KABANATA 12

2507 Words
KABANATA 12 Hindi alam ni Chaaya kung saan siya dadalhin ng Senyorito. Nagpatiaanod na lang ang kanyang paa kung saan man siya dadalhin ng binata. Siguro ay hindi naman siya nito dadalhin sa lugar na mapapahamak siya kaya pinagkatiwalaan na lamang niya si Lucius. Ang kaso nga lang ay pinagtitinginan sila ng mga trabahador na madadaanan nila kaya nilaglag ni Chaaya ang kanyang buhok tiyaka siya yumuko para mapagtakpan ang kanyang mukha kahit na kilala naman ang kanyang duster. Mas kumportable na lang siya na hindi niya nakikita ang mga matang nakatingin sa kanila keysa sa makasalubong niya ang mga ito na halatang magiging usap-usapan na siya mamaya. Dahil sa pagyuko niya ay hindi niya napansin na nakapasok na sila sa likuran ng mansyon kung saan malapit iyon sa kusina. Huminto na si Lucius kaya bumunggo ang kanyang noo sa likod ng binata kaya bigla siyang napaayos ng tayo. Natawa si Lucius dahil sa reaskyon ng dalaga. Napatingin si Chaaya sa dirty kitchen ng mansyon, gusto niya sanang yumuko ulit dahil may mga tauhan muli sila sa kusina na litong-lito kung bakit siya hila-hila ng Senyorito. Kahit siya naman ang nasa posisyon ng mga ito ay ma-intriga kung bakit may hila-hila na lang ang Senyorito na isang babae.  “Come here,” pagtawag ni Lucius sa dalaga, papasok sa pinaka-kusina ng mansyon pero nahihiyang gumalaw si Chaaya dahil sa mga matang nakatingin sa kanya. Napatingin din sa paligid si Lucius dahil hindi gumalaw ang babae kaya naintindihan na niya kung bakit hindi gumalaw ang dalaga. Bumuntong-hininga siya tiyaka niya muling nilapitan si Chaaya tiyaka siya ngumiti.  “Let’s go?” anyaya niya nang nakangiti kaya dahan-dahan na tumango ang dalaga. Sumunod na siya kay Lucius, siguro ay mamaya na lang niya sasabihin sa binata kung ano ang bumabagabag sa kanya.  Pagpasok nila sa kusina ay may taong kumakain, lalaki na medyo malapad ang kanyang likuran at maputi kumpara kay Lucius. Kasingkulay niya si Lucas pero dahil namamalagi sa kanila si Lucas ay alam ni Chaaya na hindi si Lucas iyon. Biglang tumambol ang kaba sa kanyang puso, hindi niya pa nakikita ang Senyor o ang Mayor kaya baka siya ang kumakain. Gusto niya mang tumalikod at umalis na lang ay hindi niya magawa dahil hawak siya ng binata.  “Hmmm. Masarap pa rin ang adobo mo Manang Amelia.” sambit nito pero dahil sa timbre ng boses ng lalaki ay sigurado na hindi pa siya matanda at mukhang kasing-edad lang nila nin Lucius ang nagsalita.  Napatingin si Chaaya kay Lucius na nakakunot ang noo habang nakatingin sa lalaking nasa lamesa. Base sa pagtawag ng binata ay napagkamalan sila na si Manang Amelia ang pumasok sa kusina. “What are you doing here?” tanong ni Lucius sa binata kaya naman nakuha na nila ang atensyon ng kumakain.  Hindi mapigilan na mapahawak sa bibig dahil sa gulat ni Chaaya dahil sa nakita niya. Para bang hindi siya makapaniwala na may nakita siyang ganoong kagandang mukha ng isang lalaki. Napansin ng binata ang naging reaksyon ng dalaga sa tabi ng kanyang pinsan, kunot noo niya namang tiningnan ang kamay ni Lucius na nakahawak sa pulso ni Chaaya. Sinubukan na alisin ni Chaaya iyon pero hindi bumitaw si Lucius kahit na ramdam na niya ang pag-alis o ang pasimpleng inaailis ng dalaga ang kanyang kamay.  “I don’t know why I’m here, better ask your mom.” sarkastiko na sambit ng binata kay Lucius. “She said you needed my help,” dagdag pa nito na siya namang ipinagkunot-noo ni Lucius dahil hindi niya maintindihan.  “What? I don’t need your help,” naguguluhan na sagot ni Lucius sa kanyang pinsan. Pinsan niya sa kanyang ina na si Ethan.  “As if I ask to be here,” bulong-bulong ng kanyang pinsan. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Lucius kung bakit ayaw manatili ng kanyang pinsan dito sa Isla.  “Bilisan niyo at baka gusto pa ni Senyorito Ethan ng adobo,” wika ni Manang Amelia dahil ang bagal ng nautusan niyang magsalin ng kanyang niluto sa mangkok.  “Manang,” pagtawag ni Jeraldine sa mayordoma kaya tiningnan siya ni Amelia.  “Bakit?” pagtatanong ng matanda sa isang kasama niyang kasambahay.  “Bakit po magkasama ang Senyorito Lucius at ang panganay na anak ni aling Susan?” pagtatanong nito. Kumunot ang noo ni Amelia dahil sa sinasabi nito, alam niya na may pagka-chismosa si Jeraldine.  “Anong ibig mong sabihin?” pagtatanong niya kaya lumapit ang iilan para maki-chismis din para sa isasagot ng matanda.  “Kanina habang kausap mo po sa labas ang Senyora e bigla na lang pumasok dito sa likod ng mansyon ang Senyorito Lucius. Noong una ay akala namin siya lang at pumasyal lang siya sa may dalampasigan kaya sa likuran siya ng mansyon dumaan pero!” masiglang sambit nito kaya nainis ang mayordoma sa pabitin na ginawa ni Jeraldine. “May kasama siya! Hindi lang basta kasama kung hindi hawak-hawak niya pa ang kamay ng babae!”  “Oo nga Manang,”  “Nakita nga rin po namin,”  “Nakakapagtaka po,” sabay-sabay niyang narinig sa iba pang mga kasambahay kaya isa-isa niya itong tiningnan ng masama kaya naman umiwas sila ng tingin at pinagpatuloy ang kanilang ginagawa.  “At ang babae na iyon ay walang iba kung hindi ang panganay na anak ni Aling Susan na ngayon lang umuwi sa Isla pagdaan ng ilang taon!” dagdag pa nito. Huminga ng malalim si Amelia dahil may kutob na siya pero pinagsawalang-bahala na lamang niya ito.  “May relasyon po ba ang dalawa noon pa lang?” kinapalan na ni Jeraldine ang kanyang mukha para itanong iyon sa matanda kaya naman napaatras siya ng bigla siyang tingnan ng masama ni Amelia.  Ayaw na ayaw din ni Amelia na pinag-uusapan ang buhay ng kanyang mga alaga para pag-chismisan lang sa kanilang bayan. Ang gusto niya sana ay makakilos ang mga alaga niya na walang nakabantay sa kanila na mga tao para kahit papaano ay ma-enjoy nila ang kanilang buhay. Alam niyang istrikta ang Senyora at kapag hindi niya nagustuhan ang narinig niya mula sa ibang tao ay pagbabawalan niya ang kanyang mga anak kahit na kasiyahan pa ito ng kanyang mga anak.  “Isa pang marinig ko ang boses niyo na pinag-uusapan ang buhay ng alinman sa mga senyorito at marinig kong malaman ng Senyora ang mga maling impormasyon na lumalabas sa inyong bibig ay magpaalam na kayo sa inyong mga trabaho!” istriktang sambit ni Amelia kaya naman aligaga ang lahat na bumalik sa kanilang trabaho.  Hindi na pa nagpa-stress ang matanda sa kasama niyang kasambahay tiyaka niya kinuha ang mangkok na nasa tray para ibigay niya pa ito sa pamangkin ng Senyora na kanilang bisita ngayon sa mansyon. Pagkatapos ay naglakad na siya pabalik sa pinaka-kusina ng mansyon.  “Senyorito,” pagbigay galang niya nang makita niya ang alaga niyang si Lucius na nakatayo malapit sa pintuan habang hawak-hawak niya ang pulso ng dalaga. Napatingin siya kay Chaaya kung hindi siya nagkakamali na iyon ang pangalan niya, nahiya bigla si Chaaya sa tingin ng matanda kaya kaagad siyang umiwas ng tingin.  “Manang,” pagbati ni Lucius sa matanda dahil para bang lola na niya si Amelia.  “May bisita din po pala kayo,” wika nito habang nakatingin pa rin kay Chaaya. “Mas mabuti pa pong sumabay na kayo sa pagkain ng Senyorito Ethan.” sambit ng matanda kaka tumango si Lucius.  Bumuntong hininga si Lucius bago niya hinila si Chaaya palapit sa kanilang mesa at pinatabi niya ito sa kanyang tabi habang nasa kabisera ang kanyang pinsan. Umikot ang mata ni Ethan dahil mukhang alam na niya kung bakit pinatawag siya ng kanyang tita para kumbinsihin ang kanyang pinsan sa isang bagay.  “Ito pa po ang adobo,” binaba ni Amelia ang mangkok na may laman ng sabaw ng adobo sa gilid ng Senyorito Ethan. Pumalakpak ang matanda kaya lumapit sa kanya ang dalawang kasambahay. “Kakain din ang Senyorito Lucius at ang kanyang bisita,” sambit niya kaya tumango ang dalawa na tila alam na nila kung ano ang kanilang gagawin.  “What brings you here?” pagtatanong muli ni Lucius sa kanyang pinsan habang si Chaaya ay hindi maiwasan na mamangha sa binatang nasa harapan nila ngayon. Hindi sila magkahawig ni Lucius, alam naman niya na gwapo ang parehong binata pero iba lang ang tama sa kanya ni Ethan kung hindi siya nagkakamali sa pagkakarinig ng pangalan ng binata.  “I already told you,” tamad na sambit ng binata tiyaka niya kinain ang kanyang pagkain. “I don’t want to be here either.” dagdag pa niya.  Hindi maganda ang karanasan ng kanyang pinsan sa Isla dahil sa isla mismong ito namatay ang kanyang ina kaya hindi na siya kailanman pumupunta dito simula noong namayapa na ang kanyang ina. Mas nag-stay siya sa Manila.  Ilang sandali pa ay dumating na ang mga kasambahay para maglagay ng plato sa tapat nina Lucius at ni Chaaya. Bahagyang nailang si Chaaya dahil hindi naman siya talaga bisita at hindi siya gaanong sanay na pinagsisilbihan siya ng mga kasama niyang trabahante sa mansyon ng mga Agravante. Sigurado ay lumipad na ang balita sa kanyang ina kaya naman may problema siyang haharapin mamaya sa bahay dahil panigurado na sesermunan siya ng ina niya tungkol dito.  “Water for Chaaya, please.” Utos ni Lucius sa isang kasambahay dahil iyon ang pinunta nila dito. Nakalimutan na niya na hiningal ang dalaga dahil sa kanya dahil sa presensya ng kanyang pinsan at hindi niya alam kung ano ang plano ng kanyang ina kung bakit niya pinatawag ang kanyang pinsan dito.  Nang inabutan si Chaaya ng tubig ay nahihiya niya itong kinuha sa kasambahay tiyaka siya uminom. Hindi lang siya hiningal dahil sa pagtakbo niya kanina kung hindi nanuyo rin ang kanyang lalamunan dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa dalawang Senyorito. Napatingin siya sa isang kasambahay na nakatingin sa kanya kaya napatingin din si Chaaya don, nginitian siya ng babae na siyang pinagtaka niya kaya naman ngumiti na lang din si Chaaya.  Nakuha lang ulit ni Lucius ang kanyang atensyon nang naging abala ang binata sa paglalagay ng kanin at ng ulam sa plato ng dalaga. “A-ako na,” nahihiya si Chaaya na pinagse-serve pa siya ng Senyorito gayong siya dapat ang mag-serve sa binata. Siya ang kasambahay o trabahante sa mansyon kaya hindi niya alam kung bakit nagmumukha siyang bisita ngayon. Kasabay pa nila na kumain ang pinsan nito na mukhang bigatin din.  “Let me,” wika ni Lucius kaya hindi na siya makipag-away sa Senyorito. Nahihiya rin siyang umangal dahil kasama nila ang kanyang pinsan.  “Is she your girlfriend?” pagtatanong ni Ethan kahit na hindi niya tingnan nag dalawa. Ayaw niya rin tingnan ang dalawa dahil may naalala siya na hindi niya dapat pang maalala.  “Hi-hindi po.” agad na sambit ni Chaaya dahil ayaw niya na magkaroon ng maling balita sa kanya ng Senyorito dahil ayaw niyang masira ang pangalan ng binata o kaya naman ay maling balita ang makarating sa kanyang ina. Kahit na matanda na siya at kaya na niyang magdesisyon para sa kanyang sarili ay takot pa rin siya sa kanyang ina.  “Hmmm. You look like one,” sambit ni Ethan bago niya nguyain ang kanyang baboy. Nagtiim ang bagang ni Lucius dahil sa ginagawa ng kanyang pinsan. Halata na labag sa kanyang kalooban ang pagpunta niya sa Isla.  “Why? Does it remind you of something?” kumunot ang noo ni Chaaya sa tinanong ni Lucius. Biglang napahinto sa pagkain ang kanyang pinsan tiyaka niya tiningnan si Lucius gamit ang matatalim niyang tingin. “She’s here, do you want me to call her?” pagtatanong pa ni Lucius habang may ngiti sa labi dahil iyon ang isang rason kung bakit ayaw ng kanyang pinsan na si Ethan ang pagbalik sa isla.  “Don’t ever go that, Lucius.” pagbabanta ng kanyang pinsan sa kanya. Gusto lang paalisin ni Lucius ang kanyang pinsan, magkasundo naman sila pero ayaw niya na nandito siya sa Isla dahil alam niyang may binabalak ang kanyang ina. “Or I will tell your girl beside you how crazy you were loving your first love,” sambit ni Ethan tiyaka siya tumayo para pumunta na sana sa kanyang kwarto.  Ang kaso nga lang ay sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi naman alam ng isa nilang kasambahay na tatayo pala si Ethan kaya nabuhos ang juice na dala-dala niya sa puting shirt ng binata. Umawang ang labi ni Chaaya dahil sa gulat habang napangisi naman si Lucius. Sisigawan sana ni Ethan ang nakabuhos sa kanya ng juice ang kaso nga lang ay nabitin ang kanyang boses nang makita niya kung sino ang nakabuhos sa kanyang shirt. Nagulat din ang kasambahay dahil sa nangyari.  Agad na sinamaan ng tingin ni Ethan si Lucius pero nginisian lang siya ng kanyang pinsan at nagkibit-balikat siya na tila walang alam. Dahil nasa pang-aasar ang atensyon ni Lucius sa kanyang pinsan ay hindi na niya napansin ang pagtayo ni Chaaya tiyaka siya kumuha ng tissue para lumapit sa pinsan ni Lucius.  “Pa-pasensya na po,” wika ni Chaaya dahil mukhang gulat na gulat ang kasambahay sa nangyari. Hindi pa rin ito makagalaw at mukha na siyang maiiyak. Kinakabahan din si Chaaya na baka masisante ang kasambahay sa kanyang trabaho at alam niya ang hirap ng buhay kaya siya na ang gumawa ng paraan para kahit papaano ay matuyo ang shirt ng Senyorito. Mukha pa naman na masungit ang Senyorito.  Ang babaeng ngumiti sa kanya kanina ang nakabuhos ng juice. At kung hindi siya nagkakamlai ay lahat silang apat ay nasa iisang edad lamang. Nagpapanic na pinupunasan ni Chaaya ang damit ni Ethan. Tiningnan niya ang babae tiyaka niya ito sinenyasan na bumalik na sa dirty kitchen para kumuha ng ibang juice. Agad na tumango ang babaeng kasambahay na mukha pa rin gulat na gulat sa nangyari tiyaka siya sumunod sa sinabi ni Chaaya. Halos hindi siya makahinga sa kaba at sa muling pagkakataon ay nakita niya ang mukhang iyon.  Agad na tumakbo ang babae paalis ng kusina dahil na rin sa hiya na naramdaman niya habang busy naman si Chaaya sa pagpapatuyo gamit ang tissue sa damit ni Ethan. Hindi niya alam kung bakit niya tinulungan ang babae pero nakaramdam siya na hindi kikilos ang babae dahil sa gulat niya kaya tinulungan na lamang niya ito. Ayaw niya rin na mawalan ng trabaho ang babae dahil mukha naman siyang palakaibigan nang nginitian siya nito ngayon.  “Aya!” pagtawag ni Lucius dahil ngayon lang na-proseso sa kanya ang ginawa ng dalaga kaya tumayo siya sa kanyang upuan at mabilis siyang lumapit sa dalawa. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng inis sa kanyang pinsan ngayon kaya hinila niya si Chaaya sa kanyang braso at nilagay niya ito sa kanyang likuran. Sa pagkakataon na ito ay si Ethan naman ang napangisi sa reaksyon ng kanyang pinsan.  “It’s a tie,” wika ni Ethan bago siya umalis sa hapag-kainan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD