KABANATA 14
Hindi muna sumama si Chaaya sa kanyang ina ngayon sa paglilinis sa mansyon. Hindi naman din siya regular na trabahante doon kaya hindi naman siguro magagalit si Manang Amelia sa kanya. Tumutulong lang naman siya para maibsan kahit papaano ang gawain ng kanyang ina pero kahit na mukhang strikta si Manang Amelia ay mabait pa rin ito dahil kahit na tulong lang sa kanyang ina ang paglilinis sa mansyon ay binibigyan niya pa rin ito ng sahod sa araw na naglilinis siya. Kaya naman may mga naiipon pa rin siya kahit papaano, iniisip na nga niya kung ano ang maitutulong niya sa kanilang bahay.
Mabuti na lang at hindi nagtanong sa kanya ang kanyang ina nang sinabi niya na hindi muna siya maglilinis sa mansyon at mabuti na lang din at may iilan silang pang araw-araw na damit ang hindi pa nalalabhan at nagamit niya iyong dahilan para huwag sumama sa kanyang ina sa mansyon ng Agravante. Kinakabahan kasi si Chaaya sa mga tingin sa kanya ng mga kasama nilang trabahante sa sa mansyon, alam niyang mainit pa rin na usapan ang nangyari kahapon sa mansyon kung saan hila-hila siya ng Senyorito at nakasama niya pa itong kumain ng umagahan.
“HALA HALA HALA!” muntik an niyang masampal ang sino man na sumigaw at humila sa kanyang kamay para pigilan siya sa pagbuhos ng powder sa kanyang labahin. Kumunot ang kanyang noo dahil hindi pamilyar sa kanya ang babae na iyon. Sa ilang linggo niya dito mula noong umuwi sila sa isla ay hindi niya pa kailanman nakita ang babaeng nasa tapat niya kung hindi ngayon lang.
“Who are you?” kunot-noo niyang tanong habang nakatingin sa babae na hindi pa sumisinag ang araw ay ang puti na ng kanyang mukha, mapupula na ang kanyang pisngi at pulang-pula na rin ang kanyang labi. Halata na naglagay siya ng kolorete, ang kanyang buhok naman ay naka-ipit at sa uri ng kanyang pananamit at sa hawak niyang timba na binitawan niya sa kanyang gilid para mahawakan niya ang kamay ni Chaaya ay mukha lang naman itong maglalaba.
“Ay wow, english spokening ka?” tanong niya. Halata na namangha ang dalaga dahil sa kanyang accent sa pagsasalita ng dayuhan na lenggwahe.
Tumikhim si Chaaya at bahagyang nahiya dahil kahit na wala naman sinabing bawal gumamit ng salitang dayuhan sa Isla ay pakiramdam niya hindi niya dapat ginagamit iyon lalo na sa antas ng kanilang pamumuhay. Parang hindi sanay ang mga mamayan sa isla na makarinig ng isang karaniwan na mamamayan na gumagamit ng salitang Ingles.
“Anyway,” matigas na Ingles ng babae sa kanya na may ngiti sa kanyang labi. “Mali kasiang paraan ng paglalaba mo!” sambit nito tiyaka nila sabay na tiningnan ang mga damit na nasa batya na may lamang tubig.
Nakapagbomba na siya kanina, mabuti na lang at hindi gaanong mabigat ang kanilang bomba kapag ginagamit. Iyon kasi ang bomba na ginagamit nila kapag naglalaba kaya pati ang kanilang mga kapit-bahay ay gamit iyon dahil nakagitna siya sa kanilang bahay. Kaya hindi na siya magtataka kung ang babaeng kasama niya ay maglalaba din gamit ang bomba nila.
“Ha? Paanong mali?” inosenteng tanong ni Chaaya habang nakatingin samga halo-halong damit na nasa loob ng batya.
“Hindi mo talaga alam?!” gulat na tanong ng babae sa kanya kaya naman dahan-dahan siyang umiling. Nasapo naman ng babae sa tapat niya ang kanyang noo na sa tingin nito ay nasa parehong edad lang sila. “Oh my goodness!” inartehan pa nito ang kanyang pagsaslaita pero bakas pa rin sa kanyang tono na hindi iyona ng kanyang unang lengwahe.
“Ang alin ba?” nagtataka na tanong na niya. Kung sanang sinabi na ng babae sa kanyang harapan ay hindi na siya magtataka.
Umupo ng bahagya ang babae pagkatapos ay kinuha niya ang mga kulay itim at iba-ibang kulay sa batya, tanging puti lamang ang kanyang tinira. Natapon din ang iilang tubig kaya napanguso siya dahil kailangan na naman niyang magbomba pero ayos lang iyon para makapag-ehersisyo naman siya kahit papaano.
“Unahin mo muna dapat ang puti at hindi mo dapat pinagsasama ang de color sa puti!” halata ang stress sa babae pagkatapos niyang alisin ang lahat ng de-color na damit sa banya. Tiningnan pa niyang mabuti kung puti nga ba lahat ang natira sa batya.
“Talaga?” maghang tanong ni Chaaya. Kapag kasi pinagmamasdan niya ang kanyang kapatid kapag naglalaba ito ay hindi niya napansin na pinaghiwalay niya pala ang puti sa de-color, ang buong akala niya lang ay maglalagay lang ng powder o kaya naman ay gagamitan na lang ng bareta kapag wala na silang powder tiyaka ito kukusot-kusotin.
“Hindi mo alam?!” gulat na tanong pa ng babae sa kaya habang nakaupo pa rin ito at si Chaaya naman ay nakatayo kaya nakayuko siya habang nakatingala ang babae na tumulong sa kanya. Umiling si Chaaya dahil iyon ang totoo kaya umawang ang labi ng nakaupong babae. “Kahit ang bata alam na kailangan paghiwalayin ang de-color sa puti nang sa gayon ay hindi mag mantsa ang kulay puti na damit,” tuloy-tuloy na paliwanag ng babae kay Chaaya na tahimik na tumatango at nino-note niya sa utak niya ang sinabi ng dalaga.
“Ganon pala?” pagtatanong niya tiyaka na siya naupo sa maliit niyang upuan para makapagsimula na rin siya. “Salamat!” ngumiti siya sa dalaga kaya nawerduhan ang dalaga sa kanya.
“Bago ka ba sa isla?” pagtatanong ng dalaga sa kanya kaya naman taka siyang tiningnan ni Chaaya tiyaka ito bahagyang natawa.
“Ikaw ang bagong dito,” sambit ni Chaaya tiyaka pa siya nailing.
“Hindi ako bago dito. Sa Isla Veda na ako lumaki,” napahinto si Chaaya sa paglalagay ng powder sa kanilang damit. “Umalis lang ako ng isang buwan dahil nagbabakasakali ako sa Maynila na makakuha ako ng magandang trabaho sa siyudad,” paliwanag ng dalaga sa kanya habang pinagmamasdan siya nito.
“Galing ka ba sa mayaman na pamilya? Tapos naghirap ang pamilya niyo kaya wala na kayong ibang choice kung hindi ang tumira sa isla at mamuhay bilang isang karaniwang mamayan? May business ba kayo? Nalugi ba kayo?” sunod-sunod na tanong ng dalaga. Sinubukan ni Chaaya na i-process ang sinabi nito pero hindi niya mapigilan ang pagkirot ng kanyang ulo kaya naman umiling ito.
“Hindi? So taga dito ka?” tumango si Chaaya tiyaka siya ngumiti sa dalaga. Mabuti na lang at nawala rin ang pagkirot ng kanyang ulo. Sa katunayan ay mabilis lang iyon, para bang dumaan lang tapos nawala. Siguro ay baka kulang lang siya sa tulog, hindi na niya kailangan na mag-overthink na tungkol iyon sa sinabi ng dalaga sa kanyang harapan.
“Wee?” maingay na tanong ng dalaga na tila normal na boses na niya ang lakas na iyon. Hindi pa rin ito makapaniwala sa sinabi ni Chaaya. “Huwag mo akong pinagloloko ah!” pamamaratang nito. “Saan ka naman nakatira?” pagtatanong niya tiyaka niya tiningnan ang malalapit na bahay ng kanilang mga kapit-bahay.
“Diyan,” tinuro nila ang kanilang maliit na bahay na malapit lang sa pinaglalabhan nila.
“Kina aling Susan?!” maingay na tanong ng dalaga. Panigurado ay may nagising na ito sa kanyang boses. Mukhang hindi na kailangan ng manok ng iilan nilang kapit-bahay dahil bumalik na ang magiging taga-gising nila sa umaga.
“Oo,” sagot ni Chaaya na dahil iyon ang totoo.
“Bakit ka nakikitira kina Aling Susan? Sa kutis at pananalita mo palang alam ko na na kayang mong magrenta ng hotel sa may siyudad o kaya naman ay resort!” maingay na osyoso ng dalaga sa kanya. “Bakasyunista ka ba dito? Balak mo na bang tumira sa isla? Kahit na tingin mo ay maliit lang ang isla ay marami pa rin itong baranggay at may maliit na siyudad kahit papaano!” wika ng dalaga na tila pinagmamalaki ang isla kung saan siya lumaki.
Pansin din naman ni Chaaya na marami pa rin baranggay at may isang maliit na siyudad ang isla. Wala nga lang matataas na gusali o kaya naman ay mga mall dahil mukhang mas pinapanatili pa rin ang kalikasan kaysa magtayo ng iba’t-ibang gusali na makakasira sa isla.
“Maraming mga bakasyunista ang nagnanais na tumira sa Isla dahil payapa ang buhay,” sambit ng dalaga pagkatapos ay tumayo na siya at kinuha na niya ang dalawang timba gamit ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay binitbit niya ang batya na kanyang gagamitin, Pumwesto na siya sa may bomba at nilagay na niya ang kanyang batya doon para makasalok ng tubig.
“Payapa naman ang buhay pero hindi nila alam na mahirap ang buhay sa isla lalo na kung pangkaraniwang mamayan ka lang naman,” sambit niya habang nag bobomba na siya para sa gagamitin niyang tubig sa paglalaba. “Pero mukhang mayaman ka naman at kahit hindi ka magtrabaho ay may papasok na pera sa’yo,” agap ng babae sa kanya. Gusto niya sanang sumagot na hindi siya turista pero naunahan na ulit siyang magsalita ulit ng dalaga.
“Pero sinasabi ko sa’yo na mamimiss mo rin ang buhay mo sa siyudad lalo na at doon ang nakagisnan mo!” siguradong-sigurado na wika pa nito. “Katulad ko! Noon, nangangarap ako na makapunta sa Maynila–makatira doon! Pero isang buwan pa lang hindi ko na kinaya! Gusto ko a ulit bumalik kung saan ako lumaki, kaya heto ako ngayon!” pagkwento sa kanya ng dalaga.
“Hindi ako turista,” sambit ni Chaaya dahil baka iyon na ang paniwalaan ng dalaga sa kanya. Napahinto naman ang dalaga sa paghila ng kanyang batya para kung sakali man may maglaba ay mapaglagyan ang lagayan nila ng tubig sa bomba.
“Ha?” naguguluhan na tanong ng dalaga sa kanya.
“Nanay ko si Aling Susan,” nalaglag ang panga ng dalaga dahil sa sinabi ni Chaaya. Mabuti na lang at nakapagbalanse siya kung hindi ay baka humalik na ang kanyang puwet sa buhanginan na maputik dahil nabasa na.
“A-anong sabi mo?!” pasigaw na tanong ni Angela sa kanya.
“Angela!! Rinig na rinig ang boses mo at alam na alam na umuwi ka na ng isla!” sigaw naman ng isa nilang kapit-bahay na mukhang nagising na sa lakas ng boses ng dalaga sa kanyang harapan kaya bahagyang natawa si Chaaya.
“Eto naman si Aling Linda!! Ayaw na ayaw sa boses ko!!!” sigaw pabalik ni Angela kaya natawa muli si Chaaya. Kahit na napakasimple lang ng buhay at hirap sa pagkita ng pera ay nakukuha pa rin niyang ngumiti.
“Pero ano ang sabi mo?” pagtatanong pa ulit ni Angela. Iyon ang tinawag sa kanya ni Aling Linda kaya nalaman na ni Chaaya ang pangalan ng babaeng tumulong sa kanya at kausap niya ngayon.
“Ako ang panganay na anak,” tuluyan ng nalaglag ang panga ni Angela dahil sa gulat.
“Pa-paano na-nangyari?” hindi niya matuloy ang kanyang sasabihin habang turo-turo niya si Chaaya. Hindi siya makapaniwala na may anak na ganto kaganda ang mag-asawang Santos. Maganda naman si Suzzie, aminado siya roon pero halatang anak-mayaman ang dalaga na nasa harapan niya kaya hirap na mag-process sa kanya ang lahat.
“Ah, nabuo nila ako?” naiilang na sagot ni Chaaya sa tanong ni Angela. “By the way, ako nga pala si Chaaya.” pagpapakilala ni Chaaya tiyaka niya inalok ang kanyang kamay sa pag shake hands.
“Angela,” bakas pa rin ang gulat sa kanyang mukha habang tinatanggap niya ang kamay ni Chaaya bilang tanda ng pakikipag-kaibigan.
Tamad na bumaba si Lucius sa kanilang almusal. Ayos lang naman sa kanya na makasama niya ang kanyang pamilya sa hapag-kainan, masaya nga siya kapag ganoon. Ang kaso nga lang, dahil sa gap na nangyari sa kanilang dalawang mag-ina ay para bang hindi na siya kumportable kapag kasama niya ang sarili niyang ina. Masyado na rin siyang nagiging mamanipula sa kanilang dalawa ni Lucas. Kagaya na lamang ngayon na nasa tapat niya ang kanyang pinsan na si Ethan.
“Where is Lucas?” pagtatanong ng Senyora kay Amelia nang ang bunsong anak na lang niya ang wala sa hapag.
“Ah magaa pong umalis ang Senyorito dahil may group project daw po sila na kailangang tapusin,” paliwanag ni Amelis kaya marahan na napatango ang Senyora.
“Hindi mo ba sinabi sa kanya na sabay-sabay kami sa hapag ngayon, nanang Amelia?” masungit na pagtatanong ng Senyora.
Bahagyang napailing si Lucius dahil sa inasal ng kanyang ina, simula noong nilabanan na niya ang kanyang ina ay lalo itong naging istrikta kaya naman hindi niya maiwasan na makonsensya dahil alam niyang nasasakal na rin ang kanyang kapatid sa ginagawa ng kanyang ina sa kanya.
“Lucianna, you know your sons prioritize their studies.” singit ng kanilang ama tiyaka siya ngumiti kay Amelia bilang paghingi ng paumahin sa inasal ng kanyang asawa. Umikot ang mata ng Senyora dahil sa pagsuway sa kanya ng Senyor.
“I really do hope that their prioritizing their studies and our business not girls,” sambit ng Senyora tiyaka niya masungit na nilagay ang puting tela sa kanyang hita para makakain na. Nagpigil ng tawa si Ethan kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni Lucius.
“Anyway, as you know, Ethan will stay here for a month or more.” deklara ng Senyora kaya nasurpresa si Ethan. Ang buong akala niya ay isang linggo lang siya dito kaya pinagbigyan na niya ang kayang tiya. “Until when his cousin arrive here,” agad na tiningnan ni Lucianna ang kanyang panganay na anak para makita niya ang reaksyon nito pero tamad lang na nagsasalin ng pagkain si Lucius sa kanyang plato.
“What can you say, Lucius?” pagtatanong niya sa anak dahil para bang binabalewala niya lang ang sinabi nito. “What can you say about Rhian?” dagdag pa ng kanyang ina. Hindi niya alam kung nang-aasar ba ang kanyang ina at kung oo ay epektibo ang kanyang pang-aasar.
“I thought I should prioritize business first before girls?” sarkastikong tanong ni Lucius sa kanyang ina. Gusto man matawa ni Ethan pero hindi niya magawa dahil hindi niya alam kung paano pakikiusapan ang kanyang tita na isang linggo lang siyang mananatili sa isla lalo na ngayon na may nakita siya.
Bahagyang natawa ang Senyor sa sinagot ng anak kaya naman sinamaan kaagad siya ng tingin ng Senyora. Umayos na ng upo ang Senyor dahil isang warning na ang matalim na tingin ng kanyang asawa na tumahimik siya.
“Oh then what did I hear yesterday?” pambabara ng Senyora sa kanyang anak dahil hindi rin naman nakaligtas sa kanyang pandinig kung ano man ang ginawa ng kanyang anak kahapon. Usap-usapan hindi lang sa mansyon kung hindi maging sa labas ng mansyon ang ginawa ni Lucius kahapon.
“Nagre-rebelde ka ba?” deretsahang tanong ng isang ina sa kanyang anak. “I didn’t pull any cards with your first love! It was her decision not to choose you, so why are you doing this now?” gumalaw ang panga ni Lucius dahil sa sinabi ng kanyang ina.
Hawak-hawak niya ang table knife pero para bang nakatarak iyon sa kanyang puso dahil sa sinabi ng kanyang ina. Nag-aalala naman na tumingin sa kanya ang kanyang pinsan na kahit nag-aasaran man sila ay alam naman nila ang tunay na nararamdaman ng isa’t-isa tiyaka para na rin silang isang magkaibigan dahil hindi naman magkalayo ang kanilang edad.
“You’re not going there, ma.” mariin na sambit ni Lucius bilang babala sa kanyang ina. Ayaw niya munang pag-usapan ang bagay na iyon.
“Why not?” pagtatanong ng kanyang ina. “Hindi ba makapal ang kanyang mukha? Pagkatapos ng ginawa mo sa kanya, ganoon ang igaganti niya?” pabagsak na binitawan ni Lucius ang kanyang mga kubyertos tiyaka siya tumayo.
“Wala akong ganang kumain,” he said and walked away.