KABANATA 23
Hindi alam ni Lucius kung ano ang binabalak ng kanyang ina dahil wala naman siyang ginagawa sa opisina ng kanilang planta kung hindi tumunganga lang. Nagulat na nga lang siya nang umuwi bigla ang kanyang ina galing Manila. Ang akala niya ay magtatagal pa roon ang Senyora pero mukhang nagkamali siya nang hinala dahil kinabukasan ay dumating ang kanilang private helicopter sa Isla sakay-sakay ang kanyang ina. Hindi na rin niya mabasa ang isipan ng sarili niyang ina simula noong hindi sila nagkasundo sa babaeng una niyang minahal at pinakilala sa kanyang pamilya.
Sa isang buong linggo ay ginigising siya ng kanyang ina para pumunta sa opisina nila sa may isla. Minsan ay may ginagawa siyang mga papeles pero madalas ay nakatunganga lang siya. Bantay-sarado din siya sa mga tauhan ng kanyang ina na hindi siya pwedeng umalis sa loob ng kanyang opisina hangga’t hindi sinasabi ng Senyora o hindi pa tapos ang kanyang shift. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niya pang pag-aralan ang mga bagay na napag-aralan naman niya noong nasa kolehiyo pa lang siya. Habang nag-aaral kasi siya ay pinag-aaralan niya rin ang kanilang kumpanya sa kautusan ng kanyang ina.
Katulad na lamang ngayon na nakatulala lang siya sa kanyang maliit na opisina. Hindi naman kasi ito ang pinaka-kumpanya nila. Opisina lang ito sa kanilang tubuhan at tinitingnan niya lang ang inventory at kung ano-ano pa sa planta. Kapag wala na talaga siyang magawa sa loob ng kanyang opisina ay lumalabas lang siya para makipag-usap sa mga trabahante nila. Isa rin na laging pinapaalala ng kanyang ama sa kanya na huwag niyang tratuhin ang kanilang mga trabahador na isang trabahador kung hindi bilang isang kaibigan nang sa gayon ay hanggang sa huli ang loyalty at ang tiwala nila sa kanya ay hindi mawawala o hindi mababayaran ng kahit magkano man na salapi.
May isang lamesa, swivel chair at dalawang upuan sa tapat ng kanyang lamesa. Mayroon din naman mahabang sofa sa gilid at may maliit na center table at sa tapat nito ay dalawang single sofa para kapag may bisita siya o kaya naman ay meeting na sinadya ng kanilang kliyente sa opisina na iyon tinakda. Madalas lang umupo roon ang kanyang ama at ina kapag dumadalaw sila o kaya naman ay kapag may kaibigan siyang naligaw na walang magawa sa buhay ay diyan doon din sila nauupo. O kaya ang kanyang kapatid kapag may problema siya ay bubuntong hininga lang siya roon pagkatapos ay aalis na. Ganon ang naging takbo ng isang linggo niya.
Napatingin siya sa pintuan ng opisina kung sino ang pumasok. Dalawang tao lang naman ang pumapasok doon sa nakalipas na isang linggo. Ang kanyang ina at ang kanyang ama o kaya ang mga tauhan ng mga ito. Tamad na tamad na siya dahil mukhang alam naman niya kung bakit parang kinukulong na naman siya ng kanyang ina. Masyadong halata ang Senyora at hindi man lang niya hinayaan na lumipas ang isang araw pagkatapos ng pangyayari na iyon.
Tama nga ang hinala niya at ang kanyang ama ang pumasok. Bahagya siyang nagpasalamat na ang Senyor ang niluwa ng pintuan dahil wala na siyang lakas para makipagtalo pa sa kanyang ina.
“Pa, I’m bored.” agad na sumbong ni Lucius sa kanyang ama na parang bata na siya namang ikanatuwa ng kanyang Senyor. “Seriously, I’m bored to death.” Wika pa niya dahil tinawanan lang siya ng kanyang ama.
“Don’t say that to your mother.” babala ng Senyor sa kanyang panganay na anak na siya naman ikanasalubong ng kilay ni Lucius.
“Why not? It’s true that I’m bored here!” mukhang bata ngayon si Lucius na nagrereklamo sa kanyang ama. Hindi naman siya binibigyan ng masyadong trabaho ng kanyang ina pero pinapapasok siya ng maghapon sa opisina.
“Don’t say that or else,” bitin na pagbabanta ng kanyang ama habang nakaupo lang siya sa malaking sofa sa loob ng kanyang opisina.
Pumunta lang ang Senyor para makita niya ang kanyang panganay na anak at kung walang ibang pinagagawang kakaiba si Luciana sa kanilang anak. Alam niya na masyadong strikto ang kanyang asawa pagdating sa dalawang binata niyang anak kaya naman ginagawa ni Luke ang lahat ng kanyang makakaya para hindi masyadong masakal ang dalawa nitong anak. Alam niya na parang nakakulong na silang dalawa sa kanilang ina pero hindi naman din niya kayang bawalan si Lucianna dahil iyon ang akala niyang magandang pagpapalaki sa dalawa. Hindi niya makontra ang asawa dahil magagalit lang lalo ito kaya minabuti na lang niyang tumahimik hanggang lahat ng makakaya niya.
“Or else what?” paghahamon ni Lucius dahil hindi na niya kaya na isang linggo pa siyang mamalagi sa opisina pwera na lang sana kung may ginagawa siya ang kaso nga lang ay wala naman pinapagawa ang kanyang ina, parang kinukulong lang talaga niya ito sa loob ng silid.
Kahit naman na may cellphone siya ay wala naman siyang alam gawin. Walang nang naka-download na games sa kanyang cellphone hindi tulad noon. Tiyaka isa pa, iniiwasan niyang magbukas ng social media accounts niya dahil mapipilitan siyang magpadala ng mensahe sa babaeng una niyang minahal. Ramdam niya na hindi pa siya kumpletong naka-move on sa babae pero alam naman din niya na paparating na siya roon. May konting sakit pa at iyon ang gusto niyang mawala para makapagpatuloy na siya sa kanyang buhay.
“Or else she will send you in Manila and date every daughter of her Amigas,” pananakot ng Senyor sa kanyang anak pero mukhang hindi naman iyon pananakot dahil iyon ang totoo.
Natahimik si Lucius pagkarinig niya pa lang sa Manila. Iyon ang gusto niyang mangyari. Ang marinig ang Manila na hindi nalulungkot—ang marinig ang Manila na hindi nasasaktan habang iniisip siya.
“You won’t let that happen,” sambit ni Lucius dahil sigurado naman siya na tututulan ng kanyang ama ang kanyang ina kapag pinagkakanlulo siya sa mga babaeng anak ng kanilang mga kaibigan.
“I can’t just go against your mom,” kibit-balikat na sambit ng Senyor para balaan ang kanyang anak na wala siyang magagawa kapag nangyari iyon. “I still love her and I still want to spoil her.” dagdag na wika pa ng Senyor dahilan ng pag-ngiwi ni Lucius.
“You know that’s corny right, Pa?” ngiwing pagtatanong ni Lucius sa kanyang ama pero nakangiti lamang ang Senyor.
“You know already that you get cheesy when you’re in love.” Ngiting sagot naman ng Senyor sa kanya kaya napailing na lang si Lucius.
“That’s the reason why mom is so hard headed because you spoil her that much!” umiiling na sambit pa ni Lucius. Kahit pa na laging pinagbibigyan ni Luke ang kanyang mga anak ay palagi rin namang pinagbibigyan ng Senyor ang Senyora.
“You spoil her too when you’re young that is why she’s furious now that you’re being rebellious,” pagpapaalala ng Senyor sa kanya. Pumikit na lang si Lucius dahil inaamin niya na may punto rin ang kanyang ama.
Dahil sa pagmamahal ng ama nito sa kanyang ina, lumaki silang ganon ang nakikita nilang dalawa ni Lucas kaya naman kahit anong gusto ng kanilang ina ay sinusunod ng mga ito nang hindi nagrereklamo dahil iyon ang magpapasaya sa ina nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikibo si Lucas kahit na hindi na niya nagugustuhan ang pinapagawa sa kanya ng kanyang ina. Nagsimula lang naman magkaroon ng espasyo sa pagitan ni Lucius at ang kanyang ina simula noong inayawan ng kanyang ina ang unang babaeng dinala niya sa kanilang bahay, ang unang babae na pinakilala niya at ang unang babaeng minahal niya.
“Like father, like son, I guess?” pang-aasar ng Senyor sa kanyang anak bago siya tumayo at magpaalam dahil may kailangan pa siyang bisitahin na baranggay.
Napabuntong hininga na lang si Lucius. Kahit na nang-asar lang ang kanyang ama ay nagpapasalamat pa rin ito sa presensya niya dahil kahit na marami siyang ginagawa katulad na lamang ng pagiging Mayor niya sa Isla at ang pagiging businessman niya ay hindi niya pa rin kinalimutan ang kanyang pagiging ama sa kanilang dalawang magkapatid. Kahit na nakakapagod ang trabaho niya ay hindi naging hadlang iyon para dalawin niya pa rin ang kanyang anak.
“Lucius Agravante, who gave you permission not to answer my calls?” iyon ang bungad sa kanya ng Senyora pagkapasok na pagkapasok niya palang sa opisina niya.
Napabuntong hininga si Lucius dahil mukhang mahaba-habang sermon ang dala-dala ng kanyang ina sa postura pa lamang niya kaya sinandal niya ang kanyang likuran sa kanyang upaun tiyaka niya tinaas ang kanyang kamay para ipatong sa kanyang noo at pumikit na ito ng mariin para ipakita sa kanyang ina na hindi siya interesado kung ano man ang sasabihin nito.
Katulad ng kanyang ama ay hindi rin naman nagkulang ang kanyang ina sa pagbisita niya sa kanyang opisina kahit na wala naman siyang ginagawa roon at ginagawa lang siyang pang-display ng kanyang ina. Ang kaibahan nga lang: kung ang kanyang ama ay ang ginawa asarin siya sa oras na nandito siya ang kanyang ina naman ay ang sermunan siya hanggang sa matapos ang oras ng pagbisita niya sa kanyang opisina. Lumalabas na nga lang sa kabilang tenga niya ang lahat ng sinasabi ng Senyora. Lalo na kapag pinipilit niya itong makipagkita sa mga anak ng kanyang mga Amiga.
“Mom, I’m not interested in any girls right now.” pagod kunwari na boses ang ginamit niya para malaman ng kanyang ina na napagod siya ngayon pero kinalampag ng kanyang ina ang kanyang lamesa kaya napilitan siyang ibuka ang kanyang mga mata. “I’m working, mom. I’m tired.” pagkukunwari pa nito pero pinanlakihan lang siya ng mata ng kanyang ina.
“Stop joking on me Lucius! You are not working,” doon nagising ang diwa ni Lucius tiyaka niya hinarap ang kanyang ina.
“So, you knew that I am not working and I don’t have work to do and yet you forced me to work everyday.” May pait na sambit ni Lucius sa kanyang ina pero inikutan lang naman siya ng mata ng Senyora.
“Why are you not answering your phone? Wala ka naman ginagawa dito!” sambit ng Senyora habang nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa lamesa. Naiinis na tinitingnan ang kanyang panganay na anak habang tamad lamang siyang tinitingnan ni Lucius na tila nasanay na sa kanyang ina.
“I’m lazy to pick it up,” walang kwenta na pagdadahilan niya kaya naman halos manlisik na ang mata ng kanyang ina sa kanyang sinagot.
Ang tigas ng ulo ng kanyang panganay na anak. Mukhang nagmana nga talaga siya sa kanyang ama na matigas ang ulo. Hindi niya lang ito kamukha noong kabataan ng Senyor kung hindi kasing-tigas din niya ang ulo ng Senyor noong binata pa ito. Ganitong-ganito ang kanyang asawa noong kabataan nila kaya minsan ay ang asawa niya ang inaaway niya sa pinamana niyang ugali sa kanyang mga anak. Ang hirap magpalaki ng tatlong lalaki—tatlo dahil kasama pa rin ang Senyor sa sakit ng ulo niya.
“Lucius!” Naiinis na sigaw niya sa pangalan ng kanyang anak. Hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin sa kanyang anak para hindi na tumigas ang kanyang ulo.
Tama nga sila na kailangan ng enjoy-in ng magulang kapag bata pa ang kanilang mga anak dahil sa ka-cute-an ng mga ito dahil kapag tumanda na sila ay sakit na sila sa ulo. Hindi na sila susunod sa kahit ano man na sasabihin nila dahil mayroon na silang sariling pag-iisip. Kahit na ang desisyon nila sa buhay ay nagiging dahilan kung bakit sila nasasaktan o kaya naman ay lumuluha. Gusto lang din naman niya katulad ng ibang mga ina na huwag masaktan ang kanyang mga anak kaya ginagawa niya rin ang lahat ng kanyang makakaya na alam niyang ikabubuti ng kanyang mga anak hindi lang ng kanilang pakiramdam kung hindi na rin ng uri ng kanilang pamumuhay.
“Mom, what is it?” tamad na tanong ni Lucius sa kanyang ina. Wala na siya sa mood para pakinggan pa ang panenermon ng Senyora. Sa isang linggo ay halos makabisado na niya kung ano man ang sinesermon sa kanya ng Senyora. Paulit-ulit na lang ito na para bang sirang plaka.
Iisa lang ang sinasabi o ang topic ng sermon nito—ang kanyang unang babaeng minahal. Wala na nga ito sa kanyang buhay. Mukhang masaya naman siya sa buhay niya na siyang ikinasaya niya na rin kahit na nasaktan siya ay hindi pa rin siya tinatantanan ng kanyang ina. Nasasaktan pa rin siya kapag may masamang sinasabi ang kanyang ina tungkol sa kanya dahil kahit papaano ay minahal niya pa rin ang babae. At kahit na wala na sila ay magkaibigan pa rin sila kaya siya pa rin ang nasasaktan kapag may sinasabing masama ang kanyang ina.
Hindi naman din niya madepensahan dahil alam niyang matutuliro ang kanyang ina sa oras na dinepensahan niya pa ang babae. Parang nagbukas na naman siya ng panibagong giyera sa pagitan nilang dalawang mag-ina kapag nangyari iyon. Kaya hindi na lang niya masyadong pinapakinggan ang kanyang ina kung bakit wala na siyang ibang masermon kung hindi ang babaeng una niyang minahal. May parte sa kanya na naintindihan naman niya dahil nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang dalawang mag-ina pero kahit na ganoon ay sana nirespeto na lang ng kanyang ina ang nararamdaman niya.
Huminga ng malalim ang Senyora para kumalma. Hindi kasi siya makakalma kapag ang kanyang panganay na anak ang kanyang kinakausap dahil pabalang na siyang sinasagot nito at hindi na siya sumusunod kung ano man ang sinasabi niya kahit pa para sa ikabubuti niya.
“Did you talk to your cousin?” pagtatanong ng Senyora at sa pagkakataon na ito ay si Lucius naman ang napairap.
“That ugly asshole,” sambit niya na kaagad naman lumapit na sa kanya ang kanyang ina para hampasin niya ang braso nito. Dahil hindi inaasahan ni Lucius iyon ay hindi siya nakailag at aaminin niyang masakit ang hampas na iyon ng kanyang ina kaya agad siyang lumayo sa Senyora bago pa dumoble ang paghampas niya.
“What?” inosenteng tanong ni Lucius sa kanyang ina habang hinahaplos niya ang kanyang braso kung saan siya hinampas ng kanyang ina.
Naiinis pa rin siya sa kanyang pinsan dahil naalala niya na siya ang sinagot ni Chaaya noong tinanong siya ng kanyang ama kung sino ang natitipuhan niyang lalaki sa Isla. Di hamak na mas magandang lalaki naman siya keysa sa kanyang pinsan kaya hindi niya alam kung bakit hindi siya ang sinagot ng dalaga. Isa pa, siya kaya ang una niyang nakilala kaya bakit si Ethan ang natipuhan niya? Pwede naman siya, available pa siya.
“What did you say?” pagtatanong ng Senyora sa kanya kaya napasinghap na lang si Lucius at napailing. “Stop with your immaturity Lucius. God! You are already twenty-seven!” pagpapaalala ng kanyang ina sa kanyang edad na animo’y nakalimutan niya iyon. Hindi niya naman nakakalimutan ang kanyang edad dahil iyon ang isa sa pagkapareho nila ni Chaaya.
“Then what is it now, mom?” pagtatanong ni Lucius. Ayaw niyang marinig ang tungkol na naman sa pinsan ni Ethan sa kanyang mother side. Halos ialay na siya ng kanyang ina sa babaeng iyon. Gaano ba kagaling ang babaeng iyon para ialay siya na parang handog ng kanyang ina?
“If it’s all about his cousin, I am not interested!” sambit niya agad. Pinangunahan na niya ang kanyang ina kung tungkol na naman iyon sa babaeng nirereto niya sa kanya.
Hindi niya alam kung ayaw lang makiramdam ng kanyang ina o hindi lang niya ramdam na ayaw niya munang makipag-date sa mga babae dahil kakagaling niya lang sa isang pagkasawi ng puso. Gusto niya muna ng oras para sa kanyang sarili, para makapag isip-isip siya ng tama. Dahil kapag pinilit siya ng kanyang ina ay alam niyang ikukumpara niya lang ang babaeng iyon sa unang babaeng minahal niya.
At ayaw niyang mangyari iyon, pakiramdam niya ay ang unfair niya sa ibang babae sa oras na ginawa niya iyon. Ayaw niyang may masaktan dahil sa kanya dahil alam niya ang pakiramdam ng hindi pinili.
“Let’s talk about her some other time,” sambit ng kanyang ina na animo’y pumayag siyang makipagkita sa babae at para bang gusto niyang pag-usapan nila ito kahit na klaro naman ang kanyang pagkakasabi na hindi siya interesado dito.
At sigurado rin naman siya na hindi magiging interesado ang babae sa kanya dahil imposible na wala pa itong kasintahan sa edad nila. Laking Manila siya kaya panigurado siyang marami kung hindi man marami ay may karelasyon na siya ngayon.
“Or maybe we can not talk about her every time we see each other,” tamad na sambit ni Lucius dahil baka hindi pa rin naintindihan ng kanyang ina na ayaw na ayaw niya sa ideya niyang makipag-date sa babae ni makipagkita man lang ay hindi niya maatim.
“I can’t promise you that,” pasagot ng Senyora sa kanya. Hindi siya magpapatalo sa kanyang anak kaya naman nawalan ng emosyon si Lucius habang nakatingin sa kanyang ina.
“Anyway, I would like to remind you about Ethan’s mother, your aunt, my sister-in-law—it’s her death anniversary tomorrow.” napaayos ng upo si Lucius dahil doon tiyaka niya kinuha ang kanyang cellphone na nasa lamesa para tingnan ang kalendaryo kung hindi nga nagsisinungaling ang kanyang ina.
“I hope you will let him join you to visit my sister-in-law’s grave,” sambit ng kanyang ina tiyaka na siya umalis sa kanyang opisina.
Kinuha na ni Lucius ang kanyang wallet na nasa lamesa at ang kanyang susi. Nagpaalam na siya sa sekretarya na binigay ng kanyang ina para umuwi na siya at nang makausap na niya ang kanyang pinsan.
Pagdating niya sa mansyon ay agad siyang dumeretso sa kwarto nito pero nagsalubong sila ng kasambahay nilang si Ashley na mukhang nag-aalala ang kanyang mukha.
“What happened?” pagtatanong niya dahil baka nag-away lang sila ng kanyang pinsan.
“Wala po si Senyorito Ethan.” sambit nito kaya naman nag-alala na rin si Lucius sa kanyang pinsan at binuksan niya ang pintuan ng kwarto nito.
Tunay nga na wala roon ang kanyang pinsan. Lumabas siya sa veranda ng kwarto nito dahil baka nandoon lang siya at tinaguan niya lang si Ashley. Kumunot ang kanyang noo nang may natanaw siyang dalawang pigura ng tao sa may dalampasigan kaya agad siyang naglakad palabas ng silid at papalabas ng mansyon. Wala sa sarili naman siyang sinundan ni Ashley.
Nang makarating sila sa dalampasigan ay agad naman niyang nakita ang kanyang pinsan na masayang nagtatawanan kay Ashley kaya naman sinigaw niya ang pangalan ng dalaga para makuha niya ang atensyon nila dahil ang sakit sa matang tingnna ang dalawa na nagtatawanan na para bang may sariling mundo.
“Aya!” pagtawag niya kaya naman humarap sa kanya ang dalawa at hindi na siya nagdalawang isip na lapitan pa ang dalawa para makuha na niya si Aya at malayo na niya ito sa kanyang pinsan.
“Lets’s go,” paghila niya sa dalaga.
“Hey dude!” tumayo agad si Ethan dahil nagulat siya sa nangyari.
“Shut up, Ethan.” Sambit ni Lucius.
“I will borrow her for a while, can I?”