniwala sa kinuwento ni Dylan na sa paglipas ng isang buwan ay wala man lang silang narinig o nabalitaan sa kanyang matalik na kaibigan.  Hindi niya matanggap na nawala ang kanyang kaibigan, alam niyang hindi siya iiwan ni Chaaya kaya naman hindi siya naniniwala na umalis na lang kaagad ito. At kung aalis man ang kanyang kaibigan ay alam niyang magpapaalam ito sa kanya. Napahilamos siya sa kanyang mukha at kinuha ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag kung wala ba talagang mensahe sa sa kanyang kaibigan. Alam ni Chaaya ang mga personal account niya sa social media kaya iyon ang binuksan niya pero malinis iyon. Sinubukan niyang patatagin ang kanyang sarili at pinilit ni Rhian na huwag lumuha sa harap ni Dylan dahil kung nawawalan na ng pag-asa ang lahat ng nasa paligid niya ay hindi siya mawawalan ng pag-asa at hahanapin niya pa rin ang kanyang kaibigan.  “Why don’t you hire your best friend?” pagtatanong niya sa lalaki. “He and his team are the best detectives here in the Philippines.” sambit pa niya. Napangiti ng sarkastiko si Dylan sa sinabi ni Rhian.  “So you think I'll hire someone else?” pagtatanong niya. “Of course, he is the one I hired and the first one I called.” natahimik si Rhian.  Kung walang nakalap na kahit ano mang impormasyon si James sa loob ng isang buwan ay nakakapanghina lalo na at wala na silang kilalang magaling na detective sa bansa kung hindi ang lalaki. Gusto niyang sumugod ngayon sa condo ni James at pilitin ito na magbigay ng kahit ano mang impormasyon sa kanyang kaibigan pero alam niyang wala na siyang magagawa dahil sigurado siya na kung may alam man na impormasyon si James ay sinabi na niya ito sa matalik niyang kaibigan na si Dylan.  “Maybe James just miss something,” sambit ni Rhian. Umaasa siya na ganoon dahil imposibleng wala na lang bilang trace sa kanyang kaibigan nang ganon-ganon na lang.  “Don’t you trust your lover?” sarkastikong tanong sa kanya ni Dylan.  “So, what do you want me to think now?” inis na tanong ni Rhian. At lalo siyang nainis sa kanyang manager dahil may nangyayari na palang ganito ay hindi man lang niya alam, wala man lang siyang alam dahil sa makalumang stunt na ginawa sa kanya ng manager niya.  “Let just wait and trust James,” sambit ni Dylan dahil maging siya ay wala na siyang ibang maisip na paraan para mahanap ang kanyang asawa.  “What?!” gulat na tanong ni Rhian nang hindi makapaniwala. “Do you hear yourself?” pagtatanong pa nito.  Huminga ng malalim si Rhian para pigilan ang kanyang emosyon ngayon. “Sumusuko ka na ba?” seryosong tanong niya sa asawa ng kanyang kaibigan.  “Of course not,” agap ni Dylan. Bahagya siyang nakonsenya dahil naisip niyang sukuan kanina ang kanyang asawa dahil sa mga tao sa kanyang paligid kaya masyadong defensive ang kanyang sinagot sa babaeng nasa harapan niya.  “It looks like you’re giving up.” Rhian mocked him. “Is it because of her parents? Are they forcing you to proclaim her death?” pagtatanong ni Rhian.  “She’s not dead,” sagot ni Dylan dahil iyon ang ayaw niyang marinig sa mga panahon na pagod na siya at hindi pa niya mahanap ang kanyang pahinga.  “I know, she’s not!” sambit ni Rhian.  “My best friend is not dead. She will never be.” kinuyom niya pa ang kanyang kamao tiyaka niya kinuha ang kanyang face mask, cap, at sunglass.  “Kung sumusuko na kayong lahat sa paghahanap sa kanya, hinding-hindi ko susukuan ang kaibigan ko,” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD