KABANATA 13

2735 Words
KABANATA 13 Hindi mapalagay si Chaaya dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kanyang ina kung bakit magkasama sila ng Senyorito at kung bakit kumain siya ng agahan sa mansyon ng mga Agravante kasama ang Senyorito at ang kanyang pinsan. Hindi siya mapakali habang naglalakad sila pauwi sa kanilang bahay kaya tahimik lang siyang naglalakad, katabi niya ngayon si Lucius na nagsuhestiyon sa paghatid sa kanya. Kahit na hindi siya pumapayag kanina dahil baka makita siya ng kanilang ina. Ngunit pursigido ang Senyorito na ihatid siya kaya naman wala na siyang magawa kung hindi pumayag na lang para hindi na rin humaba pa ang kanilang usapan at para makauwi na rin siya kaagad. Baka kasi magtaka pa ang kanyang ina kapag nagtagal pa siya sa mansyon.  Sabay silang huminto nang makarating na sila sa tapat ng kanilang munting bahay. Hindi niya alam kung nasa bahay na ba ang kanyang ina o dinaanan muna ng ina ang kanyang tatay sa palengke. Madalas kasi bago sila umuwi ng kanyang ina ay dinadaanan muna nila ang kanyang itay para pagdalhan ng pagkain at dadaan na sila sa palengke para sa makakain nila sa araw na iyon.  “Dito na lang po,” sambit ni Chaaya sa Senyorito. Bahagya siyang napayuko nang tiningnan ni Lucius ang kanyang likuran kung nasaan ang kanilang bahay.  “May kasama ka na ba?” pagtatanong ni Lucius. Hindi niya maiwasan na mag-alala kung mag-isa lang ang dalaga.  “Ahm, hindi ko lang po alam kung nasa loob na si Inay,” sagot niya dahil wala naman silang komunikasyon ng kanyang ina simula noong hinatak siya ng Senyorito kanina papasok ng kanilang mansyon.  “Hindi mo ba siya pwedeng tawagan? O i-text?” pagtatanong ni Lucius. Malapit naman ang kanilang kapit-bahay kaya maririnig naman ang dalaga kung may mangyari man na masama na hinihiling niya na huwag naman sana.  “Ah,” bahagyang napakamot sa ulo si Chaaya. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa Senyorito. “Wala po kasi akong cellphone,” wika niya na nahihiya. Umawang ang labi ni Lucius dahil bago sa kanyang pagdinig na walang cellphone ang isang tao. Halos lahat ng mga tao may gamit na device kaya hindi niya alam kung dapat ba siyang mamangha o wala.  “Pero magiging ayos lang naman po ako sa loob ng bahay kung wala pa si Inay!” agap ni Chaaya dahil hindi niya alam kung naawa ba o sadyang nagulat lang ang Senyorito sa sinabi niya. “Wala naman pong nagpapagalang masamang tao ngayon tiyaka maaga pa.” tumawa si Chaaya para maibsan ang pag-alala ng Senyorito.  “I can accompany you while waiting for Manang Susan,” hindi maiwasan na magtaka ni Chaaya sa kinikilos ng binata. Nawalan siya ng ala-ala pero hindi ibig sabihin non ay hindi na niya alam kung bakit ganito ang inaasta ni Lucius.  “Hindi na po, Senyorito!” agap agad ni Chaaya dahil naiilang siya sa Senyorito. Hindi niya alam kung may kahulugan ba ang kanyang kabaitan o likas na ganon lang talaga ang kalooban ng binata. “The security in our community is good, thanks to Mayor Agravante.” sambit ni Chaaya na may ngiti sa kanyang labi. Hindi pa rin maiwasan na mamangha ni Lucius o magtaka dahil sa accent ng dalaga, para bang iyon na ang nakasanayan niyang lenggwahe. Pinaalala lang ni Chaaya na Mayor ang kanyang ama kung nag-aalala siya na hindi maganda ang seguridad sa paligid ng kanilang komunidad ay dapat niyang sabihin sa kanyang ama para masolusyonan kaagad ito. Hindi lang naman siya ang babae sa kanilang komunidad at para maiwasan man ang hindi magandang pangyayari sa kanilang bario o maging sa buong isla.  Napasinghap si Lucius dahil may punto ang dalaga. Kung hindi siya magtitiwala sa paligid nila ay para bang wala siyang tiwala sa kanyang ama na isa sa namumuno para mapanatili ang seguridad ng kanilang isla.  “Senyorito!” napatingin sila sa Ginang na naglalakad. Labis na nagulat si Susan nang makita niya ang panganay na Senyorito sa tapat ng kanilang bahay kasama ang kanyang anak. Kakatapos niya lang hatiran ng pagkain ang kanyang asawa at bumili na rin ng uulamin nila ngayong araw. “Nay!” pagtawag ni Chaaya tiyaka niya sinalubong ang kanyang ina. Kinuha niya ang abaniko nito na may laman na kaunting karnem, gulay at mga pansahog. Malugod naman iyong binigay ni Susan kay Chaaya.  “Manang Susa,” pagbigay galang ni Lucius sa matanda. Kumampante na rin ang kanyang kalooban nang makita niya ang matanda at alam niyang may makakasama na ang dalaga.  “Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” pagtatanong nito dahil baka pinadala siya ng Senyor o Senyora at may kailangan sila sa kanilang pamilya.  “Nothing, Manang.” ngiti ni Lucius nang sa gayon ay huwag mag-alala ang Ginang. “Hinatid ko lang po si Aya para masiguradong ligtas siyang makakarating,” dagdag pa ni Lucius kaya dahan-dahan na napatango ang Ginang tiyaka niya pasimpleng tiningnan ang kanyang ank-anakan na nakayuko sa kanyang gilid.  Mukhang tama nga ang sinabi sa kanya ng mga kasamahan nilang trabahante sa mansyon na magkasama ang panganay niyang anak at ang Senyorito, hindi lang iyon dahil sabay silang pumasok sa mansyon para kumain ng agahan. Ayaw niya sanang maniwala sa mga ito dahil ayaw niyang palawakin ang kanyang kaisipan ang kaso nga lang ay mukhang totoo nga ang sinasabi ng kanyang mga kasama dahil nadatnan niya sa harap ng pamamahay nila ang Senyorito. Hindi lang iyon, umamin pa siya na hinatid niya ang kanyang anak-anakan kaya hindi na niya alam kung ano ang iisipin niya. “Ganon po ba? Napaka-maginoo mo naman, Senyorito. Maraming salamat po.” Tuwang-tuwa na sambit ni Susan dahil kahit papaano ay nag-aalala ito sa kanyang anak-anakan. Pero hindi niya maiwasan na magtaka dahil sa kinikilos ng Senyorito.  Isang minutong katahimikan at walang sino man ang nagsalita sa kania. Ang akala kasi ng dalawa ay magsasalita si Chaaya pero nanatili lang itong nakayuko dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kanyang ina kung bakit siya hinatid ng Senyorito. Alam niya na nasa tamang edad na siya, lagpas na nga siya sa tamang edad kung tutuusin pero nakakaramdam pa rin siya ng kaba. Siguro ay tanda iyon na isa siyang Filipino.  “Ahm, ah, baka gusto niyo pong pumasok Senyorito? At maghahanda po ako ng pananghalian para sa inyo.” Alok ni Susan dahil bahagya siyang nahiya sa katahimikan na bumalot sa kanila.  Umawang ang bibig ni Lucius, natutukso siyang tanggapin ang alok ng Ginang ang kaso nga lang ay nang tingnan niya si Chaaya para humingi sana ng permiso ay naramdaman niyang naiilang ito kaya nakaramdam na siya kung ano ang gustong mangyari ng dalaga.  “Pasensya na po pero mukhang kailangan po namin mag-usap ng pinsan ko,” pagtanggi niya sa alok ng Ginang. Dahilan niya lang iyon pero alam niya naman na kailangan nilang mag-usap ng kanyang pinsan dahil sa binabalak ng kanyang ina na alam niyang hindi niya magugustuhan.  “Ganon po ba?” sambit ng Ginang. Kung sa ibang pagkakataon ay pipilitin niya ang Senyorito na mananghalian sa kanila dahil nakakahiya na wala man lang siyang naibayad sa kabutiang loob na kanyang ginawa sa kanyang anak pero kailangan niyang kausapin ang kanyang anak-anakan tungkol sa kanilang dalawa ng Senyorito kung ano bang namamagitan sa kanila at laman na rin sila ng usap-usapan sa kanilang baryo, hindi lang dahil sa pagpasok niya sa mansyon kasama ang panganay na anak ng mga Agravante kung hindi maging ang pagsama nito sa pagtinda sa palengke noong isang araw.  “Sige po, mauna na po ako.” pagpapalam ng binata kaya ngumiti ang dalaga. Sinubukan ni Lucius na hulihin ang tingin ni Chaaya pero nanatili lamang ito sa may buhanginan kaya naman kinuha na niya ang atensyon nito para pormal na makapagpaalam. “Aya, mauna na ako.”  Hindi inaasahan ni Chaaya na tatawagin siya ng binata kaya agad na tumaas ang kanyang tingin hanggang sa magkasalubong ang tingin nilang dalawa. Bahagyang nailing si Chaaya sa tinginan na iyon lalo na at nasa tabi niya ang kanyang ina. Hindi niya alam kung paano pakitunguhan ang binata habang nasa tabi niya ang kanyag ina. Hindi niya rin maintindihan ang kaba na nararamdaman niya. Para siyang teenager na kinakabahan dahil nahuli siya ng kanyang ina na may naghatid sa kanyang lalaki at may kausap siyang lalaki. Naiilang tuloy siya kahit na tingnan niya lang ang binata sa kanyang harapan pero ang bastos naman niya kung hindi siya pormal na magpaalam sa binata.  “Sa-salamat po sa paghatid,” nahihiyang sambit niya at sinubukan niyang tingnan ang binata kahit na halos tumalbog na palabas ang kanyang puso dahil sa kaba. Lalo na’t ramdam niya ang titig ng kanyang ina na nasa kanyang tabi. “A-at ingat po kayo, Senyorito.” Napangiti si Lucius dahil sa sinabi ng dalaga.  Such a cutie. Ang sambit ng kanyang utak nang makita niya ang reaksyon ng dalaga. Muli na siyang nagpaalam dahil baka nakakaistorbo na siya sa Ginang lalo na’t maghahanda pa ito para sa kanilang hapunan.  Hindi maiwasan na ngumiti ni Lucius habang naglalakad siya pabalik sa kanilang mansyon pero agad din siyang umiling dahil sa naging reaksyon niya.  Samantala, tahimik naman na sumunod si Chaaya sa loob ng kanilang bahay. Dumeretso siya sa kusina para ilagay doon ang pinamili ng kanyang ina. Sumunod na rin naman doon si Susan tiyaka niya tiningnan ang kanyang anak.  Nagkunwari si Chaaya na hindi niya ramdam ang titig ng kanyang ina kaya naging abala siya sa paglalabas ng lahat ng binili ng kanyang ina galing sa abeniko niyang dala-dala. Suminghap si Susan dahil dumaan din naman siya sa edad na katulad ng kanyang anak-anakan kaya alam na niya ang mga ganoong galawan.  “Magkaibigan kayo ng Senyorito?” pagtatanong niya sa kanyang anak. Ayaw niya itong higpitan dahil ayaw niya itong masakal.  Natigilan si Chaaya sa paglalabas ng mga gulay mula sa abeniko nang marinig niya ang boses ng kanyang ina. Mukhang wala na nga siyang takas kaya nakanguso siyang tumingin sa kanyang ina.  “Pasenya na po, ‘nay!” agap niya dahil kinakabahan siya na mapapagalitan sa kanyang ina. “I swear! We’re just friends. I was silently cleaning at the seashore then suddenly he surprised me with his presence so my body reacted and slapped him hard. That’s when I realized it was him! I said sorry then he asked me if we could be friends. The next thing I knew, he helped me with my duties and let me eat breakfast with him and his cousin.” nagpapanic na pagkwento ni Chaaya.  Hindi maiwasan na matawa ni Susan dahil sa kanyang anak. Mukhang nagpapanic na nga ito dahil straight na Ingles na ang kanyang gamit na lenggwahe. Alam niya na sanay na gamitin ng kanyang anak-anakan ang ganoong salita pero naramdaman niya siguro na parang iba siya sa kapag ganon lingwahe ang ginagamit niya dahil tagalog silang lahat na nasa bahay at maging ang kanilang mga kapit-bahay. Tanging mga galing lang sa mayayaman na angkan o pamilya ang gumagamit ng ganoong lingwahe sa Isla sa pang araw-araw nilang pamumuhay. Nakakaintindi naman sila ng Ingles pero nakakailang na gamitin iyon gayong alam nilang tagalog ang unang leggwahe na kanilang natutunan at nakagisnang gamitin.  “Ayos lang’yon, anak. Hindi naman ako galit.” Nakangiting wika ni Susan sa kanyang anak. Nalaglag ang panga ni Chaaaya dahil sa gulat. Hindi niya alam pero may pakiramdam siya na sesermunan siya ng kanyang ina dahil sa pakikipag-kaibigan niya sa Senyorito.  “Ayos lang po sa inyo?” gulat na tanong pa niya na hindi pa rin makapaniwala sa naging reaksyon ng kanyang ina. Iba ang inaasahan niyang magiging reaksyon ng kanyang ina sa aktwal na naging reaksyon nito.  Lalo na at palagi silang pinapahalalahanan ng kanyang ina na magkaibang-magkaiba ang mundo na ginagalawan ng mga Agravante sa mundong kanilang ginagalawan.  “Oo naman, bakit naman hindi?” pagtatanong ni Susan sa kanyang anak-anakan tiyaka niya ito nilapitan para tulungan sa pag-aayos ng kanyang lulutuin sa pananghalian.  “Kasi lagi niyo po kaming pinapahalalahanan na magkaiba ang mundong ginagalawan natin at ng mga Agravante?” litong pagtatanong ni Chaaya. Ang akala niya ay magagalit ang kanyang ina dahil lagi niyang pinapaalalahanan ang dalawa. Bahagyang natawa si Susan.  “Lagi ko kayong pinapalalahanan para respetuhin niyo pa rin sila kahit na magkaibigan kayo,” sambit ni Susan. “Kailangan niyo pa rin silag respetuhin dahil ang pamilya nila ang bumubuhay sa pamilya natin.” paliwanag pa niya.  “Pero hindi ibig sabihin non ay pinagbabawalan ko na kayong makipag-kaibigan sa kanila. Kung gusto nila at gusto niyo naman ay wala naman problema sa akin iyon, lalo na’t mabubuting binata naman ang dalawang Senyorito.” wika ni Susan. “Hindi ba nga wala naman akong problema sa pagkakaibigan ng Senyorito Lucas at ni Suzzie?” tumango si Chaaya sa sinabi ng kanyang ina. “Pero anak, hanggang kaibigan lang ah?” paalala niya kay Chaaya tiyaka niya hinawakan ang isang kamay nito at marahan na hinimas. “Hindi natin kayang kalabanin o tapatan ang Senyora.” payo nito sa kanyang anak.  Pagpasok ni Lucius sa sala ay nakita niya ang kanilang kasambahay at si Ethan, mukhang nag-away ang dalawa base sa kanilang pananahimik.  “What’s happening?” pagtatanong niya kaya napatingin sa kanya ang dalawa. Napahawak sa ulo niya si Ethan na tila sumasakit ang kanyang ulo dahil sa nangyayari. Nag-bow sandali ang dalaga nilang katulong tiyaka na siya umalis na may luha sa kanyang mga mata.  “What’s happening your ass,” sambit ni Ethan tiyaka siya umakyat papunta sa kanyang kwarto dahil kailangan niyang magpalamig ng ulo pero sinundan siya ni Lucius para mag-usap din sila tungkol sa sadya niya dito sa isla.  “Wait!” sambit niya sa kanyang pinsan pero matigas din ang ulo ni Ethan. Ano pa bang inaasahan niya? It runs in their blood. “Wait up, man!” wika pa ni Lucius dahil ayaw huminto ni Ethan.  “Shut up!” inis na sambit ni Ethan sa kanyang pinsan dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng kanyang pinsan ang kanyang nakaraan. Humintp siya sa paglalakad nang nasa hallway na sila ng second floor, sa tapat ng kanyang kwarto at bago pa siya pumasok ay hinarap niya ang kanyang pinsan. “If you’re gonna ask me about the past, shut the f**k up.” babala niya sa pinsan nito kaya agad na tinaas ni Lucius ang kanyang dalawang kamay bilang senyales ng pagsuko niya at hindi siya magtatanong sa kung ano man ang nangyari noon.  “I just want to ask, why would mom invite you this time?” pagod siyang tiningnan ni Ethan at mukhang hindi nakakaramdam ang kanyang pinsan.  “Isn’t it obvious? She wanted me to invite my cousin so you could get along, fall in love with each other just like when your mom and my mom shipped you and my cousin when we’re kids and eventually get married to heal your heart from being broken hearted to the first woman you loved!” inis na pagpapaliwanag ni Ethan.  “Oh shut up dude,” Lucius said since Ethan’s voice was mocking him.  “But I guess, your heart was already healed from your first love?” ngumisi si Ethan at mas pinili na lang niyang asarin ang kanyang pinsan.  “What do you mean?” pagtatanong ni Lucius dahil hindi niya maintindihan ang kanyang pinsan.  “Oh, Chaaya?” pagtatanong ni Ethan habang nakangisi ang kanyang labi. “I guess she has a crush on me.” Tumalim ang tingin ni Lucius sa kanyang pinsan dahil alam niyang mapaglaro sa mga babae ang pinsan niya.  “Shut up,” inis na sambit ni Lucius sa kanyang pinsan. Nag-enjoy bigla si Ethan dahil sa pinakitang reaksyon ni Lucius sa kanya.  “Why? Is she your girlfriend?” nagtiim ang bagang ni Lucius dahil sa tanong ni Ethan.  “No,” sagot ni Lucius dahil iyon naman ang totoo. Napailing si Ethan bago niya tinalikuran ang kanyang pinsan at binuksan ang pinto ng kanyang silid.  “Oh, so I can court her?”  “What the f**k? No!” hindi alam ni Lucius kung bakit siya nakaramdam ng inis.  “Why not?” ngisi ni Ethan at bago pa sumabog ang kanyang pinsan ay sinara na niya ang kanyang pintuan.  “DON’T f*****g TOUCH HER, ETHAN DIZON JUAREZ!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD